Friday, April 27, 2007

Sniper Rifle

Ang weirdo ng panaginip ko kagabi...

Ang timeline ng panaginip ko ay ang kasalukuyan nating panahon, ngunit ang girlfriend ko daw ay 'yung naging girlfriend ko (nga ba?) mga dalawang taon na ang nakakaraan (clue: naging model siya para sa isang telecommunications company at tindahan ng mga alahas d'yan sa may Glorietta). Ang set-up namin: nagdi-date kami, paligid-ligid rito sa Makati, ngunit lagi kaming sinusundan ng ex-boyfriend niyang deranged at sobrang obsessive. At sa sobrang kasiraan ng ulo ng lalaking ito, naging pakay niya ang harapang pagpatay sa'kin. Nu'ng minsan daw na nakatambay kami ni "girlfriend" sa harapan ng school namin na nasa Buendia Avenue, biglang may nakita akong bala na tumama malapit sa paa ko. SNIPER MODE PALA ANG WALANDYONG EX. Nasa katapat siyang gusali at kitang-kitang nakatutok sa'kin ang sniper rifle niya. At dahil sa panic, sumilong kaming dalawa ni "girlfriend" sa loob ng school namin at hindi na muling lumabas. Eh may naka-park na space ship sa may likuran ng school namin. Sinakyan namin 'yun, pinaandar, at dumiretso sa outer space. Jumping Jupiter!

Nagising nitong umaga at napaupo. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko at nararamdaman ko pang nanginginig ang mga paa ko.

Sinubukan kong alamin ang motibo kumbakit ako nanaginip ng ganu'n. At sa palagay ko, medyo may idea ako. Ngayon kasi, mayroon akong kaibigan na may sobrang possessive na ex-boyfriend. Schizophrenic (split personality) pa nga daw, sabi niya. Wala na silang relasyon, ngunit patuloy sa pagkontrol ng buhay ng kaibigan ko 'tong ex niya. At itong kaibigan ko, wala siyang magawa dahil takot siya sa lalake. Ayon sa kanya, "may alas daw itong pinanghahawakan." Eh kahapon, kasama ko siya at nang best friend kong kabayo na si Jeff sa may SM Manila. Nasabi ko yata sa kaibigan kong 'to na "baka sinusundan tayo ng ex mo, kaya hindi na ako magugulat kung masa-salvage ako."

Medyo alam ko ang itatanong niyo. "Ano'ng connect?"

12 comments:

  1. May koneksyon naman ah.

    Haha kamukha ni Cactuar yung Jake-O-Meter mo. Naglaro ka ba ng FF8?

    ReplyDelete
  2. Akalain mo nasa trabaho pa rin ako habang binabasa ang blog mo :P

    Tama ka requirement na talaga maligo ng dalawang beses sa isang araw sa init ng panahon :P

    May connection naman yung napanaginipan mo sa nangyari sayo kahapon e :) Nakakatakot naman yun ex-boyfriend ng kaibigan mo :( Sana makahanap na yung ex niya ng ibang kakaobsess-an hihi

    ReplyDelete
  3. talaga alas siete bawal na sa intamuros... pano yung mga kumakain sa McDo doon ng gabi?.. or na mis-interpret ko lang?

    ReplyDelete
  4. aba... may kapangalan pala ako dito na nalalagi sa blog mo, ROANNE din! hehehe... pero RHO na lang itawag mo sa akin! hihihi.. anong koneksyon???! hahaha! ni-persuay daw ang sarili ko oh! nasabi ko lang...

    ka-grabe naman ng iyong panaginip! dapat mag-isip ka muna ng payapa bago matulog para hindi kung ano-ano ang mapanaginipan mo! :)

    okaaaaay... masyado ng mahaba ang komento ko!! Happy weekend pala sayo..

    kunyari, hindi ako dumaan sa blog mo! nyahahahaha! ginaya lang kita! lolz!

    ReplyDelete
  5. Uy, maraming salamat isa na pala akong kapanalig mo :) Susuklian ko naman ito ng paglagay ko din sa link mo sa blog ko... (parang ang gulo ng sinabi ko? hehe)

    Muli, maraming salamat!

    ReplyDelete
  6. tungkol sa panaginip mo, bka sinasabi ng panaginip mo na may tendency kang maging ganun? biro lang. ang ibig kong sabihin e baka in a way, may connection ka with the deranged ex. baka may mga konting similarities kayo. peace! :)

    haha! agree ako dun sa mga lessons learned mo. oo nga naman, pag di ka kumain on time, yung mga susunod mo pang meal e ikakain mo na rin ng wala sa oras. yung tungkol sa intramuros, nalulungkot ako :(

    ReplyDelete
  7. para kang yung boypren ko kung managinip. haha.

    ReplyDelete
  8. Sumakit ang ulo ko sa sniper slash ex-boyfie ni gelplen. Sniper, yung paa mo lang ata ang target? Mahina yan, mhen! Di marunong! The gelplen is better off with you, hehe.

    May konek naman. Di naman isolated ang mga obsessed ex's sa panahon natin ngayon.

    ReplyDelete
  9. wahahaha! ang tindi nmn ng panaginip na yan. . . mahina nmn ata mata nun at sa paa k lng tinamaan! galing ng kowtz of d day mu!

    ReplyDelete
  10. Hey, salamat sa pagdaan sa blog. Pasensya na at di ako nakacomment agad..medyo naglurk lang muna ko.

    Naaliw ako sa dream mo. Pareho tayo ganyan din ako ka animated managinip except there are no exes involved lol.

    Panalo ang Jake-o-meter mo. Natawa ko nung una ko syang nakita. haha Great idea. :)

    ReplyDelete
  11. Ayus yang panaginip mo ah! Hehe! Lupit nung spaceship!

    Ang bangis nung Jake-o-meter mo. Hindi pwedeng hindi mo maiisip si Cactuar!

    Gusto ko ulit laruin yung FF8. Pero tae, sira na yung PS1 ko e.

    ReplyDelete
  12. di ko mafigure-out kung sino yung "girlfriend" mo dun sa dream mo :p kakaluka ung dream ha...creepy!

    hanggang 6pm lang puedeng magstay sa Intramuros Walls. delikado na raw kasi eh. kaluka nga't biglang may ganyang policy na sila. sa four years kong pag-aaral sa isa sa mga universities sa Intramuros eh recently lang kami napagsabihan ng guard regarding that...as in pinaalis talaga kami habang masaya kaming nagkukuwentuhan ng 2 friends ko ^_^

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails