Tuesday, May 22, 2007

Alamat Ng Lasing Na Butiki

Sa kabila ng pag-backout ng aking pinakamamahal na matalik na kaibigang kabayo na si Jeff at isa pa naming kaibigan, itinuloy namin ng isang kaibigan na itatago ko na lang sa pangalang Renz ang aming lakad nitong nakaraang Sabado: gimmick night sa Eastwood Citywalk du'n sa Libis, Quezon City. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi gumigimik. Siguro mga dalawang dantaon na ang nakalilipas. Hindi naman masamang libangin ang sarili sa ganitong paraan paminsan-minsan. Minarkahan ko ang gabing ito bilang paglimot sa humahabang listahan ng mga problema ko at humahabang panahon ng aking pagiging miserable at bitter sa alam-mo-naman-siguro-kung-ano-'yun (kung hindi pa, maaring makipag-ugnayan).

Mula sa Robinson's Place Manila, nagtungo muna kami sa Farmer's Plaza sa Cubao upang maghapunan dahil natitiyak naming wala kaming kakainan sa aming destinasyon. Meron naman, pero siguradong dolyares ang currency nila du'n at mamumulubi kami. At tulad ng nakagawian kapag dito ako napapadpad, naging hapunan ko ang aking paboritong Shark's Fin with rice du'n sa may food court. At matapos ang panandaliang pamamalagi, tuluyan na kaming lumarga tungong Libis.

Marami-rami na ang mga taong kapwa-nagsasayang ng oras nu'ng dumating kami du'n. Naalala ko dating araw-araw ako rito sa isang building upang sunduin ang dati kong girlfriend. Pero hindi counted 'yun sa kwento ko ngayon. Dahil medyo maaga-aga pa naman, nagtungo muna kami sa Powerstation (video game arcades) sa ano-nga-bang-building-'yon upang maglibang sa paglalaro ng Drummania at GuitarFreaks (simulation games ng drums set at gitara).

Matapos niyan, medyo naghanap pa kami ng maari naming puntahan upang simulan ang aming maitim na balak. Naisip kong simulan ang lahat sa Blue Onion Bar. Nahilu-hilo pa kami sa paghahanap nu'n. At nang makarating, pormal na naming sinimulan ang aming magdamagang bonding kapiling ang tig-isang bote ng beer. Kasabay sa ingay ng mga lasing na magbabarkadang lalaki, daldalan ng mga pagkaganda-gandang mga chicas, at dagundong na gawa ng kanilang resident DJ, nilibang namin ang mga sarili namin. Ito 'yung tipong kahit nakaupo lang ako ay nag-e-enjoy naman.

Lumabas muna kami pansamantala matapos ubusin ang beer upang matingnan kung may sunod kaming bar na mapapasukan. Tsaka na lang namin nalaman na medyo limitado ang kayamanang dala-dala ng mga wallet namin kung kaya't nagbalik na lang kami sa Blue Onion. Sa palagay ko, dito na nagsimula ang highlight ng gabing ito. Sinagot ni Renz ang juice na in-order namin. Orange Juice sa kanya, Mango Juice sa'kin. Sa mga oras na ito ay jam-packed na ang mga tao. May mga nagsasayawan nang mga chicas sa stage, may mga taong sumasayaw na lang kung saan sila nakatayo. At dahil nga plano kong magpasanib sa impluwensya ng ispirito, um-order ako ng mga shots ng Arctic Vodka Strawberry bilang Go-Signal sa pagpasok sa kakaibang mundo. Matapos ang ilang lagok, pakiramdam ko e parang may nag-flying kick na hippopotamus sa ulo ko dahil tinamaan na 'ko. Nagmukha na akong American Indian dahil ang pula ko na raw sa itim kong ito. Mala-chainsaw na rin ang pagyoyosi ko nu'n at kung anu-ano na raw ang mga pinagsasabi ko.

"Lovelife? Kalokohan lang 'yan..."

"Masarap maging bitter kasi hindi ka masasaktan sa wala at hindi ka magiging tanga."

"Bawal magreklamo sa mga bagay na ginusto mo at hinayaan mong mangyari."

"Bakit ka magmamahal ng totoohanan kung iiwanan ka rin naman?"

"Hindi mo ako masisisi. Nagmahal lang ako."

"Sobrang laki ba talaga ng naging kasalanan ko?"

"Pero alam mo sa totoo lang, kahit ginanun niya ako, sobrang mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Maybe right at this moment, she's out with somebody else out there. Napakasakit isipin. Pero 't*ngina mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin siya..."

Siguro dahil walang ibang maisagot si Renz bukod sa "bitter ka lang talaga," um-order ulet siya ng pangalawang round ng vodka. Arctic Vodka Lemon naman sa pagkakataong ito. 'Langyang 'to, talagang lalasingin niya ako. Hindi ko rin inaakala na magagawa kong tumayo na lang bigla sa kinauupuan ko at magsayaw-sayaw. Mukha akong butiking nasa barbecue stick na iniikot sa ihawan. At dahil mas makapal na ang mukha ko kesa sa balat ng polar bear, isiniksik ko pa nga ang sarili ko sa magulo at masikip na grupo ng mga taong walang habas na nakikipagsayawan kung kani-kanino.

Nu'ng una, mukha akong timang dahil wala akong ibang kasayaw bukod sa babaeng nasa imahinasyon ko. Hindi ko na lang namalayan, nakikipagkiskisan na pala ako ng balikat sa babaeng nakakarami nang tapak sa sapatos ko. Buong tapang niya akong hinarap at sinayawan na parang kilala ko siya simula pagkabata. At dahil rakrakan na 'to, ako ngayon si bida-bidang nakipagsabayan sa kanya.

Siguro tinatawanan na lang ako ni Renz mula sa kinauupuan niya. Lalo naman akong nagulat nu'ng sumali ang kaibigan niyang babae. Dalawa tuloy silang kasayawan ko. Kulang na lang siguro e alukin ko silang magsayaw ng Tinikling kahit na pan-disco 'yung music.

Matapos ang ilang minutong kalokohan, nagbalik na ako sa upuan ko at nilagok ang natitirang ispirito. Ininom din ang natira kong mango juice upang tuldukan ang kalanguan ko. Ngayon lang ako nalasing ulit ng ganito. Pero hindi pa naman nangyayari sa'kin 'yung katulad ng iba na kapag sobrang lasing e... <*sigh*>. Basta. Parang walang pakialam sa mga taong nagmamahal pa rin sa kanila. Kinakailangan ko pang maging lubos na masama o bitter para diyan. (Aminado akong nagawa ko na 'yun dati.)

Nu'ng todo na akong nahilo, inalok na ako ni Renz upang magkape para ma-neutralize ang gumagapang na ispirito sa dugo ko. Lumabas na kami sa bar at nagtungo sa malapit na coffee shop upang uminom ng mainit na cafe latte. Sarap ng hagod. Medyo nagbalik sa totoong mundo at nawala ang pagiging tuliro ko. Naisip ko na sa loob ng mahigit apat na oras, nalimutan ko ang mga problema ko.

Matapos makapagpahinga, tuluyan na kaming umuwi.


Jake The Miserable Wasted

"Pag-uwi ko ng bahay, walang nadatnan sinuman... Kay bilis pala ng oras at 'di ko na namalayan... May mga bagay na sadyang 'di ko na maunawaan. Ang tanging paraan, kalimutan ang nakaraan..." (Join The Club, "Nakalimutan Ko Na Bang Magmahal?")

28 comments:

  1. Hindi ko pa nararanasang malasing talaga. Isa yan sa mga pangarap ko, maging wasted ng tuluyan hanggang sa hindi ko na alam kung anung nangyayari. Ultimo nung SEB ay wala rin naman akong napala kahit na gustung-gusto ko sanang mag-release ng shit just for the heck of it. Pero sabagay, pwede na. Nauwi naman ang lahat ng usapan sa pulitika at sex --- dalawang topics na di na ata nawawala lalo na't andun ang isa sa mga paborito kong bloggers na si Pierre. Shempre dahil na rin andun ang mga nagmamalinis na "New Kids on the Block" bloggers.

    Natatawa ako minsan sa mga musings ng mga lasing. Ikaw, hopeless romantic ka talaga. Naalala ko nung nasa Baguio kami ng mga kaibigan ko, naisipan kong magyayang uminom bago man lang ang finals namin, at yun, yung isa kong kasama, ipinangalandakan ang crush niya sa isa niyang prof. Yung isa naman tinawaga ang iniirog niya at inaming minamahal niya siya. WTF. Ako lang ata ang alive and kicking sa aming 3, considering na ako pinakamaraming nainom (5 malalaking bote ng Red Horse, habang sila eh tig-2 pa lang nung time na yun). Paguwi namin, itong si isa na may crush sa prof eh biglang nagwala sa apartment, na kesyo yung kuya niya ay gumraduate ng cum laude sa UP samantalang siya eh di man lang makapasok sa dean's list, na kesyo yung kuya niya binasa ang buong diksyonaryo para lang paghandaan ang UPCAt samantalang siya nagreview lang, na kesyo yung kuya niya mas magaling sa kanya, blah blah blah. Ako naman, consoling lang. "Mas matalino ka sa kuya mo noh. Hello, diba nga sa IQ evaluation natin superior intelligence tayo? Eh kuya mo average lang. Bobo siya, bobo. Pangit pa." Hehe, my gaaaad. Di ko malilimutan yun.

    Anyway, nakakatuwa namang nagwala ka ata sa dance floor, at may nakisama naman sayo. Feeling ko kasi pag ako na ang sumalang, lilindol na lang. Thank you na lang.

    Hopeless romantic. Yan din bansag ko dati sa sarili ko. Kaso ngayon nagmumukha na lang akong cynical pagdating sa pag-ibig. WTF, eh ano naman. Masarap maging cynic paminsan-minsan. Mas bitter nga lang ang dating mo, yun lang. Haha. Pero at least, kahit papano, realidad ang umiiral sa mundo mo at di puro wistful thinking na lamang.

    I totally dig your photo of the day...pun intended! :D

    ReplyDelete
  2. hehe! ayos ang photo of the day..garapalan na!

    masarap talaga malasing..nakakamiss din yung inuman,kwentuhan na ngyayari sa isang session..the more the merrier..mawawala talaga hiya mo pag nalasing ka..based on experience..worry-free.

    yun nga lang ubusan ng allowance..mas ok kung meron kang friend na financier..para sa mahaba-habang inuman..

    ReplyDelete
  3. haha funny talaga tong blog mo... well at least hindi ka war freak pagka lasing... enjoy! miss ko na rin malasing

    ReplyDelete
  4. Hay kahit kelan hindi ako nalasing at kahit kelan hindi ako tumikim ng kahit anong alak. Kahapon nga me pinuntahan kaming parteeeh, may nag-abot sa akin ng Sanmiglyt! halos pasabugin ko na pagmumukha nya! Kunin ko na raw dhl malalaglag na, e kung sya kaya ilaglag ko sa bangin! Gagong un! Papa ko kakaiba malasing. Sumasayaw ng ballet to the tune op "ako ay isang model" wahay! Riot sa kakatawa! Taz mabit din siya kasi nagbibigay ng pera. At maxadong emotional pag mag-isa, umiiyak! Ahay! Pero kapag nakainom siya mas nakakapag-isip siya mas gumagana ang kanayng utak. Yaon nga lamang minsan nasosobrahan pero hnd nmn sya yaong nagpapalipad ng mga gamit o warfreak! Maswerte pa rin ako sa tatay ko! Ay labb my tatay!

    ReplyDelete
  5. Hindi pa ako nakaka-inom ng alak. Hindi pa rin ako nakakapanigarilyo--may gatas pa sa labi! Hehe!

    Kaya nacu-curious talaga ako dito sa kwento mo kasi hindi ko pa rin nararanasan to. Parang masaya na ewan.

    Saka mahirap talaga ang buhay pag-ibig. Sa lahat ng hopeless romantic na kilala ko, ikaw lang ang rational.

    ReplyDelete
  6. alamat ng... anak ng...!!! naunahan mo ko dun ah! gagawa rin sana ako ng ganyan, pero ibang alamat naman... anu pa nga ba, eh di saging! hehe =)

    ReplyDelete
  7. Nagiging propeta ka pala pag tinamaan noh! Ayos lang ang minsan, wag mo lang gawing habit! I'm sure kng andon ako, ayos lang kahit umapoy yung silyang inuupuan ko as long as may nagwawalang tao sa dance floor! Solve na ko don! hahaha!!

    Disagree ako na hindi ka marunong magsulat, di naman siguro kami dadaan sa blog mo kung hindi namin gusto yung mga pinagsususulat mo diba! May times lang talaga na blanko ang utak mo kaya walang masulat na matino! Katulad ko ngayon! hahaha!!

    ReplyDelete
  8. Mukha akong butiking nasa barbecue stick na iniikot sa ihawan. - > Veryy funny. You really have a way with tagalog words ano?

    "Someday, magiging thankful ka kasi naghintay ka." - Sherille -> Tama xa. Good things come to those who wait. Tsar.

    ReplyDelete
  9. Letche plan.. nalasing ka pero astig. Ako kasi simula ng maranasan kong malasing sa Red Horse 2 bote eh sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ko pwedeng malasing. Haha.. nagsuka kasi ako nun.ow well…
    Nyahaha.. nakipagsayaw ka? Wow! Ehdi marunong ka palang sumayaw kasi may 1 pang babaeng lumapit eh o baka naman natutuwa sila sayo kasi ang kulet mo lang sumayaw. Nyahaha.. pero naniniwala kasi ako na ang lahat ng tao marunong sumayaw pero hindi lahat marunong kumanta. Haha!
    Mocha Valencia ang pinaka gusto ko sa SB kaso badtrip.. wala ng ganun. Yun ang balita ko. Grabe,, ang sama sa pakiramdam nung nalaman ko yun. Asteeg kasi lasa nun kasi kape syang me orange. Haha!
    Di pa po ako nakakainom ng vodka siguro kapag may pagkakataon kasi yung isa kong ate eh Bar Waitress sa barko at marunong syang magtimpla ng mga alak alak.


    pare... milk tayo pare. trit ko.

    ReplyDelete
  10. Alam mo Jake, di kita kilala pero sa mga nababasa ko, talagang apektado ka. Magpakasaya ka naman. :)

    Salamat sa pag-sagot mo mga ka-bitter-an ko sa Twitter, pero dinelete ko na kasi OK na kami. Hehe.

    (At kelangan talagang i-quote mo eh, noh? Haha)

    ReplyDelete
  11. First time ko bang mag-comment dito jake? Hehehe... Araw-araw akong nagbabasa pero mukhang ngayon lang ako natutong mag-comment. Kasi naman lovelife na ang pinag-uusapan. Ayaw ko na ring ungkatin ang mga ganitong usapin dahil hindi lang ikaw ang may masamang nakaraan [drama to the max!]. Wala rin naman akong quotable quote na maibibigay para maidagdag mo sa mga quotes of the day mo [should i say, today's quotes of the day]. Siguro, ok na yung ganito. Mag-isa. At least, nagagawa ko ang lahat kaysa may kasama. Maski kaibigan yata nalimutan kong meron ako dahil sa labis na pag-iisa at pangungulila. Nararamdaman ko na ring unti-unti nang nasasanay ang katawan kong libangin ang sarili. Sabi mo nga, napagdaanan mo na ito. Kaya masanay ka na lang. Masasanay ka rin. Masasanay rin tayo.

    ReplyDelete
  12. "si jake. si jake nanaman. si jake na inosente. si jake na ang tanging alam lang ay magmahal!"

    LOL

    ReplyDelete
  13. ok lang malasing paminsan-minsan. buti ka pa may kayamanan pang-gimik. sana ako rin, biyayaan mo naman ako. zero ang social life ko. hehe

    ReplyDelete
  14. kamusta ka naman ngayon kafatid?! baka naman may hang-over ka!? hehehe! ayos ka rin palang malasing ano, nagsasayaw! pero sosyal naman ano??! at least may nakisayaw sayo... naksss!

    hindi naman masamang magliwaliw paminsan-minsan pero after dat, ganon na naman ulit! haaaay... ang life talaga! hehehe! i hope maging okay ka na..

    God bless en ingatz lagi!

    ReplyDelete
  15. minsan masarap malasing para masabi mo ang tunay mong nararamdaman. epekto yun ng flying kick ng hippopotamus.

    as far as the picture is concerned. ganyan yata sila mag-shake hands sa ibang bansa.

    ReplyDelete
  16. Hay Jake, you're the EMO KING. Hehe.

    Bakit mo nasabing traydor ang vodka? Hmm... Hindi ko pa natry uminom nun.

    ReplyDelete
  17. a comment on the side note:

    You'll find that someone - if not that she'll find you - all in the right time. And I assure you it will be for real. All in the right time.

    PS I appreciate that you do visit my blog daily as well. Thanks, Jake!

    ReplyDelete
  18. masarap malasing paminsan minsan, pero wag lang sobra.

    naranasan ko na uminom ng 3 magkakaibang inumin, noong una okay, mayang konti bagsak na.

    ReplyDelete
  19. lagi akong nalalasing kapag nag-siswimming kami nung mga kabarkada ko dati sa binangonan. gin... ginger ale pala! deny pa...

    "Masarap maging bitter kasi hindi ka masasaktan sa wala at hindi ka magiging tanga."

    pamatay...
    bitter din ako ngayon...
    paano ba naman kasi, bestfriend daw pero... anyways. wala naman talaga masama sa pagiging bitter... natural na siguro sa tao yun...
    huwag lang masyadong idaan sa pag-inom o pang-yuyugyog sa babae ang bitterness...
    shiyeema, ayaw mo nun? girl magnet ka pala nung gabing iyon...
    siguro chaka yung dalawang iyon no, kaya medyo tinikling ang dating....

    "Apektado ka pa rin sa mga ginagawa ng ex mo."

    So true, to the point na parang stalker ka na...
    bawat galaw niya siguro bantay ka at may kahalo pang banat...
    hay, ikaw pala ang dapat kausap ko nung ginago lang ako ni...
    anyhoo...
    hweh, inuman na lang tayo...

    ReplyDelete
  20. lagi akong nalalasing kapag nag-siswimming kami nung mga kabarkada ko dati sa binangonan. gin... ginger ale pala! deny pa...

    "Masarap maging bitter kasi hindi ka masasaktan sa wala at hindi ka magiging tanga."

    pamatay...
    bitter din ako ngayon...
    paano ba naman kasi, bestfriend daw pero... anyways. wala naman talaga masama sa pagiging bitter... natural na siguro sa tao yun...
    huwag lang masyadong idaan sa pag-inom o pang-yuyugyog sa babae ang bitterness...
    shiyeema, ayaw mo nun? girl magnet ka pala nung gabing iyon...
    siguro chaka yung dalawang iyon no, kaya medyo tinikling ang dating....

    "Apektado ka pa rin sa mga ginagawa ng ex mo."

    So true, to the point na parang stalker ka na...
    bawat galaw niya siguro bantay ka at may kahalo pang banat...
    hay, ikaw pala ang dapat kausap ko nung ginago lang ako ni...
    anyhoo...
    hweh, inuman na lang tayo...

    ReplyDelete
  21. wag na kasi ikaw iinom pag hindi kaya ha? ;) but at least im happy that your drinking and social skills are greatly improving. ;) ingat lang lage a? tc! mwah!

    ReplyDelete
  22. pa-join din ako sa pagiging bitter a? :D ano na position ko sa club na ito? haha! :P

    ReplyDelete
  23. Hehe. Hindi ko pa nararanasan malasing. Ni isang patak na SanMig, o redhorse, di ko pa naransang makatikim. AMoy pa lang, nasusuka na ko. Hehehe.

    Ano kaya feeling ng lasing?

    ReplyDelete
  24. Tulad ni Madamme Shari (manghuhula?), pangarap ko rin ang magpaka-wasted. Yung tipong, walang kamalay-malay na pala akong minamanyak ng mga gustong mumanyak sa akin. Haha!

    --

    Love. Sabi nga sa akin ng kaibigan ko, wag ka iinom kung heartbroken ka. It will lead to unwanted confessions at hindi mapigilang pag-litanya tungkol sa nangyari.

    --

    Panalo ang pic of the day mo! Haha! May kung anong mangyayari sa showers. Haha!

    ReplyDelete
  25. Buti nga ikaw naging dancing butiki lamang..ako nung super wasted e naging vomiting emo drunk. Nakakahiya haha :p

    Ngayon ko lang nalaman na nakakapagneutralize ang kape.. ang alam ko lang kasi maglasing.

    In-add kita sa friendster. Ako yung makulay ang pic hehe.

    ReplyDelete
  26. We shall celebrate the day when you're going to be drinking for no other reason but to have fun. ;)

    I bet you're going to get even more readers and fans when they see your super-duper-extra-kulit-and-masayahin side!

    Ishmayl, Jake! ^_^

    ReplyDelete
  27. masaya malasing..=) bow. i miss my first time. lol. my-sassy-girl-meets-the-matrix ang drama ko nun e. so fun, hell yeah..=)

    ngayon medyo matino na ako pg lasing. sayang.

    thanks din for droppin' by my blog and leaving a comment ^__^

    ReplyDelete
  28. hindi naman ako masyadong nalasing sa vodka a. to think we were just four over a 600ml of vodka.

    nasa toleration nga siguro 'yan.

    :]

    nakakamiss naman tong mga gantong ka-haba and ka-merry na entry.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails