Monday, May 14, 2007

"Bobo Ang Bumasa Nito" Revisited: Bakit May Naka-School Uniform 'Pag Linggo?

64 megabytes lang ang kapasidad ng utak ko ngayon at wala akong hindi matinong maisulat para sa araw na ito. Ewan ko, nabutas yata ito at sumingaw ang lahat ng mga dapat ko talagang ikwento o isulat para sa araw na ito. Bukod diyan, recovering pa rin ako sa malawakang inuman namin na naganap sa bahay ng isang kaibigan nu'ng nakaraang Sabado na ikinasawi ng tatlong ipis, na siyang naging sanhi para hindi ko naibahagi ang aking "Mother's Day Special" na dapat e isusulat ko kinabukasan. Cool pa naman ang kwento ng nanay ko. Ngayong araw naman, ayoko lang makisabay sa "election sickness." Sa aftermath na lang ako babanat.



Bakit May Naka-School Uniform 'Pag Linggo?

Hanggang ngayon, natatawa ako kapag naalala ko 'to.

Sunday breezy afternoon ako nu'ng nag-siyesta. Nanaginip ako, pero hindi ko naalala. Basta school-related yata 'yun.

Nagising ako at tumingin sa bintana. Anlamig at makulimlim. High school student pa lang ako niyan at kinakailangang 7am ay nasa school na.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko ang kuya kong naglalaro ng Playstation. Naligo ako, nagplantsa ng uniform, at lumabas ng bahay. Siguro masyadong abala 'yung kuya ko sa paglalaro kaya hindi niya ako napansin. Final Fantasy VIII pa yata 'yun at napipikon siya sa hirap ng pagtalo kay Omega Weapon.

Nu'ng nakarating na ako sa gate ng condo namin...

Guard: Oy, Jake, ang aga mo ah?!
Jake: Ah, oo. Kelangang maaga ako sa school ngayon.
Guard: Hindi kaya sooobrang aga mo?
Jake: E ano'ng oras na ba?
Guard: Alas-sais kinse.
Jake: Oh, 6:30 pa lang, nasa school na dapat ako. Pasikat na ang araw, oh!
Guard: Ha? E palubog pa lang 'yan. Jake, Linggo pa lang ng gabi.

Anak ng bakang baog, akala ko Lunes na ng madaling-araw. Linggo pa lang pala ng gabi.

Hindi na ako nagtaka kumbakit tawa ng tawa ang lahat ng tao sa bahay namin nu'ng nag-almusal na kami. Este, hapunan pala.

25 comments:

  1. on the photo of the day.

    is the sand woman naked? :)) can you link the image up to the original site to zoom in? thanks! :D

    ReplyDelete
  2. wahahaha! napakaaga pra bukas! kya nga minsan auko ma2log ng tanghali kz ganyan minsan nangyayari sa kin! wahihihi!!!

    ReplyDelete
  3. Nyahahaha! Bangag ka nun no? Hehe!

    ReplyDelete
  4. Nyahahahaha… yun yon eh. Di pa naman nangyayari sakin yan pero sa ate ko oo. Haha! Naligo sya ng gabi akala nya madaling araw na. Haha!
    Anu ba yung ulam nyo at hindi mo napansing hindi pang almusal ang dating? Sabagay dito sa bahay namin, kahit anong ulam inuulam. Hehe.

    -pb

    ReplyDelete
  5. ay nakapag comment pala ako.. haha!

    ReplyDelete
  6. wag ka mag-alala jake. Di ka nag-iisa. naranasan ko rin yan! hahaha! yun nga lang, hindi kasing lala mo kasi pagbaba ko, heavy meals ang nakahanda, e usually, bread and butter lang kami o minsan kape pag breakfast. hahahaha!

    ff8, madalas ko rin laruin yan dati. si papa squall ang wafu. Hahaha!

    ReplyDelete
  7. napaka-punctual mong tao,,
    mukhang nasobrahan nga lang, heheh,,

    ReplyDelete
  8. I know the feeling of forgetting it's not a school day. :)) Atat pala lahat tayo. XD

    ReplyDelete
  9. nakakaaliw naman ang jake-o-meter mo!
    i'm a big fan of VST & Company too! :) salamat sa pag drop by!

    ReplyDelete
  10. huwaw! nagmamadali ka ata eh! haha!!

    ReplyDelete
  11. hahahaha!!! ako rin ganyan pero hindi naman kasing grabe mo!! ako e yung parang nagugulat pag gabi dahil akala ko e umaga na! susme!!

    ReplyDelete
  12. Hahaha, kulit ng kwento mo. Naranasan ko na rin yang maalimpungatan. Halos atakihin ako sa puso eh.

    ReplyDelete
  13. hahaha ano ba yan di ako matigil sa kakatawa dito ngayon. nangyayari din yan sakin yun nga lang di na ako umaabot na nakapagready na kasi mabibigla lang ako pagkagising ko kasi akala ko late na ako sabay tingin sa cp 6.30pm pa lang pala. hahaha!

    ReplyDelete
  14. Naku naman Jake! Haha. Nangyari na din sakin yun dati akala ko madaling araw na. Kinabahan ako kasi may mahalaga akong pupuntahan nung gabi na yun e.

    ReplyDelete
  15. Okay naman ako :)
    --

    Kakatuwa naman yung kwento mo :P Ako naman minsan parang ang himbing/tagal ng tulog ko tapos pag gising ko e nagmamadali ako dahil akala ko late na ako sa pagpasok or sa training (kasi 6am training namin noon) yun pala gabi parin hehe... Buti hindi pa nangyari sa akin yung nakabihis na ako ng uniform at papasok na sa school hehehe

    ReplyDelete
  16. Gusto sana kitang tawanan...

    Kaso na-realize ko, nangyari na rin sa akin yan. Excited?! Hehe!

    ReplyDelete
  17. di ko alam kung saan ako mas matatawa.. kung sa picture o dun sa story mo :)

    ReplyDelete
  18. siguro lasing ka nun hehe. :P Buti naman di ko pa na try ang ganyan...

    at tsaka.. buti na lng di ka nakaabot sa school niyo.. nang malaman mo sunday pa pala. hehe. :P

    ReplyDelete
  19. interesting post! he he..

    kkatuwa. masipag ka palang pumasok nung hayskul ka. he he. ngayong nagtatrabaho na ako, lagi akong nalilito sa oras. pag weekends maaga ako gumising kasi akala ko may pasok. pag weekdays, late na gumising kasi akala ko walang pasok. nyay!

    sa picture naman, buhangin lang ba yun o may tao talaga? cool!

    ReplyDelete
  20. wahahahahahaha! ang saya nun ah!

    ReplyDelete
  21. i've experienced that in other way!!!..

    4th yr ito.

    since tulog mantika ako.. i greatly depend on my mom sa pag-gising.. so yun.. pag gising ko..7:00 na... so sobrang handa na ako sa confrontation.. dahil ayoko ng ay late or absent.. bawal madumihan ang card ko..

    so yun.. sobra ang galit ko.. tas natawa nalang si mama dahil gabi palang ng linggo iyon....

    tae!

    ReplyDelete
  22. haha! ayos ah! sipag pumasok...ibang klase

    ReplyDelete
  23. im sure may tinira ka bago ka matulog kaya nabangag ka paggising. haha ^_^

    ReplyDelete
  24. off topic

    jake, i tagged u in my latest post.

    ReplyDelete
  25. syeeet! winning post nga! sumakit ang panga ko don ah.. still rolling*

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails