Friday, May 18, 2007

Ang Kawawa Kong PC

Napipikon na ako sa sakit ng computer ko. Mahigit isang buwan na siyang ganito. Bigla-bigla na lang siyang nagha-hang sabay magre-restart na wala namang dahilan. Una kong naisip na corrupted na ang operating system ko at hindi ko na rin nagagawa ang aking love-your-PC-on-a-Sunday habit (registry cleaning, spyware checking, virus checking, surface scan disk, disk defragmenter, system tweaking). Nu'ng una, hinayaan ko lang siya sa sakit niyang 'yan. Pero habang tumatagal, lalo lang akong napipikon na kung minsan ay sirang-sira na ang araw ko dahil diyan. Nagloloko siya kung kelan niya gusto, lalo na kung may mahalaga akong ginagawa katulad ng pagpo-program, pagba-blog, pakikipag-usap sa YM, pagda-download, pakikinig sa mga mp3s na kung hindi Japanese music ay mga kantang pam-bitter o pampogi, paghahanap ng date, at iba pa.

Full format ang una kong naisip na kasagutan. Pero hindi ito naging madali dahil meron akong mahigit-kumulang 60gb na personal files na katulad ng mp3s, movies (mahigit sampung Japanese cult films ang meron ako), videos, music videos, J-dorama series (meron akong "Great Teacher Onizuka" live action at "Ichi Rittoru No Namida [One Litre Of Tears]"), pictures, e-books, gulay, mais, bigas, sardinas, Toilet Duck, at mga random na mga files. At tumagal ng tumagal ang ganitong drama ng buhay namin ng PC ko. Kulang na daw siya sa lambing kaya siya nagpapa-pansin ng ganito. Nu'ng una, hindi gaanong madalas ang pag-atake ng sumpong nito. Kaya ayos lang. Pero nung kalaunan, ayan na. Padalas na ng padalas ang blue-screen-of-death-sabay-restart, hangaang sa dumating sa puntong sunud-sunud-sunod na siyang nangyayari. Anak ng motherboard.

Sa sobrang aburido ko sa kanya, kasabay ng sa mundo at sa lovelife ko, sinumpa ko siya sa pamamagitan ng pag-text sa mga kaibigan ko. "Pun**** ipapakilo ko na 'tong put********* computer na 'to! Leche!" Isa sa kanila ang sumagot ng "easy lang, p're. Heto at pahihiramin kita ng hard drive para ma-backup mo 'yang mga files mo at nang ma-format mo na 'yan." Parang bigla niya akong nabuhusan ng tubig. Naipahiram naman niya. Handa ko nang operahan ang PC kong naghihintay ng amnesty.

Backup. Hang. Backup. Hang. Tiis pa. Backup. Hang. Backup. Tiis-tiis pa. Dumating ang oras ng paghahatol. Huminga ako ng malalim, at sinimulan ko na ang operasyon. Matapos ang pag-format sa hard disk, in-install ko na ang operating system. Akala ko e magiging banayad na ang lahat at magbabalik na siya sa dating kagandang anyo. Hindi pala. NAGHA-HANG-SABAY-RESTART PA RIN SIYA SA KALAGITNAAN NG INSTALLATION! Makailang beses ding nangyari 'yan. Ubos na ang pasensya ko, pati ang pasensya ko para sa susunod na araw e inubos na niya. Pero walang-wala na akong magagawa pa. Wishful thinking na lang na makukumpleto niya ang operasyong ito at baka sakaling maisalba ko pa ang buhay niya. Makalipas ang ilang dantaon, nag-install din siya.

Pero wala. Andito pa rin ang problema niya sa utak. Nasolusyonan man ng full format ang iba pa nitong problema kagaya ng pagbabagal ng mga applications, andito pa rin ang kalunus-lunos na dagok sa kanyang pusong bakal. Napunta sa wala ang mga ibang files na napilitan kong burahin. At hindi ko rin magawang i-update ang operating system na 'to dahil... alam mo na. At dahil nga hindi siya nakatatanggap ng anumang uri ng updates, hindi ko magawang mai-install ang ibang mga programs na kinakailangan ko dahil hindi ito mapatakbo ng mabuti ng installer ng operating system ko.

Sa ngayon, ang isa sa mga iniisip kong pwede pang gawin ay pagpapalit nito ng memory nang sa gayon ay madagdagan na rin ang 512mb lang nito. Kung hindi pa ito uubra, baka siguro sa hard disk na 'to. At kung walang-walang-wala na talaga, aawit na lang ako ng "Silent Night" bilang tanda ng pagsuko.

Sa kasalukuyan, ito ang hitsura ng desktop ko:


Click to enlarge. Will open in a new window.


Ano'ng masasabi niyo sa hitsura ng desktop ko bukod sa wala siyang kalatoy-latoy at walang ka-kyeme-kyeme?

28 comments:

  1. haha! badtrip nga yan pre! nakakasira talaga ng araw pag pasaway ang pc mo..

    meron ka pala sinusundan na format ng pagpo-post ah..hehe! galeng! organized! nag iibang anyo pa yung hard gay mo

    ReplyDelete
  2. hay sakit talaga sa ulo ang masiraan ng ulo este pc pala... pc ko rin sa bahay nagloloko na kaya d2 na lang ako sa ofc nakiki-internet hahaha

    btw salamat sa iyong pagbisit sa aking blog at pagbibigay ng mga komento :)

    ReplyDelete
  3. ganyan din ang problema ng pv ko, kaya pinagpahinga ko muna siya.

    bumili ka na kaya ng bago? maghanap ka ng sugar mama na magfi-finance tapos kung may matitira bahagian mo na lang ako!

    ReplyDelete
  4. bumili ka na ng bago. joke. my pc is also acting up.. kaya pina reformat ko na. pero nasira ung isang hard drive na 80g. wooo :(

    ReplyDelete
  5. Alam ko ang hirap ng tinotopak na PC. Yung tipong maiiyak ka na sa sobrang inis. Hehe!

    Huwag mo lang hayaang madamay ang utak mo sa sira ng PC mo! Hehe!

    ReplyDelete
  6. hweh...
    buti nga ikaw, iyong-iyo ang PC mo...
    ikaw nag-aalaga at gumagamit ng may bahid ng katinuan...
    PC namin buwan-buwan yata nagka-crash dahil sa "retarded" kong kapatid eh..

    sige, ipagdadasal ko na lang ang PC mo kuya... ^_^

    ReplyDelete
  7. LoL to the picture. damn. what did he eat? :))

    ReplyDelete
  8. ahay! Taun-taon lagi nasisira pc namin! mnsan twice a year at ang malupit sobra ang sakit! Nakakagastos 2loy ng ilang libo at ang mas masaklap ako ang gumagastos at nagpapaayos! takte lalo! amP! Wala ako alam sa reformat na yan eh! Pinapaaus lng nmn sa suki nming tindahan! Wahahah!

    Palitan na kasi yan ng laptop!!!

    ReplyDelete
  9. Wala akong maipapayo sa problema mong iyan. Alam mo namang lahat ng tungkol sa computers ay beyond my comprehension. Harharhar.
    Oh, but that little statement of mine (see Quotes of the day) should get you a date. Hintay-hintay ka lang diyan. Hehe.

    ReplyDelete
  10. Huu lintek, kabwiset yan! Hehe. Bumili ka na ng bago, ganyan din ang problema ko kelan lang. Kaso hindi ko na nakayanan kaya nagpalit na ko ng CPU. Kelangan na kasi talaga weh. Maghanap ka nalang, yung hinuhulugan kung wala kang pera. Hehe.

    ReplyDelete
  11. napansin ko lang . .. Napaka-malas mo naman ata pag dating sa mga gadgets!!! Una cp tapos ngaun pc naman!! hahaha

    ReplyDelete
  12. nakikisimpatya ako sa iyong pc,,

    naranasan ko na kasi mawalan ng sandamakmak na files, ang pinakamarami sa mga iyon ay ang aking mp3 files mga tipong 1500 songs lang naman yung mga yun,,
    pero okay lang, bumabawi na ako ngayon,, DL ulit,,

    ReplyDelete
  13. haha! di papala ako nakakapag comment. ako rin po eh may problema sa pc. alam mo nayun diba.. yung tungkol sa verification. hayz.. ow well...
    nabasa ko na ang alamat ng gubat at talagang nakakaaliw at tuwa. lalo na ang asong kumakain ng suka at unang bahagi ng kwento. hehe..

    ReplyDelete
  14. Payo lang, palitan mo na pc mo. Hekhek.

    astig desktop. wafu ni tong. tong nga ba pangalan niyan? nakalimutan ko na e.

    ReplyDelete
  15. LOL -> Anak ng motherboard"

    Ala akong kaalam alam sa computers pag dating na sa OS or sa hardware. Na-subukan mo na syang sapakin ng malambing? Sa dati ko kasing comp, kelangan ng batok para gumana sya eh. Buti na lang ang current na comp ko eh hindi complikado ang relasyon namen, D ko sya ino-overheat at may external HDD ako para d sya mapuno... at kapalit eh mabilis sya at d pa ako pinapahamak (knock on wood)

    Try mo nga installan ng Windows Vista? Baka tumambling sya at gumaling.

    Malinis din ang desktop ko... Kung pwede nga alisin ang "Recycle Bin" eh aalisin ko sya sa desktop. Pero hindi eh.

    Mga obserbasyon sa desktop:

    1. Late ka kung matulog
    2. D mo ata na-censor ang last name mo sa YM hehe
    3. And anti-virus mo ay hindi up to date.
    4. Sa YM, friend mo ang sarili mo (ako din, gawain ko yan)
    5. Fan ka ni Bob Ong
    6. Hindi mo matiis ang Recycle Bin na may laman kaya "Empty Recycle Bin" ka agad after mong mag-delete.

    ReplyDelete
  16. Ganyan talaga ang gadgets, kahit alagang alaga mo, kulang parin sa lambing.

    Ang mahiwagang sakit ng pc ko last month, auto restart rin. Pinalitan ko lang ng heatsink, akalain mo yun, ok na.

    Kung ala kang a/c tapos ganitong panahon na parang mantika ang pinapawis mo habang naliligo, baka yun rin ang problema mo? Kailangan magpalamig ang cpu mo? Hindi kaya?

    Ipagdarasal ko na lang ang pc mo Jake.

    Natutuwa ako sa mga blog entries mo. :D

    ReplyDelete
  17. Wag kang magalala hindi lang pc mo ang may sakit. Pati PC ng kapatid ko hindi na nag-oon dahil ata sa sobrang init ng panahon (plus laging nakabukas) hindi nakayanan ng power supply at pumutok... Kelangan tuloy palitan yung power supply, buti sayo kahit paano e nagagamit mo pa... Nakakaasar nga lang sa sobrang bagal at pagrestart sa kalagitnaan ng iyong ginagawa :P

    Ganda naman nung desktop mo, syempre biased ako kasi orange siya hehehe

    Sana um-okey na ang PC mo :D

    ReplyDelete
  18. ganyang tlga mga pc ngayon kasi sobrang init.. i suggest try to upgreade heatsink ng processor mo.. then upgrade mo din memory u.. meron ngayon ung memory n may heatsink pdin.. some kasi un ang problem.. minsan konektado din s videocard.. but im not sure though kasi nung nagkangayan pc ko nagiinit ang video card ko.. when i clean it up a bit then pinalitan ko heatsink it went ok na.. hehehe.. ur entry is cool.. i had fun reading them.. have a nice day ^^

    ReplyDelete
  19. ankyut ng desktop!

    haha. i like this one:
    "Actually, kung iyon lang ang alam ng girl, that you're half malambing and half malandi, then I think you'll get a pretty good shot."

    hehehe:
    "Kalokohan lang ang lahat ng 'yan."

    tsk tsk tsk:
    "Hey Jakey. Aren't you gonna graduate anytime soon? Hmm... I've really lost track of time already. *sighs*"

    kakatuwa naman yung mga taong yun =)

    ReplyDelete
  20. ah reminds me one time i had to reformat my PC, and needed to back up 30gb of files. and unlike you, walang nagpahiram sa akin ng hard drive. pfft but i was able to pull through. after 10 years. LOL

    ReplyDelete
  21. Ok sa kwento ah!

    Mahirap talaga pag me topak ang PC...pero dapat din natin silang alalahanin baka namn nabundat at naimpatso sa daming mga files na nilalagay mo??!!

    Eh ang liit lang pala ng kapasiti nyang trabahuhin ang lahat na ipinapasok mo sa kanya??

    Ayan! nag rebelde! :)

    Maawa din tayo sa ating PC..baka pagod na pagod na din sya at sntambak na files ang nilalagay natin panay OT nya!

    Gudluk Ijo!

    ReplyDelete
  22. wahhh.. hindi pa pala ako nakapagtype kanina.. hehehe :) hayy naku.. badtrip talaga kapag nasira ang p.c., lalo na kapag may important kang ggawin..

    na-experience ko na 'yan...

    nakalahati ko na ang pag-type ng research paper namin last sem lang na parang thesis narin at ayun, biglang nagloko yung computer, pasahan pa naman the next day ng hapon, at ayun.. pinagtyagaan kong itype maghapon para lng mkaabot sa dedlyn..

    hmmm.. share ko lang hehe.. wala ako maaadvice kc hindi nmn ako mgaling sa computer eh.. :)

    ReplyDelete
  23. Kung ako siguro ikaw, nosebleed na nosebleed na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Malamang sinipa ko na lang yung CPU at sinira ng tuluyan para ipaayos na lang sa kung sinuman ang marunong. Lagi kasing narereformat PC na ito eh, salamat sa aking henyong kapatid na mahilig mag-eksperimento ng kung ano-ano, kaya madalas ko na lang sinusukuan toh.

    ReplyDelete
  24. Magaling, magaling, magaling. Ako na pala si anonymous ngayon. Patawad po!

    ReplyDelete
  25. I love Bob Ong. Sorry naman, nahirapan ako basahin entry mo. T_T Lalim tagalog XD

    ReplyDelete
  26. "Great Teacher Onizuka" live action

    Napanuod ko na rin toh. Haha. Kamukha niya yung totoong Onizuka. Ang saya naman.

    ReplyDelete
  27. ang cute naman ng desktop... fan ka pala ni Tong! nyahahaha! oh, out na ang bagong book ni bob ong!! hehehe!!

    alam mo, bili ka na lang ng bagong computer para hindi ka na ma-stress dyan sa PC mo! okies?!

    gudlak!!

    ReplyDelete
  28. naalala ko nang nangyayari yan sa pc namin. hay.. pinapagawa namin nun sa isang mamang iniisahan lang pala kami.. oh well..

    good luck s yo.

    ako ngayo'y masaya na sa buhay laptop.

    nga pala i love the Haado Gei gif! hehe fuuu!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails