Tuesday, May 29, 2007

Hari Ng Tardiness

Wala akong partikular na schedule na sinusunod, bukod siyempre kung required katulad ng schedule sa school, sa trabaho, mga appointments sa takdang oras, mga napagkasunduang oras kapag makikipag-EB, at kung anupaman. Mas madalas, gumigising ako at natutulog kung kelan ko gusto. At tulad ng nabanggit ko dati, laging wala ako sa oras kung kumain nitong mga nakaraang araw. Naglalakwatsa ako kung kelan ko gusto, at (sa kasamaang palad), pumapasok ako sa school kung kelan ko gusto. Minsan, gumagawa naman ako ng time plan, pero 101% na hindi ko ito nasusunod. Halimbawa, magtatakda ako ng oras para mag-aral, manood, o anumang napagtitripan kong gawin. Madalas na kapag hindi ko ito nasusunod o nagagawa, nagagawa ko siya sa hindi takdang oras. Siguro late lang ng mga ilang... buwan? *ngisi* Dati, sinubukan kong gumawa ng schedule para sa lahat ng mga regular kong ginagawa. "Internet time sa ganitong oras, kain sa ganitong oras, labas sa ganitong oras, ay teka depende kung may pasok ako, ito ang mga oras ng gising at tulog ko." Pero nu'ng isusulat ko na sana, tinamad na lang ako bigla at naisip kong sabog nga pala ang mga ginagawa ko at hindi ko 'yun kayang ilista isa-isa.

"Tardiness is next to bitterness." 'Yan ang kantiyaw sa'kin ng mga barkada kong Hawi Boys. Lagi daw kasi akong late sa lahat ng oras ng usapan. Naisip ko minsan na ipinanganak akong may sariling timezone. Kapag napag-uusapan na magkikita-kita ang tropa halimbawa ng mga 2pm, madalas e 5pm na ako dumarating. Oh, ha?! Oo, aminado ako. May sakit talaga akong tardiness madness. Ito ang pinakaunang dahilan kumbakit mababa ang mga grades ko sa school kahit na kung tutuusin e may utak ako. Mas marami ang mga tardiness at maging mga absences ko kesa sa mga ipinapasok ko. At tulad ng maraming kapwa-estudyante, hari din ako ng cramming. Na-perfect ko na nga yata 'yung abilidad kong gumawa ng isang project sa loob ng dalawang oras na dapat e ginagawa ko ng dalawang buwan (naalala ko na naman 'yang thesis na 'yan). Ewan ko nga ba kung ano'ng meron sa mga ginagawa ko kaya ako laging nali-late bukod sa usual suspects tulad ng pagbababad ko sa PC, kabagalang kumilos, at katamaran.

Ibang usapan naman kung nakikipagkita ako sa mga ka-EB ko o sa kung sinuman ang girlfriend ko. Kahit papaano *ubo* *ubo* naman e dumarating ako sa takdang oras o mas maaga. Pero ayokong pag-usapan ang anumang may kinalaman sa lovelife kasi kalokohan lang 'yun basta ewan.

May animnapung segundo ang isang minuto, at animnapung minuto ang isang oras. Wala. Kunwari importanteng sabihin 'yan.

Nu'ng kelan lang, natutunan ko mula mismo sa sarili ko ang ilang masasakit na punto tungkol sa oras. Nalaman ko na kahit kailan, wala tayong kalaban-laban kung napaglipasan na ng oras ang anumang mahahalagang bagay sa buhay natin. Bawat tao at bagay pala sa mundo ay may kani-kanyang threshold sa paghawak ng oras at kung gaano katagal na silang nalipasan nito. Depende rin sa kung anumang sitwasyon ang andyan sa kasalukuyang panahon ang mga bagay-bagay (siyempre, malamang). Taliwas sa paniniwala ng nakararami, hindi akong naniniwalang hawak nating ang oras. Hawak tayo ng oras - diyan ako mas naniniwala. May kakayahan lang tayong gumawa ng mga bagay-bagay pero oras ang hahatol nito para sa'tin at oras ang magdidikta kung saan tayo dadalhin ng mga ginagawa natin. Ang oras ay isa sa mga bagay na kahit ano'ng pilit natin e hindi natin kayang hawakan. Wala ring makatutumbas sa lupit at abilidad ng oras. Ewan ko nga rin kumbakit mas mataas ang pagkakataong gumagawa tayo ng mga maling bagay sa tamang oras at gumagawa tayo ng mga tamang bagay kung kelan mali na ang oras para sa mga ito. 'Yan, sa palagay ko, ang nagpapa-anghang lalo ng buhay natin sa mundo. Kung tumugma ang mga ginagawa natin sa mga takda nitong oras, paniguradong wala tayong pagsisisihan pagdating ng panahon.

Sa huli kong failed relationship, in-emphasize nito ang tamang paggamit ng oras para gumawa ng tama. Nagkamali kasi dati kaya niya ako iniwan. Nu'ng maglaon, naisip ko na kinakailangan ko talagang magkamali at ipatikim sa'kin ang sakit ng biglaang pag-iwan para may matutunan ako. Pero ano ako ngayon? Ano pa bang paggagamitan ko nito ngayong wala na siya? Nasa huli pa rin ang pagsisisi (ayoko na sanang isulat 'yan dahil sooobrang laspag na pero ewan, siguro kasi required).

Wala tayong magagawa kung nalimutan na tayo ng mga tao nang dahil sa mahabang oras na lumipas. Hindi na rin natin maibabalik pa ang mga oras kung saan sana e may mga ginawa at hindi tayo ginawa. Hindi pabaliktad tumakbo ang oras.

Isa lang ang hindi ko maintindihan. Ano ang DAYLIGHT SAVINGS? (Unrelated...)

28 comments:

  1. hahaha im always late too! thank god im from baguio, minsan i just brush and comb my hair then go to school for my first period. wala nang ligo-ligo LOL

    wait. what i just said is gross. lol

    ReplyDelete
  2. It's not you who is only hurt. Its a mutual feeling. I would never be affected this way if it means nothing to me.. if you no longer mean anything to me..

    ReplyDelete
  3. masarap ma-late lalo't oras ng pasok. ahehehe.

    tungkol sa daylight saving time, dito sa amin we adjust the time by an hour every six months.

    at tungkol naman sa picture. pangarap ko yan.

    ReplyDelete
  4. Haha! Ako rin parating late! Muntik na akong isemplang dahil halos maabot ko na yung limit ng absences!

    Sinubukan ko rin gumawa ng planner! Pero sa paggawa pa lang e tinamad na ako.

    ReplyDelete
  5. haha! ako din madalas ma-late...sanay na din mga tropa ko sakin pero sinisikap ko naman dumating ng maaga...kalokohan lang yang planner na yan..

    ReplyDelete
  6. Hindi ako nalelate! madalas maaga ako lagi! Mabait na bata eh! Sa iskool di rin ako nalate! Mabait na etudyante eh. Pero minsan, nakakainis din yung maaga ka ks nihihintay mo ung mga kasama mu na late naman. Hayyy! isa pa yan kung bakit ayaw ko ng kasama. Hahahaha!

    ReplyDelete
  7. Hindi ako palaging late...
    Hindi rin ako palaging on time...
    Depende sa importansya ng event/affair na iyon..
    Napapansin ko lang, either 5 minutes late o early lang naman ako...

    Tama ka, mahalagang factor ang oras sa isang relasyon..
    yun din ang root factor ng aming crumble..
    anyways, hindi naman siguro tardiness is next to bitterness... ang mga laging late pa nga yung mga maliligayang tao sa mundo eh... no holds barred... :D

    at oo, since alam mong advance, iisip mo laging advanced naman eh kaya lalo kang nala-late..
    toodles... :D

    ReplyDelete
  8. may epidemya lang talaga siguro ngayon ng katamaran. ganyan din ang nangyayari sa akin ngayon.ang katamaran ay parang isang matinding allergy na kahit ilang beses mong kamutin ay wala at wala lang na mangyayari puera na lang kung bumili ka na ng gamot sa botika. welsch, dream ko na magkaroon ng gamot para sa katamaran.

    cheers jakE!

    sa lovelife naman, hehe... ok lang yan, marami tayo sa dagat na hinahanap pa rin ang "the greatest spark." ideally, kung mahal mo talaga nasa quality ng time yan at hindi sa quantity. pero dahil sa pelikula lang nangyayari yun, tae talaga. ^_^

    ReplyDelete
  9. Grumaduate na ko sa pagiging late. hanggat maari, meron akong time management kaya naiiwasan pa ang cramming.

    tungkol naman sa usapang pag-ibig, ehehe. no comment. =p

    ReplyDelete
  10. aabangan ko ang napipintong (tama kaya ang term na to?) lipat-bahay. . ."Taliwas sa paniniwala ng nakararami, hindi akong naniniwalang hawak nating ang oras. Hawak tayo ng oras - diyan ako mas naniniwala."- pinakamasaklap na katotohanan na mahirap tanggapin. ako man, di ko malaman kung papaano ko imanage ang oras. . .maraming nakakapuna papaano daw ako nagsusrvive sa law school e full-time ako sa work ang sagot ko sa kanila hindi ito sa kadahilanang alam kong i-budget ang oras gaya ng akala nila kundi sumasabay lang ako sa agos nito.

    ReplyDelete
  11. nako hirap mo pala kausap. madami akong friends na ganyan.. laging late! nasanay na nga lang ako eh. lagi ako nag-aantay. tsk.

    ako naman.. yokong nali-late. ayoko kasi na inaantay ako. nahihiya ko mashado.. ma-late lang ako ng ilang minuto super nagi-guilty na ko non. hihi. ala lang ^_^

    ReplyDelete
  12. kakatawa naman yung pic of the day mo... seryosong seryoso yung post tapos pagdating sa pic bigla akong natawa... hehehehe...

    hayy nako.. same lang tayo.. lagi rin akong late!!.. at halos two hours din akong late pag may barkada trip.. pero hapi parin ako kasi hintayan talaga.. hehehe...

    mukhang ayokong bumoto kahit na may mga gusto na kong iboto.. (including ur blog).. baka kasi may magalit.. :(

    cge po.. gudnyt!...

    ReplyDelete
  13. Meron din akong "late gene". D gano evident ito nung nag-aaral pa ko, pero mukhang lumalala habang ako'y tumatanda. hehe... Masarap kasi matulog lalo ngaun na malamig dito sa Baguio tuwing umuulan (at kapiling sya) hehe...

    Ako naman eh naniniwala sa theory ni Einstein na relative and oras. Pag nag-eenjoy ka, ang isang oras eh parang saglit lang pero pag super bored ka and paggalaw ng second hand ng orasan eh isang milenyo bawa galaw. Isang dahilan kung baket di ako nagsusuot ng relo eh ayaw kong nakagapos sa oras.

    P.S. may asthma ka ba? ala lang... naisip ko lang dahil sa "Just breathe..." na quote. hehe

    ReplyDelete
  14. I try not to be late pag tuwing pasukan kasi magtatanong sa akin ang aking teacher kng bakit di ko naman pwedeng sabihin na na traffic ako papuntang college kasi malapit lang naman yng bahay namin. Nilalakad ko lang. pero minsan di mo talagang maiwasang ma-late.

    Ako naman pag may usapan kami ng mga barkada ko madalas late ako. Hahaha baliktad ba? Pero ha grabe 2hrs kang late lol ako mga ilang minutes lang naman siguro 20-30 mins the latest.

    Siguro yang sa blogger and domain nasa settings lang ng blogger yan. oh kaya mag-wordpress ka na lang =). tapos i-transfer mo na lang yng posts mo sa wp

    ReplyDelete
  15. halu!

    he he. graduate na ako sa late. pero sa cramming s mga school stuffs di pa. yay! napakahalaga ng oras..lalo na sa isang relationship. kalimitan na eh naiinis si babae pag late si lalaki. ganun ako. pero pag late si babae, bat di gaanong galit si lalake. ay buhay.

    re: domain, di ko alam sa blogger, bro. wordpress kasi ako.

    ReplyDelete
  16. ako i used to make timelines for my school workd specially if i have lots of work loads.. talagang specified kung hanggang anong oras gagawin yung ganyan at ganon..

    Punctuality is impt. pero ako mahilig ako mag pa late pag may barkada outing.. gus2 ko kasi ma feel na importante ako..hihihi

    ReplyDelete
  17. i love to be early.. pero minsan i opted to be teeny weeny late kasi ayoko maghintay. pero nahihiya din ako pag ako na lng inaantay. pero training ni mama.. to be early and treasure time.. naalala ko tuloy yung joke sa comedy tape ko.

    Monkey: Have you heard about the man who threw his alarm clock on the window??
    Animals: *annoyed, sumingit lang kasi itong si Millard the Monkey sa usapan* MILLARD!!!!!
    Monkey: He wanna see time fly.

    anyway di naman xa related maxado sa post mo... naalala ko lng. hehe.

    anyway... what i want to say is.. you always have a choice to be early or not. and i think gusto mo rin ang pagiging late.. nakasanayan mo na eh. pero.. you can always change your ways if you want. hehe

    ReplyDelete
  18. maganda rin ang feeling na ikaw na lang yung hinihintai para umalis sa lakad, parang important aco nu dahil nagpapa-importante aco.. hahaha

    napakasaklap man ang nangyari sayo.. kaya mo parin yan.. ituloy parin ang paggulong..

    inaadvance co rin relo co cahit na alam cong.. advance nga ito.. pero di co sinusunod yung advance cong relo sa mga lakad dahil ayocong naghihintay.. hahaha

    ReplyDelete
  19. ako rin laging late! yung dad ko kasi ang late na din magisiing.

    minsan paimportante din ako. :))
    suklay dyan suklay dito at posing sa mirror. kaya galit na galit ate ko at daddy ko tuwing umaga eh.

    ReplyDelete
  20. dahil sa gwapo kong boss na "jake" din ang pangalan, kinakailangan din na dumating ako sa tamang oras, pag date na man *kung seryoso* , lagi kong pinapahaba ang oras ng pagaayos...

    ReplyDelete
  21. Aba, ang dami palang pwedeng bansag sayo. Boy kupad ka din pala. Maiipon na yan, boy kupad, boy tamad, and counting.

    Ano nga ba yung daylight savings?

    Magwordpress ka na kasi. Hehe. Pwede mo namang iimport yung entries mo sa pagkaalam ko.

    Ayoko ng floppy disks. VIRUS!

    ReplyDelete
  22. "Oras ang hinihintay, hindi ang tao"
    iyan ang isa sa mga sinabi ng Regent namin noong high school na tumatak sa aking isipan. at tinatamad akong mag-explain pero di na siguro kailangan i-explain yan.

    tinanggal na ng kuya ko ang floppy disk drive namin, di na kasi namin ginagamit.

    ReplyDelete
  23. tumalon ako sa dulo ng blog mo, meaning, di ko pa tapos basahin ito. dahil una.. mahaba at pangalawa, ang hirap pala talaga magbasa ng purong tagalog!mwahah. pero babalik ako at tatapusin ito.

    if u can't figure out the blogger to domain thingy, let me know, i'd be glad to host your domain. =]

    ReplyDelete
  24. Late-comers apir! Wooot! Haha!

    ReplyDelete
  25. As much as possible, I don't want to be late sa mga meet-ups and such. Sa school, pag late ako sa klase, hindi na lang ako papasok. Nakakatamad kasi eh. Parang lagi akong disoriented pag late ako, hindi ko alam kung anu-ano ang mga pangyayari. o_O

    Mukhang naayos mo na ang iyong domain. Madali lang naman diba? Hehe. ;) Congrats.

    ReplyDelete
  26. Grabe sobrang tardiness! Kabaliktaran naman ako... Ako kasi ayoko nung nagmamadali kaya lagi ako maaga kung umalis.. Kung ang pasok namin sa office ay 8:30... minsan 7 pa lang umaalis na ako sa bahay pero 10kms lang naman ang layo ng office sa bahay :P Ang pinakamatagal na sigurong biyahe e 20 minutes :D Kaya naman bago mag 7:30 andun na ako... Minsan tuloy pag na-late ako ng onti kapag mga 8 na ako nakapasok sasabihan ako ng guard na late na ako hahaha yan naman e sa oras lang...

    Pero pag dating sa deadline nako ibang usapan na yan :P isang tamad din kasi ako kaya kung pwedeng hindi pa gawin ngayon hindi ko pa talaga gagawin hanggang mamalayan ko na bukas na pala ang pasahan ng project etc. :p

    Pero sa oras talaga sobrang prompt ako :) Bihira akong ma-late... pag ma-late ako sinasadya ko na ma-late kasi alam ko late din darating ang mga kasama ko hehehe

    ReplyDelete
  27. Nakakarelate ako dito. Notorious din ako for being late. Lalo na sa class.
    Mabagal kasi ako kumilos e..

    Para ka yung friend ko, malupet na. 2-5 hours na late. Buti na lang at mahal namin sya hehe. :)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails