Tuesday, May 8, 2007

Poké-Tiyan / Selpown

Poké-Tiyan

May problema yata ako sa bituka.

Nitong mga nakaraang araw, tila yata lagi akong ginugutom kahit na kaing-kargador ang appetite ko. Katulad na lamang nu'ng isang gabi, dalawa tatlong beses akong naghapunan. Nu'ng sumunod na araw, dalawang beses naman akong nananghalian.

Oo, matagal ko nang alam at tanggap na ang pagkain ko ay katumbas ng pagkain ng isang buong pamilya. Pero hindi ko talaga mawari ang sarili ko nitong mga nakaraang araw. Dumadalas ang paglabas ko sa madaling-araw para kumain ng tapsilog du'n sa personal kong paboritong tapsilugan. Siguro mga isa o dalawang oras makalipas ang mala-Loch Ness monster kong pagkain, nagugutom na naman ako. At ayon sa huling pagtatala, mahigit kumulang sa dalawang daang piso ang nagastos ko para lamang sa isang hapunan, du'n sa isang fastfood chain kung saan e masarap ang Beef Motong. Pinakamataas na gastos para sa isang fastfood chain. Nakakapagtaka pa dahil pangalawang hapunan ko na 'yun at simut-sarap-talaga ang mga in-order ko.

Hindi ko alam kung saan inilalagay ng bituka ko 'yung mga kinakain ko. Wala naman akong ibang bantay sa loob ng tiyan ko maliban na lang kina Bantay, Muning, at Pikachu. Wala rin naman akong mabigat na ginagawa bukod sa pagmukmok sa harapan ng PC at pakikipag-usap sa sarili habang natutulog. Ewan ko ba. Parang nag-e-evaporate 'yung mga kinakain ko.

Pero natutuwa rin naman ako kahit na papaano. Hindi ko na kasi kinakailangang alalahanin ang timbang at pagtaba dahil hindi uso sa'kin 'yun. Kahit na ga-halimaw ako kung kumain, hindi ako tumataba ni kaunti. Mabilis ang metabolismo. At dahil dito, may karapatan akong kainin ang lahat-lahat ng gusto kong kainin at kahit na gaano karami. Blessing in disguise pala kung tutuusin. I can eat, eat, eat without getting fat, fat, fat.



Selpown

Nitong Sabado, plano ko sanang magpabili ng memory modules at ipa-upgrade ang PC ko na ilang buwan na ring may sakit sa utak. Madalas kasing mag-hang 'tong PC ko, lalo na sa mga kritikal na panahon katulad ng pagpo-program ko o pagkikipag-chat sa mga celebrities sa YM. Nai-format ko na siya pero andito pa rin ang tuberculosis niya. At habang isinusulat ko ang entry na ito, isang beses na siyang nag-hang ngayong araw.

Poporma pa lang ako para magsabi, pero naunahan na ako. Ibibili daw ako ng bagong mobile phone. Ang 1gb DDR memory na sana'y ilalagay ko sa maysakit kong PC, naging mobile phone na may 1gb memory. Hindi na masama? Siguro. Umuwi akong may bagong phone.

Natuwa naman ako nu'ng una sapagkat nagsasawa na rin ako sa nauna kong phone. Bukod pa ito sa dahilang gusto ko ring magkaroon ng music player. Ngayon e may bago na akong phone na pwede ring music player. Hitting two birds with one stone. Pero matapos lamang ng ilang oras, naisip ko lang na kung tutuusin, hindi ko naman masyadong ginagamit ang phone ko. Wala naman kasing nagti-text sa'kin. Kung meron man, puro quotes naman. Wala naman akong kaso sa mga taong mahilig mag-forward ng mga quotes. Pero dumarating 'yung oras na naiirita na lang ako dahil ginagawa ko na lang bangko ng mga quotes 'tong phone ko. Kung tutuusin, mas matutuwa pa ako kung makakatanggap ako ng mga matitipid na mensahe katulad ng "Kamusta?" o "Magandang araw." o "Mamatay ka na, Jake." kesa sa mga quotes-quotes-quotes. Kahit naman ako e nagpapadala rin ng mga ganitong quotes, lalo na kung gusto kong iparating na "Hoy, buhay pa ako at nagpaparamdam." Pero kung nakakahalata na ako na wala na akong ibang natatanggap sa isang araw kundi ang mga ganitong klaseng mensahe, parang wala na ring saysay sa'kin ang cellphone ko. Sa opinyon ko, walang masama kung regular kang nagpapadala ng mga ganito. Pero ugaliin ding magpadala ng mas personal na mensahe sa mga taong madalas mong pinapadalhan nito.

10 comments:

  1. ako una. Hahaha! Sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Sawa na ko sa mga quotes. Paulit ulit pa.

    Balak ko na rin palitan ang pc ko dahil apat na taon na tong namamalagi samin. Totoo. Walang halong biro. Kahit pentium 3 lang ito at 933mhz and processor. Di sya pala hang.

    ReplyDelete
  2. sana nga ay nafo-format din ang utak ng tao.

    ReplyDelete
  3. Naku jake, parehas tayo ng suliranin. Gahalimaw din ako kumain pero hindi ako tumataba. Hindi ko alam kung san yun napupunta. Payatot ako na maliit. Ang weird ng buhay. Makapagpurga nga. Kaso hindi naman malaki tiyan ko e. Wala naman sigurong bulate yun hane?

    ReplyDelete
  4. ingat ka ... baka tumaba ka.. maswerte ka kasi hindi uso sayo ang pagtaba..ako 2X lang ako kumain.. kasi sobrang taba ko nung 3rd yr.-4th yr... ngayong talagang pursigido nako magpapayat.. so far malaki na ang pinagbago..

    nagsawa narin ako sa selpown ko.. pero di ko papalitan kasi i found out na.. hindi pala talaga ako mahilig sa selpown.. sa umpisa lang..

    Kitten Holder.. :)

    ReplyDelete
  5. Wahahaha! parehas po tau ng kaso dahil hindi na talaga ako tumataba. Naiiis na nga ako eh!(samanatalang ikaw ay natutuwa) Halos lahat ginagawa ko! lamon ng lamon ng pagkain pero minsan di pa rin ako nabubusog. Pagktapos ng hapunan kain ng 3 balut nakakahilo nga lang un.

    Sa selpown naman, isa lang siyang alarm clock, bangko ng kowts, at suki ng 2978 sa GLOBE. Hindi rin ako mahilig magtext dahil masakit sa kamay at parang walang kwenta na! Paulit-ulit!

    ReplyDelete
  6. Hulog ka pala ng langit para sa mga taong nagtatrabaho sa fast-food! Grabe!!

    Nakaka-banas nga yung mga taong nagpapa-ulan ng mga quotes! Ewan ko kung nagpapapansin o sinusulit yung Unli- nila! Lalo na yung mga taong 3x a day kung mag-gm! Akala mo me pake-alam ako! gggrrrr!!!!

    ReplyDelete
  7. Kung ako ikaw e yung 1G DDR RAM na lang ang binili ko! Hehe!

    Pareho tayong mabilis ang metabolism. Nakakarelate ako sayo na kahit gaya ng sabi mo, kain pamilya ako, e hindi pa rin ako tumataba.

    ReplyDelete
  8. "I can eat, eat, eat without getting fat, fat, fat."

    Now I hate, hate, hate you. Hahaha. Joke lang.

    Dude, huwag ka masyadong maging kampante, though. Mula 1st year high school hanggang last year (2nd year college) ganyan din ako -- kinaiinisan ng mga kaibigan kasi super lakas kong kumain pero hindi nagbabago ang waistline ko. Ngayon, hindi na ako puede maging masyadong matakaw kasi nag-iiba na siya, depende kung gaano ako karami kumain sa isang araw. Huhuhu. I can't stop doing crunches these days if I want to fit into my clothes.

    Hala, Jake. You're next. Hehehehehe ;D

    ReplyDelete
  9. Naku pareho pala tayo, kahit anong kain ko di ako nataba, inggit nga mga pinsan ko dito kasi lamon talaga ako pero saksi pa din ayy este seksi pala hahaha...

    Bago pala mobile mo, text mo nga ko quotes nyahahah, joke lang jake :)

    ReplyDelete
  10. kaaliw naman ung YM status message ni Hari ng mga Bitter...asteeg!!!

    hilig ko rin dati ang magforward ng mga quotes pero ngayon mas like ko yung magtext ng mga personal messages.

    ingats! ang tarush ng mga entries mo :)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails