Wednesday, June 27, 2007

Bits And Pieces #1

* 'Yung mga nagpa-tag po for the "Interview Me" questionnaires, namely, Nina, Mae, Czian, Chel, Edden, Jesse (ano'ng nangyari sa blog mo?), Ate Rho, and Habble, hintay-hintay lang po. Lubos ko pang pinag-iisipan ang mga tanong na naangkop sa inyo sa pamamagitan ng background research at global positioning system. Sana'y hindi niyo ito pagsisihan.

* Nu'ng Linggo, nakausap ko 'yung ilang crew sa Bubble Tea. Ayos, may mga friendly-friends na ako du'n. Magkakaroon na ako ng "Bubble Tea Chronicles" sa mga susunod na linggo. Ang first mission: maka-date si "crush" na crew du'n. Matatagpuan ang Bubble Tea sa Lower Ground Floor ng Megamall, malapit sa Skating Rink.

* Speaking of crush, alam niyo bang may listahan ako ng mga "crushes" na na-encounter ko rito sa blogosphere? Abangan kung sinu-sino sila. Pinag-iisipan ko pa kasi kung pa'no ko iba-blog 'to. Kung papangalanan ko ba with matching link love, o siguro mala-showbiz na "Da Who." Basta ito ang clue: mga babae sila na may mga blog. 'Yung iba, halata naman dahil madalas ko silang nababanggit dito. 'Yung iba, sinabi ko naman sa kanila. Tulad ni "idol." Kung papangalanan ko, baka kumuha sila ng mga hired gunmen at pagbabarilin ako isang araw. Kung hindi naman, baka may mag-comment ng "ay, killjoy?"

* Gustung-gusto ko 'yung weather kahapon (26 June). Ang nostalgic ng dating. Maaraw siya pero hindi mainit. Pakiramdam ko e bumata ako. O siguro dahil sa mga ala-alang nagbabalik.

* Sa totoo lang, parang ayoko nang ipagpatuloy ang pagba-blog ko. Wala na kasi akong masabing matino. Okay lang ba?

* Nitong mga nakaraang gabi, sunud-sunod ako nakakapanaginip ng masama. Hindi katulad ng iba na nanonood ng porn bago matulog, horror movies ang pinapanood ko. Sa pagkakataong ito, alam ko ang dahilan kumbakit ako dinadalas ng bangungot. Nagma-marathon kasi ako ng "The Exorcist" trilogy. Isang magandang trilogy na bumubuo nito ay ang (1) The Exorcist [1973], (2) The Exorcist III: Legion [1990], at (3) Dominion: Prequel To The Exorcist [2005]. 'Wag niyo nang panoorin 'yung "The Exorcist II" tsaka "Exorcist: The Beginning" dahil isa silang malaking FAIL, story-wise and statistics-wise.

* Nitong mga nakaraang araw din, tila yata lagi akong inaantok buong araw. May bago nang adjective na i-a-associate sa'kin: ANTUKIN-EVER.

* Sa isang banda, pareho kami ng kapalaran ni Kurt Cobain. Wala kasing maka-intindi ang totoong kahulugan ng mga gusto naming sabihin.

* Nu'ng nakita ko ang mga naggagandahang larawan ni "titah gandah," napasulat ko on-the-spot ng isang tula para sa kanya:

Sa gitna ng kadiliman
Kapag ang boses mo'y napakikinggan
Lahat ay maliliwanagan
Dahil sa taglay mong kagandahan

'Wag magagalit
Sa aking nasasambit
Sapagka't ayaw kong mawaglit
At sa kagandahan mo'y gusto kong madikit

Oh sinta kong Shelley
Ako'y hindi mapakali
Sa kariktan mo'y wala akong masabi
Talo mo pa si Aphrodite


* Palakpakan naman tayo diyan.

25 comments:

  1. mag-da who ka na nga lang sa mga crush mo. pag nagpost ka na re that, sabihan mo ko ha. para mabasa ko. hehehe. at tlgang dun lang ako nagcomment. hahaha :)

    ReplyDelete
  2. antukin-ever. lol ako din yan ah. hahaha

    ReplyDelete
  3. hmmnn.. di ko alam pero sa blog mo na ito, prang hndi ikaw yung nagsulat.. hehe.. ewan ko.. parang iba ang jake na nagsulat. anyweis, twas still fine. keep up the good work parin. :)

    ReplyDelete
  4. @ gelik

    You know how much I still love you...

    ReplyDelete
  5. onga medyo naghihintay nga ako ng questions eh.mwahah. okay lang, take your time! =)

    naku wag ka mag stop mag blog, didilim ang buhay mo bahala ka. kahapon naman dito SUPER INIT! As in! Yung tipong kaya kong tanggalin damit ko habang nasa koche at isuot nalang ulet pag bababa na... ganon kainit, kahit na naka AC na ng todo, ganon pa din, alang tulong.

    ako din may mga crushes na bloggers, pero bibihira.

    *i kinda agree with what Gelik said. Parang hindi ikaw, siguro kasi parang wala kang kinwento..tapos parang 'bulleted' style pa. oh well. heh. basta wag hinto sa pagblog! hmkay?

    ReplyDelete
  6. ano yun dream mo exactly??

    wala lang, naalala ko yun post ni Thirty thousand isda, mejo nagbigay ako ng interpretation...nagustuhan ata nya :)

    take care ijo...dami mo ng crush ha :)

    ReplyDelete
  7. "Ang pag-ibig, dala lang ng pangangailangan 'yan." - Paulino

    agree ako. pakipadalhan ng apir iyang kaibigan mo Jake ;)

    ReplyDelete
  8. nag-aadik ka sa Bubble Tea con todo na ito hehe

    the who ka naman dyan para mapaisip mo kami gandahan mo ang clue ha ... hehe

    Ano naman ba naging panaginip mo? And kaninong kasalanan yan? Ikaw na ang maghorror bago matulog.

    Antukin ever? parang ako rin yan ah, si masa naman, masandal tulog.

    asteg ah, isa ka talagang makata.

    ReplyDelete
  9. jake pare! si jesse ito..nagbago na pala ko ng link. :D sana kaya ko sagutin mga itatanong mo...

    sisilip nga ako dyan sa bubble tea minsan para makita ko din yung mga crew...

    hmmm...blogger crushes :D masaya yan

    ReplyDelete
  10. aba, kaya ka pala napapadalas sa bubble tea e. ahehehe.

    congrats at consistent pa rin ang rank mo sa The Top 10 Emerging Influential Blogs. you deserve it. :)

    ReplyDelete
  11. * Aba may bago ka palang prospect sa Bubble Tea. Haha.

    * Kilala ko na yung dalawa mong kras. Nyahaha. Obyus.

    * Ituloy mo pa rin ang pagbablog. Sayang naman.

    * Congrats at pang-6 ka. Hehe. Dahil busy ako, hindi na ko nakasali dun, hai.

    * Antukin. Puro sleeping mode nga ata status mo sa YM e. LOL.

    * Gusto ko rin atang tanggalin ang shoutbox ko. Gusto ko rin ng bagong layout.

    ReplyDelete
  12. wow! buti pa si jake nakakapagpalipad-hangin sa kanyang crush!

    ReplyDelete
  13. Para kang si sasha! Kulang ka na rin sa tulog! Haha.

    ReplyDelete
  14. hehe... may mga rebelasyon palang magaganap...

    eway, exorcist the beginning lang napanood ko. pilit pa. binabangungot ako lagi eh... kaya bawal horror. minsan ko ng nakasama si samara sa dream. hahaha!

    oh well.. nalalaswaan parin ako sa lalaking nagsasayaw sa mga entry mo.

    at kumusta naman ang pic of the day! wahaaahah! SAYA! :D

    ReplyDelete
  15. napakashowbiz naman ng pagsusulat mo kung sinong crush mo nakacurious tuloy..lol.

    hay..ako din recently binabangungot. :/

    asteeg nung poem. naaliw din ako kasi, kahit hindi related, naalala ko ang cellphone kong si shelley.

    ReplyDelete
  16. Kasama kaya ako sa listahan ng crushes? LAWLING.

    Goodluck!

    ReplyDelete
  17. waw, top6! idol!! :D

    ReplyDelete
  18. uyy.. interested ako sa 'da hu'.. hihintayin k yun.. hahaha..

    ako rin eh, madalas inaantok kapag may pasok... at medyo nakakatamad na nga rin mag-blog.. dalawang blog ang lagi kong inuupdate.. blog ko sa friendster at blogdrive.. parang mas trip ko sa friendster khit linulumot cya.. ewan.. ^_^

    ReplyDelete
  19. mukhang exciting ang crushlist mo ah.. hihi. :P

    ituloy mo lang kahit madalang ang updates.. sayang pag istop dba? :p hihi.

    ReplyDelete
  20. Wow, may listahan ka ng crushes? Nakakaintriga yan hahaha
    Maganda siguro ang Da Who na yan :P
    May naalala ako sa June 26 na yan... Napabati ako ng sobrang advance ng happy birthday sa kaibigan ko... Akala ko June 26 birthday niya, yun pala July 26 :P Share ko lang hehehe

    ReplyDelete
  21. "* Kaugnay niyan, may nakatakdang bloggers' eyeball sa August 1. Ewan ko kung pupunta ako. Kung may mga pupunta sa mga nagiging kaibigan ko rito sa blogosphere at sa mga suki ng mas nilalangaw kong blog, baka magpunta ako. Para sa detalye, magtungo lamang rito."

    Update mo naman ako kung makakapunta ka, try ko kasing maisingit sa sched ko yan. Heehhehe.. Pag nagkataon, first time kong makaka-attend ng Bloggers Eyeball o mae-experience and eyeball hehehe...

    Saka...

    "At maraming salamat din sa siyam na bumoto sa'kin. Ililibre ko kayong squidballs."

    Hindi ko ya kakalimutan. Manlibre ka ah hehehehe...

    ReplyDelete
  22. Mas trip ko yung DA WHO!

    Adik huwag kang tumigil sa pagba-blog!

    Dapat nanuod ka nung Shake Rattle and Roll 4 (yata) nung thursday! Classic! Nyahaha! Ang Undin! Hehe!

    Saan ka nakakuha ng mp3 ng Batibot? Matagal ko ng hinahanap yan!

    ReplyDelete
  23. Ang sarap ng bubble tea. Swerte mo ha =]! Lagi ka atang nandun sa place na yun.

    lol di ka naman siguro pagbabarilin ng mga crushes mo sa blogosphere. Hahaha ayos din yng mala-showbiz yng dating may add on suspense. hehehe.

    bakit naman ayaw mo ng ipagpatuloy? ang dami dami mo ngang nakekwento sa blog mo eh. nakakatuwa pa.

    pwede tempura na lang wag squidballs? mas masarap kasi yun eh tsaka mas malaki hahaha kaya mas matagal maubos.

    napanuod ko na yng dominion. diba yon yng nandun si billy crawford? naguguluhan ako kasi may nakita pa akong the exorcist na wala siya dun pero bagong palabas lang. pero grabe ka ha dapat di ka laging nanunuod ng horror movies =S

    ReplyDelete
  24. waw! congrats po! nasa top 6 ehehe. diba ang tanging paraan para bumoto ay ang mag-post ng sarili mong top 10 [or less]? hai. sayang. di talaga ko makasulat hehe. ewan ko ba. ah basta congrats pa din po!

    at tungkol sa interview.. uhm.. haha. ala lang. ok lang talaga kahit di mo ko interview nu ka ba. iniisip ko nga kung iinterview-hin ko ung sarili ko, anu kaya mga itatanong ko?? haha. wala ko maisip na tanong para sa sarili ko. weird.

    ayos sa tula! asteeg!!

    blogosphere crushes. hmm.. interesting. =D

    ReplyDelete
  25. aabangan ko yang mga plano mong yan jake lalo na yung interview mo sa akin! nyahahaha!! ingatz lagi en God bless sa'yo...

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails