Thursday, June 14, 2007

Instant Swimming Pool

Natapos na nga ang panahon ng summer. Medyo. Kung tutuusin, ang init-init pa rin kasi at hindi pa gaanong umuulan. At kung nakatira ka rito sa may amin, ang isang malaking palatandaan na panahon na nga ng tag-ulan ay ang mala-Niagara Falls na baha. Grabe naman kasi 'yung baha rito. Ito 'yung tipong kahit barko ni Noah e lulutang. Diyahe. Kung dito lumubog ang Titanic, malamang e buhay pa halos ang mga tao nu'n.

Mga ilang linggo na rin ang nakakaraan, nakatambay kami ng aking pinakamamahal na matalik na kaibigang kabayo na si Jeff sa isang tapsihan du'n sa may Shaw Boulevard. Kalalabas lang namin noon ng SM Megamall at dito kami nagpasyang bumogchi nu'ng gabi. At 'yun, bumuhos ang isang napakalakas at galit na galit na bugso ng ulan. Ambush attack. Sarap na sarap kaming kumakain nu'n. Hotsilog kay Jeff, cornsilog naman 'yung sa'kin.

Nu'ng una, masarap nga ang pakiramdam. Masarap kumain ng kumain habang malamig ang panahong hatid ng bawat pagpatak ng ulan. Ngunit matapos ang ilang sandali, medyo nag-aalanganin na kami dahil unti-unti nang bumabaha sa open-area na kinalulugaran namin. Kakanta pa sana ako ng "Kung Ikaw Ay Masaya, Tumawa Ka" pero bigla akong binaril ni Jeff ng kalibre kwarenta'y singko. Pero siyempre pauso ko lang 'yan. Buti na lang at nasa silungan kami. Maya't-maya pa, nawalan na ng ilaw sa lugar. Pati 'yung Starmall sa may pagtawid, dedbol ang kuryente. Pero ayos din dahil masarap pa rin namang tumambay. Yosi na lang ang nagpapainit sa dibdib namin. Pinagmasdan namin ang mga nagsisitakbuhang tao habang nababasa sila sa tubig-bahang itinatalsik ng mga dumaraang sasakyan. Ka-text ko pa nu'n si Chuchay Kulet.

Makalipas na rin ang ilang saglit, sumukob na lang kami sa ulan dahil nag-aalala na ako. Baka kasi nababasa 'yung computer ko sa may bahay namin. Sumakay ng bus. Bumaba si Jeff sa Guadalupe. Traffic sa may Ayala Avenue.

Heto na ang masayang bahagi ng adventure ko nu'ng gabing 'yun.

HINDI AKO MAKABABA SA DAPAT KONG BABABAAN. Bakit? Nag-uumapaw na baha. Medyo lumampas pa 'yung bus nang ilang kanto bago ako tuluyang nakababa. Jumping Jupiter...


Buendia Avenue 'yan. Nag-uumapaw sa baha. Wala na akong ibang choice. Lumusong ako. Hanggang tuhod ang walangyang baha. Lusong... lusong... akyat... lusong... akyat... Malayu-layo rin ang nilakbay ko. Hindi na kasi makakatawid sa dapat kong tawiran dahil bukod sa rumaragasang baha e baka madamay pa ako sa problema ng mga motoristang nai-stuck sa kalsada. Nagmistulang submarine ang mga kotse nila. Kinakailangan ko pang ikutan 'yung ruta ko pauwi.

Intro pa lang 'yan...


'Yan ang bukana ng Dela Rosa Street corner Chino Roces Avenue (Pasong Tamo). Sa Dela Rosa Street kasi ako umuuwi. Kinakailangan kong pasukin at tawirin ang kahabaang 'yan dahil nasa kabilang dulo ang bahay namin (dahil nga inikutan ko). Hindi biro ang paglusong sa bahang halos umaabot na sa may "crotch" ko. Lusong... lusong... akyat... lusong... akyat...


Pagmasdang mabuti kung ano 'yan. Lapit pa. At kung hindi mo talaga na-gets kung ano 'yan, 'yan e ang mga paa kong nakalubog sa baha. Pinagtripan kong piktyuran ang sarili ko habang literal na lumalangoy sa baha. Kung si Bob Ong e may extension ng River Ganges, kami rito e extension ng Amazon River.


Rakenrol. Nakarating na rin ako sa may pintuan ng bahay namin. At 'yan ang harapan ng bahay namin.

Dalawang oras akong naligo bago ako pumasok sa kwarto...



Sidenotes

Nami-miss ko na si Chuchay Kulet. Para sa mahilig sa kakikayan, sana'y bisitahin niyo ang website niya. 'Pag ginawa niyo 'yun, parang binigyan niyo na rin ako ng lollipop.

May idinagdag na naman ako sa listahan ko ng mga "crushable idols." Si Chel.

Above all, I am still, and will always be, exclusive for her. I know, she could never forgive me anymore. But still, I miss her a lot. And I love her still.

Nakuha ko na 'yung schedule ko sa school. 6pm-9pm lagi 'pag weekdays. At anak naman ng bakang baog, may pasok ako 'pag Sabado. 11.30am-6pm. Haay, araw sana 'yun ng...

23 comments:

  1. wow lake, ayy este baha! hanggang ngayon ganun pa din sa atin konting ulan, wapak pwede na lumangoy...

    pero kakamiss din, hahaha. tyak sa paguwi ko bagyo nito at ako'y makakaswimming ng libre hehe.

    ReplyDelete
  2. akala ko kung ano ng swimming pool.. baha pala lol!

    ReplyDelete
  3. grabe ang taas ng baha na yan ah. Naranasan ko rin ang lumusong sa baha ng papauwi kami galing school at nasuspend ang klase namin. no choice, ala kami masakyan nun, at hapit na hapit kaming umuwi para makapaglaro ng online games sa bahay. hehehe.

    tagal ah, dalawang oras. sabagay. binuhusan ko pa nga ng alcohol ang paa ko nun matapos maligo.

    ReplyDelete
  4. hehe! binabaha din pala sa makati..dati nakakatuwa lumusong at magtampisaw sa baha eh..kapag bata ka ok yan! di mo masyado maiisip ang dumi

    ReplyDelete
  5. wow buti ka pa nakalusong na sa baha, cguradong marami ka nakuhang germs! hehehe.

    ReplyDelete
  6. sorry pero, yuck talaga ang baha.

    ReplyDelete
  7. Dito sa Bulacan di ko feel na tag-ulan na. Hehe. Ang ineeet!

    ReplyDelete
  8. pag baha wag ka magtsinelas. yakee yun. hello leptosirosis yun. buti nalang dito sa baguio soooooobrang bihira ang baha :)

    ReplyDelete
  9. Try mong dumaan sa Espana, haha!!! tgnan natin kong ma-picturan mo pa!!! wahahaha!

    ReplyDelete
  10. lintik na baha. last year flash flood sa amin, five feet sa loob ng bahay. yun yon.

    ReplyDelete
  11. yan eh ulan pa lang. pano n kaya kung bagyo?

    buti walang manhole. yay dito sa amin madami!

    ReplyDelete
  12. Jumping Jupiters? hahaha... parang comic book.

    Hindi ko pa nasusubukang lumusong sa baha... Di ko alam kung swerte ako oh if I'm missing an experience.

    Sa susunod na lalabas ka, magbaon ka ng inflated na bangka.

    I sent na the "interview questions" sa gmail account mo na nakalagay sa profile mo. Kung d mo pa natanggap tell me lang para I can post it here sa comment box mo na lang.

    ReplyDelete
  13. Teka, bumabaha pala diyan sa Makati?! Hehe!

    Napakasayang lumusong sa baha! Lalo na kapag bata ka! Hehe!

    ReplyDelete
  14. Sa Dela Rosa ka pala nakatira, lapit lang sa school. Grabe nga bumaha jan. I remember last year dumaan kami ng friend ko sa DLR, pinasok yung kotse niya ng tubig-baha. Buti na lang nakauwi pa kami, gabing-gabi na yon after duty eh. Sige, good luck!

    ReplyDelete
  15. baha!! wew. may ganyan din dito pero minsan na lang.. inaayos na ang drainage system dito eh. buti naman you went home safely. dito ulan sa gabi pero grabe ang init parin.

    umaambon.. walang sun.. pero ang pawis ko.. grabe. ang init parin. superrr!!

    ReplyDelete
  16. Hala! Grabe naman yung baha... Hindi ko na matandaan huling lusong ko sa baha... Hmm.. Kelan nga ba? Natatandaan ko lang e muntik maiwan ang tsinelas ko at tangayin ng baha hehe! Ang huling lusong ko pala e hindi talaga lusong... pinadaan ko sa baha ang kotse ko... Grabe katakot... Feeling ko pumasok na sa loob ng kotse ang tubig... E no choice naman ako.. Alangan antayin ko magsubside yun e napakalapit na ng bahay e... So near yet so far ika nga :P Kaya lumusong ako...

    Nako, may list ka ng crushable idols? Ano yun? Hahaha! Nakakatuwa naman at may ganon pa :P Naks.. at talagang para sa "kanya" ka talaga ha? Solid! :D

    ReplyDelete
  17. 3) Pwede kang mag-cultivate ng palaisdaan sa loob ng mga sapatos mo.

    4) Hindi na kataka-takang may barkong dadaan sa harapan ng bahay niyo.


    wahaha.. your sense of humor is subtle and naive but nice. <3 it. =)

    shockie. good thing talaga that you made it! cheers cheers!

    nga pla, di ba uso sayo ang payong? hehe..

    have a nice day!

    cheers,
    airah

    ReplyDelete
  18. Sa lugar namin, ambon lang binabaha na kami. Madalas kelangan kong pumunta sa school na naka-tsinelas at shorts, maguuniform na lang sa school (noong high school pa ako, shemps) dahil sa lintek na bahang yan. Ang nakakatawa dun, yung compound namin ang talagang tinitira. Pumapasok sa bahay --- hanggang tuhod --- yung tubig. Hay. Tag-ulan na naman. Trabaho naman.

    ReplyDelete
  19. Kung kumikidlat, ibig sabihin nag-pipiktyuran ang mga anghel sa langit. LOL.

    Naranasan ko ng maglakad at halos lumangoy sa baha dahil muntik na akong madulas. Hindi nga naman kasi kumpleto ang UST experience ko kung walang baha. HAHA!

    ReplyDelete
  20. ay nako baha. nung andyan ako sa pilipinas naiinis ako pag may baha although bihira bumaha sa may amen. ngayon na andito ako sa states na kung saan AS IN ALANG BAHA eh namimiss ko naman bigla. hah. weird. at buti naman naligo ka ng dalawang oras hano? mabuti mabuti!

    natuwa naman ako sa 'lessons learned' mo! hahaha. nagsasampay at bowling. tapos sabi naman ni JHED, nag pipicturean. mwahaha. mga baliw!

    ReplyDelete
  21. hala... grabe pala pag bumaha sa inyo noh??! paano yan, everytime na uulan e ganyan??! kawawa naman yung mga tao... sana naman maremedyuhan yan para naman hindi sagabal db?!

    ReplyDelete
  22. argh! Baha. Kainis.

    Onga, pag kumikidlat, nagfla-flash ang mammoth camera ng kalangitan *pose sabay ngiti sa langit* hehe!

    ayoko ng baha, lalo na yung hanggang dun sa bandang yun. Kadiri kasi. parang gugustuhin mong pakyawin lahat ng feminine wash at gumamit nito, kahit na lalaki ka pa.

    :)

    ReplyDelete
  23. LOL, you crack me up with your sense of humour. The "ROFLMAFAO seal" pic is hilarious!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails