Tuesday, July 17, 2007

Haw Flakes

Nabanggit ko na rin lang at medyo napansin niyo na rin, bakit hindi ko pa pagtripan?

Karamihan sa mga kaedaran ko e siyempre nakakain na ng haw flakes. Kung hindi mo alam 'yan, malamang e hindi ka rito sa Pilipinas lumaki, o baka hindi ka masyadong lumalabas ng bahay at nag-e-eksperimento ng mga barya-goodies sa suking tindahan. Ang haw flakes ang isa sa mga napakaraming simbulo ng nakalipas na panahong kaysarap balikan kung minsan.

Para sa kapakanan ng mga kahapon lang ipinanganak, ang haw flakes ay isang mamisong pagkain galing sa Tsayna (China). Medyo kulay pink sila na halos simbilog ng old-school na beinte-singkong barya ('yung paru-paro ang naka-engrave). Tigsa-sampu yatang piraso 'yun na nakabalot sa papel na ang design e pwede mong mapagkamalang paputok para sa Bagong Taon. Malalaman mo agad na galing siya sa Tsayna dahil sa mga nagtsatsaynisang mga characters sa label nito. Walang kahalintulad ang lasa nito (at sa totoo lang, hindi ko na halos maalala). Basta maasim-asim siya na manamis-namis (at ayoko 'yung naiisip ko).



Ang haw flakes ang isa sa mga naging dahilan kumbakit ko ikinakatok ang mga barya ko du'n sa friendly neighborhood sari-sari store nu'ng mga bata pa kami ng kapatid ko. Ito rin ang staple food namin sa hapon kapiling ng mga kalaro ko. Haw flakes din ang nakapagpatunay na sa murang edad, may alam ang mga bata ukol sa Banal na Misang Katoliko.

*itataas ang isang piraso ng haw flakes*
Bata 1: Ito ang katawan ni Kristo.
*isusubo niya sa kalaro*
Bata 3: HOY, TAWAG KA NA NG NANAY MO!

Ewan ko kung nakakain na ako ng sundot-kulangot, pero sigurado akong nakakain na ako ng kundol, sweet-and-spicy dilis, mga candy na may kung anu-ano ang hugis, at iba pa. At hindi ko malilimutan ang haw flakes.

Bata pa ako nu'ng huli akong nakakain nito. Hindi ko nga alam kung meron pa nga ba nito sa kasalukuyang panahon. Ayon naman sa crush kong si Chel, marami-rami daw siya nito. Marami. Nang-iingit pa. Pero banggit din niyang mabibili daw ito sa Aji Ichiban. Grabe, na-miss ko nang kumain niyan.

Sa tulong ng Wikipedia, ito ang napag-alaman ko sa haw flakes.

Gawa pala ito sa prutas na nanggagaling sa "Chinese Hawthorn." Hindi ko alam kung ano ang hitsura niyan. At pinamimigay pala ito ng isang "traditional Chinese doctor" sa mga pasyente nito pagkatapos ng mga konsultasyon sa kanya. Ngayon, alam ko na kung saan ako magpapabunot ng ngipin next week.

1970s pa pala 'tong Haw Flakes. At ang "Shandong Foodstuffs Import & Export Corporation" ay ang pinakamalaking nagpo-prodyus nito. At madalas itong makikita at mabibili sa mga Chinatowns sa labas ng China. Kung meron niyan sa Binondo, hindi ko pa alam.

Minsan na pala itong nasita ng Estados Unidos dahil sa pagkakaroon nito ng "Ponceau 4R (E124, Acid Red 18)," isang di-aprubadong food coloring. Pero wala akong pakialam. Basta masarap ang haw flakes.

44 comments:

  1. ginagawa rin naming ostya ang haw flakes nung kami'y bata pa.

    shet! baka blasphemy yun, ayoko mapunang impyerno

    ReplyDelete
  2. hindi lang pala sa aji ichiban nakakabili nyan. Yung nasa picture, meron pa akong nakikita sa tindahan malapit dito. 2.50 ang isang piraso, samantalang noon ay piso lang ito. bibigyan kita ng marami pag nagkita tayo. :)

    ReplyDelete
  3. ¤ di pa co pweding magcommunion nun, caia cunwari yn ung ostya... huhuhu

    ang tagal co ng hindi nacacain nian.. san caia aco macacabili? hmm?

    langya, ano naman binabasa mo kuya? naku ah..

    gyk

    ReplyDelete
  4. haw flakes pala tawag dun! basta nun bata ako otsa lang sinasabi ko sa tindahan :)

    sana lang walang formalin kahalo yan haw flakes kagaya ng white rabbit!!! waaa sangkaterbang ganyan ang kinakain ko dati!

    ReplyDelete
  5. Nung grade 3 pa ko haw flakes yung mock oscha namen sa chapel pag ngpapractice ng communion.. hehhe..

    ReplyDelete
  6. ahh oo naalala ko na.. nung una kong nabasa dito ung haw flakes dko maisip kung ano un eh. haha.

    saka kuya jake alam mo.. grabe super emo ka talaga. sana dumating din ung araw na mawala na lahat ng pain na yan. tsk. lilipas din yan.

    ReplyDelete
  7. naku!! parehas tayo!!!! since nasa chinese school ako before meron talagang ganito sa school namin. :) kasabay ito ng kiamoy. grabe adik na adik ako niyan. pag nakakakita si mama ng haw flakes at kiamoy binibilhan niya ako.. pero hindi always.... minsan pag trip nya. hehe.

    ReplyDelete
  8. naaalala ko pa rin hanggang ngyon ang lasa ng haw flakes...manamis namis na maasim asim (parang naiisip ko na yung ayaw mong isipin :D)

    pare pano nga pala kita maiboboto?

    ReplyDelete
  9. tama description ng taste mo. at ayoko talaga siya! binebenta pa rin yan. sa supermartkets meron. at meron sa wikipedia? wow ha! :)

    ReplyDelete
  10. naakiw ako sa post mong 'to! naaalala ko pa nga ang haw flakes...dati sarap na sarap ako dun! nagun twing naaalala ko yung lasa, parang ang sagwa na..hehe sa dami siguro ng nakain ko nun!

    ReplyDelete
  11. Parang nahihiya akong aminin 'to ah: Di pa ko nakakakain ng Haw Flakes na 'yan. OO, nakikita, nahawakan ko na yan dahil naging bata rin naman ako minsan pero sa di ko maipaliwanag na kadahilanan, parating nauudlot ang mga "attempts" ko na tikman siya. Kaya eto, tumanda na at lahat, patuloy pa ring nagtutuos sa aking kamalayan ang mga tanong na "Bakit ba hindi ko nakain yang Haw na yan nung bata pa 'ko? at "Ano kaya lasa n'yan?". O di ba.

    ReplyDelete
  12. di ko naabutan ang Haw Flakes. Sky flakes oo. haha!

    pero nakatikim naman ako ng sundot kulangot. aba, paborito ko yata yun.

    ReplyDelete
  13. in fairness.. pangalawang beses ko ng nababasa ang sundot-kulangot delicacy na yan... pero di ko talaga maimagine kung alin yan sa mga pagkain nung kabataan natin...

    ang haw flakes ang isa sa mga paborito kong pagkain nung bata pa ko. hehe... and yeah! pang mock nga sya sa hostia... ewan.

    meron pa ko nakikita nyan tinitinda sa grocery. isang pack nga lang! hahaha! pero di na ko naeengganyo bumili.

    as for this?
    "A person will die from total lack of sleep sooner than from starvation. Death will occur about 10 days without sleep, while starvation takes a few weeks."

    damn... i would have died. but i guess im still alive because it wasn't totally ten days. 3 lang. hehehe...

    emo! mawawala lang ang sakit na yan, pag unexpectedly may mahanap kang iba.

    good luck!

    ReplyDelete
  14. ang tawag namin dyan noon ay ostiya.."katawan ni kristo!.....amen! sorry sa mga saradong katoliko... pero syempre mga bata pa kami noon e kaya may excuse..

    salamat pala kasi hindi ko alam na haw flakes ang tawag dyan e... jologs na jologs ano? lol!

    ReplyDelete
  15. "May your satisfaction sincerely aroused by me" oh gosh natawa talga ako nung una kong mabasa to. oh gosh hahaha

    HAW FLAKES
    hahay naaalala ko noon tulad nung iba nilalaro namin yan kunyari ostiya tapos si kuya arturo ung laging pare namin kasi sya ung pinakamatanda sa aming magkakaibigan at ang hindi ko talaga makakalimutang linya sa amin komunyon,
    kuya (habang nakataas ang haw flakes): "katawan ni arturo,"
    sagot ng susubuan: "macho"

    AMF!!!!

    ReplyDelete
  16. I've never seen or eaten Haw Flakes before.

    Engrish... that stuff cracks me up. Everytime I see an example of it in real life, I take a photo of it (I bring my little crappy camera with me everywhere I go).

    ReplyDelete
  17. "May your satisfaction sincerely aroused by me" wahahaaa....da best. parang gusto kong gawing status sa YM. ayows. hahahaha...grabe.

    ReplyDelete
  18. Haha! Ang sarap ng Haw Flakes! Hanggang ngayon e mayroon pa ring nagbebenta nito sa amin.

    Ang Haw Flakes, ang opisyal na hostya ng mga batang kumag!

    ReplyDelete
  19. Hahaha!!! minention mo pala yun parang ostiya!!!

    ReplyDelete
  20. Hindi ko ata nahiligan yung haw flakes, kasi hindi naman talaga ako mahilig sa maasim at matamis... Pero masarap nga siya. Nanghihingi lang ako ng ilang piraso nung bata ako kasi naiinggit lang ako sa kapatid ko o kalaro ko hahaha nakakatawa nga at ginagawa din namin na osta yun. :P

    Sana lang hindi siya ma-ban dito at wala din sana formaline hihi!
    --

    Oo nga pala, tinag kita. Ewan ko lang kung nasagutan mo na yun hihi

    ReplyDelete
  21. pag may nagpo-post ng nostalgic entries nakakatawa at nakakalungkot.

    ano kayang pinaggagagawa ng kabataan ngayon?

    ReplyDelete
  22. Hahaha... Ginagawa din namen ang buong "Body of Christ" routine nung bata kame tuwing kakain nito.

    Marami naman akong nabibilhan na shops dito sa Baguio ng Haw Flakes. Usually sa mga Stores na pag-aari ng mga Chinese at minsan meron din sa mga groceries.

    Nag-crave tuloy ako ng Haw Flakes.

    Ayus ng Dig ng Incubus no? Although yung Light Grenades na album as a whole eh di kagandahan compared sa Morning View at ng Make Yourself. Pero kahit ano pa man din ang kantahin ni Brandon Boyd eh magugustuhan ko. Kami na... di nya lang alam.

    ReplyDelete
  23. di ko alam yun ah. lumaki naman ako sa pilipinas. at outgoing din ako. hmmmm? haha.

    i loooove the picture of the day.

    ReplyDelete
  24. Paborito daw pala toh ng aso (baby) ko. Ito pagkain nya araw-araw. HaHaHa.

    ReplyDelete
  25. Uy, Jake... Peborit ko yang haw flakes na yan. Sana walang formalin ano? Kung hindi, naku, ipapa-ban na naman yan ng BFAD.

    ReplyDelete
  26. hehe sabi na nga ba at may linyang katawan ni kristo dun eh. hahaa. saan ba nakakabili nyan? wala naman kasi makita nyan sa sm... eh sobrang namimiss ko na yung lasa. hehe

    ReplyDelete
  27. oooooo nga! Body of christ! tuloy nung natikman ko ang communion, parang nadisappoint ako na kulang ang lasa. hehehe

    ReplyDelete
  28. Ahhh, haw flakes pala ang tawag dun hehehe.. Salamat sayo, ngayon alam ko na, kasi naman kala ko ostiya talaga yun noon hahaha...

    ReplyDelete
  29. Aliw naman itong Haw Flakes entry mo. At oo, ginagamit din namin itong kunwa-kunwariang ostiya. Parang nakakain ako nito kamakailan lang, so mukhang meron pa nga. :)

    ReplyDelete
  30. Hanggang ngayon bumibili ako nyan...pati mga anak ko nakakabili nyan sa school nila...sa mga Korean stores meron nyan...

    Sna nga walang formalin...

    ReplyDelete
  31. jake, musta ka?! nagbalik na ako! nyahahahaha! medyo naging busy lang kasi sa school eh!!

    oiiii, tanda ko pa yan!! haw flakes pala ang tawag dyan... hahaha! nung bata kasi kami ang tawag namin dyan ay "ostya"! kullletttt!

    ingatz lagi en God bless!

    ReplyDelete
  32. hala, haw flakes! natatandaan ko pa yan. =) nung mga bata pa kami, ginagawa namin 'oscha' yan eh. haha. nakakatuwa. dito sa states may nakukuhanan nyan, sa china town! =) at pag bumili ako, nako, isang sako!! haha

    ReplyDelete
  33. Halos lahat ata, ginagawang ostia yan nung mga bata pa tayo. Aww~

    ReplyDelete
  34. wahaha. panalo yung may your satisfation sincerely aroused by me! naknang ewan. anlabo! wahaha! anyways, namiss ko tuloy ang haw flakes!

    ReplyDelete
  35. Quote to share
    "SOFTWARE are like SEX,Its better when its FREE"
    -Linus Torvalds.

    cool site.
    cheers.
    undextrois

    P.S.
    ano masasabi mo sa alitan ni andres bonifacio at emilio aguinaldo ? Lol!

    ReplyDelete
  36. wow! suddenly i'm not so weird. we do that haw flakes thing too he he ... :D

    ReplyDelete
  37. This is so cool! I've completely forgotten about this childhood treat! Kaya lang hindi ko siya ganon kagusto nung bata ako.

    Are you a fan of Incubus? I'm a fan of their music!

    ReplyDelete
  38. heartbreaks last as long as you want it..

    ReplyDelete
  39. Lakas ng topak nung May your Satisfaction Sincerely Aroused by Me. =)) WHAT THE FUCK DOES THAT MEAN!!?

    Lolol!

    ReplyDelete
  40. Ah yes, I remember Haw Flakes. Kasabayan 'yan ng Hippo Pop at tsaka ng mga pabunot na may premyong itik sa harap ng elementary school namin.

    ReplyDelete
  41. haw flakes ba? sa totoo lang hindi ko gusto lasa nuon. maka-cherry ball ako eh. hehe

    off topic:

    oi sori ah, hindi ako nakapag-vote agad duon sa sinabi ko hanggang jul 28 lang pala. eh ngayon lang kasi ako naka-online.

    pero sige, hihintayin ko ang squid balls!

    ReplyDelete
  42. wow haw flakes! nakakamiss yun! haha. Buti nalang meron nun sa Chinese store dito sa Canada. :) At least i can still enjoy the goodness of that circular flake called 'haw flakes'.

    Nagbabasa ka ba ng bob ong?

    Kasi pansin ko may pagkapareho kayo ni Bob Ong sa pagsulat. :)

    GRabeh dami kong natututunan sa blog mo ha. :)

    ReplyDelete
  43. nakakahiya naman. hindi ko tanda yung haw flakes. i just don't know. =( nakakatawa talaga mga posts mo. i read bob ong din. influence mo?

    ReplyDelete
  44. HAHAHAHAHAHHA! Nakakatawa 'to, super! Panalo yung diaglog eh!!!!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails