Thursday, July 5, 2007

Primary School Days

Bago mo basahin ito, kung may pinapatugtog ka sa sandaling ito, maari sana'y pakipatay muna 'yan at patugtugin mo muna 'yung mga kantang inilagay ko rito. Wala lang. Para mas "feel" mo 'yung kwento ko. Ayos ba? Game.


Press play...

Usong-uso 'yang kantang 'yan noong mga 1994. Grade 4 ako niyan at sa Cavite pa ako nakatira. Hatid ng kantang 'yan ang mga masasaya at hindi gaanong masasayang alala nu'ng nasa Primary pa lang ako.

'Yan 'yung mga panahong nagsisimula pa lang halos 'yung Elementary School kung saan ako nag-aral. Siguro mga tatlo o apat na taon pa lang ang operasyon nila. Hindi gusali ang school namin noon. Isang bahay - as in bahay na residential - ginawang dalawang classroom 'yung living room tsaka master bedroom (nilagyan ng blackboard, teacher's table, mga upuan, at mga murals at charts sa mga dingding), ginawang canteen 'yung kitchen, ginawang mini-playground ang tarangkahan at likod-bahay, at voila! May school na kami! Annex pa nga 'yan dahil nag-e-expand pa lang yata sila. Ayos lang kasi walking distance naman 'yun main campus. May ilog pa nga sa likuran namin kaya minsan, ka-jamming namin ang mga palaka pag oras ng klase. Maswerte din kami dahil nakaranas na kaming mag-klase sa open-area na likod-bahay. Siyempre may lilim 'yun.

Naalala ko, 1 is to 3 ang ratio ng lalaki sa babae. Kaya lahat kaming mga lalaki ay magbabarkada na rin, samantalang ang mga babae naman e may grupo-grupo pa yata. Pero all in all e masaya naman kaming buong klase. Mas madalas kaming magkasundu-sundo kesa sa mag-away-away. Hindi kami isolated sa isa't-isa kaya mas madalas e damay-damay kami sa kalokohan at academics.

Required kaming dalhin ang lahat-lahat ng mga notebooks, mga libro, at iba pang mga school paraphernalia araw-araw, kaya uso sa'min 'yung palakihan ng bag. Buti na lang at nabuhay ako sa panahong usong-uso 'yung "stroller" type na bag. May iba na backpack o knapsack pa rin 'yung gamit pero ayos lang 'yun. At siyempre, payabangan pa kami ng mga lunch boxes at water jugs. Ako, batang backpack ako (isa ngayon itong teyoriya ng mga siyentipiko kumbakit nakuba ako). Hindi halos uso ang paperclips, dahil "puncher-fastener" ang uso noon. Iba rin ang hitsura ng mga folder - kulay dilaw. Nakagamit na rin ako ng iba't-ibang uri ng papel - manila paper, crepe paper, papel de japon, art paper, bond paper, writing pad, cartolina. Maaga rin akong natuto kung pa'no ibalot ang mga libro at notebook ng plastic cover.

Karamihan sa amin ay pinagbabaon ala-lunch box, at ang iba sa amin ay binibigyan na lang ng pera. Araw-araw, naging baon ko 'yung sandwich na may palaman. Depende yata sa balitang showbiz ang palaman na inilalagay ng yaya ko du'n sa toasted tasty bread ko. Kapag masaya, keso. Kapag olats, mayonnaise kahit alam niyang ayaw na ayaw ko 'yun. Kaya nu'ng sinabi kong ayoko ng sistemang tinapay, napilitan tuloy akong magbitbit ng lunch box dahil kanin-at-ulam ang dala kong baon. Binibigyan naman ako ng pera, pero hindi ganu'ng kalaki kasi baka hindi naman pagkain ang ipambili ko. Ang problema naman, hindi ko na trip kainin 'yun pagdating ng lunch time kasi hindi na siya mainit. Ganu'n ako ka-arte. At ang naging final solution? Uuwi ako sa bahay tuwing lunch time. Pinapayagan lang kasing lumabas tuwing lunch time ang mga batang walking distance lang ang bahay. Buti na lang at isang likuan lang ang pagitan ng bahay namin sa school.

Kasabay sa mabilis na pag-unlad ng mga hormones sa katawan namin 'yung pagkakaroon ng mga crushes. Sa hindi malamang dahilan, sikat na sikat 'yung love team namin ng crush ko. Sa mga babae, siya kasi ang pinakamatalino. Sa mga lalaki, walang halong yabang o kung anuman, ako naman ang topnotcher. Kaya madalas, pinaglalaban o pinagpa-partner kami sa mga in-classroom activities. Naging mortal na kalaban ko siya sa Math (hindi pa ako bobo sa Math dati!), at naging tweetums partner ko siya tuwing may mga dance intermissions o field demonstrations. (Naging ka-"love team" ko siya hanggang sa nagtapos kami ng Elementarya.) "Puppy love" daw ang tawag sa ganu'n. Lagi pa akong nagpapasikat nu'n para lang mapansin niya ako. Isa tuloy siya sa naging dahilan kumbakit ginagalingan ko tuwing quizzes, lalo na kapag Spelling contests kasi du'n ako magaling. O kaya halimbawa, hihintayin ko siyang matapos sa exam, kapag ipapasa na niya, tsaka pa lang ako magpapasa. Sumisimple pa ako ng pagtabi sa kanya tuwing seating arrangement. Du'n ko lang unang narinig ang salitang "blush." "Uyyy!~ Nagba-blush!~" Namumula kaming dalawa kapag pinagtitripan kami ng buong klase kasama na pati 'yung adviser namin.

Kung ano naman ang itinalino ko, 'yun din ang iginulo ko. Lagi akong kasama sa listahan ng mga notorious troublemakers. Kasama ng mga tropapips kong kapwa-sabog sa Haw Flakes (oo, Haw Flakes!), kami ang nangunguna pagdating sa kalokohan. Minsan, gumawa kami ng napakaliit na butas sa may CR. Siyempre alam na 'yan. Ginawa na rin naming sketchbook 'yung pader ng CR dahil walang kaming habas kung mag-vandal. Sa dami ng obrang isinulat ko du'n, isa lang ang naalala ko. "Sige, tae ka!" tapos may arrow na nakaturo sa toilet bowl. (Wala pang nakaka-alam niyan hanggang ngayon, kaya 'wag mo akong isusumbong!) May milagro din kaming ginagawa sa CR, pero kung bastos ang iniisip mo, nagkakamali ka. Bawal kasi sa loob ng campus 'yung tex cards. Kaya halimbawang may mga undeground negotiations, trade-ins, o tex tournaments na magaganap, CR ang naging opisina namin. Bukod pa diyan sa may mga nagpupuslit ng porn magazine (hindi pa ako nakakarinig ng salitang "porn" dati, alam ko lang e "bold") at mga nagka-cutting classes para lang magpunta sa convenience store na malapit sa amin para makapag-Slurpee o kaya sa isang tagong lugar para mag-tex. Andyan din ang mga usual na bullies na walang ibang alam kundi mambulahaw ng mga kaklase.

Kung ang isang bansa ay may mga karampatang parusa para sa mga nagkasala, ganu'n din kami sa klase. Pinapatayo sa upuan, pinalalabas ng klase, minsan pa nga e diretso nang pinauuwi kung heinous crime na 'yung nagawa, pinaglilinis ng classroom mag-isa, pinapag-squat, at iba pa tulad ng pinakasikat sa lahat - bring your own parent. Natikman ko na yata ang halos lahat ng uri ng parusa. Siyempre bukod sa usual bullying at harap-harapang paglabag sa school regulations, counted ding pinarurusahan ang mga hindi gumagawa ng assignment, walang project, hindi nagdadala ng mga libro, at ang mga kahalintulad.

Uso sa'min ang tex cards. Street Fighter, Dragon Ball, Ghost Fighter, X-men, Power Rangers - dinaanan naming lahat sa tex 'yan. Para sa mga smalltime, isa-isa hanggang tatlo-tatlo ang tayaan. Para naman sa mga bigtime, pakapalan ang taya. The more you bet, the more you win or lose. Bukod diyan, dumaan din kami sa kausuhan ng jolens, goma, at gagamba. Problema nga lang, kumpiskado ang lahat-lahat ng 'yan kapag nagkahulihan. Didiretso 'yan sa crime lab - basurahan - kapag nahulihan ka. Buti pa 'yung mga babae sa amin, tsismisan at intrigahan lang ang uso sa kanila. Kaya para sa "clean physical fun," nakuntento kami sa taguan - ng gamit! Pero kung mapagkakasunduang magkaroon ng fun and games ang buong klase pagsapit ng uwian, pwede kaming maglaro ng taguan, open the basket, agawang beys, bulaklak, at kung anu-ano pang maisip namin kapag wala kaming maisip.

Ah, oo. 'Yan 'yung panahon ng "ice-candy craze." Halos bawat bahay sa amin ay may tindang ice candy. Kami rin, nagtitinda niyan, kasa ng yelo at "ice tubig." Nagtataka nga ako kumbait "ice tubig" ang tawag nila du'n. Adik din ako sa mamisong chichirya na hindi ko na maalala ngayon kung ano ang mga variants. Wala pa yatang squidball noon. Meron pa lang fishball, kikiam, at siomai. Tapos siyempre, 'yung candy na may dalawang tex.

Minsan, nakaka-miss 'yung panahong kasama pa sa school supplies na dapat mong bilhin ay ang music writing book at drawing book. Tapos pagandahan kayo ng lapis, pambura, pencil case, at bag. Tuwing kainan, umpukan kayo at sabay-sabay kakain. Pag-uwi, sasabayan mo 'yung crush mo o sasamahan mo hanggang dumating ang service ng isa sa inyo. Nakaka-miss 'yung pinupuri ka ng teacher kapag nagbo-volunteer kang magbura ng blackboard o 'yung pinasisigaw mo siya kapag maingay ka sa classroom. Magaling ka sa favorite subjects mo, dole-outs ka sa not-that-favorite subjects mo.

Karamihan sa mga ka-edad ko ay nagsasabing sinayaw daw nila ang isa o pareho sa mga kantang sinabi kong patugtugin mo (kaya kung hindi mo pa pinatutugtog, punta ka ulet sa itaas, patugtugin mo, at basahin mo uli ang entry na ito sa umpisa). Sa amin, sinayaw namin 'yung "Sweet Soul Revue" nu'ng Field Demonstration. Kahit bata pa lang ako, music-minded na ako. Alam ko ang mga usong kanta at genres dati. Nu'ng panahon 'yan mas uso ang mga dance songs. Sumunod naman ang OPM at ang mga old-school Pinoy banda na hindi hamak na mas maganda kesa sa mga banda ngayon. May mga Western songs na rin ako naririnig-rinig noon. Salamat sa kuya kong nagdya-jamming sa kausuhan ng Nirvana at Metallica. Kahit wala pa kaming cable TV, updated kami sa radyo. Ikaw ba, nasayaw mo ba 'yan?

20 comments:

  1. oy, alam ko yang pizzicato five song. kaso di ko maintindihan yung lyrics. its japanese or something, right? haha.

    ReplyDelete
  2. 1 year old pa lang ako nyan! Haha.

    ReplyDelete
  3. reminiscing talaga...sarap balik balikan..
    uy bago yang trivia of the day mo ah!

    ReplyDelete
  4. ZOMG, I used to love that song! Uso din noon yung Always by Erasure (Always I wanna be with you and make believe with you and live in harmony...) na may cheesy dance pa!

    ReplyDelete
  5. naalala ko rin ang punishment ko sa school oh well. dami akong naalala nung elementary days ko dahil sa post mong ito. haha. kahit medyo mas nakkatuwa ung sa iyo.. i still have funny memories.

    naalala ko ang kanta.. pero di namin naisayaw yan. ahihihi.

    ReplyDelete
  6. Parang wala akong memories nung grade school ako. How sad.

    ReplyDelete
  7. Hay, kay saya talaga magbalik-tanaw! Pareho tayong mahilig sa teks at Haw Flakes na ginagawa naming hostia dati Hehe!

    Ayoko ring ng malamig na kanin at ulam!

    Aga mong na-expose sa porno ha! Hehe!

    Bakit kaya mas masayang magbalik-tanaw kaysa mabuhay sa kasalukuyan? Hehe!

    ReplyDelete
  8. ah! lam ko yung mga sounds! yung isa sa ghost fighter ko ata narinig yan!! May haw flakes pa ba?!! peste yung mga klasm8 ko dati eh! Bago pa ko bigyan ng haw flakes pinapanganga pa ko tapos sila naglalagay sa bibig ko! Parang kakain ng ostya!!! Ako naman, uto-uto!!! wahahah!!

    ReplyDelete
  9. Tatlong bagay ang lubos na ikinatuwa ko.

    1. "Uy, nagba-blush"
    2. Haw Flakes
    3. Feel Like Dance

    Nasayaw ko na ang #3 sa isang school event. Nakakahiya kasi di ako marunong sumayaw. haha...

    Naaaliw ako sa range ng music preference mo dahil umaayon sa aken. Kumpleto ko ang albums ng Nirvana (hanggang Foo Fighters kung san naging vocalist/guitarist na si David Grohl na dating drummer ng Nirvana) pati albums ng banda ni COurtney Love na Hole, meron ako. Nakikinig ka din pala sa techno music... RObert Miles.

    P.S. Napanuod ko ung 2000 MTV Awards.

    ReplyDelete
  10. aww. biglang nag-flashback ang lahat. ehehe. salamat, ngaun alam ko na! hindi ako nag-iisa. akala ko ako lang ung nakakamis sa mga ganung bagay eh. akala ko ako lang ung nakakaalala at nagti-treasure sa mga ganung memories.

    mahilig din ako sa tex cards nung mga panahong yan. meron akong ghost fighter, sailor moon, street fighter, power rangers at kung anu-ano pa. nakaipon ako ng madami kasi lagi akong panalo sa tayaan. pero hindi naman ako sa school naglalaro, dun lang sa neighborhood namin. nakapagtataka nga eh, di mahilig sa ganun ung mga classmates ko, kahit ung mga lalake. at alam mo ba... hanggang ngaun nakatago pa rin ung mga tex ko. sa paglipas ng panahon eh nadagdagan na siya. meron na kong mojacko, gundam wing, pokemon, tom sawyer at kung anu-ano pa. binili ko na ung mga un shempre. ang tanda ko na mashado para maglaro pa ng tex. hehe.

    at ung kanta naman, shempre natatandaan ko yan! at pati ung steps konte ng pizzicato. pero di ako marunong sumayaw kaya di ko sha nasayaw. ang uso sa'men pag foundation day puro folk dance eh.

    uhhh... wak ka maingay. kras ko din ung laging pina-partner saken dati na kaparehas kong outstanding din sa klase. hihi. simula gradeschool hanggang high school kras ko un hihi. tapos ngaun mabuti kaming magkaibigan. ^_^

    ReplyDelete
  11. Uy, so you're writing in Tagalog. I like that. I'll be reading you nowadays. Uhmm, I'm also hopeless romantic. So I think we have the same thoughts.

    ReplyDelete
  12. naku! mahilig rin ako sa text dati. Naaalala ko kahon kahon ang text ko dati tas binebenta ko kada limang dangkal sa halagang limang piso. oh diba? maswerte ako sa pato noon. ang pinakamasuwerte kong pato yung sa dragon ball z. si master pogi. hahahaha!

    naku, grabe ka pala sa kalokohan noon. buti ka pa, ikaw yung nambubully. ako hindi, ako yung binubully. at dakilang uto uto ako nun. pero naranasan ko rin yung magbolakbol pagdating sa pag aaral. walang assignment, project at zero sa exam. kaya napilitan nanay ko na ipa-tutor ako. hehe

    naalala ko rin yung namumuro ako sa office dati. parang detention kung baga. dahil sa kasong running. bawal kasi maghabulan sa corridors dati. e dahil sa aircon yung office, madalas kami manadya nun at voila! tambay sa office. malamig e. haha!

    ang cute ng post mo ngayon. natuwa ako. hehe!

    ReplyDelete
  13. Di ko alam yung MTV na yun a. Hehe! Thanks for the info :D

    ReplyDelete
  14. Im a musician but i havent heard of those songs. cguro kxe lumaki ako sa saudi that's why i wasnt able to cope up with those kind of tunes. pero cguro narinig ko na ndi ko lang maalala.hehehe.. add me on ur links dear. na add na ata kita. idk. basta it's there. haba ng posts mo ha. haltang wala ka magawa. heheh..keep on blogging;)

    ReplyDelete
  15. Those 2 songs... interesting. I've never heard of them until now. :)

    ReplyDelete
  16. hahaha! natawa lang ako bigla sabay flashback ng nakaraan. at tama ka, wag-i-ismoltaymin ang deja vu [although deja vu is said to be symptomatic to those with aberrant moods and deviant minds], there are some hunch your mind is telling you and you should ignore not.

    ReplyDelete
  17. ayoko na sabihin kung nasan ako ng '94. mabubuko ang edad. hehehe.

    matalino ka pala ha. ang really blushing ha. ayoko ng haw flakes!

    ReplyDelete
  18. Naalala ko yung kanta hehe

    Ang sarap din magreminisce nung grade school days... Bat ganon kung gaano ako kaactive nung grade school e ganon naman ako ka tahimik nung college... May ka love team din ako nun grade school... Tapos panay letter C pa yung mga first name ng crush ko nun (share ko lang) Nauso din yung pogs dba? Dahil dun sa Coke... parang tex din sya dba? Pabilog nga lang at gawa ata sa plastic :D Pati yung mga kisses na sabi nila e nabubuntis at nangaganak daw hihi ang nauso din ata sa school namin non e yung pagdadala nung mga lalaki ng spiders tapos yun parang may sabong ng gagamba... palakihan pa sila ng gagamba, syempre yung mga babae takot na takot (share ko lang din ulit)

    --

    Alam mo ba parehas kayo ng boyfriend ko, parang nasanay nalang din yung mga magulang niya na ganon siya... Kami kasi siguro dahil parehas kaming babae e talagang nung college lang kami pinayagan na maglakwatsa... Tapos nung grumaduate naman ako saka lang ako pwede umagahin pag may lakwatsa... Pero bihira naman mangyari yun kasi hindi ako pala lakwatsa talaga.. Pag mga 6pm na nasa galaan ako e gustong gusto ko na umuwi.. Kaya naman minsan e naiisip ko bakit ganon at parang wala silang tiwala sa akin e hindi ko naman sila sinusuway at compared sa ibang mga kaedad ko e maaga ako umuuwi at hanggang ngayon e nagpapaalam pa kapag may mga lakad ako...

    ReplyDelete
  19. nyahahahahahahah


    feel like dance....

    nyahahahaha....

    yung sweet soul revue naaalala ko nung grade five ako at may krash ako kay michelle....yun yung bago ko narealize na di pala ako lesbiana

    ReplyDelete
  20. as usual.. nkakatuwa na nmn mga posts mo!

    paybotite ko nun gbata pko yang swwet soul revue..

    anong kyang laya ng repolyo pag naluto? mas msarap kya? o maalat?

    scary tlga ung pusang aggresive..

    na nose bleed dn ako sa durst sana Lackierung!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails