Wednesday, August 15, 2007

Ligaw Sa Tingin

Taimtim na nagbabasa ng libro sa Powerbooks, nakakita ako ng isang magandang dilag na nagbabasa rin ng libro, di-kalayuan sa kinatatayuan ko. Sadyang nakapagandang dilag. Tila maamo ang dating. Kolehiyala. Isang anghel sa aking paningin. Nabihag niya agad ang puso kong makailang beses nang nasawi dahil sa mga kapwa niyang anghel. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. "Siya na nga. Siya na nga marahil." Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Sa bawat pagyapak ng aking mga paa patungo sa kanyang kinalulugaran, nararamdaman kong pati ang mga nakasalumbabang manunulat sa mga librong nakatambay sa mga istante e nakatingin sa'kin at bumubulong yata ng "Go, Jake! Rakenrol! Kaya mo 'yan!"

Tangan-tangan ang isang nakasisilaw na ngiti sa aking mga labi (note: mukha akong manyak kapag ngumingiti ng ganito), klinaro ko ang aking lalamunan nu'ng medyo nakalapit na ako sa kanya para marinig niya ito -- isang napakalaspag na eksena kung trip magpalipad-hangin ang isang lalaki kapag nakakakita siya ng tsikas. Dumampot ako ng isang libro at kunwaring binasa-basa. General English Fiction -- ito 'yung mga tipong binabasa ng mga "bigtime" at "high-maintenance" na uri ng mga dilag, samantalang ako naman e walang interes sa mga ganitong libro. Sinulyapan ko siya. Aba, ibinalik niya sa akin ang ngiti. Matapos ang mga matitipid na pagpapalitan ng mga salita, duon nagsimula ang aming pagmamahalan. 'Nakanaman. Bigtime.


Ang kwentong 'yan ay isa sa mga paboritong paksa ng imahinasyon kong walang ibang matinong maisip dahil siguro tigang na ako matagal na akong walang "intimate interaction" sa kahit na isang babae. Nakngtinapa. Lagi naman may mga pagkakataon na nakakakita ako ng isang babae sa mga lugar na tinatambayan ko. Gusto ko man, hindi ko man lang magawang lapitan at tanungin ni kanyang pangalan. Wala na nga yata akong progress bukod sa eye contact e.

Panliligaw sa tingin. 'Yan marahil ang isa sa mga bagay na magaling ako. Paniguradong Gold Medalist ako sa ganitong larangan. Halos buong buhay ko, inialay ko na ang aking sarili sa -- saan pa nga ba -- sa mga magagandang babae, pero wala akong naalala na naging matagumpay ako sa paglapit sa sinuman sa mga ito.

Sabi pa naman ng isang tropa ko, kami ang sadyang iniregalo sa kanila. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o kikilabutan.

Lagi na lang may eksena sa pang-araw-araw kong buhay na may nasasalubong akong dilag, tapos sasabihin ko sa sarili ko, "malalaman ko ang pangalan nito" o "makaka-date ko ito, isang araw." Pero napangungunahan talaga ako ng kaba. At sa katagalan ng aking pag-iisip, wala, lumipad na ang manok. At bakit nga ba takot akong lumapit sa mga ito? Sa palagay ko, karamihan sa mga kalalakihang may parehong dilemma sa'kin ay mga ganito ring mga rason:

* Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko. - 'Yan ang isa sa mga dahilan kumbakit nagtatagal ako sa kinakatayuan ko at nagdadalawang-isip kung lalapitan ko nga ba ito o hinde. Siguro kasi iniisip ko ang lahat-lahat ng mga pwedeng mangyari. At sa tagal ng pagbabaka-sakali ko, wala na.

* Iniisip ko ang iisipin ng ibang tao sa paligid. - Pero sa bagay, naiintindihan ko sila. Medyo nakakatawa rin kasi ako mag-isip kapag nakakakita ako ng isang lalaking lalapit sa mga Aphrodites na nagkalat sa mundo. Binubulong ko sa sarili ko, "ampogi naman nito."

* Ayokong ma-reject. - Sino ba naman ang may gusto? Ang pagkatakot sa rejection ay isa nang self-defense mechanism na nasilid na sa ating mga utak. Tsaka iniisip naman kasi natin na mas mataas ang posibilidad na i-mission failed ka lang nila.

* Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko. - Ano'ng diskarte ba ang pinaka-effective? Nasisiguro kong ang lahat ng mga lalake sa mundo ay ipinanganak para matuto at maging magaling sa paggamit ng mga pick-up lines. Sa mga hindi, sureball na in-denial lang ang mga 'yun.

* Hindi ako naniniwalang uubra ako sa mga 'to. - Ako ang tipikal na polo-tee-and-jeans guy. Wala namang interesante sa hitsura ko. At sa pagiging pessimist kong makipagkilala sa mga 'yan, wala talaga akong mapapala.

* Ayokong maistorbo ang mga kaibigan niya. - Minsang napansin ko at naitanong sa mga tropa ko, "napansin mo bang mga bading ang kadalasang kasama ng mga magagandang babae?" O kung hindi man, sambatalyon silang Spice Girls na magkakasama. Siyempre nakaka-intimidate 'yun.

* Tila yata hindi natural o magandang tingnan na basta na lang ako lumapit sa kanila at magsimula ng isang pakikipag-usap. - Ewan ko kung paranoid lang talaga ako, pero kapag napapansin nilang nakatingin ako sa kanila, parang nagbubulungan sila na "Ay shet, si Jake! 'Di ba manyak 'yun?" Iniisip ko na lang siguro na laging may nakasulat na "Jake Morales: MANYAK!" sa pader ng CR ng mga babae kaya ganu'n.

* Mababa ang tingin ko sa sarili ko. - Siguro kasi sa taas ng tingin ko sa kanila, bumababa naman ang tingin ko sa sarili ko. Parang linya lang 'yan na "hindi tayo bagay, kasi langit ka at lupa lang ako." Sa mukha kong 'to, sinong hindi matatakot sa'kin? Sayang lang, hindi nila alam na magaling ako sa...

* Iniisip kong napaka-importante nito sa buhay ko, gusto kong maging makabuluhan ang gagawin ko, isinasa-alang-alang ko ang lahat ng meron sa buhay ko dito. - Parang isang pelikula kung saan nakasalalay ang tagumpay ng bida sa kakayahan niyang maging pogi at swabe. Ito 'yung tipo ng pakiramdam na kapag pumalya ako rito, anlaki ng mawawala sa'kin. Ah, ewan!

* Ang aking paborito: Hindi ko kayang kontrolin ang takot na pumipigil sa'kin. - TORPEdo. Kapag napangunahan na ako ng takot, wala na. Nakakatawa ngang isipin na hindi naman nakakatakot ang mga hitsura nila, pero bakit natatakot ako?

Sapul ba, mga repapips? Siguro kung may kakayahan lang ako, magpapa-survey ako sa mga babae kung pa'no nila gustong lapitan sila.

Inaalay ko ang post na ito sa mga babaeng nililigawan ko sa tingin du'n sa school library namin, du'n sa isang magandang dilag na taga-rito sa amin na madalas kong nakakasalubong kung papasok na ako sa school o kung uuwi ako, sa mga babae du'n sa mga coffee shops na kadalasang nagiging dahilan ng pagpunta ko sa mga ganu'ng lugar bukod sa gusto kong lang magkape at magbasa ng libro mag-isa, sa mga babae sa mga gimikang tinatambayan namin na naisasayaw ko naman pero lagi kong nalilimutang itanong 'yung number, sa mga crushes kong chatmates, textmates, blogmates at kung anu-ano pang mates kung saan e nakuntento na lang akong ligawan ang mga pictures nila sa Friendster at pagmasdan silang online sa YM hanggang sa mag-signout sila, at sa lahat ng mga magagandang dilag sa buong Kamaynilaan.

28 comments:

  1. haha
    natuwa nmn ako sa made up story mo

    alm mo ba gumawa ako ng short story.. pra ngang gnyan eh.. haha

    naiimagine ko nga ung ligaw-tingin mo.. cguro muka ngang manyak gya ng sinabi mo!

    haha.. natatawa tlga ako..

    prang ikaw ung lalake sa gnawa kong storya..

    kso pinatay ko xa eh.. hehe

    ReplyDelete
  2. Kita mo nga naman o, saktong Torpedo ang tumutugtog sa speakers ko habang nagbabasa ng entry mo.

    At sa pagbabasa ng entry mo, e masasabi kong isa ka ngang master ng ligawan sa tingin!

    Tama, nakakatakot naman talagang ma-reject. Pero sugod lang ng sugod! Malay mo, gusto pala nung babae ang may pagka-manyakis mong appeal! Nyahahaha!

    ReplyDelete
  3. hahaha jake! grabe..ang bitter mo na, mas bitter ka pa ngayon kesa nung nakilala kita! tama na yang kabitteran mo! hahaha!

    anyways, natuwa ako sa story hahaha! naiimagine ko yung manyakis na smile mo! natawa tuloy ako! >:p

    hmm, sabi mo kung magssmile ka, mukha kang manyak..eh pano kung nde ka naman mag smile, baka magmuka kang holdaper! hahaha! joke lang fish tayo! ^_^v

    ReplyDelete
  4. Nakanampucha ano ba yan pareng Jake, akala ko totoo na. Nalinlang ako sa bulletin post mo sa friendster shet!

    Anyhooo, lahat tayo may angking kaduwagan at pabugso bugsong katorpehan. Naway makayanan mong maovercome yan at makakilala na ng tsikas at hindi panay ligaw tingin lang.

    ikaw na pala ang bagong hari ng bitter? haaay

    ReplyDelete
  5. wala. ang torpe mo kasi Jake. Hahaha! Eh kung may guts ka lang edi di ka na mukang sawi ngayon? hahaha!

    ReplyDelete
  6. alam mo wala naman talagang magandang-magandang babae eh. matindi lang silang ilusyon. ilang beses nang napatunayan yan, napaka-relative nang salitang maganda. maraming nagmamaganda, pero iba naman yun sa salitang maganda talaga.

    saka wag ka nang torpe, kahit pasimpleng 'hi' lang gawin mo na. kung hindi ka nila pansinin, kawalan nila yun. isipin mo na lang kapag may lalapitan kang babae, ang sabihin mo ay, "napakasuerte naman nang babaeng ito at isang jake ang lalapit sa kanya."

    think positive! GO jake!

    ReplyDelete
  7. haha! jake! kuhang kuha mo ang pakiramdam nng atras abante atras ng ligaw tingin...ganyan din ako nung hayskul at college years ko..ngyon ganun pa rin :D pero sa tingin ko eh kaya ko na mag approach ng type kong girl..sa tingin ko lang yun.

    pinakamhirap na lapitang girl eh kapag madami katropa..lalo na pag maiingay..next time na lang kapag ganun..pero kapag nag iisa naman wag na mag atubili..yakang yaka mo na yan! isang "hi" lang ay ok na...di na kelangan ng korning pick-up lines.

    ReplyDelete
  8. Actually napagtanto ko nga 'yun pare. Bakit nga ba commonly na laging kasama ng mga magagandang chicababes eh mga bading? Marami din kasing possibilities eh. Pwedeng nagbabading-badingan lang sila para magkaroon ng skin contact sa babes. Pwede din na gusto nya lang na makasama sa magaganda dahil paniwala sila sa Birds of the same feather flock together. Pero sa tingin ko, most probably eh gusto lang nila na saluhin yung mga busted hunks na pumorma sa mga chicababes. Ick!

    Pero don't worry pare. 'Wag ka din masyado mapili. Kusang darating ang nakatadhana.

    ReplyDelete
  9. Kakatuwa yung intro mo :) Hindi naman siguro ikaw mukhang manyak pero natatawa ako sa sinabi mo hihi. Iniimagine ko lang...

    Pero alam mo para sa akin parang weird yun biglang lalapit si lalaki kay babae. Ewan ko lang hindi ko pa naman naexperience un pero feel ko imbis na maflatter ako or something e baka magfreak out ako :P

    ReplyDelete
  10. Alam mo ba, eto ang isa sa mga pinaka-thought-provoking na blog post na nabasa ko. Sapul sa utak ng Hellbound, Jake.

    Torpe rin ako. At ang masahol pa, suplado rin ako. Kaya nung una, medyo unapproachable ang dating ko sa mga babae. Pero hindi na ngayon. Misteryoso na lang. :P

    ReplyDelete
  11. Hey! Hey! Lakasan lang ang loob palagi at 'wag masyado mag-isip! - sabi 'yan ng Lolo ko!

    ReplyDelete
  12. Ito'y akin lang naman, at di sumasalamin sa lahat ng babae noh. Pero sa totoo lang, pag may lumalapit na lalaki sa akin, nagfi-freak out ako. But anyway, tatlong beses pa lang naman nangyari sa akin yun, at high school pa ako nun. Pero ewan ko, scary talaga.

    Tapos biglang nag-flash sa utak ko ang mala-manyak mong ngiti. HAHA!

    ReplyDelete
  13. Hmm, sa totoo lang, ayoko na nilalapitan ako ng kung sino man. Dinededma ko lang, feeling ko kasi pinagtitripan lang ako pagganun. Hehe. Tsaka asa pa, hindi ako mahilig magpaligaw. Di na uso sakin yun kasi para sakin plastic lang lahat ng lalaki sa umpisa! HAHA. No offense. Kaya ako, I settle dun sa mga may connections talaga ko tsaka nakilala ko na.

    BTW, may bayad ba mobile alerts ng Twitter?

    Ang cool ng picture of the day!

    ReplyDelete
  14. ahaha.. torpe pala si kuya jake. bat kasi naman napaka-nega mo. ayos lang yon go lang ng go! malay mu diba.. hihi ^_^

    totoo ba ung trivia of the day. parang may phobia na ko tuloy sa mahahabang words.

    ReplyDelete
  15. Ahehe ... kung gold medalist ka baka ako silver ;P Ang dami ngang factors na pumipigil sa mga kalahi natin, sobra ako naka-relate ha ha ...

    ReplyDelete
  16. Kasawian? Ahhh expert ako diyan. Go lang ng go! Cheer up! :)

    ReplyDelete
  17. "What idiot would ring his ex he was trying to forget?" --->waah!!! ako yata yan..ahahha! three days ago, miniscall ko ung cellphone ng insektong ex ko..wala lang, trip lang. nagtext sya at ang sabi nya ay: "y po?" hibangerz talaga ako :p

    ReplyDelete
  18. jake, sana magka-girlfriend ka na..

    yung sinabi ng ex-girlfriend sa quotes.. ouch yun ha!

    at gusto ko ang photos. hahaha. twins lang ba yun? hehehe ;p

    ReplyDelete
  19. napapadals ang punta ko d2...sana 1 of dis days makita kita sa powerbuks ill ask 4 ur name lolz! kidding aside i really love reading ur rantings hehhehe. long time no hear bro. tc always

    ReplyDelete
  20. Naisip ko, out of curiosity ah.

    Pano kaya magsesex yung mag-asawang yun? *I mean, yung dalawang bondat. Lol.*

    Sa bagay, bawal nga palang makipag-sex kapag buntis ang girl. Hehe.

    Wala lang. Just a thought. Sorry, ang greeeeen.

    ReplyDelete
  21. Haha! Very entertaining read about being torpe. This reminds me of a friend! haha!

    The picture was really weird too!

    ReplyDelete
  22. maybe youre comfortable being torpe kasi walang masyadong expectations :)

    ReplyDelete
  23. Akala ko naman nakahanap ka na ng bagong gf mo. Magcocongratualate pa naman ako.

    Naku naman Jake, dapat wag maging torpe. Kasi malay mo type ka nng babaeng gusto mo. Hinihintay lang na ikaw ang mag make ng move.

    Natawa naman ako dun sa picture. Parang buntis din yng lalaki. Hahaha.

    ReplyDelete
  24. Hippopotomonstrosesquippedaliophobia. Fear of long words. Actually, I've heard of that word before!

    I wonder though, what the word is for "fear of long blog entries"? Hahaha.

    Because just like, I too write long (yet infrequent) blog entries. I think I'm beginning to scare people away because my entries are massively long, hahaha.

    ReplyDelete
  25. poocha tagal kong di nag punta dito ah. sensha na po! =] hayup sa imagination jakey! ayos yan, pag patuloy mo.. practicein mo sa imagination mo ang panliligaw sa tingin at baka sakali eh magkaron ng progress pag nagkatotoo na..

    ReplyDelete
  26. ang galing mo naman sa ligaw-tingin!

    ReplyDelete
  27. huhu ganitong ganito pa man din nangyayari saken :(

    actually tumabi na saken si girl, pero nanigas ako sa takot hahaha ewan ko ba ang torpe ko talaga T_T

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails