Sunday, September 30, 2007

House Rules

Nu’ng minsang nagtatago ako sa bahay ng isang kaibigan, sa isang liblib na kagubatan sa Quezon City, ipinakita sa’kin ng kaibigan kong ito ang isang kapirasong papel na naglalaman ng “House Rules.” Matagal-tagal na ang nasabing papel dahil nahalungkat niya lang ito habang nililinis namin ang bahay niya.

Ang nasabing house rules ay ginawa ng nanay niya bilang katugunan sa tila lumalalang kaguluhan sa bahay nila noong mga panahong ‘yon. Nu’ng binasa ko ito, namangha at napangiti ako sa angking talento ng sumulat nito. Nalalaman niya ang pangangailangan sa kung anumang sitwasyon ang nandu’n. Interesante ring malaman na tila may pinapatungkol ang bawat patakaran. Ang setup ng bahay noon: ang kaibigan ko (babae siya), nakababatang kapatid na babae, nanay niya, boypren ng nanay niya, at ang babaeng kasambahay.

Ang mga naka-italic na pangungusap ay galling sa’kin at hindi ito kasama sa house rules.

House Rules*:

1. We help each other. Gawin ang inaasahan sa bawa't isa. Kung may hindi malinaw, magtanong. Kanya-kanyang linis ng kwarto. Kung hindi kaya at kailangan ng tulong, saka lang magpatulong at kung maaari, bayaran ang sinumang gumawa ng extra trabaho.

Lahat ay may kanya-kanyang gawain. May taga-hanap buhay, may mga nag-aaral, may katulong sa mga gawain.

Kumbaga, sabi ng wrestler na si The Rock, “know your role." Kung ang tungkulin mo ay kasambahay, ‘wag maging girlfriend. Ooops.

2. Hangga't maaari, huwag magpagabi sa labas dahil delikado sa daan, etc., at kung gagabihin man, magsabi, mag-text, o tumawag sa bahay.

Dapat lang.

3. Mag abiso kung kailangan lumabas maliban sa pagpasok sa eskwela, o kung kailangang mag day-off, mag abiso mga 3 days before.

Tulad ng nasa itaas, dapat lang.

4. Kung gusto ninyong baguhin ang ayos ng bahay general area, magsabi muna, kasama na doon ang pag-alis ng adaptors, extension cords, etc.

Siguro para madaling hanapin ang mga bagay-bagay.

5. Ibalik ang mga bagay sa dating lalagyan, kasama na diyan ang pagbalik ng extension cords, phone cords, etc. sa dating ayos.

Teka, ano’ng meron sa extension cords?

6. Magsabi muna kung magdadala ng kaibigan sa bahay, at hindi palagi. Pwedeng pakainin dito one meal (maximum 2 meals) na libre. Kung hihigit pa diyan, magdala na ang kaibigan ng kanyang pagkain o mag-contribute na ng pera sa pagkain, tubig, kuryente, etc.

Teka, counted as one meal ba ‘yung squidballs? Ayon sa kaibigan ko, madalas daw kasing andu’n ‘yung boyfriend niya nu’ng mga panahong ‘yun. “…magcontribute na ng pera sa pagkain, tubig, kuryente, etc.” In short, kung gusto na sigurong manatili ng “kaibigan.” Nyehehe.

7. May kasabihan, “leave to Caesar what is Caesar's.” Kung hindi sa iyo, ‘wag mong pakialaman. Applicable ‘yan sa gamit, boyfriend, etc. ‘Wag gamitin ang ‘di mo gamit, ‘wag mong landiin ang ‘di mo boyfriend. Asikasuhin mo ang sa iyo, bumili ka ng sa iyo, o humingi ka o maghanap ka ng para sa iyo.

Ako man, ayoko ng may nakikialam ng mga personal kong bagay. Okay na sana e, pero bakit nabanggit ‘yung boyfriend? Hmmm… “’Wag mong landiin ang ‘di mo boyfriend.” Headshot. Sapul. *ngisi*

8. Observe courtesy. Tayo ay social animal, hindi basta hayop. Take time na batiin ang bawa't isa, mag magandang umaga, etc. Kausapin ang bawa't isa. Bawal sumimangot ng walang dahilan dahil nakakasira ng araw. Magsabi kung ano ang dahilan ng pagsimangot, or ipaalam kung bakit nagsisimangot.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsimangot. Sinumang mahuli ay paparusahan sa pamamagitan ng pagtawa sa loob ng isang oras. At kahit gaano pa ka-lungkot o ka-alat ang buhay, dapat e maganda pa rin ang umaga, tanghali, at gabi. Pauso ko lang ‘yan.

MMDA: Bawal Sumimangot. Nakamamatay.


9. Kung may problema, magsabi - kung may sugat, masakit ang tiyan, buntis, masakit ang ngipin, may problema sa kaibigan, problema sa school, magsabi at baka magkakatulungan tayo.

Inday: Ma'am, may problema ako.
Ma'am: Ano?
Inday: Buntis po ako.
Ma'am: Baka magkakatulungan tayo. Usap tayo mamaya.


Pagkakakitaan:

1. 10% commission sa photo session. Sa bawat madala ninyong customer sa photo session dito, may kumisyon. Php250 ang photo session per person. 1 8x10 at 4 wallets yan. Pwedeng ibahin ang sizes as would be agreed, pero Php250 ang price. Kung may kaibigan kayong magre-refer, bigyan siya ng 5% commission or less.

Ayos. Networking. Pwede palang mag-sideline sa business. The more friends I bring, the more chances of winning in the grand draw.

Any other matters:

1. Mag-practice sa English language dahil laging kailangan sa labas. Hangga't maaari, mag-English sa bahay, mag turuan tayo ng English. I-improve ang English. ‘Wag pagtawanan ang mali ng bawat-isa.

Alam niyo ba ‘yung kumakalat, popular, at usong-usong “Inday” chain text messages ngayon? Paniguradong papabor sa kanya ito.

* In-edit ko sa paraan ng tamang pababaybay, at hindi nabago ang kahulugan nito.

Ayon sa kaibigan ko, “I admit that I have contributed to the creation of rules 2, 4, 5, 6, 8 and 9 (shit, that's a lot). As far as I know, Jackie (‘yung kapatid niya) has also contributed to the creation of rules 1, 6, 8 and 9. God help the one who contributed to rule 7.” Rule 7? Sabi na nga ba e. Tagos ba?

Maraming salamat sa kaibigan kong nag-share sa’kin nito. Itago na lang natin siya sa pangalang “Chii.”

24 comments:

  1. hello...

    kakaloka nmang house rule na ito...at talagang sinapul ka sa rule #7...hahaha

    lesson i learned: keep smilling kahit againts ang buong sangkatauhan sau...

    ingats..

    hop to my site i have new post! see yah!

    ReplyDelete
  2. Wow, Jake, nagulat naman ako at nasa "Quotes of the Day" yung sinabi ko, haha. Loko ka talaga.

    Naalala ko lang sa post na 'to yung house rules na version naman ng nanay ko. Ginawa niya 'yon nung napansin niya na unti-unting nagiging gubat na yung bahay namin. Hindi na raw siya sigurado kung 'yon pa ba yung bahay na inupahan niya o ano.

    Tinamaan ako sa #8,haha, may ugali kasi ako na hindi ako kikibo hanggang di ako kikibuin ng kasama ko.Definitely, hindi ako bumabati ng "Good morning" sa mga kasama ko sa bahay, sa professors ko lang ako ganyan, haha. At pag badtrip talaga ako, nakasimangot ako. Ang maganda lang, di ako nandadamay ng tao sa kabadtripan ko sa mundo.

    Tungkol naman sa Inday quotables, di ko lang alam kung nang-good time lang yung tinanungan ko, galing daw siya sa isang UP student at may kinalaman daw 'yon sa kanyang thesis.

    ...Uy Jake, thesis daw oh. =))

    ReplyDelete
  3. Ang saya naman ng house rules na yan. Pinakamasaya yung 7. Hohoho! ano nga ba meron sa mga extension cords jake?

    ReplyDelete
  4. ngek. sosyal na house rules. rule#7 naku.. tsk tsk tsk..

    ReplyDelete
  5. kaaliw to: May kasabihan, “leave to Caesar what is Caesar's.” Kung hindi sa iyo, ‘wag mong pakialaman. Applicable ‘yan sa gamit, boyfriend, etc. ‘Wag gamitin ang ‘di mo gamit, ‘wag mong landiin ang ‘di mo boyfriend. Asikasuhin mo ang sa iyo, bumili ka ng sa iyo, o humingi ka o maghanap ka ng para sa iyo.

    i actually took a chance with a guy i thought id be happy with. in fairness, nagbreak naman muna sila bago naging kami. kaso ngayon eh may umaahas sa kanya. hay nako. ang buhay nga naman.

    ReplyDelete
  6. mukhang me incident na dati ah ... he he ...

    ReplyDelete
  7. Kuya,it takes me AGES to read your blog lol...The tagalog is so deep. >_> Anyway,boo to house rules lol,I just keep to myself when I possibly can here in our dorms.

    ReplyDelete
  8. huwooow.. totoo ba yan. astig. haha. basta ako isa lang rule ko pag ako ay nasa bahay.. walang pakelamanan!!! saka ayoko na mashadong maraming rules? kaloka.

    ReplyDelete
  9. Nakakatuwa naman ung number 6. Haha! pero may friend ako nung highschool, napaka-accomodating nila. Tatawag muna ung kaibigan ko sa bahay na pupunta kami and then magpapahanda ng pagkain.

    Ang ganda ng picture of the day. So fink!!!

    ReplyDelete
  10. That picture of the day... is hilarious! Good one. :p

    ReplyDelete
  11. wow, bigla kong naalala ... mga 11 years ago, nag punta dito sa states mom ko. so basically, kami lang magkakapatid sa bahay namin, with my lola and 2 maids... one morning nagising nalang kami, may mga "house rules" na nakadikit sa mga paderrr! aba, at sulat ng ate ko. sa may bathroom, sa wall sa may tabi ng toilet bowl, andon, meron din nakalagay. nakakatawa. pero never naman namin sinunod.

    teka, baket nga ba malaking issue ang xtension cord at ang BF sa house rules ng nanay ng kaibigan mo? labo. =]

    ReplyDelete
  12. hehe! ayun naman ang maganda sa mga rules yung no. 7.

    ayoko rin ng mga house rules..meron din kami dati pero schedule lang ng paghuhugas ng pinggan..hati-hati kaming 3 magkakapatid.

    ReplyDelete
  13. astig na house rules. ganyan din kami sa bahay. wahahhaa. di nga lang nakasulat.. pero basically yan ang rules ni mama. kasali dun ung "No bad words, no drinking sessions, and no smoking." wahehehe.

    ReplyDelete
  14. gusto ko yung lessons learned ha.. nakaka relate ako...!!!
    mas maganda malaman natin kung sino ang stalker para prepared tayo!!!
    at yung sa thesis defense.. memories ko nung college... hahahah...
    at yung tinatamad pumasok hay! sakto sa EX ko yan!!!

    ReplyDelete
  15. ang house rules ,,, heheheh parang ganyan yung mother ko mas matindi pa dyan.. as in.. OC kasi yon....

    ReplyDelete
  16. Ang kulit nung Picture of the Day :) Hello Kitty!!

    Wow talagang may house rules, para kang pumasok sa bahay ni kuya ah. Hahaha, papabor talaga kay Inday yan baka si Inday pa ang magtutor sa kanila hihi! Yung rule number 2 at 3 parang dapat e alam na yun... Ewan ko siguro dahil sa amin dito ganon kami pinalaki e, so hindi na kami kelangan pagsabihan automatic na pag malate ng uwi e kelangan ipaalam dahil siyempre mag-aalala yung mga tao sa bahay db? :) Nako sa pagpapaalam naman e ganon din minsan pa nga e 1 week before pa e tapos dapat detalyado ang paalam... saan, kelan, sino kasama etc etc hihi! Minsan nakakainis yung mga rules pero kung iisipin naman e may katuturan naman at maiintindihan din kung bakit kelangan ng rules :D

    ReplyDelete
  17. ang ganda ng houserules nya.. talaga... natawa ako dun sa #7, isang linya lang ang kumagat - "wag landiin ang di mo boyfriend"... woohoo! Amen! :D

    ReplyDelete
  18. hmmm.. weird yung tungkol sa boyfriend. yan na nga ba mahirap pag puro kayo babae sa family noh? LOL. oh well.. nanay ko din mahilig magpaskil ng rules. kasali dun ang "no slippers upstairs"... meron din sa CR. schedule of dishwashers.. pati menu minsan meron. restaurant ba bahay namin? welll... baka di ko lang alam. nyahahha!

    sa wakas nakabisita din ulit... weeeeh!

    ReplyDelete
  19. lolz! pati ako namangha sa mga house rules na yan! kakaiba... magaling ang nagpauso nito! hehehe!

    kamusta ka na jake?! sana e oks ka lang dyan! ingatz en God bless!

    ReplyDelete
  20. Naka! Hindi uubra sa amin yang mga House Rules. Siguradong isang araw pa lang sinuway na namin yan! Haha!

    ReplyDelete
  21. Gaaah! I hate rules. LOL. Pero, unconsciously ko sila nafofollow... so yeah, kahit sabihin kong ayaw ko sa rules.. wala, ganun pa rin. Haha!

    [Ang weird ng comment ko.]

    ReplyDelete
  22. Naknam! Nakakagago ang post na itoooooo! Lolol.

    Sa dorm, hindi uubra ang house rules. Kahit may asthma yung isa, yosi pa rin kami! Weeeee. Lol.

    ReplyDelete
  23. ayos yung house rules na yun.. nagboarding haus din ako dati, hindi effective yung mga ganyang house rules hehe.. pero kakaiba talaga yung house rule # 7, panalo!! :)

    ReplyDelete
  24. Ako po yung gumawa ng House Rules - that was in 2005. Kararating ko lang noon from the airport dahil sa pinalayas ko na ang walang kwentang boyprend. Luhaan ako at nanghinayang sa oras at pagmamahal na na parang natapon lang.

    Feeling ko kung may definite rules at direction sa buhay ng tao, walang gaanong pagkakamali, kaya gumawa ako ng ganitong makabagbag damdaming house rules.

    Neway, update - 1) Hindi na pinayagang magbisita ulit si Dutch BF, siempre break na...ano ako, walang kadala -dala. 2) Si kasambahay ay nagpatuloy sa kanyang trabaho sa bahay for 1 more year, pagkatapos ay nagtanan at nakasal na rin sa school janitor ng anak kong bunso 3) Nag asawa na po ulit ang inyong lingkod sa isang American at na adopt na rin ang iyong friend na si Chii at ang kanyang kapatid na si Jaki.

    Happy ending naman, di ba :)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails