Thursday, September 13, 2007

Kilabot Ng Tapsilog

Bukod sa titulong “Hari Ng Mga Bitter,” hawak-hawak ko rin ang titulong “Kilabot Ng Tapsilog.” Bale kasi isa ito sa pinakamadalas kong kinakain at hindi ako nagsasawa. Tapsilog ang kadalasang kasagutan sa aking kagutuman sa gabing magdamag. Dahil lagi akong nagpupuyat sa harapan ng PC at madalas akong ginugutom, aba e alam na ‘yan.

Para sa mga katulad kong adik sa tapsilog, kani-kanyang preference din kung ano’ng oras pinakamasarap kumain nito. Merong trip kumain nito ‘pag almusal kasabay ng pagsikat ng araw at pagsimoy ng hangin na kunwaring sariwa, minsan e counted din siya bilang pananghalian, at meron din namang naso-solve kapag hapunan. Ako, pinaka-swabeng kumain ng tapsilog kapag hatinggabi o madaling-araw, lalung-lalo na sa mga sitwasyong katulad ng na-stuck up ako sa ginagawa ko (‘wag niyo nang alamin), o pag-alis sa tamang dala ng nakalalasing na inumin. Pakiramdam ko kasing nakikiramay ang ambience ng ganitong oras sa appetite ko ng tapsilog.

Marami-rami na akong tapsilugang nakainan. Dito sa amin, may isang liko at dalawang kanto ang tinatahak ko patungo du’n sa madalas kong tinatambayang tapsilugan. Kilala na nga nila ako. Palagi kasi silang swabe magluto, lalo na kapag nata-tiyambahan kong sinangag ang inihain nila at hindi ‘yung sinaing lang na kanin. Buwenas ako dahil 24/7 silang bukas. Nu’ng kami pa ng ex-girlfriend ko, may tapsilugan ding malapit sa kanila at madalas kami du’ng kumain lalo na kapag umaga at du’n ako sa kanila natulog (Uyy, memories…). Kapag naman naglalamyerda kaming mga Hawi Boys sa SM Megamall at semi-nagtitipid kami o kaya’y inabot na kami ng closing at ayaw pa naming magsi-uwi, dumidiretso kami sa tapsilugang binansagan naming “tapsilugan ni Hudas.” Andu’n ‘yun sa may Shaw Boulevard, sa tapat ng Starmall, at malapit sa terminal ng jeep. Kumbakit “tapsilugan ni Hudas” ang bansag naming, nakalimutan ko na. Kasabayan naming ang mga bigotilyong manong jeepney drivers at ang mga tsiks nila. Feeling ko tuloy e nasa 1980s Pinoy action movie kami sa tuwing tsumitsibog kami rito. Meron ding Tapa King, at malamang e nakita mo na ang "Akik" o nakakain ka na sa kainang ito na nagkalat sa Kamaynilaan.

May iba’t-ibang style ng pagkakaluto ng tapsilog. Merong medyo tuyo. Meron ding medyo masarsa. May parang deep-fried, may semi-uncooked. Pinakatrip ko ‘yung medyo deep-fried na medyo masarsa. Para sa’kin, ‘yun ang champion na tapsilog. At dapat laging sunny-side-up ‘yung itlog, hindi iskrambol. At siyempre, waging-wagi kapag sinangag ang kanin na may kaunting rekados.

Kulang din sa akin ang tapsilog kapag walang sawsawan on the side. Ang weapon of choice ko naman rito e ‘yung toyo-kalamansi-sili combination. Kaunting patak sa kanin, sa ilang slice ng tapa, sa itlog, ikukutsara, sabay subo. Rakenrol.

Finishing move ko naman magyosi at magmuni-muni pagkatapos ang isang malawakang kainan. Solb. Tipong pag-uwi ko ng bahay e may panibagong lakas ako.

Bukod sa tapsilog, ayos din sa akin ang cornsilog, longsilog, chicksilog (hindi 'yung tsiks na may itlog), at baconsilog (hindi 'yung nagbi-bacon na brief).

Tatapsilog muna ako.

(Pwede na ba akong maging endorser ng tapsilog?)



Sidenotes

Sa wakas at natupad ko na rin ang isa sa mga pangarap ko sa buhay. Nagkita na rin kami ni Toniwoni at nakapag-Bubble Tea kami (September 5). Minsan ko kasing nabanggit sa kanya na madalas ako sa Bubble Tea. Wala kaming gaanong pictures. Sana, may next time kami para meron na.

Nu'ng Lunes naman (September 10), nagkaroon kami ng impromptu meetup ni Joiz sa Greenbelt. Chat on coffee lang naman. Bonding moment. Nasaksihan niya kung paano ako manligaw sa tingin. Isa sa mga naging highlights ng gabing ito e nag-chic hunting kami.

21 comments:

  1. first time kong mag lagay ng confession ko d2.. dahil blog hopping from "nycelicious page"-- and guess wat interesting and catchy ang post mo... mapapadalas ata ang pag bisita ko d2... nd i will. keep posting "Kilabot ng Tapsilog!"

    feel free to visit my site to if u have time since, madalas kang nag pupuyat...hihihi-- www.pinoynetwork.org/vera/

    cheers from Canada!
    vera

    ReplyDelete
  2. heres my site... http://pinoynetwork.org/vera

    thnx!

    ReplyDelete
  3. Yum ... tapsilog. Ginutom ako sa post mo, ngayong night shift na ko madalas din ang tapsi (o ibang silog meals) ko dahil eto lang ang inaabutan kong luto na sa canteen na kinakainan ko pagmaaga pa.

    Paborito kong type ng tapsilog e yung me manamis namis na timpla with matching atsara and suka. Ewan ko nga parang di nakakasawa yung mga silog meals palibhasa gutom na at walang makainan :P

    ReplyDelete
  4. ginutom ako dyan ah! ang sarap nga ng tapsi... di ba may iba-iba pa yan?? hehehe! na-try mo na ba ang mga yon? masarap din...

    ReplyDelete
  5. peborit ko din ang tapsilog.. at longsilog.. madalas kong i-order yan dito sa canteen namin pag ayaw ko yung mga main dishes na luto nila.. hehehe.. tsalap!

    ReplyDelete
  6. sa umaga lang ako kumakain nyan tapsilog..mas ok nga kung sinangag yung kanin..sa tapa naman yung hindi masyado matigas or makunat..nakakagutom nga yang post mo.

    ReplyDelete
  7. Teka, meron bang tapsilog na bagong saing na kanin ang ginagamit? Hehe!

    Tae, nagutom ako. Makagaya nga sa iyo! Hehe!

    ReplyDelete
  8. ako naman eh basta pagkain go lang ako ng go.. wag lang sa lutong bayabas, tahong at mga pagkain na bnbgyan ako ng allergic reactions. hahaha..


    fave ko ngayon yung paotsin sa sm hypermarket

    ReplyDelete
  9. aba! pareho pala tayo ng pagkilatis ng mga puds e! haha! trip ko rin ang tapsilog. pag wala nanay ko dito sa bahay at wala akong maiulam e naderecho ako sa suki kong tapsilugan dito sa min. da bes kasi kesa sa mga napuntahan kong mga tapsihan. Tapsilog ang ginagawa kong lunch at dinner! solb! :)

    ReplyDelete
  10. may masarap akong kinakainan ng tapsilog.. yung tipong nakakalimutan ko yung pangalan ko. pero sana sa pag kain ko ng tapsilog, makalimutan ko rin ang sakit na nararamdaman ko..

    tsk. haha!

    ReplyDelete
  11. kilabot ng tapsilog! sa kin naman, barbecue o kahit anong inihaw. grabe, dahil sa post mong to gusto kong kumain ng tapsilog. Oo, pwedeng-pwede ka ng endorser ng tapsilog. Raket? Dali, magpabayad ka. Sabihin mo raket mo. Haha.

    ReplyDelete
  12. tanginang tapsilog yan!!! (sorry napamura ako!) Kasi may nangyari last week saken. Sobrang gutom ako tapos bigla pa akong nag trip ng tapsilog, pagbukas ko ng freezer, walang pwedeng kapalit ng tapa (aka tocino/longganisa!). So nag decide ako tawagan bestfriend ko para ayain sa isang crappy filipino restaurant/bar na medyo malayo. pag dating sa lugar, nag order ako, nakuha ko order ko, sabay medyo sunog pa yung tapa! bad trip talaga kasi ayaw ko naman mag reklamo baka sabihin ang arte ko. gusto ko ulet ng tapsilog! langya ka kasi eh!!!!

    ReplyDelete
  13. wooo.. mahilig ako sa tapsilog.. anything na may itlog haha. yan ang isa sa mga "must-ordered" food ko.. hehe

    ReplyDelete
  14. mas gusto ko tocilog sa tapsilog...pero msarap rin ito! hehe, gusto ko tuloy nun ngayon!

    ReplyDelete
  15. kakabasa ko lang ng entry mo sa nostalgiamanila. katuwa basahin ang entries mo dito. i-add kita sa links ko para makabalik ako.

    ReplyDelete
  16. ayos sa trip.. mas okay maadik sa tapsilog kesa sa iba.. haha. @_@

    ReplyDelete
  17. Uy labs ko rin ang tapsilog, lalo na 'pag may kamatis at atsara on da sayd.

    At yeah! Pwedeng-pwede ka nang maging model ng tapsilog man!

    ReplyDelete
  18. Favorite ko din yang tapsilog :) (Actually parang kahit ano basta may itlog na kasama yung pagkain e gusto ko) Pero dun sa favorite na kinakainan namin ng boyfriend ko pag nagtitipid kami na tinatawag namin (at lahat ng tao) na SEX (Sinangag Express) ang lagi ko inoorder e yung chosilog (chorizo,sinangag at itlog) hindi ko trip yung tapsilog nila dun kasi parang corned beef yung itsura hehe!

    Oo pwedeng pwede ka talaga maging endorser ng tapsilog :D Akalain mo sa topic na tapsilog lang e naentertain kami :)

    ReplyDelete
  19. Haaay ang pagkaing ginagawa kong libangan kung kainin.

    Dito kasi sa may bf homes, may tinatawag na SEx (Sinangag Express) kung saan madalas kami kumain ng mga kaibigan ko. Ang laging ayaan (pasigaw pa) "Mare! SEX TAYO!"

    Punyemas. Ayos diba?

    Sige ipagkalat sa buong mundo na nagchic hunting tayo. Buti ka pa, nabusog ang mga mata dun sa nakatabi nating kesong puti, e ako ni isang matinong ta*ong walang nasilayan! 'Nyemas talaga. Hehehe sa uulitan ha?

    ReplyDelete
  20. Tapsilog, mmmm.

    That kitty staring at the computer... cuuute, hehe.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails