Monday, November 19, 2007

Bits and Pieces #2: Fulltime Callboy, Single Forever, Makapunit-Brief Na Utot, Atbp.

* Sa mga nagtatanong kung ano nga ba ang trabahong nakuha ko, isa akong fulltime callboy. Kailangan kong ng ibayong paggiling at pag-indayog ng katawan upang mawala ang antok. Kailangang magaling kaming gumamit ng dila para makapagsalita ng diretso. Kailangan malakas ang karisma namin upang makapanghalina. Ibig sabihin, call center agent. Pero trainee pa lang ako kaya wala pa talagang kasiguraduhan kung uubra ako pagdating sa Inglisan, pag-troubleshoot ng DSL, pakikipagbolahan sa mga galit na 'Kano, at sa papalit-palit na oras.

* Nu'ng isang beses na break namin sa office at nagtungo ako sa CR upang umihi, may nakasabay akong lalaki at pumuwesto siya sa urinal isang pagitan mula sa'kin. Taimtim akong nagpa-praktis ng mga spiels habang umiihi nang bigla akong nagulantang sa sobrang pagkabigla. Pumunit sa katahimikan ng CR ang lakas ng utot ng lalaking nakasabay ko. Sadistang utot na parang pwede ko na siyang idemanda sa kasong genocide. At parang hindi pa siya nakuntento, humirit siya ng isa pa, 'kala mo e nanganak bigla 'yung utot niya. Kung napunit din pati ang brief niya sa lakas ng impact ng utot niya, siya na lang ang nakaka-alam. Patay-malisya na lang ako pero dali-dali din akong umeskapo. Wala ako sa mood para umamoy nang anumang pinaglumaan na ng panahon. Kung namukhaan niya ako at binabasa niya ngayon ito, rak on, pare!

* Nais ko rin palang magpasalamat kay Joice dahil isinali niya ang blog ko sa kanyang pag-recognize sa kanyang 20 best bloggers. Maraming-maraming salamat. Tingnan niyo dito ang kanyang regalo para sa'kin.

* Nagkaroon kami ng di-pagkakaunawaan ni Fluff at hindi na siya nagpaparamdam ngayon. Kunsabagay, kasalanan ko naman kasi ang lahat. Hindi ako sigurado kung pormal na niyang pinutol ang komunikasyon namin dahil hindi na talaga siya nagti-text. At wala naman akong ni katiting na pag-asa sa kanya. At tulad din nilang lahat-lahat... basta. Pero nami-miss ko na siya.

* Hindi pa rin matapus-tapos ang depression ko. Naiinis na ako sa sarili ko. Lahat na lang ng taong dumarating sa buhay ko, biglang nawawala, biglang umaalis, biglang naglalaho. Dati-rati, masaya ko silang nakakausap (o nakakasama kung swertehan). Pero ewan ko ba kumbakit simbilis ng pagkakakilala ko sa kanila ang paglaho nila. Kausap ko sa YM magdamag, napupudpod na ang mga kamay kati-text, sobrang saya kapag nagkikita, sabay bigla na lang silang mawawala. Andyan man, suntok sa buwan naman kung magparamdam ulet. Kung busy naman talaga sa ibang mga mahahalagang bagay o kung anupamang dahilan, sila na lang din ang nakaka-alam. People always, always leave. Lalo tuloy akong hindi naniniwala na may mga taong mananatili sa buhay ng sinuman... Single Forever na talaga ako. And yes, it sucks to be me.

* Sa susunod na buwan na ang birthday ko. At patapos na rin ang taon na ito. At ang masasabi ko, itong taon na ito ang pinakapangit, pinakamalas, pinaka-walang-kwenta, pinaka-sawi, pinaka-depressive, pinaka-lahat-na sa buong buhay ko. Oo, may mga magaganda din namang nangyari sa buhay ko. Siyempre, itong taon na ito pormal na nagsimula ang blog na ito (dahil naman sa isang kamalasan sa relationship). May nakilala akong bagong mga kaibigan. May mga "dumating sa buhay ko" (naglaho naman rin yata ang iba sa kanila). Pero, sobrang dami ng mga pangit na nangyari sa buhay ko ngayong taon. Sobrang dami kong pinagsisisihan. Sobrang layo ito sa buhay ko dati. Kung may gusto akong burahin sa buhay ko, gusto kong burahin ang buong taon na ito. O kahit i-edit ko na lang. Nakahanda akong ibenta ang katawan ko. Ah este kaluluwa pala.

* Head-over-heals-swept-me-off-my-feel-love-at-first-sight-lahat-lahat-na-leche ako sa isang trainer dito sa account namin. Nu'ng pinakauna ko siyang nakita, instant laglag agad ang puso at ngala-ngala ko. Sobrang napakagandang dilag. Maputi, medyo katamtaman ang taas, at mala-perlas. Pinakanagustuhan ko sa kanya e 'yung mga mata niyang animo'y mapanghalina sa likod ng salamin na lalong nagbibigay sa kanya ng ibayong kagandahan. Simula nang makita ko siya, hindi na siya maalis-alis sa isipan ko. Hindi ko pa siya magawang lapitan at kausapin kahit na isang beses. Kulang na lang e itanong ko sa trainer namin ang tungkol sa kanya. Pero, asa-pa-ako-asa-pa-ako-asa-pa-ako-asa-pa-ako-asa-pa-ako!!! Certified trainer/QA siya. Isang institusyon. Samantalang ako, hamak na kulugo na wala pang kasiguraduhan kung makakapasa sa training na ito. Ni hindi pa nga plantsado ang ang spoken-in-dollars (English) ko para makipagsabayan sa kanya. At siyempre sa ganda niyang 'yun, malamang e may boylalu na 'yon o kaya'y sambatalyong fans club. Sobrang layo ng katayuan namin. Haay, kailan kaya niya mapapansin ang hamak na pusong ito? Hindi naman ako manyakis tulad ng iba. Ipapangako ko sa'yo na igagalang ka. (Oo, mga linya sa kanya 'yan kasi saktong-saktong pinakikinggan ko 'yan habang itina-type ko 'to). Malapitan ko lang siya at makausap sa kahit na sandali man lamang, sobrang maligaya na ako.

* Naiinis na ako sa sarili ko. 'Tangina naman.

21 comments:

  1. i didnt go anywhere. i was just busy. now youre ignoring me. oh well. see you around. i guess.

    ReplyDelete
  2. -- Wag ka magaalala dahil hindi ka naman nagiisa. Isa rin ako sa "lulubog-lilitaw". Hindi ko na rin tuloy feel pa icontinue pa ang pagbblog kung minsan kasi feeling ko wala naman kwenta pinaglalagay ko dun. Pero masarap din kasi magsulat sa blog, lalo kung sobrang excited na talaga ako sa isang bagay tapos wala naman akong mapagkwentuhan.

    -- Hindi ba domain name na 'tong jakethemiserable.com? Bale hosting na lang problema mo dba? :) Parehas tayo, wala din akong panahon para pag-aralan yung codes kaya minsan tuloy puro free themes na lang dinodownload at iniinstall ko sa website ko. Tutulong sana ako dun sa pagpapaganda ng pictures, pero hindi rin naman ako 'hardcore' sa Photoshop :P Baka kesa gumanda e lalo ko lang masira yung picture. Nagfefeeling hardcore lang naman kasi ako ;p
    -- Ang lupit naman... Hindi ka ba niya nakita? Pero kung sa bagay CR naman yon hahaha! Alam mo ba narealize ko din parang kawawa mga lalake. Kasi yung CR ng lalaki dba may urinal at meron din cubicle... Kung iihi ka dun ka na sa urinal pero pag tatae ka dun ka sa cubicle... So obvious na obvious pag pumasok ang lalake sa cubicle, ibig sabihin tatae yun. Ewan ko lang kung may iba pang ginagawa ang lalake sa cubicle kaya siya pumasok dun ;p
    -- Wow, best blogger! Deserving ka naman e :)
    -- Baka busy lang si Fluff? O kita mo nga busy nga... Habang sinusulat ko kasi ang icocomment ko sa Notepad wala ka pa comments tapos nung ipapaste ko na yung comment ko ayun na yung comment ni Fluff. (To Fluff, baka busy din si Jake :D)
    -- Hmm... naalala ko bigla yung 'One More Chance' sabi kasi dun kaya daw may umaalis/nawawala/nangiiwan kasi may darating daw na mas higit pa dun sa umalis/nawala/nangiwan. :) Kung gusto ng tao manatili sa buhay ng isang tao gagawa at gagawa yun ng paraan para magstay :)
    -- Advance happy birthday pala! :) Nalungkot ako kasi ito yung taon na "pinakapangit, pinakamalas, pinaka-walang-kwenta, pinaka-sawi, pinaka-depressive, pinaka-lahat-na" sa buong buhay mo. :( Kasi ngayong taon kita nakilala e :)
    -- Sabi ko na nga ba at parang familiar yung mga linya na yun... Kanta yan dba? Hehe! Wala lang.
    -- Lahat ng tao may sariling kawirdohan talaga! Yun din ang lesson learned ko nung Sabado! Hahaha! Kasi magaaway pa yung kapatid ko at boyfriend niya dahil sa mga kawirdohan nila... Yun na lang sinabi ko na lahat may kanya kanyang kawirdohan kaya tanggapin na lang yun at wag na sila magaway hehehe!

    ReplyDelete
  3. naku! wag kang mag-alala.. dadating din ang panahon na di na sila aalis sa piling mo.. have faith!

    ReplyDelete
  4. nakakatawa yung "utot" part.

    Grabe! i sooo wanna watch One More Chance.

    busy naman pala si Fluff eh. :)

    ReplyDelete
  5. edit mo na lang ang mga nangyari ngayong taon... di naman siguro lahat e kailangang kalimutan, di ba?

    ReplyDelete
  6. photoshop? ehem2.. ehehe. joke! baka magmukha lang pambabae yung layout mo.. gusto ko rin bumili ng new domain and mgapply ng hosting.. kaso mahal.. kuripot ko eh..


    at call boy ka pala ah?

    ReplyDelete
  7. tindi nang nakasama mo sa cr ha. hehehe.

    advance happy birthday!

    masaya maging single! bitter! hahahaha

    at tama ka.. wag masyado kumain sa lunch para di sobrang antukin pagkatapos :)

    ReplyDelete
  8. ~Hindi lang ikaw ang expert sa "lulubog-lilitaw technique".

    ~Magandang desisyon ang paggamit ng Wordpress. Sana nga lang ay hindi ka magiging shet-anung-gagawin-ko-hindi-ko-alam Wordpress mulala na kagaya ko sa simula.

    ~Sana nung umutot yung lalaki ay nagsindi ka ng kandila.

    ~Wow congrats. Best blogger. ^____^

    ~Ayun lang.

    ReplyDelete
  9. grabe! pareparehas lang tau, lulubog lilitaw! maxado na kasi taung besi-besihan eh! Pero pag bakaxon ulI! weeeee!!!! blog blogan na nmn tau nito!!!!
    yehey! lilipat ka na rin sa wordpress! maganda yaN! tlgng dabest tlg ang wordpress! Ang tindi kasi ng mga features! kompletos rekados! buti ka pa may pambayad sa hostinG! ako, wala! sabagay callboy na po kz kau! ahihihihi! kaya natin yaN!

    ReplyDelete
  10. Ah, isasama na pala kita sa aking list of people I know na nagcall center. Kaya mo yan! :) Yung isang friend ko kakapromote lang. Mamaya maya lang bosschip ka na hehe

    Wordpress rocks. I'm tempted by that autographed pic but I'm busy rin e. Good luck na lang.

    Nakashima Mika rocks too :D

    ReplyDelete
  11. eh kasi naman Jake, iayus mo naman! Heheh. ifocus mo sarili mo sa ibang bagay para hindi ka nadedepress. gawin mo yung mga bagay na maeenjoy mo! hindi yung mag mumukmok ka nalang lagi. pramis, dati kagaya mo ako! hindi ko nakikita yung mga finer things in life, don lang ako naka focus sa mga problema ko... oo madami na nga ako problema, papasakitin ko pa sarili ko sa kakaisip? di ko naman sinasabi na kalimutan mo mga problema mo, pero at least tulungan mo sarili mo na medyo maka limutan ng kahit konti lang.

    tungkol naman sa utot na yan. yuck kadiri. hahaha. kwento ko sayo to... nangyari lang today! hehehe. natatae kasi ako (dahil uminom ako ng extra strength green tea kanina umaga) so ginawa ko, lumabas ako sa office namin at don ako tumae sa may building bathroom (sa may elevator, ay?) para sabi ko, hindi aamoy kung mabaho man... so nakarao ako. medyo pinakinggan ko pa ng konti yung labas kung may tao o wala para kung meron di muna ako lalabas... wala ako narinig so lumabas ako, hahaha, may babae nakatayo sa may pinto!!! hahaha.takbo agad ako palayo. kadiri. hahaha. kadiri, baket ba kinwent ko pa sayo.

    about WP, tulungan kita! let me know lang kung kelan mo na kelangan. =]

    ReplyDelete
  12. one more thing, tigilan mo humanap ng babaeng mamahalin. yaan mo sila ang dumating! kasi baka pag dumating na yung totoong babae na yun... baka wala ka nang pag ibig na maibigay. kaya.. hinay hinay lang!

    and if people tend to leave you all the time, then they're really not meant to stick around. everything happens for a reason, Jake!

    ReplyDelete
  13. ung last visit ko.. di available site mo. buti naman available siya ngayon. hehe.

    anyway... some things dont stay the same. people come and go. im sure there are friends who are with you up until now.. just cherish what you have as of the moment. enjoy it..

    if you want a wonderful new year ahead... suggest ko sa iyo.. try to be an optimist.. once in a few while. it helps.. and always think of positive things.. if you want a dose of positivity.. im here. haha. ill help you out. ;p

    ReplyDelete
  14. aahh... nagwo-work ka na pala sa call center! gudlak sa'yo dyan.. don't wori, kahit pawala-wala ka man sa blogworld... marami pa rin namang kaming naghihintay sa bagong ipo-post mo! basta karirin mo muna yang work mo...

    yaaaay... hanep yung nakasabay mo ah! hahahaha! buti na lang di mo naamoy kung hinde.. di mo na alam kung buhay ka pang makakalabas ng CR! hahaha!

    Advance happy birthday sayo at syempre, advance Merry Christmas na rin! :)

    Goodluck sa lahat ng ginagawa mo at wag ka na ngang mainis sa sarili mo... sige ka, tatanda ka kaagad! hehehe!

    may award ka dun sa bahay ko! :)

    ReplyDelete
  15. Bro,
    Don't loose hope.Si erap nga Janitor nuong pinatulan ni Dra. Loi ikaw pa.
    It is beter to love and loose than never love at all.
    Practis lang tol ng mag makalaglag panty na dialog.
    Advance hapi berdey din.Napadaan lang po.

    ReplyDelete
  16. bro yan na si fluff, kausapin mo na :)

    meron talagang mga taong walang pakundangan sa pag-utot, minsan napapaisip ako kung may laman na yung mga underwear nila sa lakas ng pakawala nila.

    ReplyDelete
  17. sa call center din ako. welcome to the world of tech support. gudluck! you'll need it hehe. nga pala, anong acct mo? sa at&t dsl ako.

    with regards to your kadramahan, sabi nila there are reasons why some people are not part of your life. whatever those reasons are, i have no idea.

    para sa kwentong utot naman, nakakatuwa, may character sya ha, loud and proud. lol.

    salamat nga pala sa pagdalaw sa bahay ko - loveandotherdemons.com

    ReplyDelete
  18. That photo of the day is hilarious.

    I'm sorry if I can't comment as much... since my Filipino reading skills are... almost non-existent. But I do try though. I frequent your blog because I'm forcing myself to learn Filipino language.

    Regards,
    Massa P from fruityoaty.com

    ReplyDelete
  19. hi jake!

    your blog really makes my day.

    sensya na't ngaun lang ulit ako nakadalaw. isa rin akong lulubog-lilitaw sa blogosphere. lalo na't di ko pa nagagawang maibalik ang dati kong bahay sa cyberspace...sa ngayon ay nangungupahan muna ako.

    keep on blogging, jake! enjoy life as well...

    ReplyDelete
  20. callboy? haha. :D

    gusto kong mapanud ung one more chance kaso, imposible. huhu.

    ReplyDelete
  21. olrayt mukhang nakabalik ka na talaga! wag na malungkot pre magpapasko na eh! o kitams andyan naman pala si fluff mo at nagcomment pa...habang may buhay may pag asa..pero dun sa QA mo nakow mukhang naging interesado rin ako sa itsura nya ah.

    yung pic of the day ayos na ayos! potek parang namiss ko tuloy ang buhay estudyante lalo na kung ganyan ang mga view.

    nagpalit na pla ko ng link pards...gasti.wordpress.com na (sa wakas mag wordpress ka na rin..)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails