Friday, December 7, 2007

Pre-Christmas Predicament

Ako 'yung taong hindi masyadong nagsi-celebrate ng Christmas. Pero minsan, medyo pabor din sa'kin ang panahong 'yan dahil malapit-lapit din 'yan sa kaarawan ko. Lalo na nu'ng bata ako. Swerte at malas ako 'pag ganitong buwan:

(Bata pa ako)

Jake: Ninong, Pamasko ko po.
Ninong 1: (Abot 500.)
Jake: Ninong, birthday ko pa. Nyehehe.
Ninong 1: (Abot ulet 500.)

Jake: Ninong, Pamasko ko po.
Ninong 2: (Abot 500.)
Jake: Ninong, birthday ko pa. Nyehehe.
Ninong 2: Aba Jake, 'yan na rin ang pam-birthday mo.

Ewan ko kung saan ko narinig 'yung "sana, araw-araw e Pasko," e pabor na pabor sa'kin 'yan nu'ng bata ako.

Kapag naramdaman ko nang malamig ang hangin at nakakakita na ako ng mga Krismas Layts, alam kong paparating na rin ang birthday ko. Pero mas madalas e hindi ko rin sine-celebrate ang birthday ko. Parang isang ordinaryong araw lang. Malamang kasi sa malamang, kapiling ng mga kaibigan ko ang kani-kanilang mga pamilya dahil na ito 'yung panahon na magkakasama silang magdiriwang. At dahil ako naman e halos hiwalay sa sariling pamilya, madalas kinakantahan ko na lang ang sarili ko, o kaya e manlilibre sa mga masuswerteng makakapiling ko. Higit sa lahat, hindi pa ako nakakapag-celebrate ng birthday ko na may girlfriend ako at magkasama kami. Nu'ng nakaraang taon, kami pa naman ni Angelique noon pero nasa probinsya siya nu'n. Masayang-masaya na ako nu'ng tinawagan niya ako (pero nag-away kami kinabukasan).

Kaya pagsapit ng darating na ika-22 ng buwang ito, magpakita lang kayo sa'kin at sukdulan ko kayong paliligayahin.

Wishlist?

1) Nintendo DS Lite - kapag may napala akong mabuti sa trabaho ko, alam kong makakabili na ako nito. At sa buong buhay ko, ito ang pinakamahal kong bibilhin gamit ang sariling pera. Ilang beses nang nauudlot ang plano kong bumili nito dahil laging kapos sa badyet. Oo, mas gusto ko ang NDSL kesa sa Sony PSP. Marami kasing meron nito sa tropa ko. Tsaka mas maraming innovations tulad ng touchscreen at mic. Medyo talo nga lang sa graphics pero ayos lang. Mas marami ka namang madadalang mga laro kesa sa PSP.

2) Upgrades sa kompyuter - kinakalawang na ang kompyuter na gamit-gamit ko at kating-kati na ang yagbols kong ipa-upgrade ito. Palitan ang motherboard, dagdagan ng memory, o kung anupaman.

3) Magandang trabaho - aminado akong maalat-alat pa rin ako sa estado ng trabaho ko. Sana'y maka-landing na ako sa trabahong para talaga sa'kin. Sa ngayon, gusto kong maging isang matagumpay na callboy (lalaking nagtatrabaho sa call center).

4) Malupit na fashion make-over - Kakaunti lang ang mga damit ko kung tutuusin. Medyo magaling lang talaga ako sa mix and match. Pero tumatanda na ako at mukha pa rin akong timang. Sana e may sapat akong damit at gamit-pampogi para naman lumabas ang aking angking kagwapuhan ('tanginang 'yan, kilabutan ka nga).

5) Isang malupit at mapag-alagang girlfriend. Basta. Sa ngayon, one step at a time kami. Masyado pang maaga para sabihin ang sitwasyon namin. Masaya kami ngayon, at 'yun ang mahalaga.

29 comments:

  1. Nina (itsnina.coM)December 7, 2007 at 2:30 AM

    kung ako ang may bday around xmas time, ayaw ko siguro. kasi mag eend up, isang regalo lang ang matatanggap ko! yoko nga nun, amboring! hahaha.

    sana makuha mo laht ng wishlist mo. ako di gumagawa ng wishlist kasi madidisappoint lang ako pag di ko natanggap lahat. hehehe.

    ReplyDelete
  2. wish kong matupad ang lahat ng mga wishes mo!! advance happy birthday na rin sa'yo... stay happy jake!!

    God bless!

    ReplyDelete
  3. para masabing nag-uupdate paren? hehehe.
    keep writing, wag kang tamarin. heehee.

    i really hope i could be there on your birthday. :)

    ReplyDelete
  4. antindeeeee. ngayon ko lang nakitang singco ang metro mo ah. nice nice. palakpakan. galing ng sweetie mo tol. aba'y buti naman at masaya ka ngayon. sana tuloy tuloy na yan. edi apir pare! so pano yan, nanlibre ka na? andaya mo, dapat kasama ako dun ah?! libreeeeeee! ung pustahan amfufu

    pero di nga, I wish makuha mo ang happiness sa iyong kaberdeyan, kapaskuhan at magpakailanman.

    ReplyDelete
  5. para sa katuparan ng mga wishes mo..cheers jake!

    ReplyDelete
  6. jakeeee at last nag-update ka na rin =) advance happy birthday and merry christmas!

    uyyy mukhang malapit na matupad un wish no. 5 =)

    malapit ka sa paseo work? baka nagkakabanggaan na tayo dun!

    ReplyDelete
  7. huwaw :)masaya na si jake! im happy for you!! sorry i havent been texting lately...lately my life seems to suck more than it ever has before hehe. anyway, advanced happy birthday, in case i dont see you. at isang sincere na merry christmas mula sa isang atheist :P

    ReplyDelete
  8. Yay! 5 na yung Jake-O-Meter! :) Masaya ako para sayo... Mukhang magiging happy talaga ang birthday mo pati maligaya ang pasko mo :D Sana din matupad yung wishes dun sa wishlist mo :D Good luck sa lahat lahat! Happy birthday in advance!

    ReplyDelete
  9. wow! inlababo siya!!

    ReplyDelete
  10. pareho pala tayo ng problema, disyembre rin pumapatak ang kaarawan ko. ang malas pa nito, isa lang ang natatanggap kong regalo for christmas, new year at bday ko. at kadalasan pang-handa sa bagong taon ang handa ko. hehe... pero swerte ka sa ninong 1 mo!

    marami naman tayong malamig ang pasko. okay lang yan, hindi ka nag-iisa, hehe.

    God bless! makikita mo rin ang babaeng swak na swak sa iyo!

    ReplyDelete
  11. Wahahaha! Sana nga mahagilap ko mga ninong/ninang ko... Hindi ko nga maalala mga mukha nila...

    Oi, libre pala ah... Hehehe, nasaan ka sa Dec. 22? Charos, bangag pa siguro ako nun after ng get-together ng barkada ko...

    Sensya na, ngayon lang ulit nakapagbasa dito Pareng Jake...

    ReplyDelete
  12. Hi Jake

    Ako ay nagbabalik. hehe... may bago nakong domain.

    Pasko na nga... Di na matakasan. Pareho kayo ng ate ko, malapit din ang kaarawan nya sa pasko. Lagi ko iniisip na medyo malas nga kasi may mga ninong na 2-in-1 ang regalo. hehe

    ReplyDelete
  13. ayos na ang buto buto ika nga! advance happy bday sayo..hehe! akalain mo nga namang 3 araw lang pagitan ng bday natin..sakto kasing pasko bday ko eh..congrats! mukhang tuloy tuloy na ang swerte mo..

    mas ok pa rin sakin ang psp kaya lang di rin ako makabili.

    ReplyDelete
  14. weeeeeee!!! adbanz appi bday!
    sna balanag-araw mabili mo yang pinapangarap mo o di kya nma'y matupad!!!!

    Di ko lam yang nintendo na yan ah! amP!

    ReplyDelete
  15. weeeeeee!!! adbanz appi bday!
    sna balanag-araw mabili mo yang pinapangarap mo o di kya nma'y matupad!!!!

    Di ko lam yang nintendo na yan ah! amP!

    ReplyDelete
  16. ako nga hindi disyembre ang kaarawan pero hindi ako nakakatanggap ng mga aguinaldo. quits lang tayo. isang beses lang sa isang taon nakakatanggap ng regalo. hehe dalawa sa mga kapatid ko malapit sa pasko ang bday doble regalo with matching reklamo. beat that.. :( hehe

    ReplyDelete
  17. Pareng Jake, advance happy birthday. :)

    Nawa'y paulanan ka ng grasya at matupad ang wishlist mo.

    Tungkol sa regalo, look on the brighter side. Buti ikaw may ninong ako wala. Ahahaha. Isa lang ninang ko e at walang ninong. Hows that?

    Apir apir! Have a rakenroll birthday! Lapit na.

    ReplyDelete
  18. hehe. nawa'y magkaroon ka na ng ndsl para makapag-picto chat na tayo.. hhaha XD

    ReplyDelete
  19. nakakalibang basahin yung blog mo promise..! mapapadalas cguro ako dito.. : )

    nyway, wish u a merry xmas and a happy bday.. sana makuha mo mga nasa wishlist mo, demanding ka ah.. hehe.: )

    ReplyDelete
  20. Hohohohooooy! Lapit na bertdey ni Jake ah! Pero you don't have to worry. God gives birthday celebrants their respective gifts. Minsan nga lang hindi natin napapansin.

    Ganun talaga. Minsan kung kelan pa Pasko at masaya lahat eh parang may kulang. Parang nananadya.

    Happy birthday in advance nga pala. ^__^

    ReplyDelete
  21. Happy birthday!
    ngaun nlng ulit ako dumaan dito

    good luck naman sa Nintendo DS Lite

    ReplyDelete
  22. Happy Birthday at Merry Christmas! Haha!

    PSP bilhin mo! Merong Nintendo DS at PSP ang kapatid ko at di mas hamak na mas mura ang mga games ng PSP! Hehe!

    Nagdodownload lang ako ng torrent para sa games ng kapatid ko.

    Pero kanya-kanyang trip naman 'yan e! Saka nakakaaliw yung Nintendogs!

    ReplyDelete
  23. wishing you a merry christmas from the bottom of meow heart. mwahhhh

    ReplyDelete
  24. i'm back kuya jake! visit my site some time! hahaha!

    wow. sana makuha mo lahat ng iyong wishes..

    ReplyDelete
  25. Maligayang pasko Jake! Sana makuha mo lahat ng nasa wishlist mo! Huhuhu...wala akong ninong at ninang! Naglaho na silang lahat...di ko tuloy na experience yang paghingi ng pera sa mga godparents!

    Maligayang pasko!

    ReplyDelete
  26. " A lovely thing about Christmas is that it's compulsory, like a thunderstorm, and we all go through it together."
    -Garrison Keillor

    Happy Holidays to You and Your Family! :)

    ReplyDelete
  27. Merry Christmas to you, Jake! And a belated "Happy Birthday" greeting to you, as well! Wishing you luck, lots of gifts and happiness to you. :D

    I also wish you a happy year this coming 2008! Take care! :D

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails