Saturday, January 12, 2008

Tok Tok Tok

"Tok! Tok! Tok!" 'Yan ang tunog ng mga baryang ikakatok ng isang bata sa maliit na kahoy na nagsisilbing harang sa butas ng suking sari-sari store. Nu'ng bata ako, isa ako sa mga terminator ng sari-sari store ilang kanto mula sa bahay namin. Ito ang unang "foodtrip" ko.

Siyempre magsisimula 'yan sa mga kendi at babulgam (chewing gum). Magkaroon lang ako ng beinte-singko ('yung paru-paro pa 'yung design), makakabili na ako ng isang cherry ball. Bale piso-apat. Naalala kong pinagtripan kong bumili ng marami, dalawampiso 'ata. Eh hardcore ako, sinubukan kong lunukin. Ayun, bumara sa lalamunan ko. Nu'ng una pa nga e pinipilit kong lunukin, pero wala pa rin. Mag-iisang oras na at mangiyak-ngiyak na ako. Buti na lang at binigyan ako ng tubig ng kasambahay namin matapos akong pagsabihan. Gusto ko rin 'yung kendi na ang pangalan e "Kendi." Kulay green ito na lasang matamis na menthol. Hindi ko rin malilimutan 'yung "Viva" na kulay brown naman siya pero nakalimutan ko 'yung lasa. Caramel yata. Natatawa ako sa isang kalaro ko. Ayaw niya raw bumili ng "Stork" na kendi kasi nakakatakot daw 'yung mukha na naka-drowing sa wrapper. Kung tama 'yung pagkaka-alala ko e hitsurang matandang kalbong nakasalamin na akala mo e mad scientist. At siyempre, nakapopular dito 'yung "Bazooka Bubble Gum" na may comic strip pang nakapaloob. Ngayon e wala na akong maalala sa mga nabasa ko dati pero ang pagkakaalam ko e nakarami ako nu'n. Meron din pala akong naalalang kendi na nagtuturo ng masamang impluwensya sa mga bata. Eto 'yung mga kendi na hitsurang sigarilyo. As in, yosi ang hitsura niya at nakakain mo siya nang buo. Medyo ini-spoof lang 'yung pangalan. Astig din 'yung mga nakaisip nito e 'noh? Bukod sa mga kendi na 'yan, meron pang iba katulad ng mga wafer sticks na "Champola" (ewan ko kung may "SuperStik" na nu'n), gelatin ("Jelly Ace" na pagkahirap-hirap buksan na tipong mapipikon ka muna bago ma maisipang ipabukas sa nanay mo), kondol, at Haw Flakes (ito talaga ang isa sa mga champion, ang hostiya ng mga bata).

Kilabot din ako ng mga mamisong sitsiriya. Kapag nakatayo na ako sa may harapan ng tindahan, ini-i-scout ko ang mga sitsiryang nakasabit sa lambitin. Isa sa mga nakasanayan kong paborito 'yung "Pritos Ring" na ginagawa ko talaga muna siyang singsing at ipinagpipilitan kong ipasok sa mga daliri kong may mga maiitim na kuko bago ko kainin. Yak. Germs. Andyan din 'yung "Sweet Corn" na kapag naubos mo na e pagtitripan mong paputukin 'yung wrapper. Nakaka-bad breath naman 'yung corn flavor na "Humpy Dumpy" tapos nakakadilaw naman ng ngipin 'yung parang Cheez Curls pero nakalimutan ko na 'yung eksaktong pangalan. Trip ko ring 'yung tigpipisong version ng "Pik Nik." 'Pag tinitingnan ko siya e parang sosi 'yung dating. Hindi ko rin malilimutan diyan 'yung "Crispy Patata" pero nakaka-umay kapag naparami ang dosage mo nito. 'Yung iba ko namang mga kalaro, trip nila 'yung "Salt And Vinegar." Ako hinde. Ah ayun, trip na trip ko rin 'yung "Rin Bee." 'Yung cheese sticks. Talagang dinadamihan ko bawat ngasab nu'n para wholesome 'yung flavor pero muntik nang magkasugat-sugat 'yung lalamunan ko dahil du'n.

Kayo, nu'ng mga bata pa kayo? Ano'ng mga trip niyong foodtrip sa mga tindahan nu'ng bata pa kayo?

20 comments:

  1. haha. ako, yung salt and vinegar yung tipo ko nun. samahan pa ng snack-o. yung tig-nanayn pesos. madalas akong napapagalitan ng nanay ko dahil sa mga jangkpuds na yahn eh. :D

    ReplyDelete
  2. humpy dumpy, tagal ko ng hindi nakakakain nun ah? tsaka rin yung rin bee. makadalaw ng sa tindahan. sana meron pa nun. hahaha

    ReplyDelete
  3. ako, rin bee favorite ko at saka yung bazooka babolgam!!

    ReplyDelete
  4. bazooka and tiratira please =)

    ReplyDelete
  5. tapos ung coke ng 12oz 5 or 6 pesos lang. :p

    ReplyDelete
  6. This is awzum!!! I'm a Pritos Ring addict myself and I used to collect those mini-comics from Bazzooka! So old school, man!!

    Payce!
    -spence

    ReplyDelete
  7. Paborito ko din yung bazooka, alam ko noon kinokolekta ko pa yung mga comics nun e parang may scrapbook ako ng mga comics dinidikit ko yung comics sa yellow paper haha! Trip ko yung cracklings (salt & vinegar) ayaw din ng boyfriend ko nun cracklings hehe. Pati yung tomi gustong gusto ko din yan! :)

    Syempre natawa naman ako dun sa picture of the day mo hehe

    Mahirap talaga yung LDR, pero dapat talaga constant yung communication at gusto niyo talaga na magwork yun. :)

    ReplyDelete
  8. potek pards lahat ng nabanggit mo kinakain ko rin. matalas din ang memorya mo eh noh hehe!

    meron ako naalalang sitsirya na may free sticker ng okay ka fairy ko characters sa loob...nakadikit pa yun sa pader ng bahay namin.

    ReplyDelete
  9. Favorite junkfood ko nung bata ako eh yung Chickadees at Cheezels (hehe tama ba?). Yung me free na laruan sa loob, pero ang naalala ko lang yung laruan na kapag binaligtad mo eh tumatalon tapos iba ibang kulay (basta yun!).

    Nung kinder ako mahilig talaga ako sa mga junkfoods na me freebies pag binuksan mo. Naalala ko, meron pa ngang chichirya na ang freebie eh... SONGHITS!!! Panalo ka nun pag yun ang nakuha mo! Sobrang worth it ang piso, pwede mo pang ipagyabang sa mga klasmeyts mo! Ayus! =D

    ReplyDelete
  10. Madalas namin bilhin at pag-awayan nun ng sister ko eh yung wonderboy, sarap na sarap ako dun sa chips na yun, kahit yun lang solved na ako!

    Tapos bubblegum na red, para gawing lipstick hehe...

    ReplyDelete
  11. uy, napadaan aku at napansin ku interesting tong blog mu.. habang nagbabasa aku napaisip tuloy aku ng paborito kung chichirya nung bata pa aku.. well, eto yung ilan sa mga trip kung kainin sa pinas, " haba haba cheese snacks " yung kulay dilaw yung plastik nya tapos dalawa lang ang laman.. gusto ku din yung "boogie man" tsaka kropek.. sa kendi naman yung "butter candy" yung bilog sya na matamis.. tsaka sundot kulangot heheh..

    yung ibang pagkain naman na nakakamiss sa pinas ay yung tukneneng o minsan tinatawag ding kwek kwek, tapos yung mangga na nilalako na kala mo napakarumi ng bagoong pero masarap sobra.. tsaka yung mami na nilalako din and binatog tsaka mais.. tapos sa umaga naman yung almusal champorado na ilalagay sa plastik tapos kapag di ka na makahintay makauwi muna, pwede mong itali yung plastik tapos kagatin yung dulo.. ayun, sharing lang hehe..
    sabi ku sayo naaliw aku sa blog mu eh...

    sana sulat ka naman tungkol sa mga laro nung mga bata pa tayo eheh.. request ku lang pu sana.. aabangan ku yun..

    tenk u tsaka pasensya na haba ng comment ku..

    -nika

    ReplyDelete
  12. haha! naalala ko yung VICKS na candy... paborito ko din yung pritos ring tska rinbee, richee tska cheez it.

    ReplyDelete
  13. alam ko halos lahat ng sinabi mo ha ha ...

    may gusto ako kainin nung bata ako. yung chocolate na "la-la" ata yung tawag? square na local yun eh ... minsan lang ako nak kain nun pero naalala ko masarap.

    Sa sitsirya naman eh yung pom-pom at wonderboy.

    ReplyDelete
  14. hahaha! halos lahat ng chichiriya na nabanggit mo naabutan ko pa. Na-realize ko tuloy na ganun na ko katanda. Hehehe. Peace!

    ReplyDelete
  15. pompoms!!! pompoms!!! :D hehehe... gusto ko rin ng richee at rinbee! never ako nahilig sa babulgam, kase di ako natuto magpalobo. hehehe.

    ReplyDelete
  16. ang gusto ko sa pagbabasa ng blog mo.. napapareminisce ako ng mga pagkain dati. ng mga simple joys ng kabataan ko :)

    ReplyDelete
  17. Bazooka! Ngayon lang ako napadaan sa blog mo. mahusay!

    ReplyDelete
  18. hehe.. nakakaaliw naman dito. paborito kong binibili sa tindahan ung zoomzoom na cheese curls kasi may free sya na laruan, tautauhan, plastic na singsing, stickers na nagmamantika at minsan barya, madals 25 cents na paruparo pa ang design at minsan piso. swerte mo pag nakapiso ka kasi makakabili ka uli ng isa pa. mahilig din ako sa pompoms, pag ubos na binabasa ko lang ung part ng plastic na may drawing tapos ididikit ko sa braso ko at kikiskisin ng kamay, voila! may instant tatoo na ako. tska ung chocobot, ung parang chocnut din. paborito ko un kaso palagi naman "better luck next time" nakukuha ko. kalokohan lang yata na may premyo pag bumili ka nun. nauubos din ang pera ko sa mga palabunutan. target ko dun ung 10-peso bill o kaya ung kwintas na may puso. haha. kaso madalas ubos na baon ko di ko parin nakuha un. :)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails