Thursday, March 20, 2008

Ordinaryong Umaga, Bihirang Makita

Mas madalas, sa tanghali ako gumigising dahil lagi na lang akong lagpas-madaling-araw kung matulog. Pero dahil sa isang training na kinailangan kong puntahan nitong mga nagdaang araw lang, nagkaroon ulit ako ng pagkakataong makipag-eyeball sa umaga.

Pagkatapos akong gisingin ng isang mabuting kaibigan (tinatawagan niya ako, nagprisinta kasi siya bilang isang personal kong alarm clock) at ihanda ang aking sarili, lumabas ako sa bahay habang pasikat pa lang ang araw. Na-miss ko ang masayang pakiramdam ng pagdampi ng malamig na hangin sa bukang-liwayway. Nakaka-aliw pansinin ang iba't-ibang uri ng taong kasabayan ko sa paglalakad sa kalsada. Mga empleyado, mga estudyante, mga maglalako, at mga mababangong naggagandahang dilag.

Aliw sa pinatutugtog ng aking music player na selpown, sumakay ako sa jeep na papuntang MRT. Ang astig kasi ang bango sa loob ng jeep. Eh kasi feeling fresh ang mga tao. Mga bagong-paligo. Mmmmm...

Medyo tulala at tuliro ako sa loob ng jeep nang unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng aking kaliwang balikat. May binatilyong estudyanteng nakakatulog sa balikat ko. Siguro kung chics pa 'yun e hindi na ako bababa sa jeep. Minabuti ko na lang na gumalaw ng kaunti para magising ito. Sana hindi siya makatulog sa flag ceremony nila.

Liban diyan, nakakatuwa lang ang ambience ng umaga. Mas maganda pa dahil kitang-kita mo talaga ang aliwalas ng kagandahan ng mga kababaihan, office lady man o nursing student. At ang kanilang mga maniningning na kariktan ang siyang nagbibigay-kulay sa umagang masibol. Hindi naman din siguro halata na umagang-umaga pa lang e "sniper mode" na ako.

Pagkababa ko sa jeep, kitang-kita ang kapal ng tao sa istasyon ng MRT. Pero sanay na akong makipagsapalaran sa ganitong uri ng pakikibaka. Ang pagsakay sa MRT o LRT kapag umaga ay isa sa napakasimple pero pinaka-aliw para sa'kin. Pakiramdam ko e inihahatid na ako sa aking Huling Hantungan kapag ganito ang scenario. Nakaka-aliw dumungaw at tumanga mula sa bintana ng MRT. Akalain mong natatahak mo ang kahabaan ng EDSA sa loob ng ilang saglit lang, at nakikita mo ang isang tipikal na umaga sa Metro Manila - umagang maaliwalas kahit na mainit, iba't-ibang uri ng sasakyang siksikan sa trapik, mga tao, mga gusali.

Bumaba ako sa aking Huling Hantungan at lumipat naman ako sa LRT 2 patungo sa aking Mas Huling Hantungan. At sa loob ng humigi't-kumulang isang oras, napakalayo ko na pala sa bahay. Sa may bandang Quezon City kasi 'yung pinupuntahan kong training. Eh taga-Makati ako. Apat na sakay papunta, walong oras na training, at apat na sakay pabalik. At sa loob ng sampung araw, ganyan ang buhay ko.

Tapos na ang training. Hindi na naman ako siguro maaaninagan ng umaga. Para sa isang tao na bihirang gumising nang maaga, mami-miss ko na naman ang sights and sounds at pakiramdam ng isang ordinaryong umaga. Lalo na 'yung kakaibang uri ng "flag ceremony" na nagaganap pagkagising sa umaga.

21 comments:

  1. bakla! ako ito, ang galing naman meron kang personal na alarm clock! i'm sure ma-mi-miss din niya ang gisingin ka tuwing umaga ngayong tapos na ang training mo. ;) siguradong ma-mi-miss niya ang makulit na ginigising niya for the last couple of weeks. :D uoyevoli. :)

    ReplyDelete
  2. ako naman ayaw na ayaw kong gumising ng maaga kaya lagi akong late sa mga 7.30am kong klase. Pero pag siguro nasa sitwasyon kita, mamimiss ko na ang gantong pangyayari. Parang sinasabi tuloy sakin ng post mo ngayon, e i-appreciate ko ang bawat nangyayari sa buhay ko. Drama! Haha! O dba, may kapupulutan ng aral? =p

    ReplyDelete
  3. Gustong gusto ko ang umaga! :) At ayokong ayoko ng gabi haha! Mas madami akong energy sa umaga compared sa gabi e. D ko naman alam kung bakit basta gusto ko talaga sa umaga gawin ko na lahat ng pwedeng gawin tapos kapag uwian time na dapat uwi na rin ako :P Kaya bihira akong sumama sa mga gimik ng officemates ko pag gabi kasi pag uwian na nga gusto ko UWI na talaga! hahaha!

    Bago ba itong trivia of the day mo? Parang ngayon ko lang kasi napansin na may ganito sa blog mo e :) Yung kapatid ko galing sya sa China at meron syang mga nakuhanan mga signs sa China na pwedeng pang picture of the day mo :D Btw, pwede mo ba gawin trivia of the day yung sa Nobel prize? Kasi napanood ng bf ko sa numb3rs na yung sa Nobel prize daw hindi daw pwede manalo yung Mathematicians dahil daw yung wife ni Nobel ay nagkaroon ng affair sa isang mathematician... Don't know lang how true yun :)

    ReplyDelete
  4. Sa wakas ang tagal kong nag hintay ng bagong post mo tol hehehehe..

    Gusto ko din ang umaga kasi bago ang lahat bago sikat ang araw,bagong ligo ang mga tao,bagong gising naman ang iba,baong luto ang mga pagkain pwera lang sa karinderia kasi ung iba bagong init pero atlis bagon pa din kahit pangat na (pangatlong init) halos lahat ng bagay pag umaga ay bago. ang umaga ay simisimbolo sa bagong buhay para sa bawat tao kaya pre break away lasapin mo ang tunay na kahalagahan ng umaga.

    ganyan talaga masarap gawin ang mga bagay di ko kadalasang ginagawa. tignan mo pag nakasanayan mo na yan mawawala na din yan ganun naman talaga di mo malalaman ang halaga ng isang bagay pag laging mo kasama o ginagawa ika nga sa bakery masarap at baong init pa ang pandesal ehehehhehe

    iisipin,wlang problema puro sarili ko lng ang intindihin ko

    visit nyo to http://www.themisadventuresofarchiemorales.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. welcome back!

    Time to get back on track!

    ReplyDelete
  6. Hello Jake :)

    Hmm, ako bata pa lang tanghali na gumising pag walang pasok hehe Kaso nagttry ako magbagong buhay, mga 11am na ko nagigising (technically umaga pa haha)

    Cge, I'll update your link. Looking forward to your next entries :)

    ReplyDelete
  7. lately.. nakakagising ako ng maaga.. kasi maaga rin akong matulog. haha. hayyy.. sarap magising ng maaga.. ;p

    ReplyDelete
  8. hello jake!

    salamat sa muling pagdalaw sa aking blog. at salamat din sa post mo..muli akong napadpad d2.

    hay sarap matulog nang maaga..pero ngayon, 3a.m. na gising pa ako..puyat na naman.

    hapi easter!

    ReplyDelete
  9. iba2 yung time ng paggising ko. unpredictable ako sa maraming bagay.

    hapi easter.

    ReplyDelete
  10. grabe ka kuya! tagal mo ring nawala ah! Kakamiss post mo!
    Musta na?
    Gandang umaga! Ahahha!!!
    Sa ngayon hindi ko muna siguro masisilay ang ganda ng umaga! Gusto ko kasi munang magkulong dito sa loob ng bahay namin. Magbabad ng panonood! weee!!! parehas pla tau, ako namn bnabalak kong panoorin pa lang yang nodame. Welcome sau kuyakoyyy!!!!

    FIGHT!!!

    ReplyDelete
  11. hello.. namiss ko tong blog mo ah! as usual napangiti nanaman ako sa post mo. at naiinspire din ako magtagalog pagkatapos magbasa dito hehe.: )

    ReplyDelete
  12. happy easter =)
    nice to see you blogging again "regularly"

    ReplyDelete
  13. Hey Jake. I completely feel the same about morning. I am definitely not a morning person, but there is just something about being out of your element that's kinda refreshing.

    ReplyDelete
  14. hehe! ako rin trip na trip ko ang umagang kay ganda..mabango at bagong paligo ang mga mga tao at malamig ang simoy ng hangin..di maiwasang hindi kumislot.

    welcome back pards..mukhang wala pa ring ipinagbago ang pagsusulat mo..ayos na ayos. saka na yang lovelyf :D tamang silay muna.

    ReplyDelete
  15. Isa sa mga mahihirap na sitwasyon e tinutulungan mo 'yung isang tao na mahal mo para sa ibang tao na mahal niya. - ginoong jake

    ahehe, naaliw ako sa pgbabasa... masining

    tungkol sa mala-h*ll na lrt, hanako!! sakit sa ulo. haha..

    tama tama, masarap talagang salubungin ang umaga, iba yung pakiramdam, mas buhay ka sa buong araw (subjective)...

    sige po..

    fly! fly!

    ReplyDelete
  16. im nocturnal. 3 years nako sa call center hehe. hindi ko nami-miss ang buhay ng mga daytime people, ang nami-miss ko eh ang nitelife.

    walang mrt sa baguio kaya everytime i go to manila, kahit pwede naman magdrive eh nagyayaya pa rin ako sa mrt. ewan ko, for me its fun na makikipagsiksikan ka haha.

    ReplyDelete
  17. ung umaga sa beach ang na mi miss ko! ibang set of activities at scenario compared sa syudad. mga fisherfolks na papalaot at pabalik. mga bagong huli. nag jo-jogging. morning dew. dame.

    ReplyDelete
  18. Welcome back! Buti naman at bumalik ka sa pagba-blog. We missed your posts. = P

    ReplyDelete
  19. Yan din kaya feeling ko nung umuwi ako dyan sa pinas. I got to the province at around 6am. I went to our backyard, with the mega-Bukid View... suminghot ng fresh air habang nakikinig sa tilaok ng manok. Man I miss that place already!

    Dito naman pag maagang maaga ako nagigising proud naman ako sa sarili ko.. although nakakabwisit kasi traffic talaga dahil kasabayan mga nag oopisina.

    Welcome back Rockstar!!

    ReplyDelete
  20. flag ceremony...LOL!

    ReplyDelete
  21. hee hee jake. nabuhay ka ngang tunay. goodluck sa training at bagong work! yay! :)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails