Sunday, April 6, 2008

Plano Mo?

Jake: Bord, may itatanong ako sa'yo.

Oni: Bord.

Jake: Bord, kelan ka nagsimulang mag-solo flight?

Oni: Hmm. Tagal na. Mga college pa. Bakit?

Jake: Magso-solo flight na rin ako e.

Oni: Ah... Okay yan. Mahal ang kuryente.

Jake: Oo nga e. Inaalala ko lang dahil kargo ko na lahat. Pero quits lang kasi hindi na internet-all-you-can. 'Yun lang.

Oni: 'Yun lang. Okay sana kung may internet sa office na no restrictions

Jake: Well, I guess i just have to live with it. Uunti-untiin ko naman e.

Oni: Okay.

Jake: Hanggang sa makapag-provide na 'ko ng sarili kong internet access. Tsaka chics.

Oni: Hehehehe.

Jake: Pruprublemahin ko lang siguro kuryente, tubeg, chibog, renta, pamasahe, tsaka pang-gimik. Goodluck.

Oni: Oo. May work ka ba?

Jake: Company-hopping pa ren.

Oni: Ganu'n ba? Hanap ka muna na ma-regular ka. Then tsaka ka mag solo.

Jake: Still joining 'em undergrads and under-employed people in a quick money called call center industry.

Oni: Ba't gusto mo na mag solo? Gusto mo na bang maka tipid sa motel fees?

Jake: 'Tangina mo. Wala na akong alam sa mga ganyan-ganyan, bords. Tsaka na lang ulet babarurot kapag stable na.

Oni: Hehehehe.

Jake: Ikaw ba bords nakikini-kinita mo ba future mo?

Oni: Okay lang.

Jake: Have you thought of it lately?

Oni: Malapit na akong mag asawa.

Jake: Seryoso?

Oni: Oo. Mga two years from now.

Jake: Alright.

Oni: Hindi ako nakabuntis, ha.

Jake: Thought of putting up a business rather than still being a corporate slave?

Oni: Kasi dapat magka-anak na ako before 30. Putting up a business requires a lot of risk.

Jake: Oo naman. Pundar muna tsaka na gumawa ng mga magdadala ng apelido.

Oni: Gusto ko mag-business pag marami na akong ipon. Paano ka magkakapera? Eh 'di maging corporate slave muna.

Jake: The thing is, nasa mindset mo pa rin 'yan, rather than being a corporate slave forever. Sa ngayon, hindi ko talaga alam kung anong trip ko sa buhay.

Oni: P're, mukhang seryosong usapan, ha. Ano'ng meron?

Jake: Eto siguro 'yung tinatawag na quarterlife-crisis.

Oni: 25?

Jake: Wala, ayoko na kasing dumepende sa mga folks. 'Yun lang naman. E nagpabaya kasi ako sa buhay ko dati kaya I have to make do of what I have and what I can do.

Oni: Actually, nangyari na rin sa'kin 'yan.

Jake: Sa nakikita ko, ganito talaga ang trend sa generation natin ngayon.

Oni: Oo nga. At least, naiisip natin yung ngyayari sa buhay natin, right?


Hindi pa ako tapos ng college. 23 na ako, pero undergrad pa rin. At mukhang matatagalan pa ako. Nagkanda-leche-leche kasi simula nu'ng nag-4th year na ako. Dati kasi, lagi akong "achiever." Ewan ko, basta bigla na lang ako tinamad. Kung dati e minamani ko lang 'yung mga exams at pine-perfect ko ang mga quizzes, nitong huli kong semester e naging pala-absent ako. At dahil sa nawalan na yata ako ng gana mag-aral, naisip ko na lang munang magtrabaho. Baka nga hindi pa rin ako mag-enroll ngayong semester ng taon na ito. Gustuhin ko mang ituloy ngayon ang college ko, may mga kumplikadong bagay pa rin ang pumipigil sa'kin. Kaya ayun. Naisip ko ring magtrabaho dahil gusto ko nang humiwalay sa "shit-hole" na kinalulugaran ko at mag-solo na. Gusto ko na ng sariling buhay. Hindi nakadepende, at walang nakikialam ultimo pati hairdo ko.

Pero ewan ko ba kung ano ba talaga gusto ko. Ano'ng trip ko sa buhay. May plano pa naman akong tapusin college ko, pero hindi muna ngayon. Basta naka-focus lang ako sa pag-hada para kapag nakapag-ipon na ako, kaya ko nang suportahan sarili ko. Iniisip ko sarili ko makalipas ng lima o sampung taon. Ano na kaya ginagawa ko? Asan kaya ako? Hanggang kelan ako magta-trabaho? Kung wala na akong kapasidad magtrabaho sa anumang dahilan, paano ako mabubuhay?

Ewan.

21 comments:

  1. Mukhang seryosong usapan nga yun... Pero when I started working din parang feel ko gustong gusto ko na rin humiwalay dito sa parents ko. I want to be on my own, maexperience ko lang yun bago ako maging asawa... Ayoko yung from anak biglang asawa :) Gusto ko meron place or time na ako lang muna. Pero practical na lang din na makitira muna sa parents lalo ngayon na sobrang mahal na ng bilihin at lalo pang tumataas buti sana kung kasabay ng pagtaas ng bilihin e tumataas din ang sweldo...

    Regarding dun sa #3 lessons learned mo, minsan hindi pa rin naman din depende kung nakagraduate ka ng college para makahanap ka ng trabaho :) Naalala ko nung grumaduate ako ng college... Since wala pa naman akong trabaho nagaral pa muna ako sa Informatics nun tapos yung classmate ko hindi na rin sya nagtuloy magcollege kasi sabi nya hindi naman gaanong importante yun... Kung magaling at madiskarte ka makakahanap ka rin talaga ng trabahong maayos :)

    ReplyDelete
  2. Nice entry dude, lalo na at bagong labas ako ng kolehiyo.

    Three years and three months nalang at mararamdaman ko na ang quarter-life crisis. I have had thoughts of it on how will my salary and/or my gross income will be allocated on many accounts (electric bill, water, internet access, laundry, and of course party time ^^). Right now I do not have the capacity...monetary wise or psychology wise because iyon nga, fresh graduate ako. Alagang-alaga pa ng nanay't tatay ko.

    Pero don't get me wrong, I learned a lot in life when I was in college compared to grade school and high school years.

    - Matinding diskarte at tapang ang kailangan para mag business/trabago. Hindi porke't may isang milyon ka, tagumpay kaagad ang business mo. Madaling maubos ang isang milyon mo sa isang araw kapag hindi ka marunong dumiskarte... at tapang. Mahihirapan ka rin dumaan sa legal na proseso ng business, kailangan talaga may koneksyon ka sa loob. Ikaw na bahala kung sa suhol o pakikipagusap ang approach mo, o pakikipagkaibigan nang maayos. ^^

    - Pangit ang aral-uwi-kain-lar-tulog (loop). Ayan, kaya ako lumaki ng ganito. Natuto rin akong maglakwatsa nang maayos. Hindi uuwi agad at uuwi nang madaling umaga, pero sige na nga kaladasan madaling umaga na ako nakakauwi.

    - ...yung crush ko pala, may gusto pala sa akin....dati (Ngayon may kalaguyo na). -_____- Mahina talaga ang vibes ko that time langya.

    Marami pa iyan pareng Jake, tara usap tayo. Alam mo ba ng isa ka sa mga highlight ng college life ko. Hindi ko man talaga alam ng nangyari sa iyo kamakailan, kahit hindi pa naman ako mature or have that capacity of wavelength to talk to you. I'm here to learn and to listen from you. :)

    Salamat bord sa oras na pagbabasa nito.

    ReplyDelete
  3. Bakla! Si Pare 'to! Natutuwa naman akong makitang nagiging seryoso ka na sa buhay mo ngayon...unti-unti nang nagkakaroon ng direksyon dahil nakakapag-isip ka na ngayon ng mga nais mong gawin. Marami kang goals na gusto mong ma-achieve...pero 'wag magmadali ok? Isa-isa lang! Gaya nga ng lagi kong sinasabi sa'yo one step at a time.

    Let's take things one day at a time, ok?!

    Usap tayo mamaya! :P

    ReplyDelete
  4. uhm.. ganyan din ako nung 3rd year ako and in college (the same with High school). I always wanted to quit school and just stop kasi tinamad na ako.. maybe because of the routine?

    pero i pursued my college kahit di na masyado matataas grades ko unlike before. tinapos ko lang talaga.

    i think we all go through that phase one way or another... just as long as you are happy with your decision and it resonates with what you really want. ;p

    all the best!

    ReplyDelete
  5. seryosong paguusap 2 ah?

    anu bang course mo kuya..???


    sana malaman mo kung what talaga gusto mo. . .

    ReplyDelete
  6. Serious stuff. Pero isa rin 'yan sa pinoproblema ko. Kung makakahanap ba ako ng trabaho, kaya ko bang maging independent etc.

    Kung nakaipon ka na ng sapat, bakit di mo ituloy? Sayang naman.

    Maganda rin sigurong mag-business pero gaya nga ng sabi ni Oni, maraming risks.

    Basta, pag-isipan mo na lang ng maigi.

    ReplyDelete
  7. mga seryosong bagay.. the kind of stuff na iniiwas-iwasan nating harapin hangga't maaari.. pero darating isang araw, hindi na natin pwdeng isnabin..

    nakakatakot.. or minsan nakakawalan ng pag-asa. lalo na kung future mo ung nakataya.

    pero i'm sure it nagagawan ng paraan yan. like all other people before us. u just need to have the heart to deal with it.. something which i think you really do have!:)

    ReplyDelete
  8. ay typo error.. ung may 'it'..ahe. go jake!

    ReplyDelete
  9. Nyahaha natawa ako sa picture of the day! = P

    Seriously Pare, medyo iba naman ung naging pananaw ko. Ako naman, nagsisisi ako kse nag-graduate pa ko (no offense to my parents). Kung titingnan mo mga job opportunities abroad, puro skilled workers hinahanap nila. Plumbers, welders, masons, carpenters, riggers, etc. Kung alam ko lang na ganun, sana ganung career path na lang ang tinahak ko. Gusto ko na kse umalis ng Pilipinas. Wala akong mararating dito.

    ReplyDelete
  10. tol 1 word "diskarte" nasa pag dadala mo yan kung gusto maging corporate slave which is easy cge lang pero kung gusto maging negosyante palakasan lang ng loob yan di mo kailangan ng malaking kapital sa tamang diskarte makakagawa ka ng sarili mong negosyo

    ReplyDelete
  11. Ganyan din ako, noon.. hanggang ngayon. Hehehe. Pero pinipilit ko parin ang sarili ko na tapusin ang kolehiyo, kahit na hindi ko talaga trip ang mag aral. Kahit sabihin na nating napipilitan lang ako sa mga ginagawa ko ngayon, iniisip ko na lang ang sakripisyo ng magulang ko para sakin. Basta makagraduate lang.. ayus na sakin yun.. pero minsan iniisip ko rin kung ano ba talaga ang gusto ko. gusto kong gumawa ng bagay na gusto ko talaga. yung mag eenjoy talaga ako, kahit na wala o konti lang ang benefits. basta gusto mo talaga yung ginagawa mo. Sana nga mahanap ko rin yun..

    ReplyDelete
  12. Kuya Jake, seryoso ka na ba talaga jan sa desisyon mong 'yan? Mukang mas magandang makatapos ka muna ng college bago ka humiwalay at magkatrabaho. That way, makakapagconcentrate ka sa studies mo. Kahit bata pa ako, aware akong mas maraming opportunities kung nakapagtapos ka ng college. Sana, pag-isipan mo uli 'to.

    Ako nga mag-do-dorm e. Wah. Ayoko pa. Di ko pa kaya. Kaso, kailangang kayanin e. Kailangan talagang makapasok sa UP kahit Los Banos lang. Hay. Hirap talaga ng buhay.

    ReplyDelete
  13. Seryoso ka po ngayon ah.
    Ekshelli, pati ako naguguluhan at hindi pa alam kung ano talaga ang gusto ko. mAy times na iniisip ko sana nagnursing n lng ako. Minsan may times din na i'll stay in engineering. May times din na sana ah ewan.

    Marami akong gustong gawin at matapos pero hindi ko alam kung ano uunahin ko at kung papaano ko uumpisahan.

    Sa ngayon kuya, sana makatapos ka agad. Makahanp ng magandang trabaho! At gotcha! Me money! wakekeke!

    ReplyDelete
  14. i know the feeling. im also working in a callcenter. graduate nako ng college but my mom let me take another course, nursing. ewan ko kung gusto ko nga talagang mag-abroad. ok naman ang sweldo ko ngayon, it make me afford a few luxuries. money isnt everything.

    ReplyDelete
  15. Nice entry pre. Kakainspire. Gusto ko na tuloy matapos ang aking college life.. Astig din yung picture of the day mo. Panalo pre.

    ReplyDelete
  16. Have you read Rich Dad, Poor Dad? Feel ko maiinspire ka dun.

    Although a college degree would give someone more security, it doesn't guarantee success nor is it a prerequisite to success. Pero maganda pa rin naman na gusto mong magtapos.

    Pasensya na kung unsolicited advice to: It's great that you're seriously thinking of your future. But I encourage you to set more goals (and make them big while you're at it). Or at least be more specific. Minsan, kahit di natin alam kung pano natin gagawin o maabot ang isang bagay, nakakagulat na lang minsan na na-achieve na natin sila. Maybe kasi mas madali lang makarecognize ng opportunities in line with what you want.

    Anyway, God bless. :)

    ReplyDelete
  17. anhaba ng post ah. ikli ng komento ko no?

    ReplyDelete
  18. naku jake, pareho din pala tayo. gusto kong makatapos pero parang wala akong ginagawa sa buhay ko. minsan pag nakatunga nga ako naiisip ko future ko. 21 na ako, nakaka 2 sems palang ako sa school and hindi ko pa din alam kung anong gusto ko talaga para sa sarili ko. hayyy.. jake, kaya naten to. oh btw, yung LDR ko, it didn't work. hahaha.

    ReplyDelete
  19. lahat naman ata dumadaan dyan..nasa diskarte talaga ang paghahanap ng trabaho at wala sa transcript..in the long term mas nagiging successful ang mga taong maabilidad sa buhay. wag ka mawalan ng pag asa pards...wag mo masyado isipin ang future hindi naman pwedeng madaliin yun..isipin mo muna yung ngyon.

    ReplyDelete
  20. waaah! jake! ngayon lang ulet ako nakadalaw dito kasi sabi mo dati, di ka na makakabalik.. yehey! at nagbalik ka!

    ginagawa ko din yang pagsesearch ng pangalan ko sa google.. hehe! enjoy!

    ang kulet nung pic!!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails