Sunday, May 4, 2008

Sobra Sa Stress, Kulang Sa...

Sobrang toxic at stressed ang nakaraang linggo ko. At tila yata hindi pa nakuntento ang pagkakataon, sinabayan pa ako ng sandamakmak na sakit.

Bahay-opisina-bahay-opisina na lang talaga ang drama ko ngayon. Hindi ako lumalabas hangga't walang nag-aaya. At kung meron man, bibihira na lang ako um-oo. Mas gusto ko na lang kasing makapagpahinga matapos ang isang buong shift na pumumpuno ng information overload. Buhay nga naman sa call center. Customer Service this, Proper Hold Procedures that. Flight Itineraries this, Offer Lowest Fare Itineraries that (airline reservations kasi 'yung account ko). Nakaka-praning. Andami-daming gagawin. Andami-daming mga bagay ang kailangang tandaan. Siguro kung computer memory ako at 64mb lang ang capacity ko, literal na akong nag-"hang" sa dami ng mga impormasyoness. Nasa training pa lang kami at nagra-rakenrol na agad kami. Pasalamat na lang ako at nakaka-survive pa ako at nagagawa ko naman ng tama ang mga bagay-bagay.

At dahil diyan, naging paborito akong target ng lagnat. Halos kada tapos ng shift ko e nilalagnat ako. Ewan ko kumbakit. Hindi naman ako buntis. Tapos, biglang sasakit ulo ko, na sa sobrang sakit e gusto ko nang ipaputol ('yung "ulo sa taas" 'yung binabanggit ko). Bibigat ang mga mata ko, mawawalan ako ng mood, nagiging iritable ako, at nababawasan ang pag-utot ko. Minsan pa e sasakit ngipin ko o magkaka-sore eyes ako panandalian. Madalas naman e laging masakit buong katawan ko sa pagod. At bago pa matapos ang nagdaang linggo, hindi ako tinatanan ng allergic rhinitis (sa madaling salita, sipon-at-hatching-combination to the maximum level). Sa katunayan, katatapos ko lang kumain habang tina-type ko ang blog entry na ito at masasabi kong wala akong nalasahan sa mga kinain ko. Hindi ko nalasahan 'yung kalamansi sa toyo. Hindi ko nalasahan 'yung sundae sa Ministop. Pagod. Daig ko pa 'yung nakipag-sex ng buong araw. Speaking of sex, SOBRA AKO SA STRESS, KULANG AKO SA SEX!

Kailangang maka-survive. Kailangang kumayod nang sa gayon ay maisakatuparan ko ang aking mga goals para sa taon na ito. Kailangan kong maging successful. Paninidigan ko ang sinabi ko sa nag-interview sa'kin. "One of these days, I'm going to do the same thing as what you're doing right now." Pati na rin sa trainer ko. "There will come a time where I'm gonna train others the same stuff that you're training me right now." Kailangan kong makapag-ipon para magkaro'n na rin ako ng sariling buhay at laya. Kailangan kong maging pogi!

Talk about pogi...

Isang araw habang break namin, nagyoyosi ako sa may smoking area ng building namin kasama ang ilan sa mga wavemates ko. Medyo kwentuhan lang naman nang biglang may isa sa kanila na lumapit sa'kin. Babae, medyo close ko naman kahit papaano kasi nakakakwentuhan ko minsan. Ma-appeal naman siya. Akala ko e makikisindi kaya ako naman si dukot ng lighter sa bulsa ko.

"Jake, crush kita. Seryoso."

Hindi ko alam kung ano ire-react ko. Ewan ko kung pinagtitripan ako nito o ewan. Napangiti na lang ako.

"Talaga?"

"Oo. Kasi ganito-ganyan-ganu'n-eclavouz-chenelyn-of-the-chuvaness..." (Basta binanggit niya 'yung mga dahilan niya at hindi ko na matandaan. 'Yoko rin namang ilagay dito at baka sabihin mo pang napakayabang ko.)

"Ayos," sabi ko, at kung anu-ano pang pag-sang-ayon na may ngiti bilang pasasalamat.

Bumalik siya sa kinauupuan niya. Umiral bigla ang pagkapilyo ko, binulong ko sa sarili ko, at humagikgik sa tawa... "Partida, hindi mo pa nakikita 'tong *toot* ko." Siyempre sasabihin ko lang 'yan kung gusto kong mawalan ng trabaho. Heheheh...

18 comments:

  1. Nagets ko na ngayon yung Picture of the Day... Hindi kagaya nung nakaraan hindi ko pa rin gets hehe.

    Nakakarelate ako sa stress sa trabaho. Hindi na ata nangyari na hindi ako masstress sa trabaho e. Pero para makawala sa stress nagfile ako ng leave for April 30 at May 2. Ayun naubos tuloy yung sinuweldo ko nung April 30 dahil walang ibang ginawa kundi gumastos haha! Kulang na tuloy yung pera ko hanggang sa susunod na sweldo :P

    Talk about pogi... Pacheeseburger ka naman! Hahaha! Ibig sabihin ba nyan e sa mga susunod na posts mo usapang love life na ang mababasa namin? :)

    Get well soon!

    ReplyDelete
  2. wow! edi mababago na ang destiny ng blog.. hehehe hindi ka na miserable jake!! ahehehe.. akalain mo yun! lakas mo pre!! [feeling close!]

    get well soon brad!!

    http://hiraya.co.nr

    ReplyDelete
  3. Ayus! Me development sa love life! Hahaha! Pumunta ka ba sa iblog4?

    ReplyDelete
  4. gets ko din yung picture.. :D at least, may nagpapakulay ng call center life dahil may nalolokong babae sayo! hehe! :D

    ReplyDelete
  5. buhay call center nga. stressed ka nga. as much as possible get some rest when you can.. and mag water therapy ka rin. strike the balance..

    ehem... uyyy may admirer sya... ;p

    ReplyDelete
  6. Bakla, wag mo rin kalimutan panindigan yung mga sinabi mo sa'kin ha?! Yung goals na sinet mo para sa'tin! Within this year yan ha? :P Get well soon! See you on Thursday. :-*

    ReplyDelete
  7. pagaling ka na Jake.. para lalong maging pogi.. :)

    ReplyDelete
  8. Ayayayaahahahhayayyy pogeng poge pa chese burger k naman dyan burger burger burger hahahha tol pagkakataon mo na never let the gud tings pas you by itayo mo ang flagsip ng clan natin hahahha bagong buhay bagong pag asa panibagong sakit ng ulo pag nagkataon

    ReplyDelete
  9. Langya Jake... Tamang-tama ang pagbukas ko sa blog mo. Bad trip ang araw ko dahil.... dalaw ka na lang sa first page ng shrine ko O kaya naman, YM na lang. Ah basta, natawa talaga ako sa entry mo. Lufet mo talaga gumawa.

    ^___^ Keep up the good work..

    and yes.. 'Sobra sa stress, Kulang sa Sex!'

    ReplyDelete
  10. naknamputa! ampogi mo jake! haha. oh diba, may reason ka na para mas lalong ganahan pumasok sa trabaho. naku, talk about being sick.

    hindi ako naniniwala dati na pag nagpawis tapos tumapat sa aircon o electrifan eh magkakasakit. so after ng libing ng lola ko last week, napakainit sa pinas diba.. so inon ko aircon at tumapat hanggang matuyo ang pawis. mga 3 hours later, ayun, kahit hithit ng yosi di ko magawa dahil sa ubo at sipon at lagnat ko. toxic nga talaga leche.

    'gang ngayon meron. naisip ko nga, baka naman kulang lang din ako sa sex? hahaha.

    ReplyDelete
  11. yes naman.

    "One of these days, I'm going to do the same thing as what you're doing right now."

    that's the spirit. ^_^


    i have to agree. masama nga ang kulang sa "S".





























    sermon.

    assume kong katoliko ka. magsimba ka parati para maenlighten ng sermon ng pari. hehe.

    ReplyDelete
  12. woohooo!!!
    kuya hnd ka na miserable!!!
    may lablyf na!!!!

    huweeeee!!!!

    im happy 4 u!

    naks jengliz un ah!

    ReplyDelete
  13. Ijo kapatid,

    I've changed the link na, asan ang lolipop ko?

    Ingatan ang health, daming hazards sa life ang call center. Hazard sa baga kasi paay yosi; sa s*x, madaming babae; sa ipin at dugo, panay ang cape; sa mata, laging bloated sa puyat, etc...

    ingat ha

    ReplyDelete
  14. hahahahahahahahahahahhahahahaha for the very FIRST time, i did enjoy a filipino language blog. very witty & swift.

    some notes: i found ur occupation intriguing (since it's my first time here); so u dont believe that ur good looking; and whatever did you mean with **tot**. hahahahahaha

    very well written... so funny & promising. i promise to return.

    ReplyDelete
  15. tsong congrats! may nabiktima na naman ang mabangis na kamandag ni jake..hehe! biruin mo palay na ang lumalapit sa manok...malamang yung mga sumusunod na pangyayari ay hindi mo na iba-blog dahil maraming kabataan ang nagbabasa dito. lols!

    konting tiis lang makakaraos ka rin dyan sa training.

    ReplyDelete
  16. Haha whatta naman yung last part.

    Anyway, galingan mo! Wag mo lang sobrang pabayaan sarili mo. Baka naman di mo na abutan yung mga goals mo. Joke lang. But seriously though, don't stress yourself out too much.

    ReplyDelete
  17. tsktsktsk ang gwapo kasi :D

    ReplyDelete
  18. Ayun 'yun e. May dahilan naman pala kung bakit ka tinatamaan ng kung anu-anong sakit e.

    Ang lupit ng pambawi ng buhay. Hehe.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails