Wednesday, May 28, 2008

Tuyo Na Naman

9:00pm - 5:30am = Rumarampa bilang callboy kapiling ang mga kapwa kong tagabigay-serbisyo. (Callboy as in lalaking nagtatrabaho sa call center.)

5:30am - 6:30am = Semi-tambay with the colleagues sabay uwi. Habang bumibiyahe e sandamakmak na naman ang iniisip ko.

6:30am - 7:30am = Almusal. Diyusko, tuyo na naman ang ulam ko.

7:30am - 9:00am = Intarwebs. Magba-blog sana ako pero masyado nang sintuyo ng ulam ko nu'ng umaga ang utak ko. Kaya siguro sa weekend na lang. Kung sisipagin.

9:00am - 4pm = Borlogs. At ang hirap-hirap matulog kung tirik ang araw, kung maingay sa labas, at kung may mga taong pinag-uusapan ka at ginagawa kang "laughing stock" nang hindi mo alam.

4pm - 5pm = Intarwebs ulet. Magigising na lang ako at santambak na naman ng mga messages sa YM ang hindi ko nasagot. May mga bagong emails din na wala namang iba kundi ang mga updates sa kung anu-anong websites. Minsan pa e nakakatanggap din ako ng death threats. Magba-bloghop din sana ako pero masyado naman sabog ang pag-unawa ko. Kaya sa weekend na lang din.

5pm - 7pm = Borlogs ulet.

7pm - 8pm = Mala-usad pagong na paghahanda para pumasok. Nakaw na intarwebs, tsibog, ligo, simpleng muni-muni, at nakaw na intarwebs ulet habang nagbibihis. Pagkalabas ko sa pinto, saka ko malalaman na kinakailangan kong bumalik ulet kasi may nakalimutan na naman ako.

8pm - 8:59pm = Dapat e bumibiyahe na ako nito kung ayaw kong ma-late at malintikan sa Team Manager ko.

Ganyan na lang ng ganyan ang mga araw ko nitong mga nakaraang panahon. Maaring pang mag-iba-iba 'yan. Depende kung meron kaming mandatory overtime at kung anumang lakad na biglang plano.

Sobrang stressed talaga ako nitong mga nakaraang araw. Idagdag mo pa ang mga stress na nakukuha ko sa kaiisip tungkol sa pag-aaral ko at sa personal kong buhay.

Masyado na akong stressed sa sarili kong mga problema para gumawa pa ng isa.

16 comments:

  1. ako kahit na paulit-ulit na tuyo masaya ako hehe! konting pahinga naman jake baka mabaliw ka nyan.

    ReplyDelete
  2. minsan talaga, nakakasawa na ang buhay pag paulit-ulit na lang ginagawa natin..

    ako nga, kain-internet-nood movie-tulog lang ginagawa ko.. pero malapit na din pasukan kaya sinusulit ko yung ganitong routine..

    kulang ka lang sa s*x kaya ka ganyan.. hehehehe!

    ReplyDelete
  3. ano ba yung borlogs jake? hehehehe

    boring talaga ng buhay naten ano? araw araw paulit ulit na lang ang nangyayari. hehehe.

    kelangan mo siguro ng break, parang nasusubsob ka na ata sa trabaho e. hehe

    ReplyDelete
  4. Naku Jake, dumating na din yan sa buhay ko. Talagang nakakainis pag puro ganun na lang ang nangyayari sa buhay.

    Kailangan mo nga talaga ng break. Para din ma-relax yung utak mo.

    ReplyDelete
  5. hala kuya. pahinga ka naman ng kunti.

    ang dami dami mo kasing iniisip! dyosko!

    basta kaya mo yan!

    ReplyDelete
  6. dont worry, masarap naman ang tuyo.. ako di nagsasawa dun :)

    ReplyDelete
  7. hi jake.. i do hope you get a good rest or something.

    and yes.. if everything is soooo "routine" it tends to be boring most of the time.. what you need is to do something you really love to do.. once in awhile..

    or relax.. and meditate? hehe. ginawang yogi ano..? hehe pero really.. you need to clear your mind from zee stress.

    all the best Jake. *hugs*

    ReplyDelete
  8. hahaha... uso yata talaga ang stress. ako, malapit na maging the next ms. miserable. masyado depressed entries ko. siguro stress din? nyeks. eway, konting pahinga naman. try mo this weekend, diba long vacation? g'luck!

    ReplyDelete
  9. nagsasawa na din ako sa pagiging tambay ko. hhehehe

    ReplyDelete
  10. nabanggit mo na gnagawa kang laughing stock ng hindi mo alam. e d alam mo na kc nabanggit mo nga dba? ;D

    sabi ng isa sa mga paborito kong prof:
    "Great minds talk about ideas unlike shallow minds that talk about other people."

    kulang lang sa talino ang mga yun.

    teka hanggang kailan ba ang tanggapan ng call center nyo? hanggang pasukan pa kaya?
    balak ko na kcng mag call center, taghirap kame ngaun

    ReplyDelete
  11. hmmmmmmmm. . .

    uso pala ang busy ngayon? ay, wala pala talaga ako sa uso.

    gaya po ng sabi nila, magpahinga, YUN TOTOO. . . hindi ako naniniwala na wala kang oras para dun. . . sulit sulit.

    -epal na feeling close pa

    flyfly!!

    ReplyDelete
  12. bakit nagbago yung picture of the day? hahaha

    ReplyDelete
  13. Hanep sa sched. hahaha :D
    Callboy na Callboy!

    ReplyDelete
  14. wow. callboy pala ah? ano ba yung borlogs?? hmm?

    ReplyDelete
  15. ako kahit na araw araw na tuyo ulam ko okey lang basta ba may kamatis o suka :)

    ReplyDelete
  16. ang galing ng blog mo.. napadaan lang. btw, masarap ang tuyo lalo na't may sinangag. paborito kong kombo yan at dyan din ako lumaki, hehe.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails