Sunday, June 29, 2008

Micro-Kwento #1: Kalamigan

Isang gabing madilim.

Humiga si James sa tabi ni Angel na nakatalikod sa kanya at nakaharap sa dingding. Pumapasok sa kwarto nila ang malamig na hangin na galing sa labas, dala ng bugsu-bugsong pag-ulan. Sa pag-aakalang malalim na ang tulog ni Angel, niyapos niya ito ng mahigpit at hinawakan ang kamay. Hinalikan pa niya ito sa leeg.

Napabugtong-hininga si Angel at binitawan ang kamay ni James. Isiniksik pa niya ang ulo niya sa unan.

"I'm sorry kanina. Hindi ko talaga sadya. I fed on my ego again but I never meant to hurt you that way," usal ni James kay Angel.

Napabugtong-hininga ulet si Angel. Pinilit niyang ipikit ang kanyang mga mata at umastang wala siyang narinig. Pero kasabay din nito ang nangingilid nang luha sa kanyang mga mata. Gustong sumagot ni Angel, pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Andaming mga salita ang lumulutang sa diwa niya, ngunit hindi niya alam kung paano ito bubuuin at isasagot pabalik kay James.

Isang malamlam na ilaw lamang sa study table ni Angel ang nagbibigay-liwanag sa madilim na kwarto. Nakasindi rin ang computer ni Angel, pero patay ang monitor at ang tanging ginagawa lang ng computer na ito ay ang pagpapatugtog ng mga classical music na madalas pakinggan ni James sa gabi. Sa labas, animo'y nakiki-awit sa musika ni Mozart ang ulan sa pagsipol nito ng hangin.

Walang nagawa si James. At matapos ang ilang minuto ng pagyakap kay Angel at wala siyang narinig na anumang tugon mula rito, tumalikod si James at humarap sa kabila. Ang kanilang paghiga sa kama ay kaparis ng dalawang isla na pinaghihiwalay ng isang ilog. Nakatanga si James sa kawalan, habang si Angel ay hindi malaman kung ano ang iisipin. Ang kalahating oras na itinagal nila sa ganu'ng estado ay parang kalahating dekada ang tagal. Magkasing-lamig ang hangin at ang pakapalagayan ng loob ng dalawa.

Hanggang sa hinarap ni Angel si James na sa pagkakataon namang 'yun ay nakatalikod sa kanya at hinapit niya ang bisig nito. Inisip ni Angel na wala na siyang dapat pang sabihin at ipapakita na lang niya ang pagpapatawad at kung anupaman ang nararamdaman niya sa saglit na 'yon. Niyakap ni Angel si James nang mahigpit at sinilid ang ulo niya sa leeg nito.

Bigla-bigla, humarap din si James sa kanya at walang tinirang espasyo sa pagitan nila. Nasa loob na sila ng bisig ng isa't-isa at naglapat ang kanilang mga labi.

Tinatamad na ang manunulat sa pagtapos ng kwento na ito.

13 comments:

  1. May kagandahan pa rin sa mga ordinaryong bagay, at mahusay na ipinapakita mo ito. :D

    ReplyDelete
  2. Naabnoy ako dun sa kwento mo Jake. Haha.. timing lang sa mga bagay-bagay =))

    ReplyDelete
  3. Yun oh, nabitin ako sa micro-kwento :( Siguro happily ever after na yung ending :D

    Share ko lang 'to: "Excellence is doing ordinary things extraordinarily well." - John Gardner

    Wala lang sabi mo kasi ordinaryong gawa lang yun micro-kwento :)

    ReplyDelete
  4. Parang familiar ang kwento na'to. Napanuod ko na 'to actually.

    1. 'Wag mag-recycle ng ex-girlfriend/ex-boyfriend.
    Sang ayon ako diyan 'Pre!

    ReplyDelete
  5. nice kwento.
    nagiguilty ako. hehe.

    ReplyDelete
  6. nice nice. :) *apir* i have to hand it to you.

    musta na ? take care always.

    ReplyDelete
  7. nakakabitin ang iyong microkwento jake.

    ReplyDelete
  8. hula ko mag aanuhan na yung susunod na eksena..haha! totoo ba yun jake puro boobs na lang daw nakikita mo oh! swerte mo pala.

    ReplyDelete
  9. the world is full of second chances.

    ReplyDelete
  10. more! nabitin ako sa kwento...ganda!

    ReplyDelete
  11. sige tuloy mo lang ang kwento :)

    ReplyDelete
  12. maganda ang kwento, pati na rin ang Lesson(s) Learned...

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails