Saturday, June 7, 2008

My Top 20 Most Memorable Pinoy Old TV Commercials

Madalas akong nakaharap sa TV nu'ng mga bata pa kami. At 'yun 'yung mga tipo na may pagkakataon na mas pinapanood ko 'yung mga commercials kesa sa mga palabas nuon (maliban sa Bikini Open). E habang nagsi-search ako ng mga lumang commercials sa YouTube, 'eto at gumawa ako ng aking sariling "Top 20 Most Memorable Pinoy TV Commercials" kung saan e nilista ko 'yung talagang hindi ko malilimutang mga commercials. Ilan sa mga ito ang naalala mo pa? Ano naman ang inyong top 20? 80s babies, unite!



20) KYOWA RICE DISPENSER - Nu'ng elementary pa ako, madalas akong nagbabakasyon sa bahay ng pinsan ko. At pinagtitripan nila ako kapag kinakanta ko ang jingle na ito. Siguro kung binabasa ito ngayon ng mga pinsan ko, pagtitripan ulet nila ako.

Kyowa, Kyowa, Kyowa, type kita. Basta may Kyowa, ginhawa ka!

19) MILO - Madalas 'tong lumalabas sa IBC 13, lalo na sa mga programang Takeshi's Castle at Mask Rider Black. Major sponsor nila yata 'to e.

Great things start from small beginnings. Growing up, reach early for your dreams. Face the day. It's a new challenge. A chance to be better. A chance to become your dreams. Growing up with Olympic Energy. Growing up, with Milo! Milo everyday!

18) ENCARNACION BECHAVEZ - Takot na takot ako sa commercial na 'to. Isang hindi-maunawaang magandang model in a red dress on a black background. Tapos may voice-over pa. *nginig*

When you care enough to send your loved ones the very best.

17) SM CITY - Isa ito sa mga suki tuwing Family Kwarta O Kahon. Sa Letrang O!

Food! Shopping! Fun! Movies! We got it all... SM City! It's waiting for you.

16) PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT - Ito 'yung mga paalala ng mga TV stations kung paano naiimpluwensyahan ang mga bata ng mga matatanda. Marami-raming versions nito.

Sa mata ng bata, anuman ang gawin ng nakatatanda, ay nagiging tama. Isang paalala mula sa OPS-PIA, KBP, at ng himpilang ito.

15) IVORY SHAMPOO - Catchy 'yung theme song nito courtesy of DV8.

Dati, ang aking buhay ay kulang sa sigla.
Parang kay bigat dalhin ang mga problema.
Pero pagdating mo, kaylaking pagbabago.
Biglang gumaan ang aking mundo.

Ang gaan-gaan ng feeling.
Ang gaan-gaan ng loob ko sa'yo.
Alam kong 'di ako magsasawa dahil ang gentle mo naman.

14) CHAMPION CIGARETTES - Sa gabi naman madalas lumalabas ang mga commercial nito, sa mga programang isports at sa mga pelikula. Medyo may "hidden meaning" ang mga eksena sa commercial na ito.

Ikaw ang nasa isip ko. Hinahanap-hanap kita. Ikaw talaga ang tanging Champion ng buhay ko. Nais kong malaman mo na ikaw ang tanging Champion ng buhay ko. Champion talaga! Champion Cigarettes. Champion talaga. Government Warning: Cigarette Smoking is dangerous to your health.

13) TROSYD - Mainstay din sa primetime.

'Wag mo nang patagalin. Trosyd na kaagad. Katiting man, deadly! Kahit sa pabalik-balik na fungi. At sa kato-Trosyd. Trosyd! Ang mabiliiiiiiiiiiiis na pamatay-fungi sa balat ng tao. Gawa ng Pfizer.

12) WHITE CASTLE WHISKEY - Sino nga ba 'yung model dito? Basta naka-two piece siya at nakasakay sa kabayo. Tapos tinitingnan siya ng mga manyak.

White Castle Whiskey! White Castle Whiskey! Sakto ang 5 years old whiskey. Okay lang ang tama, at walang hangover. Sakto ang White Castle Whiskey! Sakto!

11) NEOZEP - Sa gabi din lumalabas ito.

Simpleng sipon mo, maaaring lumala pa. Ibang gamot, baka delikado pa! Dapat, Neozep. The total cold specialist with no harmful ingredients. Tigil agad ang cold miseries. Neozep!

10) GREEN CROSS ALCOHOL - Ah 'eto naman sa tanghaling tapat, kapag nanonood ka ng Coney Reyes On Camera, Lovingly Yours, at Kapag May Katwiran Ipaglaban Mo.

Mel: Misis, sigurado ka ba diyan?
Misis: Pwede na 'to.
Jay: Pero 40% lang 'yan.
Misis: Pwede na 'to.
Mel: May tiwala ka sa mahinang klaseng alkohol?
Jay: Para sigurado, Green Cross with 70% Isopropyl Alcohol.
Mel: Napatunayang mas mabisa kesa ibang alcohol.
Misis: Tama! Papalitan ko na 'yung partner ko.
Mister: Ako?!
Misis: Ito! Sa Green Cross na tayo.
Jay: Parang napanood ko na ito, ha?
Mel: Green Cross Alcohol! Partner natin-- *siko kay Jay*
Jay: --sa kalusugan!
Mel: *pabulong kay Jay* Ikaw naman, sa'n ka na naman nakatingin...?
Jay: *pabulong kay Mel* Kinakausap ko lang 'yung...

9) ZONROX BLEACH - Kasabayan din nito 'yung Green Cross Alcohol.

Sa puting labada, hindi sapat ang sabong panlaba. May kumakapit pa ring mikrobyo rito. Dapat, germ-free ang linis. Kaya kailangan, ZONROX! Para litaw na litaw ang kaputian, at mikrobyo'y tepoks! Oks na oks sa kaunting Zonrox!

8) BEAM TOOTHPASTE - One of the most memorable jingles.

B-E-A-M means "Smile!"
Smile kami pag Beam.
Beam na Beam, ngipin ay protektado
Panalo sa presyo. Panalo pag Beam!

7) PAGODA COLD WAVE LOTION - Ah 'eto 80s na 80s ang dating. Naalala ko mama ko sa commercial na ito.

Get into the new wave of hair fashion. Pagoda Cold Wave Lotion! It contains lanolin and perfume neutralizer. Get into the new wave of hair fashion. Pagoda Cold Wave Lotion! The hair fashion lotion.

6) BEAR BRAND STERILIZED MILK - Classic 'tong commercial na 'to. Look at my mole!

I remember yesterday.
The world was still young...

Father: Go, dance with lola. C'mon.
Grandchild: Lola, lola...

*sabay sayaw sila*

*After many years...*

Great-grand child: Is that you, lolo?
Grandchild: Look at my mole.
Great-grand child: Ah yeah!
Grandchild: Magaling akong sumayaw.
Great-grand child: Sige nga! Sayaw tayo...

I remember yesterday. Special, as today.

Bear Brand Sterilized Milk. The Special Milk trusted for generations.

5) CARONIA NAIL POLISH - Aba e lalo na 'to, ang commercial na 'to na naging laughing stock sa Tropang Trumpo with the dance moves.

Ca... ro... nia! Caronia!
Ikabupini Manikura.
Lalilalaloo... lalalaloo..

Your beaty shines... with Caronia!

4) DRAGON KATOL - 'Yung American cowboy na nagpipilit managalog. Mas classic 'to kesa sa sino nga ba 'yung uso ngayon na "Adobong Manaak?"

Girl: Dameyng lamowk!

Cowboy: Teypowk seyla ngayown. Sa Dragon Katol.

Dragon Katol! Dragon khung umusowk. Lamowk, sehguradowng teypok!

3) SEIKO WALLET - Napapakanta pa rin ako rito kapag naalala ko at magkakasama kaming magto-tropa.

Seiko, Seiko Wallet!
Ang wallet na maswerte!
Balat nito ay DYINYUWAYN!
International pa ang mga design.
Ang wallet na maswerte.
Seiko, Seiko Wallet!
Seiko, Seiko Wallet!

Seiko Wallet, ang wallet na maswerte!

2) FAMILY RUBBING ALCOHOL - Madalas naman 'tong lumabas sa IBC 13 tuwing tanghaling tapat kapag 'yung mga sports at 'yung mga palabas na sabong.

Sonny Padilla: Sa everyday workout ko, kailangan ko ang proteksyon ng Family Rubbing Alcohol. Effective disinfectant, panlaban sa pasma, at pampaginhawa pa. Basta alcohol, Family Rubbing Alcohol. Hindi lang pampamilya, pang-isports pa!

'Di lang pampamilya, pang-isports pa! TENG~!



At bago ko ilantad ang aking most memorable commercial of all time, panoorin mo muna 'tong sa Family Rubbing Alcohol.





At ang aking pinakamalupit na commercial...

1) RA HOMEVISION - Ito talaga 'yung pinaka-classic sa'kin. 'Yung may spaceship galing Star Wars, Smurfs, at 'yung kamay ng alien na nagsasara du'n sa lid ng VHS rewinder yata 'yun. Wala akong makitang video nito sa YouTube.

Rentententen! Tenenenenenenen-rentententen! Tenenen!

Looking for entertainment? Zero in and rent your favorite VHS tapes from RA HOMEVISION! Your dependable Home Video services where you can find those Box Office Hits! Guaranteed Top-Quality VHS Tapes at very popular prices. We got them! VHS Thrillers! Adventures! Dramas! Sports! Cartoons! Award Winners! And more! Come and bring home the excitement! Go to RA HOMEVISION at #5 Dian St., Cash & Carry, Makati!

Rentententen! Tenenenenenenen-rentententen! Tenenen!



Narito ang ilan pa sa mga commercials na madalas naming mapagkwentuhan ng mga tropa ko. Ni-research ko rin ang mga linya ng mga 'yan. Paramihan tayo ng mga naalala. Halatang-halata na yata kung sino 'yung mga matatanda na. Gyahahaha! Alam kong hindi na makukumpleto ang listahang ito, pero ang sarap magbalik-tanaw sa ating pagkabata.
Maraming salamat din pala sa mga nag-contribute nu'ng ginagawa ko ang listahang ito. Kayo, anu-ano ang mga naalala niyo? Habang itina-type ko ang blog na ito, narinig ko yatang sumigaw 'tong kaliwang nipple ko. ANG TATANDA NIYO NA!

Palmolive ("I Can Feel It!")
Gee! Your Hair Smells Terrific!
Electrolux ("I'm gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your windows too.")
680 Home Appliances (with Rod Navarro)
3D ("For Quality You Can Trust" tsaka 'yung 3D Rota Air Classic)
Polymagma ("Mukhang guilty!")
Birch Tree ("It's everybody's milk!")
YC Bikini Brief
Sweepstakes ("Ibalik ang swerti.")
San Miguel Beer ("Iba ang may pinagsamahan" tsaka 'yung Sabado Nights na naging dahilan ng pagsikat ni Ina Raymundo)
Gold Eagle Beer ("Ba-ba-ba-bayani, mero'n pa ba nu'n dito? Tumutulong sa kapwa sa maliliit na bagay.")
Coat Saver ("It's a miracle!" "No, Father. It's Coat Saver.")
7up ("It's cool to be clear!")
Mocha Cake, Ube, and Paeendaeen. From Regent.
Duty Free Philippines ("Tonyooo~!")
Serg Chocolate. ("Ikaw pa rin.")
Caress Nail Polish ("Color every magic moment.")
United American Tiki-Tiki ("Pampalusog ng inyong baby.")
Gift Gate ("I like you!" ni Geneva Cruz)
Johnson's Baby Powder ("Ikaw lamang, wala nang iba.")
La Germania ("Generates love, generates cooking, generates love!")
Anzahl Urethane Paints ('Yung may babae sa hood ng kotse.)
Johnson's Wax ("Tumatagal.")
Motolite ("Kumbinsing!")
Philippine Airlines ("The beauty of the Philippines.")
Pioneer Epoxy (Yoyoy Villame)
Nano-Nano ("Nano-nano-nano-nano... Sweet, sour and salty.")
Kotex ("Dalaga ka na, hindi ka na bata...")
Yakult ("With Lactobacillus-Shirota strain.")
Del Monte Pineapple Juice ("With Phytochemicals!")
Knorr Real Chinese Soup ("Just add one egg!")
CY Gabriel Wonder Soap ("CY Gabriel Wonder Soap ang gamitin.")
Likas Papaya Soap ("Ipakita ang inyong likas na ganda with Likas Papaya Soap.")
Juicy Fruit Gum ("Times like this, you need Juicy Fruit Gum!")
Tanduay Gold (Steven Seagal's "I found gold in the Philippines.")
ABS-CBN's Karapatan Ng Mga Bata ("Karapatang magpahayag ng sariling pananaw!")
Dunlop Socks ("Dunlop Socks, computer-designed, great style, great comfort, we all love our Dunlop! Designed for the future, it's the socks for the future. Today!")
Nestea ('Yung naglatag ng blanket sa damuhan at pagkainom ng Nestea iced tea, nagpatumba at pagbagsak naging tubig yung blanket.)
ZAA Toothpaste ("Tanggal ang singaw mo. Safe pa ang ngipin mo.")
Arthur's Legaspi Towers ("Arthur's Legaspi Towers and Taft Avenue accepts made-to-order pants and barong finished within 6 hours. Visit their other branches.")



(Panigurado e may magka-copy paste na naman ng blog entry kong ito.)



Opisyal nang tapos ang summer. Hindi na ako ulet makakakita ng mga magagandang chiching sa kanilang swimsuit. Pero 'eto at nagpo-post sila sa mga Friendster profiles nila ng kanilang mga summer escapades. Ako? Wala ako gaanong pictures ng mga getaway ko. Meron isa, memorable.

Kiss your summer ass goodbye! (Pasintabi na lang po sa anuman ang makikita niyo sa larawang 'yan. Kumbinsihin mo muna ang sarili mo na gusto mo talagang makita 'to. You have been warned.)

28 comments:

  1. May mga naalala tuloy ako:

    Yung commercial ng tungkol sa diarrhea.. yung, 'Ako si pagtatae, imbisyo sa buhay ni baby.. at ako naman si dehydration'

    Oi, bakit walang TKO diyan? Tubig, Kubeta at Oresol :P public-service ads.. Haha

    ReplyDelete
  2. yung B-E-A-M lang
    at yung FAMILY rubbing alcohol lang yung naalala ko na commercial dyan ah!

    ayos!
    napakaclassical!

    ReplyDelete
  3. pareho kami ni eloiski! yung beam at family rubbing alchol lang din yung naalala ko.. hehe!!

    ang tindi ng memory mo jake, ang dami nitong nasa listahan mo.. :)

    ReplyDelete
  4. family rubbing alcohol=classic.

    ReplyDelete
  5. wahahahaha i love this list!!!

    shet ang tanda ko na talaga!!! hahaha alam ko lahat ng mga commercials na yan at habang basa ko un post mo kinakanta ko pa :)

    tnx for sharing this and making us remeber the glorious jingles of the 80s

    ReplyDelete
  6. Jake, naalala ko yung kabataan ko LOL! Lupit mo at naalala mo pa lahat yun. :)) ingat palagi :D

    ReplyDelete
  7. Linsyak! naalala mo pang lahat ng to?! saludo ako sayu tsong!

    dito na lang ang comment para sa may 28:
    remove horniness?? walanjopay! mahusay na imbensyon! Caisy natural, sagot sa libog na natural.. ahihihi..

    ReplyDelete
  8. KUYA! hindi pa ata ako buhay nung elementary ka palng kaya hindi ko alam yang mga commercials na yan. basta yung Beam tutpeys lang ang naaalala ko. Hahaha. :]

    ReplyDelete
  9. tae ka jake...alam kong lahat yan...naalala ko bigla...malamang sunod mong entry yung sa mga old scul tv shopping na...

    -erik

    ReplyDelete
  10. parang yung iba jan hindi ko na naabutan.. Sign ng katandaan yan. haha!!

    ReplyDelete
  11. dami mo naalala =)) sana mameet mo un Adver prof ko, for sure magugustuhan ka niya! hehehe.

    ReplyDelete
  12. ivory lang ang kaya kong kantahin sa lahat ng nasite mong example. neway, 10 for the effort for summarizing old commercials. haha

    ReplyDelete
  13. wow naalala mo lahat ng yon??
    hindi ako 80s baby pero alam ko pa naman ung mga iba dito..

    hehe naalala ko bigla yung "Kapag May Katwiran Ipaglaban Mo.." pinapanood namin palagi yon dati sa bahay ng lola ko. ewan ko ba bakit yun lang palagi nasa tv namin kapag hapon. cguro dahil wala pang cable non.

    grabe. classic.

    ReplyDelete
  14. waaah.. galing.. alala mo pa lahat..

    ung caronia.. un ata ung may foreigner at maliit na red na kotse..

    family rubbing alcohol.. classic talaga.. may isa pang version un eh.. sa grocery.. haha..

    ReplyDelete
  15. panalo talaga! pero nakalimutan ko na yung iba e...:) astig na artik, jake!

    ReplyDelete
  16. hindi masyadong halata na lagi kang bored.

    wala ka bang kalaro mag tumbang preso noon?

    =)

    ReplyDelete
  17. haha, galing ng post na 'to. instant trip sa early 90's. =)

    naalala ko yung Beam toothpaste commercial. Nung 2nd year HS ako, may isang grupo sa class namin na pinagtripan yung isang ka-tropa nila. common yung pinagawa e, kakantahin mo lang yung Beam toothpaste ad jingle ng nakasimangot at seryoso. haha

    amusing talaga, galing =)

    ReplyDelete
  18. JAKEEE!!! Haha!! Grabe grabe!! Tawang tawa ako dito!! Memories sobra!! Haha!! =P Ang pinaka naalala ko yung Nestea na commercial kasi noon sobrang elibs talaga ako dun tapos ginaya ko pa yata yung ginawa nila dun! Haha! Yung blanket na naging swimming pool! Haha! Grabe ang galing mo! Pano mo to naalala lahat! =) Natuwa talaga ako! Haha!! =) Thank youuu!!!

    ReplyDelete
  19. hi jake! natawa ko sa entries mo. naalala ko lahat ng commercials na yan. especially yung encarnacion bechavez na flower shop. kasi ang weird nung itsura nung girl don e.

    ReplyDelete
  20. nakakatuwa. ang haba pero nakakatuwa. yung iba di ko na maalala yung mga commercials.

    dagdag ko sa list mo yung sa sundaecone commercial ng mcdo:

    sa bawat oooohh
    may libreng aaaahhhh
    sa bawat oooohhh
    libreng isaaaaahhh

    =P

    ReplyDelete
  21. hahahaha! tawa ako ng tawa.. dun sa mga nabanggit mo medyo marami-rami akong naalala, ibig sabihin old na ako! nyahahahaha!!

    galing ah... na-compile mo lahat to!! ano naman ang susunod?!

    ReplyDelete
  22. naalala ko rin ang karamihan ng mga commercial dito kasi magkababata tayo..hehe! pati yang kantang "ikaw pa rin" syet napakanta pa ako bigla..haha! ang layo ng inabot ng memorya mo..ayos!

    ReplyDelete
  23. waaahh... i rememebr all those commercials.. ganun na pala ako katanda... waaahh!! ang galing mo talaga jakey!!

    ReplyDelete
  24. Hahaha.. naenjoy ko tong post mo na to Jake.. hahaha.. naaalala ko yung kabataan ko pero di pa naman ako katanadaan.. 21 pa lang ako.. siguro masyado lang akong babad sa tv noong batang bata pa ako hehehe... marami ang hindi ko alam pero yung Sabado Nights ni Ina Raymundo naaalala ko pa hanggang ngayon.. yun yata yung commercial na associated sa kapatid ko... di ko na maalalala yung buong kwento basta pag yun yung commercial naaalala ko siya hehehe.. meron pa akong idadagdag... yung sa Mercury Drug yata yun o Revicon o basta gamot yun... yung lalaking nakahubad na nagatatakbo sa gilid ng bulkan? tama ba? naalala ko rin yun kasabayan din yata ng Ina Raymundo yun hehehe..

    http://hiraya.co.nr

    ReplyDelete
  25. wahahaha...ang lupet ng post na ito...bawat linya iniisip ko tlga yung itsura nung commercial...waahahahah

    ang gusto ko ung selcta eh ung kay ate shawie...ung bibili ung bata kaso pag labas nya ng bahay wala na ung nagbebenta ng ice cream tpos pag balik nya ng bahay may dalang ice cream c mega star...hahaha

    dito tlga malalaman ang eda...waahahaha

    ReplyDelete
  26. wow balik-tanaw! kewl kumpleto pati ung script at kung sino ung nagnanarrate! wahaha XD~ ang fun basahin :) naalala ko pa mga yan shet tanda ko na wah! pero may mga iba dko matandaan! omg! XD~
    -bern :)

    ReplyDelete
  27. ang saya ng post na 'to. peborit!

    ReplyDelete
  28. hi dyan sa mga pips :D naaalala ko 2loy ang mga ads dati nung bata pa ako :) :) :)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails