Friday, September 12, 2008

Bits and Pieces #3: Tatlong Buwan Ng Kawalan

* Wala ulet akong trabaho ngayon, mga isang buwan na. Na-overwhelm ako sa pagiging callboy (call center agent). Kung ano ang inilaki ng sweldo ko, siya din namang kina-grabe ng stress na idinulot ng trabahong 'yon. Hindi pa kasi ako siguro masyadong nakaka-adjust sa lifestyle na 'yon. Pero at least sa susunod na magtrabaho ulet ako sa ganu'n, alam ko na ang gagawin ko. Wala naman talagang kaso sa'kin na magtrabaho ako sa ganu'n, pero ewan. Napangunahan lang ako ng mga personal kong dinadala, tsaka na rin ng pangangatawan ko.

* Oo, at dahil nga sa katakut-takot na stress na nakamit ko sa trabahong 'yun, halos isang buwan akong may sakit. Nagsimula lang sa simpleng pagkakaroon ng sipon. Tapos tumatagal na ang lagnat at sakit ng ulo ko. Papunta na palang trangkaso ang sakit ko. At kung akala ko e hanggang du'n lang, inabot ako ng pagkatagal-tagal sa trangkaso na 'yun na may iba pang mga karamdaman on the side. Nagpa-ospital tuloy ako at nalaman kong iyon pala ay "upper respiratory tract infection." Naratay ako ng ilang araw. At kung akala ko e pagaling na ako, nagkaroon na naman ako ng isa pang sakit na wala namang kinalaman sa sakit na natingnan sa'kin: gastroenteritis. Anak ng baka, hindi ko alam kung saan ko napulot 'yang sakit na 'yan. Pero siguro kasi dahil wala ako lagi sa oras kumain, at hindi talaga ako kumakain ng tama. Matapos ang halos isang buwan, tuluyan na akong gumaling.

* At ang tanging naipundar ko sa nakalipas kong trabaho ay isang gadget na kauna-unahan kong binili para sa sarili ko: Nintendo DS Lite. Pink ang binili ko, para mataray.

* Isang gabi habang naglalakad ako pauwi, isang pulubi ang sitting pretty sa may kanto namen. Tulad ng inaasahan, iniangat niya ang kanyang mga kamay upang mamalimos. Tiningnan ko siya saglit. Parang nararamdaman ko ang gutom niya. At dahil diyan, binigyan ko siya ng isang pakete ng Skyflakes na naisilid ko sa bag ko. Nu'ng pagka-abot ko sa kanya, laking gulat ko na lang nu'ng binato niya bigla 'yung binigay kong crackers. Tinanong pa niya ako, "pwedeng pera na lang?" Na-badtrip ako. Astig naman sa request. Pinapa-encash na lang niya 'yung pagkaing akala ko naman e mas kinakailangan niya. Pinulot ko 'yung crackers, napausal ng "'tanginang 'yan," sabay alis. Lesson Learned: hindi ako bagay maging endorser ng Skyflakes.

* Isang hapon naman, may hinihintay akong napakahalagang tawag sa aking selepono. Pero nagkataon din naman na kinakailangan kong bumisita sa banyo dahil hindi na mapigil pa ang sigaw ng loob ko. Naisip ko tuloy na dalhin ang aking selepono sa banyo para naman magawa ko na ang ninanais ng tiyan ko habang naghihintay ng naturang tawag. E kamalas-malasan, nu'ng pagkabukas ko ng ilaw sa banyo namen, bigla na lang "tumalon" ang selepono ko mula sa lalagyang hawak ko. Nahulog siya sa malaking timba na puno ng tubig. Lumubog ang kawawa kong selepono sa kaila-ilaliman at kaibuturan ng hinayupak na timba. Hindi ko pa naisalba ang selepono ko agad dahil nga kinapa-kapa ko siya sa timba kung saan siya nag-swimming. Katulad ng inaasahan, nalunod na ang selepono ko at sumalangit na siya. Napabili tuloy ako ng panibagong selepono ng di-oras. At dahil diyan, bago na ang cellphone number ko. Alam niyo na ang dapat niyong gawin.


Eraserheads: The Reunion Concert tickets namin ni Eilanna.

* Hindi ko pinalagpas, siyempre, ang Reunion Concert ng Eraserheads. Alas-singko pa lang ng hapon e andu'n na kami sa venue. Sobrang dami talaga ng tao, at napansin namin talaga na karamihan sa mga taong 'yon ay nasa henerasyon namin (natin kung gusto mong isama sarili mo). Sulit na sulit ang ticket namin at oras na hinintay namin hanggang sa magsimula ang concert na 'yun, kahit na natapos ito agad dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Sayang nga dahil hindi natugtog ang ilan sa mga kantang inaantay namen. 'Yung barkada ko, inaantay niya 'yung "Balikbayan Box." Ako naman, inaantay ko 'yung "Superproxy." Pero tama kami sa hula naming opening song na "Alapaap". Binalik ng banda ang mga masasayang alala naming henerasyon. Sa gitna ng hiyawan ng mga tao, pakiramdam ko talaga e nasa nag-flashback ako sa dinastiyang Eraserheads: ang dekada 90.

* Para po sa mga may Plurk (at wala pang Plurk), add niyo lang ako at nang masundan niyo 'ko. Wala. Para masaya. Pramis, maa-adik kayo sa Plurk na 'to. Click na rito!

Bale 'yan na lang muna ang mailalagay ko sa ngayon. Pagmamasdan ko muna ang street namin na nagmistulan na namang Dead Sea dahil sa baha.

13 comments:

  1. Welcome back, Parekoy! Akala ko hindi ka na babalik.

    Nabwisit naman ako dun sa pulubi.

    ReplyDelete
  2. Pangalawang sentence mo pa lang napangisi na ko:

    At sa matagal-tagal kong pagkawala, maraming walang nangyari sa'kin.

    Anak ng [lol]

    ReplyDelete
  3. Nice. Ayos, high class na ang mga pulubi ngayon. Medyo matagal na din ang lumipas nang huli kang sumulat sa blog mo. ^__^ ingat palagi....

    ReplyDelete
  4. hanep bagong entry! langyang pulubs yun ah, buti nde pa ngyayare saken yan kundi baka naospital sya ng d oras hahaha.
    wag ka na mag call-center, marami pang ibang trabaho dyan na hindi nakakasama sa kalusugan. isipin mo nalang yung long term risks ng pagccall-center lalo pa kung graveyard shi(f)t. basta. haha. yan na nga lang medyo mahaba na eh. ingat prati! Good luck sa ano! haha :)

    ReplyDelete
  5. wow. an update.

    super stressed ka nga... hope you get well soon jake. ingat lagi. :)

    ReplyDelete
  6. halloo~

    1 piso < skyflakes!
    demanding ng nanlilimos hah.

    (eksayted na ko sa micro kwento LOL)

    ReplyDelete
  7. naks. napadaan lang ako. buti naman ngbblog ka pa. if u need work, i can refer u sa amin. message me na lang anywhere u think na marereach ako. tc jake. (and if in any case u dont wana keep in touch, its fine. everything in life is optional ;) )

    ReplyDelete
  8. welcome back! buti naman at ayos na ang lagay mo ngayon. inom ka na ng centrum parati at kumain ng marami dahil sa panahon ngayon, bawal ang magkasakit. hakhak.

    sa susunod, voice combo sandwich na lang ang ibigay mo sa pulubeng nanlilimos. haha

    ReplyDelete
  9. hello jake. welcome back!

    ReplyDelete
  10. hmm, nagkataon na ang thesis ko is about the costs and benefits of being a call center agent.
    maaari ko bang malaman ang iyong opinyon bilang isang callboy (or dating callboy) este call center agent? do you think that the cost you incur in being a call center agent is greater than the benefits you received? or do the benefits equally compensate the disadvantages you experienced?

    pasencia sa mga katanungan.
    maraming salamat.
    at welcome back

    ReplyDelete
  11. kuya jake! alam mo ba! callgirl din ako ngaun waha.. garabe noh. kaya nga wala din ako time mag-blog. ewan ko ba. parehas lang naman sana.. babaliktarin mu lang ung oras. ung gabi gagawing umaga at ung umaga gagawing gabi. kaso pagkagaling sa trabaho tulog ako lage maghapon. kakaiba. wala na tuloy nangyari sa life ko. maga-anim na buwan na ko ngaun pero di pa naman ako nagkakasakit. salamat sa enervon at sa mcdo waha. di ko din akalain na makakatagal ako ng ganto pero masaya ko.. nakakatuwa sa trabaho wahihi.

    ReplyDelete
  12. u were at the Eheads reunion concert?! i'm so freakin' green with envy!! grr.

    ReplyDelete
  13. ahoy welcome back from the grave..hehe! buti gumaling ka na rin at nakagawa ng bagong entry. add na rin pala kita sa plurk para lubi lubi na!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails