Tuesday, September 30, 2008

Micro-Kwento #2: Exgirlfriendminated

"Naalala kita 'pag umuulan (sembreak!). Naalala kita 'pag giniginaw (sembreak!). Naalala kita 'pag kakain na (sembreak!). Naalala kita. Ilang oras pa ba bago tayo ay magkita? Ako'y naiinip na. Bawat oras, binibilang. Sabik na masilayan ka, ahaha!"

LRT - Gil Puyat (Buendia) Station. Sinasabayan ni Edward sa isipan ang kanta ng Eraserheads na tumutugtog sa music player niya habang nakapila sa ticket booth. Mga ilang minuto na rin bago magtanghali, at nakatakda siyang makipagkita sa barkada niyang babae na medyo matagal na niyang hindi nakikita. SM Manila ang napagkasunduan nilang kitaan. Maaliwalas ang araw, parang tipikal lang.

"Text mo ako kapag andito ka na. Maglalakad-lakad muna ako rito," sabi ng huling text message ng barkada niya, si Rose.

Medyo excited na hindi mapakali ang mood ni Edward. Sume-semi siya sa pag-headbang bilang pagsabay sa mga kantang pinakikinggan niya. Sinasariwa pa niya 'yung reunion concert ng Eraserheads kung saan pinuntahan niya ito kasama ng mga ka-opisina niya. At nang makabili siya ng one-way ticket papuntang Central Terminal, pumasok na siya sa platform area. Iniisip niya kung ano ba mga magandang gagawin sa "friendly date" nilang dalawa.

Tulad ng nakaugalian niyang gawin sa pagsakay sa LRT, nag-abang siya sa marker ng unang pinto ng pangalawang coach. Medyo naiipon na rin ang mga tao na pinagmamasdan niya. Mga estudyante, mga empleyeado, mga trabahador, mga mag-syota, mga magbabarkada, mga pulis, at mga kapwa niyang "bachelor."

Dumating na rin ang tren matapos ang tatlong kanta sa music player niya. As usual, may semi-tulakan na nangyari pero hindi naman gaano karami ang mga taong nagsisipasok at nagsisilabas. At matapos ang mini-patintero sa loob ng coach, napa-pwesto siya sa may gitnang bahagi, patayo.

Pagkasara ng mga pintuan ng tren, saktong may nag-text sa kanya kaya natural e tiningnan niya ito. Isang text quote mula sa isang tao na hindi naman niya kilala. Hindi kasi naka-register sa phone niya 'yung number, at MEDyo nakAKahiLO 'YunG paGKAkaGAwa Ng maHaBANg tExt MesSaGE, paRANg gANitO.

Habang pinagmamasdan at hinuhulaan niya kung sino ba 'tong nag-text na 'to, biglang nanginig ang tenga niya sa pagkakagulat dahil may tumawag ng pangalan niya. Sinulyapan niya ang babaeng nakaupo sa may harapan niya na tumawag sa kanya. At nang makilala niya, biglang namanhid ang buong katawan niya, akala mo e tumigil ang sirkulasyon ng dugo sa katawan niya.

Ang babaeng 'yon ay si Cindy, ex-girlfriend niya. Mga tatlong buwan na silang break. Nagulatang si Edward at hindi na niya napag-isipan ang ibabati niya.

"Huy! Kamus--"

Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Edward ay may tumawag na naman ng pangalan niya. Kung kanina e tumigil lang ang sirkulasyon ng dugo niya, ngayon naman e nagdilim ang paningin niya dahil pamilyar din sa kanya ang panibagong boses na tumawag sa pangalan niya.

At ang tumawag sa kanya ngayon? Katabi siya ni Cindy. Si April, ex-girlfriend din niya. Nakaraang taon pa sila nu'ng nag-break.

"Huy!" Gulat na gulat si Edward sa scenariong nasa harapan niya.

Ano nga ba ang pagkakataon na makikita ni Edward na magkatabing nakaupo ang dalawa niyang ex-girlfriend? At ang mas kagulat-gulat pa, hindi magkakilala si Cindy at si April.

Ningitian ni Edward ang dalawa niyang ex-girlfriend, habang pinag-iisipan kung ipapakilala niya ang mga ex-girlfriend niya sa isa't-isa.

"Next station: Vito Cruz."

At katulad din ng dati, tinamad bigla ang manunulat na tapusin ang kwento niyang ito.

13 comments:

  1. LOL ipit! nakakabitin naman eh. HUHUHU. (kulit ng tExT Na gAnItO NoH! HAHAHAHA)

    ReplyDelete
  2. haha, kaaliw naman yung mga ganitong circumstances. kung ako si edward, i'll introduce them to each other.

    para masaya :)haha

    ReplyDelete
  3. Tapusin mo yan. Ang gandang cliffhanger naman yan kasi eh. DDD:

    ReplyDelete
  4. Nice.. As usual, namangha nanaman Ako sa gawa mo Jake. :D

    Aantayin ko yung susunod na macro-kwento mo.

    ReplyDelete
  5. creative title. exgrilfriendminated

    ReplyDelete
  6. "semi tulakan"

    "mini patintero"

    haha.

    ReplyDelete
  7. rakenrol na naman ang micro kwento..hehe! mahirap pag ngyari yan sa totoong buhay.

    ReplyDelete
  8. napakapamilyar ng senaryong yan saken. sasakay sa buendia. bababa sa central para makipagkita sa boyps ko. ngayon, di na. :| hehe.

    bat ganun? bitin na naman ako. :))

    ReplyDelete
  9. Hi Jake,

    musta? Mukhang busy ka din ata at me mga puwang sa dates ang mga posts mo. As usual magaling ka pa din.

    Continue your series...baka next time sa national book store ko na mababasa ang buong libro mo :)

    Cheers!

    ReplyDelete
  10. Hello Jake,

    Matagal na akong lurker sa blog mo - simula nung narinig kong hagikhik nang hgikhik ang anak kong si Jaki dahil sa comments mo sa aking makabagbag damdaming House Rules.

    Anyway, I so enjoy your style, ginagaya nga kita eh...at siempre I like what you write.

    More power....balang araw magiging true blue ladies' man ka rin. Wag ka lang sanang maging lady killer :)

    ReplyDelete
  11. nabitin nga ako.. sana may isa pang tumawag kay edward, ex-boyfriend naman niya.. hahaha!!! joke only!

    ReplyDelete
  12. Wek!! mambitin ba?! bad yan haha

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails