Wednesday, December 10, 2008

Mga Balita! Unang Labas!

Maaring kilala niyo ako. Maaring hindi. Hindi na mahalaga (sa ngayon) kung sino ako.

Sa mga nakaka-kilala sa akin, binaon ko na sa hukay ang dating pangalan - at pagkatao - na ginagamit ko sa pagba-blog at sa kung saan-saan pa. Hindi na kasi bagay sa'kin. Sa tuwing iniisip ko nga 'yun, pakiramdam ko e mas malaking kahihiyan ang nagawa ko sa sarili ko kesa sa kung anuman. Sabi nga naman nila, "tatawanan mo rin 'yang problema mong 'yan, isang araw." At hindi na lang ako natatawa ngayon, naaliw pa ako! Lahat naman tayong mga tao e nagdaraan sa mga kalamasan sa buhay - may mga mabibigat at aabutin ka ng matagal bago makabangong muli, at may mga hindi naman gaanong kabigatan na ang gagawin mo lang e magluto ng pancit canton para ayos na. Binago ko lang ang pangalan ko, pero halos dating gawi lang din ang gagawin ko - mga kwentong makukulit, mga pagbabalik-tanaw, mga araw-araw na raket, mga paminsang-minsang kalungkutan na nangangailangan ng inyong pag-unawa, at kung anu-ano pang mga kulugo. Kung may pagbabago lang, siguro medyo bawas lang sa pagiging negative. May pagka-negative pa rin naman (kasi negative naman talaga akong tao simula't-simula pa), pero lilimitahan ko na lang. Tutal, halos puro kalokohan din naman ang naging sistema ng dati kong blog.

Sa mga hindi pa nakaka-kilala sa'kin, rakenrol. Isa lang ako sa milyun-milyong tao na naninirahan sa mundong malapit na yatang matapos. Kumbaga e isa lang akong kulangot sa pader, kaya wala naman gaanong interestanteng bagay tungkol sa'kin. Ni wala nga akong maisulat-sulat na matino sa "About Me" e. Gusto ko lang magkwento ng magkwento ng mga kung anu-ano tungkol sa buhay-buhay - mga kwento ko, mga pangyayari sa mga tao sa paligid ko, at iba pa. 'Yun lang. Ito ang aking personal na diyarya kung saan e magiging tapunan ng aking mga "brain farts," lalagyan ng mga manaka-nakang updates sa aking pang-araw-araw na buhay, mga repositoryo ng aking mga saloobin at mga samutsaring kwento, at kung anu-ano pa. Ayos ba 'yun? Ako si Jake, at bagama't malibog ako, hindi naman ako manyak.

Marami-rami din akong mga kumplikadong dahilan kaya ko binura 'yung dati kong blog, bukod sa gusto ko nang gumamit ng bagong pangalan. Hindi na siguro mahalagang ungkatin pa ang mga bagay na 'yun.

Sa madaling salita: WELCOME SA BAGO KONG BLOG WOO~! Andami ko pang sinabi, 'noh?

Bagong buhay. Dating gawi.

Wala namang gaanong bago sa'kin, bukod sa trabaho ko bilang "web content writer," salamat sa isang kaibigan na nag-refer sa'kin. Sa malayuang tingin, madali lang naman ang dapat gawin. Magsusulat lang ako ng mga bagay-bagay, depende sa pangangailangan. Pero hindi ko pa masyadong nakakasanayan ang "pwersahang pag-iisip ng mga isusulat" at natutuyuan pa rin ako ng utak sa tuwing matatapos na ang araw. At medyo kakaiba ang mga bagay-bagay na sinusulat ko sa trabaho. Pero, alam mo na, sikretong malupit. Bagama't medyo demanding at medyo marami-rami kung magpagawa ng isusulat, mabait-bait naman sa'kin ang boss ko na hindi ko alam kung saang bahagi ng Europe nanggaling. Bibigyan niya lang ako ng mga gagawin, tapos bahala na ako sa buhay ko. Minsan nga e may mga oras na mas nakakapagbabad ako sa Plurk kesa sa mga isusulat ko. Pero siyempre, hindi ko dapat pabayaan 'tong mga ginagawa ko. Hindi ko dapat kalimutan ang dahilan kaya binabayaran ako para umupo sa workdesk ko.

Hindi pa rin ako nakakabalik sa school para tapusin ang course ko. Pero dahil ayokong mabugok ng tuluyan sa "choice of career" ko, kumukuha din ako ngayon ng isang pagsasanay para sa Web Development. Level 1 pa lang 'to, at meron pang Level 2 (Object-Oriented Application Development) at Level 3 (Enterprise Application Development) para makabuo ng isang "professional diploma." Ewan ko, pero pakiramdam ko kasi, 'eto (lang) ang isa sa mga hinahanap ko sa buhay, sa ngayon. Nasa ilalim pa rin ako ng "quarter-life crisis," pero pakiramdam ko rin e malapit ko nang malaman kung ano'ng trip ko sa buhay. Sana, 'di ba?

'Yun lang naman sa ngayon. Yata.

PS: Nakalimutan ko kung sino sa mga kaibigan ko ang nagbitiw nito, pero tulad din niya, "sawang-sawa na ako sa mga pagpaparinig."


Picture Of The Day


Are you drugs? [FAILBlog]

Music: High And Mighty Color - Enrai ~Tooku Ni Aru Akari~
Mood: Sleepy
Quote: "I feel comfortable whenever I talk to you. I'm not afraid to be myself." (Kara)

4 comments:

  1. Jake! Welcome back! :) Gaya ng sinabi ko sa Plurk intro pa lang talaga e nakuha na yung attention ko. Grabe! Hands down talaga ako sa galing mo kasi kahit mahaba yung intro/post mo d naman boring basahin :D Minsan lang ako magbasa ng mahahabang post e.. Mga posts mo lang ata talaga yung binabasa ko kahit mahaba kasi nga hindi boring. O dba inulit ko lang? Hehehe! Anyways, parang interesting yung trabaho mo ah... Bagay na bagay sayo :) Good luck din sa studies mo on web development. Nung first months ko sa trabaho napapaisip ako kung tama ba ako na web development ang career path na kinuha ko... Hirap na hirap kasi ako e. Puro OT kahit training pa lang yun... Pero ngayon nageenjoy na ako :) Wala lang shinare ko lang hehe! Good luck uli sa lahat lahat!

    Merry Christmas!

    Hmm.. December din birthday mo dba? Anyways, advanced happy birthday na rin! :)

    ReplyDelete
  2. weee!
    welcome back sa pagbloblog!
    wak mo na uli buburahin ang blog mo!
    malaamng ayos na buhay mo!
    okay na okay sa olrayt na siguro lahat!

    welcome back!

    ReplyDelete
  3. Welcome back! anong feeling ng pagiging pornographer. Kita kits sa 27th ha? usap tayo!

    ReplyDelete
  4. Ngayong bagong buhay ka na, wala na sana yung mga nakakabitin na entry. Hehehehe. :D

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails