Wednesday, December 2, 2009

Isn't It Ironic?

"Isn't it ironic?" I told her. I told myself, too.

After a brief exchange of how-have-you-been's and small talk, my conversation with my ex-girlfriend shifted to her heartbreak problems. I won't spell out the exact details (okay, I still very much protect her). It's just that, the weight and pain that she's feeling over someone was the exact same feeling I had for her, three years and bucketfuls of tears ago as we were nearing break-up. And now I obliged myself to help her over a problem that was also mine long ago - with her.

She was/is neglected, crying her heart out over someone who's been treating her like a meanwhile girl. How could she give all of her emotional strength over someone who just gives her a fraction of that? She went so far and lost a lot of things -- an awful lot of things -- in the process, to jump into a complicated situation wherein from a logical point of view, she has already sealed her fate. And right now she will have to live with that. Bungee jumping and skydiving were a cakewalk compared to this.

Believe me when I say I know the feeling of falling for someone no matter what the odds are and no matter how complicated things are. In the same way, I know the feeling of bliss when a couple is "together when they are together but are separated when they are far apart." Their relationship exists only whenever it is convenient. Getting subdued by love's power, or whatever love has, renders us immobilized and can't help it but follow everything it dictates us to do. When our hearts get gripped by someone, we bite the bullet and just get drowned in love today, then get whipped by its consequences the next day. I'm saying this because I feel her. I understand her. I've been there. I just got bonus points because of the fact that she herself was at the center of what was happening to me.

These are happening to them. These were happening to us. As I went on talking as if I know everything, I saw my three-years-ago self in her. Their situation and ours are different in their own, but I was in the same place as she is right now before, or at least I think so. Maybe that was the reason why I was compelled to help her even though (I think) she never needed it. So I told her most of the things that my friends and I said to myself back then. I told her how I slowly recovered. I told her some of the things I did to get over with it. I showed her how everything about the break-up helped and improved me as a person. All of those, I tried to squeeze in a few paragraphs, in between sips of coffee.

"Until then, you don't have the right to make yourself and your life miserable." I told her that because I already felt like I've got no better things to say. I might had made her life miserable, but for what it's worth, I didn't build her just to get neglected by someone else.

You ask us now, "Isn't it ironic?" The thing is, I don't get people.



Picture Of The Day


Magtago na tayo.

Music: Katrina and the Waves - Walking on Sunshine
Mood: disoriented
Quote: "I can't offer them a piece of my fame and bragging rights like a rock star or cocaine and a mansion like so many other men in Los Angeles. All I have is my mind, and nobody can see that." (Neil Strauss)

Thursday, November 5, 2009

Hi Girls, I'm Girls

Nagising ako isang umaga. Mabigat pa ang mga mata, binuhat ko ang sarili ko para bumangon sa kumportableng kama, saka dumiretso sa banyo para maghilamos. Medyo nangati ang dibdib ko, at nang abutin ko ito ng kanang kamay ko para kamutin, biglang tumindig ang mga balahibo ko sa sobrang gulat. Nangamulat ang mga mata ko at kinapa ko ulet ang dibdib ko ng dalawang kamay, tapos naghilamos ng bonggang-bongga para tuluyang magising. At nang makita ko ang sarili ko sa salamin, kulang na yata e gayahin ko 'yung hitsura ng mukha du'n sa painting na The Scream. Dali-dali kong hinubad ang shorts at brief ko dahil sa takot.

Nag-transform ako at nagising akong isang ganap na babae. Ang nakapa ko sa dibdib ay ang, uhm, dibdib na pwedeng i-classify ang cup size. At kaya ako naghubad e dahil nag-aalala akong baka wala nang nakasabit duon.

Taenang panaginip 'yan. Nu'ng nagising ako ng totoong gising, kinabahan talaga ako nang sobra, humarap agad ako sa malaking salamin dito sa kwarto ko. Nakalma ako nu'ng na-realize kong panaginip talaga 'yon. At alam kong panaginip lang talaga 'yun dahil sa, uhm, 'yung ano, 'yung "flag ceremony" sa umaga.

Nu'ng buong araw na 'yon, madalas ko tuloy tinanong ang sarili ko. Ano nga ba kung naging babae ako nang isang araw lang? Ano kaya ang gagawin ko? Masasagot kaya ng sitwasyong ito ang pinakamahirap na palaisipan ng mga kalalakihan: ang mga kababaihan?

Siguro kung sakaling mangyari nga 'to, bibigyan ko kayong mga kalalakihan ng field report kung bakit nga ba sadyang matagal ang mga babae sa loob ng restroom, at kung bakit nga ba bugnutin sila tuwing pre-menstrual syndrome. Maiintindihan ko rin ang mga babae kapag sinabi nilang "it's hard to be a girl/woman sometimes," at may isasagot na din ako kapag itatanong nila sa'kin, "alam mo ba ang pakiramdam ng isang babae?"



Picture Of The Day


But is your HTML valid? [Stop Drop LOL]

Music: The Beatles - I Wanna Hold Your Hand
Mood: annoyed
Quote: "Whatever occurs from love is always beyond good and evil." (Friedrich Nietzsche)

Sunday, September 20, 2009

Nang Biglang

Isang Lunes ng umaga, makulimlim ang langit at may bahagyang pag-uulan. Pero dahil siyempre isa akong empleyado, kinailangan kong pumasok. Naligo, nagbihis, bumaba, at lumabas na ng bahay, gamit ang isang maliit na payong.

May limang kanto ang dapat kong daanan bago ako makarating sa lugar kung saan e sasakay ako ng jeep papuntang MRT. Nasa may ikatlong kanto na ako nang biglang lumakas nang bonggang-bongga ang ulan. Sa sobrang lakas, nabasa ako na parang wala akong ginamit na payong. Basambasa ako mula bewang pababa. Naligo sa ulan ang pantalon ko, at pakiramdam ko e basahan na ang mga medyas ko. Ayoko namang bumiyahe at pumasok sa opisina na nasa ganitong sitwasyon, kaya ako bumalik pauwi sa bahay para magbihis.

Pagdating ko sa bahay, nag-uulan na rin ako ng mura dahil sa sobrang pagka-badtrip sa nangyari. Nasayang ang oras at pagod, at masyado na akong destroyed kahit na ba wala pang dalawang oras ang araw ko. Pero wala akong no choice. Nagpalit ako ng damit at tumambay muna ako sa harapan ng PC ko habang inaantay kong humina ang ulan at pinag-iisipan ko kung papasok pa nga ba ako.

Matapos ang ilang saglit at mapansin na parang humina na ang ulan na pwede na ulet suguran, bumaba na ako para lumargang muli. Pero laking gulat ko na lang pagkalabas na pagkalabas ko nng bahay.

Lumiwanag bigla ang langit at nagsusumikat ang araw, na parang nang-aasar pa sa'kin. "Tamang tripping lang, pards. Pang-good time ba."

Rak en rol.



Picture Of The Day


May kilala din akong kamukha nila. [Totally Looks Like]

Music: Aerosmith - Hole In My Soul
Mood: Exhausted
Quote: "Lead me not into temptation. I can find my own way."

Wednesday, July 29, 2009

Micro-Kwento #3: One Shot

"Sir, okay 'tong sniper scope na 'to. Long-ranged 'yan sir, at kayang-kaya niyong makita 'yung malayong 'yun," sabi ng dealer sa lalaki, sabay turo du'n sa may malayo, kabilang na ang isang maliit na bundok at ilang mga gusali na may ilang libong metro ang layo mula sa tindahan ng mga baril, rifle, at iba pa na kinalulugaran nila.

"Hmm," tugon ng lalaki, at inilagak ang ipinagbibiling sniper scope sa kanyang pinakamamahal na rifle. Lumalabo na kasi ang orihinal na teleskopyo ng kanyang alagang "Accuracy International Arctic Warfare," at kinakailangan niya itong palitan bilang paghahanda sa nalalapit na paligsahan sa sniping.

Matapos ang ilang minutong pagkabit, itinutok ng lalaki ang kanyang rifle sa malayong tanawin, at dahan-dahang isinilip ang kanang mata sa bagong-kabit na scope. Sa kanyang pagkakasilip, namilog ang mata niya, unti-unti siyang ngumiti, at tuwang-tuwa sa mga nakikita niya. Sa bawat pag-adjust niya sa zoom nito ay maliwanag niyang nakikita ang mga nangyayari sa kalayuan na hindi talaga mapapansin kapag wala kang telescope o binoculars. Sa harapan lang ng ilong niya ay kitang-kita niya ang pagkilos ng mga tao, paglipad ng mga ibon, pag-andar ng mga sasakyan, at iba pa -- lahat ay may ilang libong metro ang layo.

"Okay ba, sir? Sa scope na 'yan, lamang na lamang na kayo sa iba pang mga snipers. Tiyak na asintado niyo ang mga target. With perfect precision," sinabi ng dealer sa nalilibang na lalaki. Umusal lang ang lalaki ng "hmm" at nagpatuloy sa pag-adjust ng zoom ng scope habang tinatanaw niya ang maasinta nito.

Bumwelo ulet ang dealer. "Schmidt And Bender talaga ang ine-endorse ng Accuracy International, sir. Pwede kayong mamili kung fixed ba o variable ang magnifi--," naririnig ng lalaki ang patuloy na sales talk sa kanya ng dealer, subalit unti-unting nawawala ang mga salita sa kanyang pandinig. Para bang paunti-unti siyang nabibingi, hanggang sa dahan-dahan na lang yatang nabura sa kawalan ang paligid niya.

"Kung gusto niyo sir, pwede tayong maghanap ng depende sa budget niyo. 'Pakita ko pa sa inyo 'yung iba pa naming nasa stock," ito na lang ang nasabi ng dealer, at tumalikod siya papunta sa kahang idini-display ang iba't-ibang mga paraphernalia ng mga armas. Kinuha niya ang susi na nakasukbit sa kanyang sinturon, at binuksan ang kandadong magiting na nagbabantay sa kaha. Hawak-hawak na niya ang isang catalog ng mga io-offer niya nang biglang may pumunit na malakas, nakagugulat, at nakabibinging pagputok na nanggaling sa kanyang likuran.

"BANG!"

Umalingawngaw ang pagputok na sa sobrang lakas e nagkabasag-basag ang lahat-lahat ng mga salamin ng mga kaha. At ang dealer, na nasa gitna ng pagka-gulantang, ay halos tumilapon ng ilang talampakan mula sa kinatayuan niya. Mga ilang saglit din siyang nakaramdam ng pagka-paralisa, at nang makatayo na siya, nakita niya ang lalaki na matikas pa ang pagkakatayo, na akala mo e walang nangyari, hawak-hawak ang rifle. Gulat na gulat ang dealer nang nakita niyang basag ang salaming bintana na malamang e tinagusan ng bala.

"BAKIT?! BAKIT, SIR?! ANO'NG GINAWA NIYO?!" Wala na halos sa ulirat ang dealer na hinihingal, nanginginig at natataranta pa sa mga pangyayari.

"'Yung asawa ko." Nagsindi ng sigarilyo ang lalaki at umalis.

Nagtakbuhan. Nagkagulu-gulo. Mabilis ang mga pangyayari.

"NEWS FLASH! Isang babae at isang lalaki ang natagpuang patay sa isang kwarto ng condominium kaninang tanghali. Ayon sa paunang imbestigasyon, ang babae ay tama ng bala sa ulo, samantalang ang lalaki ay may tama din ng bala sa may ari nito. Pareho silang hubo't-hubad."

(Salamat sa isang kaibigan dahil sa mga ideya sa likod ng kwentong ito. At salamat din sa isang ka-opisina para sa mga karagdagang payo sa pagsusulat nito.)



Picture Of The Day


'Yun lang. [Graph Jam]

Music: Kiko Machine - Val Sotto
Mood: sleepy
Quote: "To assume makes an ASS out of U and ME." (Gil Grissom, "CSI: Crime Scene Investigation")

Monday, July 20, 2009

Kakain Na! Chronicles #1: Komoro Soba

Dahil isa akong frustrated food blogger at hindi ako sing-bigtime na katulad ng mga hardcore na "foodies," gagawa na lang ako ng "Kakain Na! Chronicles." Mahilig kasi akong mag-foodtrip, kaya naisipan ko na lang gumawa ng isang "food diary."

Komoro Soba, SM Megamall - Upper Ground Floor

Na-curious akong kumain sa Komoro Soba, kaya nitong maulang Lunes ng gabi ay naisipan kong kumain duon matapos ang isang stressful na araw sa opisina. Swak dahil gutom na ako at sweldo din naman.

Nakita ko sa menu ng Komoro Soba ang iba't-ibang uri ng soba at udon. Meron din silang rice bowls at iba pang karaniwang Japanese side dishes na katulad ng miso, gyoza, maki, atbp. Pagkatapos kong magtaka kumbakit wala yata ang aking paboritong yakisoba, um-order ako ng Yakiudon set meal. Set meal, bale yakiudon na may kasamang maliit na katsudon. Um-order din ako ng California Maki (masyado na akong gutom para mag-isip ng side dish, pero naisip ko gyoza sana ang o-order-in ko) at Pepsi bilang panulak.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, dumating na din ang inaasam-asam ko.



Yakiudon, maki, katsudon, at Pepsi. Hindi na masama para sa isang hapunan.



Ang pangunahing tampok, yakiudon. Sobrang satisfied ako sa pagkakagawa nila nito, dahil hindi ito katulad ng iba na kakaunti lang ang noodles at pinaramihan na lang ng gulay para masabing marami. At wagi naman ang sarap nito, ayos ang pagkakaluto ng udon. Okay na ang isang platong serving nito, pero kung katulad mo akong may bituka na singlaki ng fish pond, tiyak na mabibitin ka. Mabuti na lang at set meal ang in-order ko, na may kasamang katsudon.



Add-on ito sa yakiudon. Mabuti kung ganu'n, dahil nga sa malamang e kulang sa'kin kung 'yun lang lang. Pasok na din ang serving size nitong katamtamang mangkok, at siyempre pa'y seryoso ang nilalaman nitong kanin, tonkatsu (pork cutlet), at itlog. At katulad ng yakiudon, isang malaking check ang sarap nito.



Dahil ako 'yung tao na madalas e kailangang may side-dish, sinama ko din ang California maki sa order ko. Para ayos.



210 pesos ang total damage, pero sobrang busog sa dami at lasa. Paniguradong babalik ako dito para i-sample ang iba pa nilang mga soba at udon offerings. (Sabi na nga ba, hindi ko masyadong thing ang food blogging.)

Gutumin sana kayo pagkabasa niyo nito.



Picture Of The Day


Cookies ayos! [All Funny Pictures]

Music: Michael Jackson - Rock With You
Mood: blank
Quote: "When someone proposes a challenge, there's only one acceptable response: I'm READY!" - Spongebob Squarepants (through "his" Twitter)

Tuesday, June 23, 2009

Morning Tripping

May isang araw sa buhay ko bilang isang ordinaryong empleyado na para bang pinagtitripan ako ng pagkakataon.

Gumising ako ng maaga at tamang-tama para hindi ma-late sa opisina. Pagkatapos kong magpungas-pungas, bumaba ako papuntang lababo para maghilamos, at umakyat ulet sa kwarto para magsuklay ng buhok - instant exercise. Tapos e bumaba ulit ako at lumabas para kumain sa katabing karinderya, at panigurado, itlog at hotdog pa lang ang nailuluto nila. At pagkatapos kong ubusin ang kapeng may brown sugar, uuwi agad ako para maligo. Pero dito na magsisimula ang kalbaryo ko, umagang-umaga.

Sa amin kasi, first-come-first-served ang dalawa naming banyo. E marami kami. In-anticipate ko kasi na ako ang mauunang makakaligo dahil nga maaga ako, e pagkabalik ko e may tao na sa banyo. At dahil diyan, naupo muna ako at pinagka-abalahan ko ang sarili ko sa paglalaro ng intrimitidang pink na Nintendo DS Lite. Ngunit lumipas na yata ang mga labinlimang minuto e hindi pa rin tapos ang boarder naming abala pa sa banyo. Dito na ako medyo nag-aalala kasi out of schedule na ako. Isang sandali... dalawang sandali... tatlong sandali... tatlo't kalahating sandali pa at lumabas na din sa wakas ang nasa banyo. Pupwesto na ako sa pagtayo nang biglang isa pang boarder na hindi ko namalayan kung saang nanggaling ang biglang pumasok sa banyo. Nakngtinapay. Dahil dito, kumbinsido na akong... late na ako.

Mga halos kalahating oras din ang kumain sa oras ko sa paghihintay bago pa ako nakapasok sa banyo para maligo. E ako pa 'yung isa pang matagal maligo dahil kung anu-anong orasyon pa ang ginagawa ko sa loob. Ah hindi, hindi 'yung orasyong panlalaki. Kahit ano'ng pagmamadali ko sa banyo, ganu'n din at matagal din ang nagugugol kong oras sa pagligo. Nyuk.

Dali-dali akong umakyat para magbihis, pero wala din namang kwenta dahil magtatagal at magtatagal din ako sa pagtambay ko sa PC -- habang nagbibihis. Ilang minuto na naman ang nalagas bago pa ako tuluyang maging handa sa paglabas, at nang tiningnan ko ang oras sa aking mobile phone, medyo nakumbinsi akong aabot pa ako sa "grace period" at hindi na naman akong mamamarkahang "LATE."

Maganda at maaliwalas ang umaga na sumalubong sa akin pagkalabas ko sa pintuan ng bahay namin. Medyo binilisan ko na rin ang lakad ko para maka-compensate sa oras na nasayang kahihintay sa paggamit ng banyo. Naka-ilang metro na ang layo ko sa bahay nang biglang... "'YUNG ID KO, 'TANGINA!" Bwisit akong kumaripas pabalik sa bahay para kunin ang linsyak na ID na 'yan, at dinoble ko ang bilis ko sa paglalakad pagkaalis ko, habang napapamura ng malakas sa isipan ko.

Sa wakas at nakasakay din ako sa jeep na sa kabutihang palad e hindi na gaanong naghintay ng mga pasahero. Ngunit subalit datapwa't, isang "moderate traffic" na ang estado ng kahabaan ng Chino Roces Avenue, na liliko sa may Pasay Road (sa may kanto ng Waltermart Makati), na dadaan du'n sa street sa tabi ng riles, na liliko naman sa Don Bosco kung saan medyo mas mabagal ang traffic, tsaka bubulok pagkaliko sa Chino Roces Avenue na papunta na sa MRT. Pagkababa ko ng jeep, tiningnan ko ulet ang orasan sa telepono ko at nakumbinsi sa sariling kakayanin kong umabot kung oorasan ko ang sarili ko.

At para bang hindi na natapos ang kalbaryo ko, nagrarakenrol na ang mga tao sa may Magallanes Station ng MRT. At siyepre pa, dadagdagan pa sa kabwisitan ko ang mga matatandang hindi yata tinuruan ng tamang etiquette sa pagpila. Edukado pa man din sila, pero hindi marunong pumila ng maayos, at may sumingit pa sa mismong harapan ko. Sa sobrang frustration ko, napabugtong-hininga ako ng malalim, at alam kong naramdaman niya 'yun dahil malaki ang mga butas ng ilong ko.

Pagdating naman sa boarding area, may isang kanta din ang tagal bago dumating ang tren na medyo puno na ng mga tao. E walanghiya, sa isang pintuan ng MRT, kitang-kita ko ang samutsaring ugali ng mga tao. May mga ilan na sumasalubong sa mga lumalabas, at may mga iba pa na alam naman nilang huli silang dumating pero makikipagbunuan pa para makapasok sa tren. Nakabawi na lang ako ng libreng siko nu'ng pati ako e natulak din. Yamot. At siyempre pa, apat na istasyon din akong nakaramdam na parang nasa loob ako ng washing machine, kung saan e talagang tulakan at siksikan ang mga tao. But don't take me wrong -- I love MRT rides in the morning.

Pagkababa ko sa Shaw Boulevard, dito na ang final challenge. May mga labindalawang minuto na lang ang natitira bago matapos ang sagad-sagarang grace period, at late na ang mga taong papasok paglampas ng oras na ito. Pagkalabas ko sa istasyon, niligawan ko muna sa tingin saglit si Teresa Herrera na nasa malaking billboard, huminga ng malalim, at nagmadaling lumakad, umaasa na umabot pa talaga ako sa oras.

Matapos ang mahaba-habang delay sa banyo, sa pagkalimot sa ID, sa panalangin sa trapiko, sa pagkayamot sa MRT...

Dumating ako sa office. Dalawang minuto akong LATE. Alam na. Lesson of the day? Nasa "quarterlife crisis" pa rin ako.

Pero kahit na ganyan, kamusta na kayo? Wala, trip ko lang ulet magbalik sa pagba-blog. Kung tatanungin niyo kung kamusta na ako, e mahaba-habang usap 'yan. Pero dahil wala namang nangyayari sa blog ko, e sabihin na lang natin na wala din naman kayong masyadong na-miss, kahit na meron at marami. Tingnan niyo na lang ang updated links ko sa sidebar para masabi na lang na updated kayo sa'kin.



Picture Of The Day


Makes sense! [Failblog.org]

Music: Air Supply - Even The Nights Are Better
Mood: Annoyed
Quote: "Do not believe in anything simply because you have heard it. Do not believe in anything simply because it is spoken and rumored by many." (Gautama Buddha)

Friday, March 27, 2009

Pinoy Kontrabida: Isang Mumunting Pagkilala

Isa sa mga dahilan kung bakit madalas e nakaka-appreciate ako ng mga Pinoy action movie eh dahil sa iisang napakahalagang bahagi nito: ang mga kontrabida. Ewan ko ba, aliw na aliw ako sa kanila e. Mula sa kanilang mabagsik na hitsura, matipunong pangangatawan, perpektong tabas ng bigote, hanggang sa kanilang swabeng pagkilos at pag-asta, may sarili talagang pangalan ang mga kontrabida sa mga pelikula kung saan sila gumanap. Kumbaga e iconic na sila dahil sa kanilang imahe. Minsan nga iniisip ko, makamandag din ang mga magagandang lalaking ito kahit na lagi silang deadball sa pagtatapos ng pelikula. Aba, hindi lahat ng tao e walang galls na maging bad guys na katulad nila, 'noh?

Dati, naisip kong mag-compile ng mga pangalan ng mga pinaka-nakakatakot na kontrabida - mapa-hitsura man o mapa-kilos, pero ang hirap pala. 'Yung iba kasi, kilala ko lang sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan. Kaunti lang ang alam ko sa pangalan e. Paquito Diaz, Romy Diaz, Subas Herrero, Ruel Vernal, Bob Soler, Dindo Arroyo, Bomber Moran, Dick Israel, Max Alvarado, John Regala, Armida Siguion-Reyna, Odette Khan, Jorge Estregan Jr., Bella Flores, Rez Cortez at 'yung matandang babae na laging gumaganap na white lady sa mga Pinoy horror films. Meron pa akong marami na kilala sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan. Tulad ng matabang lalaki na minsang tumawag kay Vic Sotto na "garapatang payat" sa isang pelikula. O kaya 'yung mga goons at mga sidekicks na madalas nating nakikita. Nyuk.

E ngayong araw, naisip ko na lang na mangalap tungkol sa mga kontrabida facts. Mga trivia at samutsaring bagay na alam na alam tungkol sa mga lalaking ito na ubod ng machism at sa mga babaeng feisty. Ito 'yung mga bagay na madalas nating mapansin at makita at halos hindi na mawala.

Salamat sa lahat ng mga sumagot at nakisabay sa aking trip. Special mention nga pala kay kumpareng Gasoline Dude. Na-inspire kasi ako nu'ng pinili niya ang suggestion ko para sa kanilang Plurk riot: pangalan ng mga kontrabida!

1) Laging naka-leather jacket ang mga kontrabida, kahit summer at tirik na tirik ang araw.
2) Laging sumisigaw.
3) Hindi pwedeng mamatay nang maaga ang kontrabida. Dapat, lagi sa ending.
4) Ang mga kontrabidang babae, madalas ay kulot.
5) "Talasan nyo mga mata ninyo! Nandyan lang 'yan sa paligid!" ang isa sa mga lagi nilang sinasabi pag naghahanap.
6) May eksena na nag-iinuman ang mga kontrabida sa sari-sari store, tapos babastusin nila ang leading lady kapag dadaan ito.
7) "Sumuko ka na! Napapaligiran kita!"
8) Laging may partner na seksing-seksing babae na mukhang pokpokers.
9) Kapag nagbakbakan ang bida at kontrabida, magtatago muna sila sa kanilang sulok at magda-dayalog muna ng isang page.
10) Kaya nilang mag-command ng isang buong battalion sa pamamagitan lamang ng hand signals.
11) Favorite nilang hideout ang mga safehouses o mga warehouses.
12) Wala pang kontrabida na buhay pagkatapos ng sine.
13) Nang-hohostage ang kontrabida.
14) May mga koneksyon sila sa kapulisan o sa gobyerno.
15) Kadalasan, yung leading lady ang hostage ng kontra bida.
16) Pinapahirapan nila ang mga malalapit sa mga bida. Minsan, pinapatay pa.
17) Madalas may malupit na bigote.
18) Hindi agad sila namamatay.
19) Sobrang mabisyo ang mga kontrabida.
20) Tawang nakakaurat. Bwahahahaha!
21) Laging sila ang mayaman.
22) Akala mo, patay na ang kontrabida sa ending pero kukuha ito ng baril at babarilin ang bida. Parang encore shot ng kontrabida.
23) Mga kontrabidang babae: paawa silang yayakap sa leading lady, pero sa likod e ngumingiting may masamang balak.
24) Laging may last words ang kontrabida bago mamatay, katulad ng "magkita na lang tayo sa impyerno!" tapos bigla silang sasabog o malalagutan na lang ng hininga. Minsan pa, tumatawa pa ng mala-demonyong tawa bago mamatay.
25) Tumatawa sila kapag nanggagahasa sila.
26) Mga kontrabida ay halos magkakamukha.
27) Mahilig silang tumambay sa beerhouse, tapos biglang magkakagulo duon dahil pagtitripan nila ang bida o ang mga babe.
28) Hindi mawawala ang grenade launcher rifle na at least dalawang pasabog.
29) Para rin silang mga sirang plaka. inuulit lang ang sinasabi ng mga big boss man.
30) Nakakaiskor sa mga leading lady.
31) Bulok lagi ang mga kotse nila. Tapos hindi pwedeng wala sila L-300 o pickup. Preferred color: white.
32) Huwag kalimutan ang malakamandag na BGM ni Jaime Fabregas.
33) Ang mga low-level na kontrabida (mga tauhan, etc.) ay mga stuntmen o 'yung tipong galing sa isang agency.
34) Madalas nag-iinuman, nanggagahasa ng leading lady, o nagto-torture ng mga supporting bida nang bigla silang makakarinig ng putok galing sa labas.
35) Preferred drinks: brandy, rhum, beer, gin. Mahilig rin sila sa sigarilyo at tobacco.
36) Mag-amang kontrabida ang kadalasang setup pagdating sa industriya ng mga ipinagbabawal na gamot.

Panigurado, kulang na kulang ito at marami pa ang pwedeng idagdag dito. Pero basta, pasalamat ako sa mga kontrabidang ito dahil malaki din ang bahagi nila para masabing "may umaatikabong aksyon" ang isang pelikula.

At siyempre, salamat din sa mga nagbigay ng sagot nila. Hindi ko na mailalagay ang pangalan nila, kaya 'eto at tingnan niyo na lang sa aking Plurk update kung saan nagmula ang lahat ng ito: KONTRABIDA FACTS - Let's compile everything we know about Pinoy kontrabidas!



Picture Of The Day


Saktong-sakto lang naman. [Failbog.org]

Music: Oasis - Stand By Me
Mood: Irritated
Quote: "Tuyo ka na ba? Mareremedyuhan mo naman 'yan. You're the Kinky Bunneh" (Sidney)

Tuesday, March 10, 2009

Hindi Ko Sasabihin Sa'yo: My Eraserheads Final Set Experience

"The Eraserheads, Live! The Final Set" - isang hindi malilimutang concert para sa humigit-kumulang 100,000 kataong dumalo. Sa pagkakaunawa ko, tatapusin na lang nila ang naputol na concert nu'ng nakaraan taon. Kumbaga e itutuloy lang nila ang pangalawang bahagi. Pero higit pa sa pagpapatuloy ang ginawa ng isa sa mga pinaka-maimpluwensyang banda sa bansa. Masaya ako at naging bahagi ako ng kasaysayang ito. Aba e idol ko sila simula pa nu'ng Elementary ako. At ang pinakaunang cassette tape na binili ko sa buong buhay ko e 'yung "Cutterpillow."

Dalawang oras na pagtayo sa paghihintay ang inabot namin bago nagsimula 'yung mismong concert. Pero napawi din ang inip nu'ng nagsimula na rin sa wakas ang concert. Pero bago 'yan, TOTAL OWNAGE ang inabot ni Tim Yap at mga tropa niya dahil pinaiinip nila lalo ang mga hindi na makapaghintay na mga tao. Sabi ko pa nga, "ah, ah, iiyak na 'yan."

At ayun, nagsimula na nga ang pinakahihintay ng lahat. Karamihan (hindi lahat) sa mga tinugtog nila e galing sa unang tatlong albums nila. Special sa'kin ang halos lahat ng mga kanta galing sa "Cutterpillow" kaya sobrang natuwa ako nu'ng tinugtog nila ang ilan sa mga kanta galing du'n.

At siyempre, alintana pa rin sa banda ang isyu "group hug" na 'yan. Pero hindi katulad nu'ng last year na halos wala silang reaksyon, medyo sumagot naman si Ely nu'ng nagsisigawan na naman ng "group hug" ang mga tao. "Kayo muna!," at "Sino'ng BRU-HA?!," sagot niya.

Natuwa/natawa at naaliw din ang mga tao nu'ng tinugtog nila ang "Huwag Mo Nang Itanong." With Markus on the vocals, mala-reggae ang ginawa nila sa kanta. Puncher din ang medyo inibang lyrics. "At hindi ko sasabihin sa'yo."

"Slo Mo" - non-single song nila from Cutterpillow na isa sa mga pinakagusto kong kanta sa lahat. Kaya natuwa din ako nu'ng binanatan nila 'yan.

Aliw din ang mga tao over the Ely-Raimund hype, at sa mga moments na nagkaka-"encounter" sila sa stage, sige lang sa hiyawan ang mga tao. Lalo na nu'ng nag-posing pa si Raimund sa tabi ni Ely habang binabanatan ang "Alkohol."

Nu'ng pangalawang set, medyo iniba nila ang istilo sa pagkanta ng kanilang mga hit singles. Mala-acoustic at laid-back ang setup. Tulad ng inaasahan, wala pa rin silang palya sa aming mga fans sa bawat kanta na kanilang binanataan sa set na ito.

"Kailan" - nag-solo si Ely para sa kantang ito, na sinamahan naman ng keyboards galing kay Jazz Nicolas (ang "secret weapon" nila). Ramdam na ramdam talaga ang ang bigat ng kanta. 'Yun lang, sa gitna ng kantang ito ay may biglang bumulagta sa harapan namin. Dahil sa sobrang siksikan at gitgitan ng mga tao at sa kawalan ng hangin, nag-collapse ang isang babae sa may bandang harapan namin. Buti naman at nasalo naman siya agad ng kasama niya. Medyo naka-recover na at nakapagsalita, tapos nag-collapse ulet at totally passed-out na. "Ilabas niyo na 'yan." Sabi ng mga tao. "Baka inantok sa kanta," sabi ko.

"Overdrive" ang huling kanta para sa second set, tapos bigla nag-"goodnight" at "thank you" si Ely. Sabay patay ng mga stage lights. Natural, halos lahat sa mga tao ay sobrang bitin at naghihiyawan na ng mga alam-niyo-na. "More!" "Bitin!" Mukha nga namang bitin, pero pwede na rin. After all, tatapusin nga lang naman nila ang ikalawang kalahati ng naiwan nilang set nu'ng last year. Sobrang natawa pa nga kami nu'ng may sumigaw ng "Think Positive! Walang aayaw!" Pucha, epic 'yun. Parang familiar kasi 'yung linya. Commercial pala ni Robin Padilla 'yun sa Revicon Forte. Pero, pakiramdam namin na parang may kulang at meron silang hindi nagawa.

Malamang, pabitin lang nila 'yun. Imposibleng makalimutan nila ang dapat sanang kapiling nila bilang guest. Pero dahil nauna na siya sa atin, naging tribute ang pangatlong set na ito para sa kanya. "Kung mahal niyo si Francis, sumigaw kayo!" At nagrakenrol ang mga tao sa "Superproxy." Si Ely na din ang nag-rap para sa Man From Manila. Damang-dama ng buong fans si Francis M sa puso.

"Minsan" - bakas na sa banda ang kabigatan ng kantang ito. Ewan ko kung ginawa ni Ely ang part niya sa kantang ito para kay Francis M, o para sa mga kabanda niya. Pero mababakas mo talaga sa expression ni Ely ang gravity ng kantang ito. Sinundan niya ito ng "Alapaap." At bilang muling paggunita kay Francis M, binanatan nila ang chorus ng "Kaleidoscope World" bago ang huling kanta... "Ang Huling El Bimbo."

Sa kantang ito medyo nadama namin na, oo nga, ito na (yata) ang huling pagkakataon na makikita namin silang magkasama at nagrarakenrol bilang Eraserheads. At ayun nga, sinunog ni Ely ang piano na makikita natin sa "Sticker Happy." Open for interpretation na lang siguro 'yun.

'Eto na 'yung malupit.

Nagsisilabas na ang ilang mga tao sa exit nu'ng nagulat kami. Dahil bitin daw ang mga E-heads (at malamang kaming mga fans), biglang umakyat ulet ang banda para sa isang encore. Nagsigawan ang mga tao nu'ng in-announce ni Ely ang "three for the road!"

'Eto na 'yung mas malupit.

Bale kasi nasa Silver section kami. At dahil nga sa hype ng encore, hindi na rin namin napigilan at nag-gatecrash na kami papunta sa Gold section na nasa harapan. Instant! Nagsiakyatan ang mga tao sa barikada hanggang sa napabagsak ito, at nagsitakbo kami papunta sa Gold section. Oh yes!

Isa sa pinaka-memorableng concert!

Line-up:

Set 1
1. Magasin
2. Walang Nagbago
3. Maling Akala
4. Maskara
5. Poor Man’s Grave
6. Waiting for the Bus
7. Huwag Mo Nang Itanong
8. Slo Mo
9. Alkohol
10. Insomnia
11. Torpedo

Set 2
1. Julie Tearjerky
2. Tikman
3. Wishing Wells
4. Fine Time
5. Pare Ko
6. Kailan
7. Back2Me
8. Trip To Jerusalem
9. Spolarium
10. Overdrive

Set 3
1. Superproxy
2. Minsan
3. Alapaap
4. Kaleidoscope World
5. Huling El Bimbo

Encore
1. Ligaya
2. Sembreak
3. Toyang



Picture Of The Day


More pictures at my Multiply photo album!

Music: Eraserheads - Slo Mo
Mood: Blank
Quote: "Think positive! Walang aayaw!" (some fan shouting at the E-heads concert when we thought it ended at the second set)

Monday, February 23, 2009

MRTrip

Tulad lang ng dating gawi, araw-araw at gabi-gabi ako sumasakay sa MRT papuntang opisina at pauwi. Madalas e nakapwesto ako malapit sa pinto, para madali akong makalabas. Pero siyempre, umuurong naman ako pagitna kapag kailangan. Ayokong masagasaan ng rumaragasang mga tao at ayoko din akong mamura ng malutong dahil hindi ako umuurong pagitna kung marami namang espasyo duon.

Minsan (o sige, madalas), hindi ko maiwasang pansinin ang ibang mga nakasakay du’n. Ewan ko sa ibang mga lalaki kung bumibigat ang mga yagbols nila tuwing nasa loob sila ng MRT at nadi-deflate pagkalabas nila. Pa’no kasi, hindi man lang marunong magpaupo sa mga mas may kailangan ng mga upuan, katulad ng mga babae, matatanda, o kahit pa mga bata. Kahit na malutong na ang pagkakasabi sa intercom na “Maari po lamang paupuin ang mga matatanda, mga babae, at mga bata,” hindi man lang nila muna buhatin ang mga bayag nila at magbigay ng upuan.

Nu’ng minsan kasi, may tatang kaming kasakay sa bahagi namin ng tren. Medyo nakaka-awa lang tingnan, lalo na’t medyo halatang beterano nu’ng panahon ng giyera (yata, kasi sa suot niya). Hindi rin ako sigurado kung tumanggi lang siya nu’ng binigyan siya ng upuan, o talagang walang kusa ang mga andu’n at paupuin siya.

Mas malupit nu’ng isa ring pagkakataon na may isang napakaganda at nakabibighaning chicababes ang nakahawak lang sa handrail. Pinagmamasdahan ko at pinagtatawanan ang mga hitsura ng mga lalaking sitting pretty sa mga upuan at nakatingin ng malagkit sa magandang prinsesa. Sabi ko sa sarili ko, “’taena nitong mga ‘to, panay tingin lang ginagawa, pero hindi man lang magawang magpaligaya at magpaupo saglit.” E iisa lang ‘yung handrail na hawak-hawak naming kaya tanaw na tanaw ko ang kanyang natatanging kagandahan. Siguro kapag ako ‘yung may upuan, pauupuin ko siya – sa kandungan ko. Pero joke lang ‘yan. Shemperds ibibigay ko upuan ko, ‘noh?

Kapag natataon na may kasama akong babae at medyo tinamaan ako ng trip, itatanong ko ng medyo malakas sa kasama ko, "wala bang magpapa-upo sa'yo dito?" Buti na lang at wala pang shoot-to-kill order sa'kin hanggang ngayon.

Oo, pwede naman sabihin ng mga ‘to na “e bakit hindi sila sumakay du’n sa area nila e meron naman nang nakalaan kahit sa kanila?” Aba kahit na. Ibig bang sabihin e hindi sila pwedeng maging pogi na katulad ko at maging gentleboy muna, mag-alok ng upuan sa mga nangangailangan? Pwera yabang, pero inaalok ko ang upuan ko sa mga may kailangan, kahit sa bus.

Maliban diyan, madalas din akong nakaka-encounter ng mga tao na hindi yata tinuruan ng mga magulang nila nu'ng mga bata pa sila. Kung makasingit kasi sa pila, akala mo kung sino'ng bida-bida. Pero tsaka na lang ako magkukwento tungkol diyan kasi natatamad na ako.

(Epekto ng tao na walang magawa habang bumibiyahe sa tren. Pagbigyan niyo na.)



Picture Of The Day


Ganito ang relo na bagay sa'kin, panigurado. [SexHumor.org]

Music: music from Rhythm Tengoku Original Soundtrack
Mood: Contented
Quote: "'Anything' is a very dangerous word, lieutenant." (Oberst i.G. Claus von Stauffenberg [Tom Cruise, "Valkyrie"])

Monday, January 26, 2009

Nyuk Space

May ilang oras na yata akong nakatanga sa "Create Post" ng blog kong ito. Trip ko lang kasing mag-update ng blog pero wala naman talaga ako tiyak na ipo-post. Magpo-post ba ako ng tungkol sa mga pang-araw-araw na gawain? Isang araw sa buhay ko? Kwentuhang old-school ba? Tungkol sa usapang lovelife? Kwentong kalibugan? Ah ewan ko.

May mga pangyayari na habang gumagala ako sa labas, bigla akong makaka-isip ng isang bagay na iba-blog. O minsan pa, kahit ipu-Plurk ('nyemas naman kasi, hindi ko pa rin mapagana 'yang phPlurk na 'yan). Sasabihin ko sa isipan ko, "ah, mai-blog/mai-Plurk ko nga 'to mamaya pagkauwi ko." Pero pagdating sa bahay, wala. Nagkalimutan na. Lumipad nang parang eroplanong papel ang mga paksa na napagtripan kong isulat.

Tapos, dumating naman 'yung time na naisip ko na, "ah, ilalagay ko sa reminders ng cellphone ko ang mga iba-blog/ipu-Plurk ko para hindi ko makalimutan." Pero hindi rin gumana, kasi natatamad akong ilabas ang phone ko para ilagay sa reminders ko ang mga paksa na napagtripan kong isulat. Kampante kasi ako na maalala ko 'yun pag-uwi ko ng bahay. Pero nakalimutan ko na malilimutin pala ako.

Kanya-kanyang "style" 'yan, malamang sa malamang. Usually kasi e "on the spot" ako kung magsulat. Hindi masyadong pinag-iisipan at wala masyadong sinusunod. Tsaka ko na lang babasahin ng buo bago ko i-post kung may dapat bang baguhin. Kaya kadalasan, kinakailangan ko pang baguhin ng bahagya makalipas na ito ay mai-post. Habang ginawa ko ang entry nito, isang "writing style" naman ang trip ng isang kaibigan na itatago na lang natin sa pangalang Tonet. "What usually happens to me is, I start with a topic in mind but end up only talking briefly about it, and find myself talking more about something else." May naisip siyang topic, tapos sisimulan niya, tapos ang finished product e tungkol sa ibang bagay. Astig 'di ba?

Kaya 'eto ako ngayon, type lang ng type kahit wala namang topic. Oh ayan oh, may pa-backspace-backspace pa akong nalalaman. At habang tina-type ko ang talatang ito, nagpu-Plurk ako sa kabilang tab habang may ka-text naman ako. Ni hindi ko nga alam kung saan ko napulot ang pamagat ng post na 'to e. Tapos halos kada tapos ko ng isang pangungusap, babasahin ko 'yung kabuuan ng natapos ko kasi baka meron pa akong pwedeng baguhin - palitan, dagdagan, alisin.

Para na 'kong timang. Makatulog na nga.



Picture Of The Day


Oh, 'wag masyadong madumi ang utak. [SexHumor.org]

Music: Coldplay - The Scientist
Mood: sleepy, tired
Quote: "Maari po lamang na paupuin ang mga matatanda, mga babae, at mga bata. Maraming salamat po." - MRT

Monday, January 12, 2009

Mga Dumudungaw Na Ulo

At dahil Lunes na naman, hindi pwedeng hindi magsisikan ang mga tao nitong umaga sa MRT. Simula nu'ng magtrabaho ulet ako, araw-araw e sa Magallanes at Shaw Blvd. ako sumasakay at bumababa. E nitong umagang 'to habang naggigitgitan kami sa loob ng umaandar ng tren, napagtripan kong basahin ang mga text messages sa inbox ng phone ko. May ugali kasi akong basahin ang mga "memorable" na text messages na natanggap ko, at ugali ko rin na magbura ng mga hindi gaanong mahalagang mga text. E habang ginagawa ko 'yun, naramdaman kong nakadungaw din sa cellphone ko ang mamang katabi ko. Nu'ng una, hinayaan ko lang at pinagpatuloy ko 'yung ginagawa ko, kasi baka nga napatingin lang at magkatabi nga kami. E nu'ng naramdaman kong nakamasid at binabasa nga niya 'yung mga nakikita niya phone ko, bigla akong gumawa ng bagong text, tapos nilagay ko: "May nagbabasa ng text, ng may text." Bumaba siya sa sumunod na istasyon.

Nakarating ako sa opisina na muntik nang ma-late. Binuksan ko ang computer sa workstation ko, at nagtungo sa may terrace ng office namin para magkape. At nang matapos ang pagkakape at paglanghap sa medyo kaaya-ayang hangin ng Ortigas Center, naisipan kong magtungo sa Men's Room upang umihi. At du'n ko nalaman na bumiyahe na ako mula bahay hanggang opisina at lahat, bukas pala ang zipper ng pantalon ko. Kanina pa rin pala may dumudungaw dito. Kamusta naman ang mga chics na nasasalubong ko?



Picture Of The Day



PERVERT ALERT FAIL [FAILBlog]

Music: Demon Castle Pinnacle (from Castlevania: Dawn of Sorrow)
Mood: sleepy, feverish
Quote: Nagiging PG ang GP kapag si Jake na ang pinag-uusapan. (Magique)

Monday, January 5, 2009

Haay Katamad

Unang araw pagkatapos ng mahabang bakasyon. Ewan ko kung ako lang 'yung ganito, o lahat ba ng mga pumapasok sa trabaho, lalo na sa opisina, ay sobrang tinatamad. Sa pagkaka-tanda ko, pati yata sa school e natatamad din ang mga estudyante, damay na pati mga teachers. Maliban diyan, halos tuwing Lunes e tamaaaaaaaaad (medyo papiyok ang boses pagdating sa dulo) na tamad ako. Sobrang slow ng araw ko tuwing unang araw ng linggo. "Manic Monday," 'ika nga. Nakakatamad nga, pero madali namang mag-init ng ulo 'yung karamihan. "'Wag mo akong bubwisitin, ha?! Lunes na Lunes!" Wala pa akong naririnig na "'Wag kang magulo! Miyerkules na Miyerkules!"

Habang nakatunganga ako sa ginawa kong trabaho ngayong araw, iniisip ko ang pagkakaiba ng pakiramdam ng pinakaunang araw sa trabaho pagkatapos mong matanggap sa kumpanya, sa pinakaunang araw ng pasok pagkatapos ng bakasyon. Pagdating ba sa mood, sa output, sa quality, atbp., pareho ba o magkaiba?

Naiinis ako kanina kasi all-time low ang mga nagawa ko ngayon. Kahit ano'ng pilit kong gawin at kahit ano'ng pagkukumbinsi sa sarili ko, wala talaga ako masyadong magawa. Hanggang pagtutunganga na lang ang nagawa ko. At natapos ang araw na ang nagawa ko lang e wala pa sa kalahati ng kaya kong namang gawin ng isang normal na kalahating araw. In fact, hanggang ngayon na nasa bahay na ako e sobrang tinatamad pa rin ako habang tina-type ko ang blog entry na ito. At malamang, hindi ko na rin matatapos ito dahil sa

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails