Monday, January 26, 2009

Nyuk Space

May ilang oras na yata akong nakatanga sa "Create Post" ng blog kong ito. Trip ko lang kasing mag-update ng blog pero wala naman talaga ako tiyak na ipo-post. Magpo-post ba ako ng tungkol sa mga pang-araw-araw na gawain? Isang araw sa buhay ko? Kwentuhang old-school ba? Tungkol sa usapang lovelife? Kwentong kalibugan? Ah ewan ko.

May mga pangyayari na habang gumagala ako sa labas, bigla akong makaka-isip ng isang bagay na iba-blog. O minsan pa, kahit ipu-Plurk ('nyemas naman kasi, hindi ko pa rin mapagana 'yang phPlurk na 'yan). Sasabihin ko sa isipan ko, "ah, mai-blog/mai-Plurk ko nga 'to mamaya pagkauwi ko." Pero pagdating sa bahay, wala. Nagkalimutan na. Lumipad nang parang eroplanong papel ang mga paksa na napagtripan kong isulat.

Tapos, dumating naman 'yung time na naisip ko na, "ah, ilalagay ko sa reminders ng cellphone ko ang mga iba-blog/ipu-Plurk ko para hindi ko makalimutan." Pero hindi rin gumana, kasi natatamad akong ilabas ang phone ko para ilagay sa reminders ko ang mga paksa na napagtripan kong isulat. Kampante kasi ako na maalala ko 'yun pag-uwi ko ng bahay. Pero nakalimutan ko na malilimutin pala ako.

Kanya-kanyang "style" 'yan, malamang sa malamang. Usually kasi e "on the spot" ako kung magsulat. Hindi masyadong pinag-iisipan at wala masyadong sinusunod. Tsaka ko na lang babasahin ng buo bago ko i-post kung may dapat bang baguhin. Kaya kadalasan, kinakailangan ko pang baguhin ng bahagya makalipas na ito ay mai-post. Habang ginawa ko ang entry nito, isang "writing style" naman ang trip ng isang kaibigan na itatago na lang natin sa pangalang Tonet. "What usually happens to me is, I start with a topic in mind but end up only talking briefly about it, and find myself talking more about something else." May naisip siyang topic, tapos sisimulan niya, tapos ang finished product e tungkol sa ibang bagay. Astig 'di ba?

Kaya 'eto ako ngayon, type lang ng type kahit wala namang topic. Oh ayan oh, may pa-backspace-backspace pa akong nalalaman. At habang tina-type ko ang talatang ito, nagpu-Plurk ako sa kabilang tab habang may ka-text naman ako. Ni hindi ko nga alam kung saan ko napulot ang pamagat ng post na 'to e. Tapos halos kada tapos ko ng isang pangungusap, babasahin ko 'yung kabuuan ng natapos ko kasi baka meron pa akong pwedeng baguhin - palitan, dagdagan, alisin.

Para na 'kong timang. Makatulog na nga.



Picture Of The Day


Oh, 'wag masyadong madumi ang utak. [SexHumor.org]

Music: Coldplay - The Scientist
Mood: sleepy, tired
Quote: "Maari po lamang na paupuin ang mga matatanda, mga babae, at mga bata. Maraming salamat po." - MRT

Monday, January 12, 2009

Mga Dumudungaw Na Ulo

At dahil Lunes na naman, hindi pwedeng hindi magsisikan ang mga tao nitong umaga sa MRT. Simula nu'ng magtrabaho ulet ako, araw-araw e sa Magallanes at Shaw Blvd. ako sumasakay at bumababa. E nitong umagang 'to habang naggigitgitan kami sa loob ng umaandar ng tren, napagtripan kong basahin ang mga text messages sa inbox ng phone ko. May ugali kasi akong basahin ang mga "memorable" na text messages na natanggap ko, at ugali ko rin na magbura ng mga hindi gaanong mahalagang mga text. E habang ginagawa ko 'yun, naramdaman kong nakadungaw din sa cellphone ko ang mamang katabi ko. Nu'ng una, hinayaan ko lang at pinagpatuloy ko 'yung ginagawa ko, kasi baka nga napatingin lang at magkatabi nga kami. E nu'ng naramdaman kong nakamasid at binabasa nga niya 'yung mga nakikita niya phone ko, bigla akong gumawa ng bagong text, tapos nilagay ko: "May nagbabasa ng text, ng may text." Bumaba siya sa sumunod na istasyon.

Nakarating ako sa opisina na muntik nang ma-late. Binuksan ko ang computer sa workstation ko, at nagtungo sa may terrace ng office namin para magkape. At nang matapos ang pagkakape at paglanghap sa medyo kaaya-ayang hangin ng Ortigas Center, naisipan kong magtungo sa Men's Room upang umihi. At du'n ko nalaman na bumiyahe na ako mula bahay hanggang opisina at lahat, bukas pala ang zipper ng pantalon ko. Kanina pa rin pala may dumudungaw dito. Kamusta naman ang mga chics na nasasalubong ko?



Picture Of The Day



PERVERT ALERT FAIL [FAILBlog]

Music: Demon Castle Pinnacle (from Castlevania: Dawn of Sorrow)
Mood: sleepy, feverish
Quote: Nagiging PG ang GP kapag si Jake na ang pinag-uusapan. (Magique)

Monday, January 5, 2009

Haay Katamad

Unang araw pagkatapos ng mahabang bakasyon. Ewan ko kung ako lang 'yung ganito, o lahat ba ng mga pumapasok sa trabaho, lalo na sa opisina, ay sobrang tinatamad. Sa pagkaka-tanda ko, pati yata sa school e natatamad din ang mga estudyante, damay na pati mga teachers. Maliban diyan, halos tuwing Lunes e tamaaaaaaaaad (medyo papiyok ang boses pagdating sa dulo) na tamad ako. Sobrang slow ng araw ko tuwing unang araw ng linggo. "Manic Monday," 'ika nga. Nakakatamad nga, pero madali namang mag-init ng ulo 'yung karamihan. "'Wag mo akong bubwisitin, ha?! Lunes na Lunes!" Wala pa akong naririnig na "'Wag kang magulo! Miyerkules na Miyerkules!"

Habang nakatunganga ako sa ginawa kong trabaho ngayong araw, iniisip ko ang pagkakaiba ng pakiramdam ng pinakaunang araw sa trabaho pagkatapos mong matanggap sa kumpanya, sa pinakaunang araw ng pasok pagkatapos ng bakasyon. Pagdating ba sa mood, sa output, sa quality, atbp., pareho ba o magkaiba?

Naiinis ako kanina kasi all-time low ang mga nagawa ko ngayon. Kahit ano'ng pilit kong gawin at kahit ano'ng pagkukumbinsi sa sarili ko, wala talaga ako masyadong magawa. Hanggang pagtutunganga na lang ang nagawa ko. At natapos ang araw na ang nagawa ko lang e wala pa sa kalahati ng kaya kong namang gawin ng isang normal na kalahating araw. In fact, hanggang ngayon na nasa bahay na ako e sobrang tinatamad pa rin ako habang tina-type ko ang blog entry na ito. At malamang, hindi ko na rin matatapos ito dahil sa

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails