Monday, January 5, 2009

Haay Katamad

Unang araw pagkatapos ng mahabang bakasyon. Ewan ko kung ako lang 'yung ganito, o lahat ba ng mga pumapasok sa trabaho, lalo na sa opisina, ay sobrang tinatamad. Sa pagkaka-tanda ko, pati yata sa school e natatamad din ang mga estudyante, damay na pati mga teachers. Maliban diyan, halos tuwing Lunes e tamaaaaaaaaad (medyo papiyok ang boses pagdating sa dulo) na tamad ako. Sobrang slow ng araw ko tuwing unang araw ng linggo. "Manic Monday," 'ika nga. Nakakatamad nga, pero madali namang mag-init ng ulo 'yung karamihan. "'Wag mo akong bubwisitin, ha?! Lunes na Lunes!" Wala pa akong naririnig na "'Wag kang magulo! Miyerkules na Miyerkules!"

Habang nakatunganga ako sa ginawa kong trabaho ngayong araw, iniisip ko ang pagkakaiba ng pakiramdam ng pinakaunang araw sa trabaho pagkatapos mong matanggap sa kumpanya, sa pinakaunang araw ng pasok pagkatapos ng bakasyon. Pagdating ba sa mood, sa output, sa quality, atbp., pareho ba o magkaiba?

Naiinis ako kanina kasi all-time low ang mga nagawa ko ngayon. Kahit ano'ng pilit kong gawin at kahit ano'ng pagkukumbinsi sa sarili ko, wala talaga ako masyadong magawa. Hanggang pagtutunganga na lang ang nagawa ko. At natapos ang araw na ang nagawa ko lang e wala pa sa kalahati ng kaya kong namang gawin ng isang normal na kalahating araw. In fact, hanggang ngayon na nasa bahay na ako e sobrang tinatamad pa rin ako habang tina-type ko ang blog entry na ito. At malamang, hindi ko na rin matatapos ito dahil sa

3 comments:

  1. sa... tunatamad ka?

    dugtungan portion ba ito?

    ReplyDelete
  2. Haha! Sabi ko nga pati pagtapos ng blog hindi na nagawa dahil sa sobrang katamaran :P

    D ka nagiisa kahit ako (at karamihan ng officemates ko) tamad na tamad kahapon. Nung lunch time nga e d na namin napansin yung oras lagpas 1pm na pala at nagkkwentuhan pa rin kami sa foodcourt dahil tamad kaming bumalik sa office :P

    Oh well sana naubos na lahat ng katamaran kahapon para d maipon yung mga gagawin/tatapusin na trabaho :)

    ReplyDelete
  3. haaayy kamiss tlga ing bobo ang bumasa nito!!!!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails