Monday, January 12, 2009

Mga Dumudungaw Na Ulo

At dahil Lunes na naman, hindi pwedeng hindi magsisikan ang mga tao nitong umaga sa MRT. Simula nu'ng magtrabaho ulet ako, araw-araw e sa Magallanes at Shaw Blvd. ako sumasakay at bumababa. E nitong umagang 'to habang naggigitgitan kami sa loob ng umaandar ng tren, napagtripan kong basahin ang mga text messages sa inbox ng phone ko. May ugali kasi akong basahin ang mga "memorable" na text messages na natanggap ko, at ugali ko rin na magbura ng mga hindi gaanong mahalagang mga text. E habang ginagawa ko 'yun, naramdaman kong nakadungaw din sa cellphone ko ang mamang katabi ko. Nu'ng una, hinayaan ko lang at pinagpatuloy ko 'yung ginagawa ko, kasi baka nga napatingin lang at magkatabi nga kami. E nu'ng naramdaman kong nakamasid at binabasa nga niya 'yung mga nakikita niya phone ko, bigla akong gumawa ng bagong text, tapos nilagay ko: "May nagbabasa ng text, ng may text." Bumaba siya sa sumunod na istasyon.

Nakarating ako sa opisina na muntik nang ma-late. Binuksan ko ang computer sa workstation ko, at nagtungo sa may terrace ng office namin para magkape. At nang matapos ang pagkakape at paglanghap sa medyo kaaya-ayang hangin ng Ortigas Center, naisipan kong magtungo sa Men's Room upang umihi. At du'n ko nalaman na bumiyahe na ako mula bahay hanggang opisina at lahat, bukas pala ang zipper ng pantalon ko. Kanina pa rin pala may dumudungaw dito. Kamusta naman ang mga chics na nasasalubong ko?



Picture Of The Day



PERVERT ALERT FAIL [FAILBlog]

Music: Demon Castle Pinnacle (from Castlevania: Dawn of Sorrow)
Mood: sleepy, feverish
Quote: Nagiging PG ang GP kapag si Jake na ang pinag-uusapan. (Magique)

3 comments:

  1. Good morning, Jake! Hahaha! Hindi kaya nakadungaw yung katabi mo e dahil bukas yung zipper mo at hindi sa text messages mo? Ngek. Nakakatakot siguro yun haha! Sana hindi naman bukas ang zipper mo ngayong umaga :)

    ReplyDelete
  2. ahaaay~ juding ata yung mamang katabi mo LOL

    ReplyDelete
  3. Oooh. Pakialamero. Epal. Whatever. Haha.

    Ang galing ng ginawa mo. At least kayo lang ang nagkaintindihan, at hindi siya napahiya sa publiko. Hahaha.

    Ugali ko rin yan, Jakey.

    Anyway, sorry. Hindi ko pa magagawa ang theme mo for now. Sorry talaga. Pero magagawa ko siya, maybe next month.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails