Monday, January 26, 2009

Nyuk Space

May ilang oras na yata akong nakatanga sa "Create Post" ng blog kong ito. Trip ko lang kasing mag-update ng blog pero wala naman talaga ako tiyak na ipo-post. Magpo-post ba ako ng tungkol sa mga pang-araw-araw na gawain? Isang araw sa buhay ko? Kwentuhang old-school ba? Tungkol sa usapang lovelife? Kwentong kalibugan? Ah ewan ko.

May mga pangyayari na habang gumagala ako sa labas, bigla akong makaka-isip ng isang bagay na iba-blog. O minsan pa, kahit ipu-Plurk ('nyemas naman kasi, hindi ko pa rin mapagana 'yang phPlurk na 'yan). Sasabihin ko sa isipan ko, "ah, mai-blog/mai-Plurk ko nga 'to mamaya pagkauwi ko." Pero pagdating sa bahay, wala. Nagkalimutan na. Lumipad nang parang eroplanong papel ang mga paksa na napagtripan kong isulat.

Tapos, dumating naman 'yung time na naisip ko na, "ah, ilalagay ko sa reminders ng cellphone ko ang mga iba-blog/ipu-Plurk ko para hindi ko makalimutan." Pero hindi rin gumana, kasi natatamad akong ilabas ang phone ko para ilagay sa reminders ko ang mga paksa na napagtripan kong isulat. Kampante kasi ako na maalala ko 'yun pag-uwi ko ng bahay. Pero nakalimutan ko na malilimutin pala ako.

Kanya-kanyang "style" 'yan, malamang sa malamang. Usually kasi e "on the spot" ako kung magsulat. Hindi masyadong pinag-iisipan at wala masyadong sinusunod. Tsaka ko na lang babasahin ng buo bago ko i-post kung may dapat bang baguhin. Kaya kadalasan, kinakailangan ko pang baguhin ng bahagya makalipas na ito ay mai-post. Habang ginawa ko ang entry nito, isang "writing style" naman ang trip ng isang kaibigan na itatago na lang natin sa pangalang Tonet. "What usually happens to me is, I start with a topic in mind but end up only talking briefly about it, and find myself talking more about something else." May naisip siyang topic, tapos sisimulan niya, tapos ang finished product e tungkol sa ibang bagay. Astig 'di ba?

Kaya 'eto ako ngayon, type lang ng type kahit wala namang topic. Oh ayan oh, may pa-backspace-backspace pa akong nalalaman. At habang tina-type ko ang talatang ito, nagpu-Plurk ako sa kabilang tab habang may ka-text naman ako. Ni hindi ko nga alam kung saan ko napulot ang pamagat ng post na 'to e. Tapos halos kada tapos ko ng isang pangungusap, babasahin ko 'yung kabuuan ng natapos ko kasi baka meron pa akong pwedeng baguhin - palitan, dagdagan, alisin.

Para na 'kong timang. Makatulog na nga.



Picture Of The Day


Oh, 'wag masyadong madumi ang utak. [SexHumor.org]

Music: Coldplay - The Scientist
Mood: sleepy, tired
Quote: "Maari po lamang na paupuin ang mga matatanda, mga babae, at mga bata. Maraming salamat po." - MRT

3 comments:

  1. hehehe.. sorry.. medyo madumi ang utak ko ngayon.. heheheh iba ang na imagine ko sa pic na yan.. very striking hehehe

    ReplyDelete
  2. Waw. Tagong tago ang pangalan ko ah. XDDD

    Ewan. Ganun talaga nangyayari sa`kin eh. May topic akong gusto idiscuss-- sabay sa pagdiscuss ko ng topic na yun may mababanggit ako at mamaya pa mapapansin ko na lang yun na yung majority ng blog ko. Galing lang eh. -_-;

    Haha. Madalas din mangyari sa`kin yan. Yung pag nasa labas ang daming naiisip i-blog, pero pagdating sa bahay, wala. Kaya tignan mo yung blog ko, walang kabago bago. Ang ironic pa minsan, kasi kung kelan maraming bloggable moments sa buhay ko, tsaka ako di nakakablog. Kasi walang oras, at sadyang di lang makapagblog. XD

    Bwiset na picture of the day yan. XDDD

    ReplyDelete
  3. Jake kamusta na?

    Nung mga panahon na trip na trip ko ang pagsusulat ng mga pangyayari sa buhay ko, naranasan ko din yung nakwento mo. Yung tipong alam mo na yung itatype mo pero paguwi mo sa bahay para matype, biglang nawawala na lang. Minsan kinakailangan ko pang kunan ng letrato yung bagay o kaya ilagay sa phone yung nangyari para maalala ko paguwi.

    More power sa blog mo ^__^

    Parang pamilyar yung letrato ah @____@

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails