Monday, February 23, 2009

MRTrip

Tulad lang ng dating gawi, araw-araw at gabi-gabi ako sumasakay sa MRT papuntang opisina at pauwi. Madalas e nakapwesto ako malapit sa pinto, para madali akong makalabas. Pero siyempre, umuurong naman ako pagitna kapag kailangan. Ayokong masagasaan ng rumaragasang mga tao at ayoko din akong mamura ng malutong dahil hindi ako umuurong pagitna kung marami namang espasyo duon.

Minsan (o sige, madalas), hindi ko maiwasang pansinin ang ibang mga nakasakay du’n. Ewan ko sa ibang mga lalaki kung bumibigat ang mga yagbols nila tuwing nasa loob sila ng MRT at nadi-deflate pagkalabas nila. Pa’no kasi, hindi man lang marunong magpaupo sa mga mas may kailangan ng mga upuan, katulad ng mga babae, matatanda, o kahit pa mga bata. Kahit na malutong na ang pagkakasabi sa intercom na “Maari po lamang paupuin ang mga matatanda, mga babae, at mga bata,” hindi man lang nila muna buhatin ang mga bayag nila at magbigay ng upuan.

Nu’ng minsan kasi, may tatang kaming kasakay sa bahagi namin ng tren. Medyo nakaka-awa lang tingnan, lalo na’t medyo halatang beterano nu’ng panahon ng giyera (yata, kasi sa suot niya). Hindi rin ako sigurado kung tumanggi lang siya nu’ng binigyan siya ng upuan, o talagang walang kusa ang mga andu’n at paupuin siya.

Mas malupit nu’ng isa ring pagkakataon na may isang napakaganda at nakabibighaning chicababes ang nakahawak lang sa handrail. Pinagmamasdahan ko at pinagtatawanan ang mga hitsura ng mga lalaking sitting pretty sa mga upuan at nakatingin ng malagkit sa magandang prinsesa. Sabi ko sa sarili ko, “’taena nitong mga ‘to, panay tingin lang ginagawa, pero hindi man lang magawang magpaligaya at magpaupo saglit.” E iisa lang ‘yung handrail na hawak-hawak naming kaya tanaw na tanaw ko ang kanyang natatanging kagandahan. Siguro kapag ako ‘yung may upuan, pauupuin ko siya – sa kandungan ko. Pero joke lang ‘yan. Shemperds ibibigay ko upuan ko, ‘noh?

Kapag natataon na may kasama akong babae at medyo tinamaan ako ng trip, itatanong ko ng medyo malakas sa kasama ko, "wala bang magpapa-upo sa'yo dito?" Buti na lang at wala pang shoot-to-kill order sa'kin hanggang ngayon.

Oo, pwede naman sabihin ng mga ‘to na “e bakit hindi sila sumakay du’n sa area nila e meron naman nang nakalaan kahit sa kanila?” Aba kahit na. Ibig bang sabihin e hindi sila pwedeng maging pogi na katulad ko at maging gentleboy muna, mag-alok ng upuan sa mga nangangailangan? Pwera yabang, pero inaalok ko ang upuan ko sa mga may kailangan, kahit sa bus.

Maliban diyan, madalas din akong nakaka-encounter ng mga tao na hindi yata tinuruan ng mga magulang nila nu'ng mga bata pa sila. Kung makasingit kasi sa pila, akala mo kung sino'ng bida-bida. Pero tsaka na lang ako magkukwento tungkol diyan kasi natatamad na ako.

(Epekto ng tao na walang magawa habang bumibiyahe sa tren. Pagbigyan niyo na.)



Picture Of The Day


Ganito ang relo na bagay sa'kin, panigurado. [SexHumor.org]

Music: music from Rhythm Tengoku Original Soundtrack
Mood: Contented
Quote: "'Anything' is a very dangerous word, lieutenant." (Oberst i.G. Claus von Stauffenberg [Tom Cruise, "Valkyrie"])

8 comments:

  1. haha jaaaake. ako nga nagpapaupo ng mga bata eh. taenang mga lalaki yan. sarap tadyakan eh. :D

    ReplyDelete
  2. naalala ko tuloy yung pinakamalala ko atang experience nung nakatulog ako sa tren habang nakatayo. nagigising na lang ako pag bagsak ng ulo ko. may mag-asawa sa harap ko na nakaupo, sabi ng mister, "paupuin mo sya o". reply ni misis, "ayoko nga". magaling silang dalawa. lol. (sobrang onti lang ata nakatayo nung mga oras na yun.)

    ReplyDelete
  3. Iba-iba tayo. Hindi ako madalas magpaupo. Sa aking lang, alam na natin na may pwesto para sa mga babae, matanda at bata. Siyempre, gusto ko rin sulitin ang binayad ko sa MRT, kaya hangga't maaari, nagroroundtrip ako para makaupo. Hindi naman siguro kasalanan na hindi ka magpaupo, dahil sinusulit mo lang ang binayad mo :)

    Sa ibang dako, hindi ako basta-basta nagpapaupo hangga't hindi dapat. Una, ang pinapaupo ko eh kung nakikita kong nahihirapan, maganda man o pangit. Hindi naman tama na magpaupo ako dahil maganda siya, pero yung katabi niya ang mas nangangailangan ng upuan.

    Dati nga, may inalok akong umupo, aba, tinanggihan ako (lol) Bahala siya, upo na lang ako ulit. Hehehe.

    Pero yang sumisingit sa pila niyan? Oo, kahit ako nakakasalubong ng ganyan, sarap tisurin. :D

    ReplyDelete
  4. Kuya Jake, nung OJT ako sa Makati naranasan ko din yung mga ganun na scenario. May pagkakataon nga na naging palaman ako ng dalawang matabang lalaki. Sa may Shaw yun eh. Diba yung pintuan, sa kabila nagbubukas. Nagkataon na may katabi na nga akong mataba, biglang pasok naman nung isa. Malas dahil pauwi na ako nun. Kakaiba yung pakiramdam. Maging palaman...

    Masarap din talaga yung pakiramdam pag mangaalok ng upuan lalo na't sa mga "nangangailangan" talaga. May isa pa ngang karanasan na nagtanggal ako ng bubble gum sa likod ng aleng palabas ng tren. Natanggal ko nga pero nagkaroon naman ng mahabang manipis na mala-sapot na sinulid gawa nung bubble gum na yun. Naging Peter Parker tuloy ako ng 'di-oras.

    ReplyDelete
  5. D ko na matandaan yung huling sakay ko sa MRT. Pero alam ko nanibago pa ako nun kasi meron na pala nung para sa mga Babae etc. *lol* Yung huling sakay ko sa ganong transportation sa Singapore pa, pero ganon din sa SG bihira akong nakakita ng mga nagpapaupo... Yung once na may nakita ako, Pinoy pa nga ata yung nagpaupo e :) Meron din mismong priority seats para sa disabled/senior citizens pero kung minsan inuupan na rin yun ng hindi naman "priority". Yung minsan na nakasakay ako ng MRT dito hindi talaga ako umuupo... Kahit siguro may magpaupo sa akin mahihiya ako hihi!

    ReplyDelete
  6. Hindi naman ako madalas sumakay ng MRT, kaya 'pag sasakay ako, sinisigurado kong sa aming "section" ako lulugar. Mahirap na. Hehe.

    ReplyDelete
  7. Wow plus pogi points ka lol
    Seriously, it's good to know chivalry isn't dead. :)

    Ok lang sa kin nakatayo sa buong ride ng MRT/LRT pero it is nice when someone offers their seat. (Nangyayari pa naman sya :) )

    ReplyDelete
  8. dun sa pagpapaupo sa matanda, sobrang okay saken un pero ung idea na dahil babae siya (na hindi matanda, maganda or hindi) eh dapat paupuin, eh mejo off saken kasi eh ano naman kung nakatayo cla? dapat gamitin naman nila ung lakas nila at mga paa nila. Ang society at tradition kasi ginagawa lang clang mahila kung sa gayon. Hindi ba nila kaya tumayo? matagal nakong against sa ganitong situation... everything is ought to be fair..

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails