Tuesday, March 10, 2009

Hindi Ko Sasabihin Sa'yo: My Eraserheads Final Set Experience

"The Eraserheads, Live! The Final Set" - isang hindi malilimutang concert para sa humigit-kumulang 100,000 kataong dumalo. Sa pagkakaunawa ko, tatapusin na lang nila ang naputol na concert nu'ng nakaraan taon. Kumbaga e itutuloy lang nila ang pangalawang bahagi. Pero higit pa sa pagpapatuloy ang ginawa ng isa sa mga pinaka-maimpluwensyang banda sa bansa. Masaya ako at naging bahagi ako ng kasaysayang ito. Aba e idol ko sila simula pa nu'ng Elementary ako. At ang pinakaunang cassette tape na binili ko sa buong buhay ko e 'yung "Cutterpillow."

Dalawang oras na pagtayo sa paghihintay ang inabot namin bago nagsimula 'yung mismong concert. Pero napawi din ang inip nu'ng nagsimula na rin sa wakas ang concert. Pero bago 'yan, TOTAL OWNAGE ang inabot ni Tim Yap at mga tropa niya dahil pinaiinip nila lalo ang mga hindi na makapaghintay na mga tao. Sabi ko pa nga, "ah, ah, iiyak na 'yan."

At ayun, nagsimula na nga ang pinakahihintay ng lahat. Karamihan (hindi lahat) sa mga tinugtog nila e galing sa unang tatlong albums nila. Special sa'kin ang halos lahat ng mga kanta galing sa "Cutterpillow" kaya sobrang natuwa ako nu'ng tinugtog nila ang ilan sa mga kanta galing du'n.

At siyempre, alintana pa rin sa banda ang isyu "group hug" na 'yan. Pero hindi katulad nu'ng last year na halos wala silang reaksyon, medyo sumagot naman si Ely nu'ng nagsisigawan na naman ng "group hug" ang mga tao. "Kayo muna!," at "Sino'ng BRU-HA?!," sagot niya.

Natuwa/natawa at naaliw din ang mga tao nu'ng tinugtog nila ang "Huwag Mo Nang Itanong." With Markus on the vocals, mala-reggae ang ginawa nila sa kanta. Puncher din ang medyo inibang lyrics. "At hindi ko sasabihin sa'yo."

"Slo Mo" - non-single song nila from Cutterpillow na isa sa mga pinakagusto kong kanta sa lahat. Kaya natuwa din ako nu'ng binanatan nila 'yan.

Aliw din ang mga tao over the Ely-Raimund hype, at sa mga moments na nagkaka-"encounter" sila sa stage, sige lang sa hiyawan ang mga tao. Lalo na nu'ng nag-posing pa si Raimund sa tabi ni Ely habang binabanatan ang "Alkohol."

Nu'ng pangalawang set, medyo iniba nila ang istilo sa pagkanta ng kanilang mga hit singles. Mala-acoustic at laid-back ang setup. Tulad ng inaasahan, wala pa rin silang palya sa aming mga fans sa bawat kanta na kanilang binanataan sa set na ito.

"Kailan" - nag-solo si Ely para sa kantang ito, na sinamahan naman ng keyboards galing kay Jazz Nicolas (ang "secret weapon" nila). Ramdam na ramdam talaga ang ang bigat ng kanta. 'Yun lang, sa gitna ng kantang ito ay may biglang bumulagta sa harapan namin. Dahil sa sobrang siksikan at gitgitan ng mga tao at sa kawalan ng hangin, nag-collapse ang isang babae sa may bandang harapan namin. Buti naman at nasalo naman siya agad ng kasama niya. Medyo naka-recover na at nakapagsalita, tapos nag-collapse ulet at totally passed-out na. "Ilabas niyo na 'yan." Sabi ng mga tao. "Baka inantok sa kanta," sabi ko.

"Overdrive" ang huling kanta para sa second set, tapos bigla nag-"goodnight" at "thank you" si Ely. Sabay patay ng mga stage lights. Natural, halos lahat sa mga tao ay sobrang bitin at naghihiyawan na ng mga alam-niyo-na. "More!" "Bitin!" Mukha nga namang bitin, pero pwede na rin. After all, tatapusin nga lang naman nila ang ikalawang kalahati ng naiwan nilang set nu'ng last year. Sobrang natawa pa nga kami nu'ng may sumigaw ng "Think Positive! Walang aayaw!" Pucha, epic 'yun. Parang familiar kasi 'yung linya. Commercial pala ni Robin Padilla 'yun sa Revicon Forte. Pero, pakiramdam namin na parang may kulang at meron silang hindi nagawa.

Malamang, pabitin lang nila 'yun. Imposibleng makalimutan nila ang dapat sanang kapiling nila bilang guest. Pero dahil nauna na siya sa atin, naging tribute ang pangatlong set na ito para sa kanya. "Kung mahal niyo si Francis, sumigaw kayo!" At nagrakenrol ang mga tao sa "Superproxy." Si Ely na din ang nag-rap para sa Man From Manila. Damang-dama ng buong fans si Francis M sa puso.

"Minsan" - bakas na sa banda ang kabigatan ng kantang ito. Ewan ko kung ginawa ni Ely ang part niya sa kantang ito para kay Francis M, o para sa mga kabanda niya. Pero mababakas mo talaga sa expression ni Ely ang gravity ng kantang ito. Sinundan niya ito ng "Alapaap." At bilang muling paggunita kay Francis M, binanatan nila ang chorus ng "Kaleidoscope World" bago ang huling kanta... "Ang Huling El Bimbo."

Sa kantang ito medyo nadama namin na, oo nga, ito na (yata) ang huling pagkakataon na makikita namin silang magkasama at nagrarakenrol bilang Eraserheads. At ayun nga, sinunog ni Ely ang piano na makikita natin sa "Sticker Happy." Open for interpretation na lang siguro 'yun.

'Eto na 'yung malupit.

Nagsisilabas na ang ilang mga tao sa exit nu'ng nagulat kami. Dahil bitin daw ang mga E-heads (at malamang kaming mga fans), biglang umakyat ulet ang banda para sa isang encore. Nagsigawan ang mga tao nu'ng in-announce ni Ely ang "three for the road!"

'Eto na 'yung mas malupit.

Bale kasi nasa Silver section kami. At dahil nga sa hype ng encore, hindi na rin namin napigilan at nag-gatecrash na kami papunta sa Gold section na nasa harapan. Instant! Nagsiakyatan ang mga tao sa barikada hanggang sa napabagsak ito, at nagsitakbo kami papunta sa Gold section. Oh yes!

Isa sa pinaka-memorableng concert!

Line-up:

Set 1
1. Magasin
2. Walang Nagbago
3. Maling Akala
4. Maskara
5. Poor Man’s Grave
6. Waiting for the Bus
7. Huwag Mo Nang Itanong
8. Slo Mo
9. Alkohol
10. Insomnia
11. Torpedo

Set 2
1. Julie Tearjerky
2. Tikman
3. Wishing Wells
4. Fine Time
5. Pare Ko
6. Kailan
7. Back2Me
8. Trip To Jerusalem
9. Spolarium
10. Overdrive

Set 3
1. Superproxy
2. Minsan
3. Alapaap
4. Kaleidoscope World
5. Huling El Bimbo

Encore
1. Ligaya
2. Sembreak
3. Toyang



Picture Of The Day


More pictures at my Multiply photo album!

Music: Eraserheads - Slo Mo
Mood: Blank
Quote: "Think positive! Walang aayaw!" (some fan shouting at the E-heads concert when we thought it ended at the second set)

5 comments:

  1. wow.. katuwa naman.. nakanood ka ng concert ng eraserheads.. i was a fan.. but unfortunately, walang chance na makanood ako.. bale, next time siguro

    ReplyDelete
  2. Hindi ko alam na ito na yung pinakhuling concert nila :( If nalaman ko lang sana e di nanood din ako. Hindi naman ako fan pero may ilang kanta rin silang nagustuhan ko. Lalo na yung Wag Mo Nang Itanong :)

    Anyways, mukhang sulit naman at masaya yung experience nyo :) Sana naexperience ko rin yun :(

    ReplyDelete
  3. Grabe JAke, hindi nga ako nakapunta nung concert nila pero nailarawan mo talaga yung kaligayahan na naranasan mo dun.

    Isang Eraser Heads fan din ako kaya ayun..

    ReplyDelete
  4. Ingit ako sayo, Jakey!! =(( Pinapanood ko nga sila ngayon sa YT! Haha! Benta yung "pira" ni Ely sa Toyang- tapos si Tim Yap, "Ah... pen, pen, pen?" HAHA!! Grabe EPIC sila!! Thanks sa list ah! I-search ko yan!! =))

    P.S. Bakit nga ba hindi sila nag group hug? Mashadong cheesy?

    ReplyDelete
  5. hmmm.nakakatuwa ang experience na yan.
    fan din ako ng eheads.
    gusto ko man pumunta hindi pwede dahil ang layo ko kaya sa moa.
    isa pa. nag-aaral ako.
    kainggit...
    gusto ko sila makita sa personal...
    hayyyyyyyy!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails