Friday, March 27, 2009

Pinoy Kontrabida: Isang Mumunting Pagkilala

Isa sa mga dahilan kung bakit madalas e nakaka-appreciate ako ng mga Pinoy action movie eh dahil sa iisang napakahalagang bahagi nito: ang mga kontrabida. Ewan ko ba, aliw na aliw ako sa kanila e. Mula sa kanilang mabagsik na hitsura, matipunong pangangatawan, perpektong tabas ng bigote, hanggang sa kanilang swabeng pagkilos at pag-asta, may sarili talagang pangalan ang mga kontrabida sa mga pelikula kung saan sila gumanap. Kumbaga e iconic na sila dahil sa kanilang imahe. Minsan nga iniisip ko, makamandag din ang mga magagandang lalaking ito kahit na lagi silang deadball sa pagtatapos ng pelikula. Aba, hindi lahat ng tao e walang galls na maging bad guys na katulad nila, 'noh?

Dati, naisip kong mag-compile ng mga pangalan ng mga pinaka-nakakatakot na kontrabida - mapa-hitsura man o mapa-kilos, pero ang hirap pala. 'Yung iba kasi, kilala ko lang sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan. Kaunti lang ang alam ko sa pangalan e. Paquito Diaz, Romy Diaz, Subas Herrero, Ruel Vernal, Bob Soler, Dindo Arroyo, Bomber Moran, Dick Israel, Max Alvarado, John Regala, Armida Siguion-Reyna, Odette Khan, Jorge Estregan Jr., Bella Flores, Rez Cortez at 'yung matandang babae na laging gumaganap na white lady sa mga Pinoy horror films. Meron pa akong marami na kilala sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan. Tulad ng matabang lalaki na minsang tumawag kay Vic Sotto na "garapatang payat" sa isang pelikula. O kaya 'yung mga goons at mga sidekicks na madalas nating nakikita. Nyuk.

E ngayong araw, naisip ko na lang na mangalap tungkol sa mga kontrabida facts. Mga trivia at samutsaring bagay na alam na alam tungkol sa mga lalaking ito na ubod ng machism at sa mga babaeng feisty. Ito 'yung mga bagay na madalas nating mapansin at makita at halos hindi na mawala.

Salamat sa lahat ng mga sumagot at nakisabay sa aking trip. Special mention nga pala kay kumpareng Gasoline Dude. Na-inspire kasi ako nu'ng pinili niya ang suggestion ko para sa kanilang Plurk riot: pangalan ng mga kontrabida!

1) Laging naka-leather jacket ang mga kontrabida, kahit summer at tirik na tirik ang araw.
2) Laging sumisigaw.
3) Hindi pwedeng mamatay nang maaga ang kontrabida. Dapat, lagi sa ending.
4) Ang mga kontrabidang babae, madalas ay kulot.
5) "Talasan nyo mga mata ninyo! Nandyan lang 'yan sa paligid!" ang isa sa mga lagi nilang sinasabi pag naghahanap.
6) May eksena na nag-iinuman ang mga kontrabida sa sari-sari store, tapos babastusin nila ang leading lady kapag dadaan ito.
7) "Sumuko ka na! Napapaligiran kita!"
8) Laging may partner na seksing-seksing babae na mukhang pokpokers.
9) Kapag nagbakbakan ang bida at kontrabida, magtatago muna sila sa kanilang sulok at magda-dayalog muna ng isang page.
10) Kaya nilang mag-command ng isang buong battalion sa pamamagitan lamang ng hand signals.
11) Favorite nilang hideout ang mga safehouses o mga warehouses.
12) Wala pang kontrabida na buhay pagkatapos ng sine.
13) Nang-hohostage ang kontrabida.
14) May mga koneksyon sila sa kapulisan o sa gobyerno.
15) Kadalasan, yung leading lady ang hostage ng kontra bida.
16) Pinapahirapan nila ang mga malalapit sa mga bida. Minsan, pinapatay pa.
17) Madalas may malupit na bigote.
18) Hindi agad sila namamatay.
19) Sobrang mabisyo ang mga kontrabida.
20) Tawang nakakaurat. Bwahahahaha!
21) Laging sila ang mayaman.
22) Akala mo, patay na ang kontrabida sa ending pero kukuha ito ng baril at babarilin ang bida. Parang encore shot ng kontrabida.
23) Mga kontrabidang babae: paawa silang yayakap sa leading lady, pero sa likod e ngumingiting may masamang balak.
24) Laging may last words ang kontrabida bago mamatay, katulad ng "magkita na lang tayo sa impyerno!" tapos bigla silang sasabog o malalagutan na lang ng hininga. Minsan pa, tumatawa pa ng mala-demonyong tawa bago mamatay.
25) Tumatawa sila kapag nanggagahasa sila.
26) Mga kontrabida ay halos magkakamukha.
27) Mahilig silang tumambay sa beerhouse, tapos biglang magkakagulo duon dahil pagtitripan nila ang bida o ang mga babe.
28) Hindi mawawala ang grenade launcher rifle na at least dalawang pasabog.
29) Para rin silang mga sirang plaka. inuulit lang ang sinasabi ng mga big boss man.
30) Nakakaiskor sa mga leading lady.
31) Bulok lagi ang mga kotse nila. Tapos hindi pwedeng wala sila L-300 o pickup. Preferred color: white.
32) Huwag kalimutan ang malakamandag na BGM ni Jaime Fabregas.
33) Ang mga low-level na kontrabida (mga tauhan, etc.) ay mga stuntmen o 'yung tipong galing sa isang agency.
34) Madalas nag-iinuman, nanggagahasa ng leading lady, o nagto-torture ng mga supporting bida nang bigla silang makakarinig ng putok galing sa labas.
35) Preferred drinks: brandy, rhum, beer, gin. Mahilig rin sila sa sigarilyo at tobacco.
36) Mag-amang kontrabida ang kadalasang setup pagdating sa industriya ng mga ipinagbabawal na gamot.

Panigurado, kulang na kulang ito at marami pa ang pwedeng idagdag dito. Pero basta, pasalamat ako sa mga kontrabidang ito dahil malaki din ang bahagi nila para masabing "may umaatikabong aksyon" ang isang pelikula.

At siyempre, salamat din sa mga nagbigay ng sagot nila. Hindi ko na mailalagay ang pangalan nila, kaya 'eto at tingnan niyo na lang sa aking Plurk update kung saan nagmula ang lahat ng ito: KONTRABIDA FACTS - Let's compile everything we know about Pinoy kontrabidas!



Picture Of The Day


Saktong-sakto lang naman. [Failbog.org]

Music: Oasis - Stand By Me
Mood: Irritated
Quote: "Tuyo ka na ba? Mareremedyuhan mo naman 'yan. You're the Kinky Bunneh" (Sidney)

4 comments:

  1. Hindi ako mahilig manood ng mga action Pinoy films. Laging yung mga romantic comedies :) Pero kilala ko naman yung ibang mga kontrabida kasi kelan lang naman din nauso yung romantic comedies e. D ko alam na si Subas Herrero ay naging contrabida pala... Nung bata ako takot ako kay Odette Khan hehe ewan ko kung bakit :P Naalala ko parang nagplay din ata sya ng role sa Enteng Kabisote dati e... Dun takot na takot ako sa kanya.

    ReplyDelete
  2. ayos to ah!

    actually, hindi ako mahilig manood ng mga pinoy action movies o sabihin na nating wala akong kaamor amor panoorin sila kasi namin feeling ko walang dating tsk tsk.. parang mga soap opera lang na ganun at ganun pa rin ang plot iba lang ang mga bida. iba lang ang mga artista.. nabago lang ng kaunti ang set up pero ganun pa rin ang takbo tsk tsk..

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ReplyDelete
  3. Natutuwa ako Jake dahil may lugar na sa puso ko ang mga Filipino kontrabidas. Ayos yung mga well-known-facts tungkol sa kanila. Hanggang ngayon din ata, ganun pa din ang style nila.

    More power sayo ^____^

    ReplyDelete
  4. hay. hindi ako masyadong nanonood ng mga ganyan. kasi kapag action movies, i prefer foreign action movies. ewan ko ba, nakakaasar kasi eh. lagi na lang ganun ang flow. gusto ko may twist naman... hayyy!
    hakhak!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails