Monday, July 20, 2009

Kakain Na! Chronicles #1: Komoro Soba

Dahil isa akong frustrated food blogger at hindi ako sing-bigtime na katulad ng mga hardcore na "foodies," gagawa na lang ako ng "Kakain Na! Chronicles." Mahilig kasi akong mag-foodtrip, kaya naisipan ko na lang gumawa ng isang "food diary."

Komoro Soba, SM Megamall - Upper Ground Floor

Na-curious akong kumain sa Komoro Soba, kaya nitong maulang Lunes ng gabi ay naisipan kong kumain duon matapos ang isang stressful na araw sa opisina. Swak dahil gutom na ako at sweldo din naman.

Nakita ko sa menu ng Komoro Soba ang iba't-ibang uri ng soba at udon. Meron din silang rice bowls at iba pang karaniwang Japanese side dishes na katulad ng miso, gyoza, maki, atbp. Pagkatapos kong magtaka kumbakit wala yata ang aking paboritong yakisoba, um-order ako ng Yakiudon set meal. Set meal, bale yakiudon na may kasamang maliit na katsudon. Um-order din ako ng California Maki (masyado na akong gutom para mag-isip ng side dish, pero naisip ko gyoza sana ang o-order-in ko) at Pepsi bilang panulak.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, dumating na din ang inaasam-asam ko.



Yakiudon, maki, katsudon, at Pepsi. Hindi na masama para sa isang hapunan.



Ang pangunahing tampok, yakiudon. Sobrang satisfied ako sa pagkakagawa nila nito, dahil hindi ito katulad ng iba na kakaunti lang ang noodles at pinaramihan na lang ng gulay para masabing marami. At wagi naman ang sarap nito, ayos ang pagkakaluto ng udon. Okay na ang isang platong serving nito, pero kung katulad mo akong may bituka na singlaki ng fish pond, tiyak na mabibitin ka. Mabuti na lang at set meal ang in-order ko, na may kasamang katsudon.



Add-on ito sa yakiudon. Mabuti kung ganu'n, dahil nga sa malamang e kulang sa'kin kung 'yun lang lang. Pasok na din ang serving size nitong katamtamang mangkok, at siyempre pa'y seryoso ang nilalaman nitong kanin, tonkatsu (pork cutlet), at itlog. At katulad ng yakiudon, isang malaking check ang sarap nito.



Dahil ako 'yung tao na madalas e kailangang may side-dish, sinama ko din ang California maki sa order ko. Para ayos.



210 pesos ang total damage, pero sobrang busog sa dami at lasa. Paniguradong babalik ako dito para i-sample ang iba pa nilang mga soba at udon offerings. (Sabi na nga ba, hindi ko masyadong thing ang food blogging.)

Gutumin sana kayo pagkabasa niyo nito.



Picture Of The Day


Cookies ayos! [All Funny Pictures]

Music: Michael Jackson - Rock With You
Mood: blank
Quote: "When someone proposes a challenge, there's only one acceptable response: I'm READY!" - Spongebob Squarepants (through "his" Twitter)

7 comments:

  1. Ang sarap. Lalo na 'yung mga pwet!

    ReplyDelete
  2. masmaganda pa yun panty nung mga cookies kaysa sa panty ko! hohoho! XD anyway JAPANESE!! yumMmm!

    ReplyDelete
  3. naks ayos tong food blog thingy ahehe! mura na rin pala yung nakain mo ano..210 lang epro anlalaki ng servings..sulit na nga! gusto ko rin itry mukhang masarap yung kinain mo..bsta wag lang hilaw kasi di ko trip.

    parang gusto ko rin kumain ng mga ganung cookies..parang appetizer..haha!

    ReplyDelete
  4. hmmm.. those looked yummy.. i mean the food ha, not the picture of the day.. LOL... sulit na nga yung 201 sa sarap and servings ng nakain nyo.. ayos!!!

    ReplyDelete
  5. Suot ko kanina katulad nung cookie sa lower right-hand corner, LOL!

    This is already a decent food blog post, no. You wanna check out more, try this site: http://www.foodbuzz.com/

    At the very least gugutumin ka diyan. ;)

    ReplyDelete
  6. parang nagutom ako dun sa KATSUDON!!! ang sarap tingnan.. haaay matry nga jan pag may pang-damage na haha!

    ReplyDelete
  7. takaw mo naman! haha thanks for the post!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails