Sunday, September 20, 2009

Nang Biglang

Isang Lunes ng umaga, makulimlim ang langit at may bahagyang pag-uulan. Pero dahil siyempre isa akong empleyado, kinailangan kong pumasok. Naligo, nagbihis, bumaba, at lumabas na ng bahay, gamit ang isang maliit na payong.

May limang kanto ang dapat kong daanan bago ako makarating sa lugar kung saan e sasakay ako ng jeep papuntang MRT. Nasa may ikatlong kanto na ako nang biglang lumakas nang bonggang-bongga ang ulan. Sa sobrang lakas, nabasa ako na parang wala akong ginamit na payong. Basambasa ako mula bewang pababa. Naligo sa ulan ang pantalon ko, at pakiramdam ko e basahan na ang mga medyas ko. Ayoko namang bumiyahe at pumasok sa opisina na nasa ganitong sitwasyon, kaya ako bumalik pauwi sa bahay para magbihis.

Pagdating ko sa bahay, nag-uulan na rin ako ng mura dahil sa sobrang pagka-badtrip sa nangyari. Nasayang ang oras at pagod, at masyado na akong destroyed kahit na ba wala pang dalawang oras ang araw ko. Pero wala akong no choice. Nagpalit ako ng damit at tumambay muna ako sa harapan ng PC ko habang inaantay kong humina ang ulan at pinag-iisipan ko kung papasok pa nga ba ako.

Matapos ang ilang saglit at mapansin na parang humina na ang ulan na pwede na ulet suguran, bumaba na ako para lumargang muli. Pero laking gulat ko na lang pagkalabas na pagkalabas ko nng bahay.

Lumiwanag bigla ang langit at nagsusumikat ang araw, na parang nang-aasar pa sa'kin. "Tamang tripping lang, pards. Pang-good time ba."

Rak en rol.



Picture Of The Day


May kilala din akong kamukha nila. [Totally Looks Like]

Music: Aerosmith - Hole In My Soul
Mood: Exhausted
Quote: "Lead me not into temptation. I can find my own way."

7 comments:

  1. Nangyari na rin sa 'kin 'yan tol. Nampucha, wala pa akong payong non. Kaso hindi ako puwedeng umabsent kasi ma-e-excessive na ako sa klase ko 'yun (excessive=7 absences, automatically dropped). Hayup. Kahit may jeep, kailangan ko pa rin takbuhin ang pagkalayong building. Letseng jeepney rerouting ng UPLB. O wel. Nangyayari 'yan sa bawat isa. :D

    ReplyDelete
  2. bad hair day lang jake. smile! =D

    ReplyDelete
  3. haha nung Huwebes ba ito? Nag-meeting kami tapos may nagtext dun sa organizer ng meeting. Binabaha na raw ang bahay nila. Tiyempo tumingin kaming lahat sa bintana at makita namin ang langit, hello darkness! Matapos ang ilang saglit, sumikat ang araw. Uminit na ulit. Hello, sunshine!

    Nice artik, Jake. Rakenrol.

    ReplyDelete
  4. Ganyan talaga ang buhay. Weather-weather lang. LOL

    ReplyDelete
  5. haha oo no, ang kulit ng weather. kagaya ngayon, umuulan na naman ng bongga. malamang sa malamang, baha na naman sa espana pag gising ko bukas. oh well, weather weather lang yan. same story na narinig ko from one of my girl-friends, at ang pagkasabi nya pa eh, "Oh my god. I'm sooo fucking wet!"

    errrrr. sounds, porn-y. haha

    ReplyDelete
  6. sabe nga ni Rico Blanco, "tadhana'y merong trip na makapangyarihan". haha I feel for you, basang basa ako papasok sa office. pag dating ko dun, di man lang daw umulan. syet!

    ReplyDelete
  7. Nakakainis nga yun ah! Ang nangyari naman sa akin minsan e pagkalabas ko ng bahay bubuhos yung ulang ng pagkalakas lakas, hindi ako makasakay sa kotse dahil kahit magpayong ako e wala rin kwenta... Pero mapilit ako at tumakbo papunta sa kotse, saktong pag pasok sa kotse tumigil yung ulan! HAHA! Nakakainis talaga pero ano pa ba magagawa ko? Natawa na lang ako sa nangyari.

    Ang weird talaga ng panahon ngayon... At napansin ko lang lahat ng Saturday ng September umuulan. Wala lang, nashare ko lang :P

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails