Friday, December 31, 2010

Obligatory New Year Post: Marami Na Akong Booking

Ngayong 2011, bubuhayin ko ulet ang aking hilig sa pagbabasa ng libro. Hindi ko na kasi nagagawa 'yan dahil, parang bumaba ang attention span ko ngayon pagdating sa pagbabasa ng mga makakapal na libro. At dahil abala talaga akong tao.

Nu'ng elementary ako, mga simpleng libro lang naman ang binasa ko. Tipong "Red Storm Rising" (Tom Clancy), "Hitler Diaries" (Richard Hugo), at "Schindler's List" (Thomas Keneally) lang naman ang mga binasa ko. Pero siyempre hindi ko naman tinapos ang lahat ng 'yan dahil masyado pa yatang bata ang pag-unawa ko para sa mga ganyang nobela.

At sa totoo lang, pinalaki talaga ako ng tatay ko sa mga encyclopedia, general reference books, at medical books (dahil plano niya talaga akong maging doktor paglaki ko). Hindi sa pagmamayabang, madalas e mas advanced pa ang alam ko kesa sa mga kaklase ko nu'n, lalo na pagdating sa Science (Biology, Anatomy, General Science). Nu'ng Grade 5 ako, hindi alam ng mga kaklase ko noon na ang Mariana Trench ang pinakamalalim na lugar sa buong mundo, si Karl Landsteiner ang bumuo ng basic blood groups, ang ibig sabihin ng USSR ay Union Soviet of Socialist Republics, at pneumonoultramicroscopicsiliconvolcanoconiosis ang pinakamahabang salita na lumabas sa talasalitaan. (I still now these by heart, kaya walang daya 'yan.)

Nu'ng nag-college ako, medyo nawalan na ako ng interes magbasa. Pero nabasa ko naman ang unang anim na libro ni Bob Ong. 'Yun lang.

May challenge ako sa sarili ko ngayon. Nilista ko ang mga librong plano kong basahin para ngayong 2011. Alam kong karamihan sa mga ito ay nabasa niyo na kung kayo ay certified bookworm. Karamihan naman kasi sa mga ito ay maituturing na literary classic. Yep, I know I'm already late as heck. Pero, walang basagan ng trip.

Oo, halos buong timespan ng mga classics ang hahabulin ko, pero okay na din ito bago ko hanapin ang mga present-day bestsellers. Siyempre makakatulong din ito sa mga sitwasyong katulad ng pagre-reference sa kanila sa pop culture, o para maka-kwentuhan ko na rin ang idol kong si Jenn pagdating sa mga libro.

At pagkatapos ng anim na buwan, tingnan natin kung may progress nga ba ako.

Bukod sa book challenge ko, ito ang ilalatag kong mga plataporma ngayong 2011:
1) Mag-e-enroll ako ng violin lessons.
2) Ituloy na rin ang hindi matuluy-tuloy na kauna-unahan kong out-of-town trip. Hindi kasi natutuloy dahil naubos ang pera ko sa ospital.
3) Bumili ng netbook.
4) Bawasan ang sobrang kasupladuhan.
5) Maging active ulet sa pagba-blog kahit na wala na talagang bumabasa nito.

Maligong Bagong Taon sa inyong lahat, aking mga minamahal na kaibigan.

Mga tapos ko nang basahin:
The Catcher in the Rye (J. D. Salinger)
Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan (Bob Ong)
The Game: Penetrating The Secret Society of Pickup Artist* (Neil Strauss)
The Rules of the Game (Neil Strauss)

Mga librong meron ako at babasahin ko pa lang:
The Layguide (Tony Clink)
The Art of Seduction (Robert Greene)
The Pickup Artist (Mystery)
The Alchemist (Paulo Coelho)
The Adventures of Tom Sawyer (Mark Twain)
The Adventures of Huckleberry Finn (Mark Twain)
Emergency: This Book Will Save Your Life (Neil Strauss)

Mga librong bibilhin ko pa lang para basahin:
And Then There Were None (Agatha Christie)
The Little Prince (Antoine de Saint-Exupéry)
Charlotte's Web (E. B. White)
War and Peace (Leo Tolstoy)
The Diary of a Young Girl (Anne Frank)
To Kill A Mockingbird (Harper Lee)
Nineteen Eighty-Four (George Orwell)
The Godfather (Mario Puzo)
Sophie's World (Jostein Gaarder)
The Seven Habits of Highly Effective People (Stephen R. Covey)
The Hitchhiker's Guide to the Galaxy (Douglas Adams)
Tuesdays with Morrie (Mitch Albom)
Charlie and the Chocolate Factory (Roald Dahl)
Norwegian Wood (Haruki Murakami)
Men Are from Mars, Women Are from Venus (John Gray)
Diary of a Wimpy Kid (Jeff Kinney)
Rich Dad Poor Dad (Robert Kiyosaki)

Iba pang librong baka basahin ko, kung sisipagin:
The Name of the Rose (Umberto Eco)
The Tale of Peter Rabbit (Beatrix Potter)
Perfume: The Story of a Murderer (Patrick Süskind)
The Lovely Bones (Alice Sebold)

*I consider this book as my personal Bible. And I consider Neil Strauss as my role model.

Picture Of The Day


Sana ganu'n lang kadali, 'di ba? (Monday Thru Friday)

Music: Air conditioning unit
Mood: Hungry
Quote: "Don't ever tell anybody anything. If you do, you start missing everybody." (Holden Caulfield, "The Catcher In The Rye")

Thursday, December 23, 2010

Panauhing Panghangal

Nitong Sabado (18 Dec), dalawang Christmas Party ang pinuntahan ko. At hindi lang ito basta-basta pupunta lang, tapos kakain, tapos kukuha ng regalo. Ako kasi ang naatasang mag-host ng parehong party na ito. Kumuha kaya ako ng hosting career?

First Party: Barkada


Nu'ng sinuot ko 'yung shades at fake na bigote, bigla kong naging kamukha si Dick Israel.

Naging tradisyon na ng barkada ko mula sa isang online community na ako ang maging "panauhing panghangal" nila sa aming mga party. Mainstay host na kasi nila ako. Bandang hapon nagsimula ang programa. Dapat nga e tulad ng kinagawiang gabi, pero dahil nga meron din akong kelangang party na puntahan kinagabihan, napagbigyan naman ang request ko na gawin sa hapon ang aming programa.

Ang natanggap ko sa aming exchange gift ay isang handmade na Hatsune Miku plush. Ang cute ng pagkakagawa. Gusto ko nga sanang lagyan ng lace para isasabit ko sa leeg ko. Para cool. Bukod dito ay nakatanggap din ako ng KitKat Dark Chocolate na exclusive yata sa Japan. At, nakatanggap din ako ng "Buddha Award" galing sa kanila. 'Wag na kayong magtanong kung ano 'yan.

Nasa kalagitnaan pa lang kami nang party pero kelangan ko nang lumayas para tuparin ang pangako kong pagho-host sa pangalawang Christmas Party.


Siyempre group pic muna bago umalis. Kursunada yata nila 'yung nipples ko.

Second Party: Company


Parang totoo lang.

Kasalanan ko yata kaya na-late ang start nang party. Na-late kasi ako nang mga kalahating oras. Pa'no ba naman, pahirapang sa pagkuha ng taxi. Pero okay na din. Pagdating ko sa venue, wala nang pahi-pahinga. Kuha na agad ng microphone at sinimulan ko na ang aking tungkulin.

Challenging ang pagho-host ko dito. Una, medyo pagod na ako dahil sa malawakang kaguluhan, katatawanan, at katarantaduhan na natamasa ko sa naunang party. Medyo bugbog na ang lalamunan ko, pero kahit papaano e naging klaro pa rin. Pero, para sa pangalawa, medyo fail ang sound system ng venue. Kinakailangan kong lakasan ang boses ko - all the time. Pangatlo, andu'n ang dalawang boss naming expat, kaya dapat diri-diretso ako sa inglisan. Siyempre, disrespectful 'yun kung magta-Tagalog ako tapos wala silang maintindihan. At ang pang-apat, medyo "mainstream" ang mga banat ko dito. Dapat, wholesome. Walang bahid kamanyakan.

Sa loob nang apat na oras, idinaos ko sa pagho-host ang mga party games na inihanda para sa party na 'yon. Sigaw, tawa, bigay-instructions sa mga kasali, speech, introduction. Dapat, malakas ang boses. Dapat, English ang salita. At ang natanggap ko sa exchange gift ay umayon naman sa wishlist ko: 'yung bagong libro ni Bob Ong.


Simply one of the best teams I've ever worked with.

Ang araw na 'yon ang isa sa mga highlights ko para sa Holiday season. 'Tangina, kinabukasan nu'n e parang boses-binata ako. Masakit ang lalamunan - tumoma at nag-Starbucks pa ako pagkatapos ng lahat ng 'yan, kasama ang mga kaopisina - pero ayos lang. Hindi ko kasi maikakailang natutuwa ako kapag may isa o dalawang tao na nagsasabing ayos ang ginawa ko sa mga pagho-host na 'yan.

Mukha pala akong metrosexual nu'ng Sabado: Isang metro na lang, homosexual na.



PS: Kunwari, hindi ko birthday kahapon.



Picture Of The Day


Tenen.

Music: Voltes V Opening Theme
Mood: Neutral
Quote: I am not blocking the view. I am the view.

Wednesday, November 3, 2010

My Most Memorable Pinoy Old TV Shows Part 1

Naalala niyo pa ba itong aking blog entry tungkol sa mga pinaka-naalala kong lumang TV commercials? 'Yung mga nakikita niyong kina-copy-paste sa ibang mga blogs at kumakalat sa mga chain emails? Matagal ko nang iniisip na gawan ito ng sequel ngunit nagdadalawang-isip ako dahil baka ganu'n din ang kahihinatnan. Pero dahil alam kong marami talaga ang natutuwa sa tuwing napag-uusapan ang magagandang mga palabas sa TV dati, 'eto na ngayon at ipapabahagi ko sa inyo ang aking naalala. Ito nga ay dahil sa "pinalaki ako sa TV."

Sa unang bahagi, samahan niyo ako at sariwain natin ang mga hindi ko pa nalilimutang mga palabas sa ABS-CBN Channel 2.

May maraming taon na nagsisimula ang araw ko sa mga cartoons sa umaga, katulad ng Julio at Julia, Peter Pan, Tom Sawyer, Huck Finn, Remi, Ceddie, at marami pang iba na sa sobrang dami e dapat lang na magkaroon ng panibagong blog entry para sa mga 'to. Susunod naman dito ang Bananas In Pyjamas. May pagkakataon na sa tuwing uuwi ako galing school, saktong simula na ng Teysi Ng Tahanan. Marami din naman akong natutunan sa Awit, Titik, Bilang, at Pambata (ATBP!). Pero bago 'yan, kantahin muna natin ang opening song ng Sineskwela. Naaliw din ako sa mga portrayal ng mga national heroes sa Bayani at sa mga aral na kapupulutan sa Hiraya Manawari. Ano na nga ba'ng meron du'n sa Chikiting Patrol? Alam niyo ba, naging superior ko sa call center ang isa sa mga miyembro ng Eh Kasi Bata. Naiinggit naman ako sa mga laruang laging pinapainggit ng mga bata sa For Kids Only. Pero bigla naman akong gugutumin kapag palabas na ang Cooking With The Daza's Kitchen. Sinusubukan pang sumali ng madrasta ko sa Ready Get Set Go sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono. Minsan din sa paggising ko at pagbukas ko ng TV, palabas na ang mga pinakabagong lumang pelikula sa Video Hit Parade. Old-school din ang The Super Mario Bros. Super Show. Pero sino sa inyo ang nakaka-alala ng Mr. Bogus? 'Yung Koseidon at ang Ultraman Ace, lagi naman naming napag-uusapan sa school 'yan kaya madalas kaming pinapagalitan ng guro namin.

Nu'ng nagkaroon na ako ng muwang sa mundo, nakakapanood na ako ng Eat Bulaga, tapos Sa Linggo nAPO Sila. Isa sa pinakamalaking hit sa tanghali noon ang Mara Clara, na nagkaroon pa ng movie spin-off. 'Yung nanay ko naman, mahilig siyang manood ng Coney Reyes On Camera. Tapos 'yung ate ko, naalala kong nanonood siya ng Kapag May Katwiran, Ipaglaban Mo. 'Yung mga kasambahay naman namin, nakaka-relate sa Mr. Cupido. Una ko namang nakita ang bigotilyo kong idol na si Val Sotto sa Agila. Sumunod yata dito 'yung Valiente. Kapag nakikita ko naman ang Annaluna, iniisip ko noon na dapat e tulog ako kasi baka pagalitan ako ng pinsan kong nag-alaga sa akin. Naiinis ako du'n sa Cristy Per Minute kasi parang wala nang ginawa duon kundi mantsismis.

4:30 na, Ang TV na. Ang Hoy! Gising! naman ay tungkol sa Honor Roll at Horror Roll ng mga pulitiko. Pagdating naman ng alas-sais, maririnig ko na ang linya ni Noli De Castro na "At sa ulo ng mga nagbabagang balita," senyales na nagsisimula na ang TV Patrol. Speaking of Kabayan, sino ba sa inyo ngayon ang naghahanap sa YouTube ng mga Halloween specials ng Magandang Gabi Bayan? Marami din akong natutunan sa Knowledge Power ni Ernie Baron na siya rin namang weatherman noon ng TV Patrol. Benta din sa bahay namin 'yung balitaktakang Mel & Jay. 'Pag Sunday naman, nalala ko ang kamukha ko na si Butch Francisco sa Showbiz Lingo. Nakalimutan ko na ang apat na segment sa game show na Game Na Game Na, maliban du'n sa "Survey Says" ni Ogie Alcasid. Sa Gimik yata unang sumikat si Diether Ocampo at ang crush kong si G Toengi. Nu'ng sa hapon na ako umuuwi, naabutan ko na ang BTx, Zorro, Si Romeo At Ang Itimi Na Magkakapatid, atbp.

Mula nu'ng Grade 6 ako hanggang nu'ng High School, palabas ang Esperanza at Mula Sa Puso. Hindi ko rin nalilimutan ang The Maricel Drama Special. Tuwang-tuwa naman lahat ng mga matatandang babae sa amin kapag palabas na ang The Sharon Cuneta Show. Hindi naman ako makapanood ng TV noon dahil pinapanood ng mga matatanda ang Maria Mercedes. Pero okay na ako tuwing Biyernes ng gabi dahil Are You Afraid Of The Dark na. Pero MAS natutuwa kami kapag palabas na ang Baywatch at Melrose Place dahil, alam na. 'Yung pinsan kong nag-alaga sa akin, adik naman sa Beverly Hills 90210 at Doogie Howser, MD. Isama mo na diyan ang Murphy Brown. Pero talu-talo na dahil hindi pwedeng hindi kami makapanood ng Mighty Morphin Power Rangers. Isama na diyan ang X-Men, Batman, The Real Ghost Busters, at Teenage Mutant Ninja Turtles. 'Yung Ewoks, hindi ko na masyado maalala 'yon. Dati, ang alam ko lang sa Twin Peaks e inaalam nila ang misteryo sa likod ng pagkamatay ni Laura Palmer.

Naalala ko rin 'yung Oki Doki Dok at 'yung Home Along Da Riles. Pero mas old-school diyan ang Abangan Ang Susunod Na Kabanata. Pati na rin 'yung Okay Ka, Fairy Ko. Siguro lahat ay mag-a-agree sa akin kapag sinabi ko na ang Palibhasa Lalake ay ang institusyon ng sitcom.

Sobrang bata pa ako nuon nu'ng pinapalabas pa ang Going Bananas nina Subas Herrero, Gary Lising, at Cherry Gil. 'Pag gising pa rin ako nang late night, naabutan ko pa ang tatay ko na nanonood ng The World Tonight. 'Yung Martin Nievera After Dark, naalala ko rin 'yon. Hindi ko nga lang maalala kung sino si Johnny sa Oh No, It's Johnny! 'Wag din nating kalimutan ang Million Dollar Movies. Pati na siyempre ang Regal Presents (dito ko napanood ang Kabayo Kids nina Joey de Leon).

Special Mention:
Compañero Y Compañera
Dong Puno Live
Tatak Pilipino
Chika Chika Chicks
Calvento Files
Familia Zaragoza

Abangan ang karugtong ng serye nito, kung saan e pag-uusapan naman natin ang tungkol sa mga naalala kong palabas sa ABC Channel 5. Kung meron naman kayong naalalang mga palabas diyan, mag-comment lang kayo. Panigurado, karamihan sa inyo e sasagot ng Tropang Trumpo.

At bago tayo pansamantalang magtapos, nais kong magpasalamat sa mga barkada kong tumulong sa'kin dito. Makikita natin sila sa Plurk na ito.



Video Of The Day


Abangan Ang Susunod Na Kabanata!

Music: Universal Motion Dancers - Sige Ihataw Mo
Mood: Light-headed
Quote: "I am nobody. Nobody's perfect. Therefore, I'm perfect."

Tuesday, October 19, 2010

Binibini Sa Jeepney

Lunes

Una kitang napansin nu'ng sumakay ka sa jeep na sinasakyan ko at naupo sa may tapat ko. Nag-aabang nuon ang jeep na mapuno ito. First glance ko pa lang sa'yo, napansin ko na agad-agad ang matamis mong ngiti. Ang iyong kagandahan ay nagliliwanag sa loob ng jeep. Nakalimutan ko ang mga katabi natin. Nakalimutan ko ang mga nagsisibusinang mga sasakyan. Nakalimutan kong malapit na akong ma-late.

Nu'ng umandar na ang jeep, nagpapalit-palit lang ang paningin ko sa'yo at sa mga natatanaw ko sa labas ng bintana. Sa bawat tingin ko sa'yo ay lalong gumaganda ang maganda mong labi kahit na hindi ka naman nakangiti. Naglalaro ang diwa ko: kunwari magkatabi tayo sa jeep, magkahawak-kamay habang dumadampi ang iyong mahalimuyak na buhok sa pisngi ko.

Pero kinakailangan ko nang bumaba ng jeep dahil dumating na ito sa destinasyon ko. Binigyan kita ng huling sulyap bago ako tuluyang bumaba. Simula sa oras na naglakad ako papuntang opisina hanggang sa pag-uwi ko sa bahay, lagi kong pinipilit na ipinta ang mukha mo sa isipan ko.

Martes

Nagmamadali akong makasakay ng jeep kasi baka ma-late ako. Palapit na ako sa jeep nang may napansin akong tila pamilyar na tao na sasakay din sa jeep. Bumuhos sa galak ang puso ko nang malaman kong ikaw 'yon. Sabay tayong sumakay sa jeep, at akalain mo nga naman, magkatabi tayo. Hindi lang dahil sa init ng umaga kaya ako pinagpapawisan, kundi dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko ngayong katabi kita. Bahagya kong naamoy ang iyong pabango, at nagpagaan ito sa kaluluwa ko. Habang umaandar ang jeep, iniipon ko ang aking lakas para makausap kita. Kahit ano na lang ang masabi ko, basta magkaroon lang tayo ng panimulang kuneksyon. Pero bakit hindi ako makapagsalita? Bakit tuyo ang aking lalamunan? Kinakabahan ako dahil hindi ko alam. Nanigas na lang ako sa kaba at sa kawalan ng ideya kung ano'ng gagawin.

Bumaba na ako sa bababaan ko. Masayang malungkot. Wala man lang akong nagawa.


Miyerkules.

Tinantya ko ang oras ng pag-alis ko sa bahay. Inisip kong kung sa parehong oras ako aalis katulad ng kahapon ay paniguradong makakasabay ulet kita sa jeep.

Sumakay ako sa jeep na nag-aabang. Sinabi ko sa sarili kong bahala na. Patibayan na lang ng loob. Pakapalan na lang ng mukha. Hindi ako bababa ng jeep hangga't hindi kita nakakausap o mabati man lang ng magandang umaga.

Ilang minuto na, tila binasag ng pagkakataon ang trip ko. Napuno ang jeep. Hindi kita nakita. Inisa-isa ko ang bawat tao sa loob ng jeep. Walang kagandahang umaaliwalas. Walang magandang mga labi. Walang pabangong nakaka-hypnotize. Wala ka. Dumating na ang jeep sa destinasyon ko. Bumaba akong malungkot. Pinipilit ko pa ring ipinta ang mukha mo sa diwa ko pero kulang-kulang na ang pagkaka-alala ko sa'yo.

Huwebes

Hindi pa rin kita nakita.

Biyernes

:(



Picture Of The Day


Either that, or something extremely cheesy or plain gay. (Source: GraphJam)

Music: Nothing, but LSS'ing the opening song from Family Guy.
Mood: Sleepy and getting sickly.
Quote: "Nakakahiya naman sa mini-skirt mo." (Colleague)

Wednesday, October 6, 2010

Bunny Mass Index

Palagay ko, hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa'yong halos iisa lang ang naging timbang ko sa loob ng humigit-kumulang sampung taon. Pero dati pa 'yan. Simula kasi nu'ng 1st Year High School ako hanggang sa pangalawa kong trabaho, naglalaro lamang sa pagitan ng 110 at 120 pounds ang timbang ko. Partida pa 'yon dahil sobrang lakas kong kumain. Ang isang kainan ko dati ay halos katumbas na ng kainan ng dalawa hanggang tatlong tao. 'Yan ay dahil sa, paniwala ko, mabilis na metabolism ko. Madalas ko pa noon ipagmalaki sa mga kaibigan at sa mga naging girlfriend ko, "I can eat, eat, eat without getting fat, fat, fat.

Lalo pa akong naging underweight nu'ng dumaan ang "hari ng mga bitter" times ko na tumagal ng halos isa't kalahating taon. Breakup after 'tanginang breakup, sa pagkakaalala ko e halos isa o dalawang beses lang ako kung kumain sa isang araw. Lahat 'yan, wala sa oras. Pero nagbago ang lahat ng 'yan nang dumating ang dalawang pangyayari sa buhay ko.

Una, dumating sa buhay ko si Love. Bukod sa binusog niya ako sa pagmamahal, binusog din niya ako sa pagkain. Long story short, nanumbalik ang pagkain ko. Alam niyang mahilig ako sa pasta, sinigang, rice bowl, at adobo. Alam niyang hobby ko ang kumain sa labas, hindi ako mareklamo sa pagkain, at hindi ako mahirap pakainin. At oras na malaman niyang hindi ako kumakain sa tamang oras, paniguradong mamalditahin ako nu'n.

Pangalawa ay ang stress sa trabaho. Sa trabaho ko ngayon at sa trabaho ko bago ang ngayon, understatement na ang stress. Kung dati e hindi ako kumakain kapag depressed, ngayon naman e tumitriple ang pagkain ko. Alam mong may problema ako o stressed ako kapag gusto ko pang mag-KFC Fully Loaded Meal pagkatapos kong itaob ang Jollibee Supermeal, o kung dalawang beses akong magmeryenda. Halos hindi rin nawawalan ng instant noodles at sitsirya sa workdesk ko. Kontra-antok, kontra-stress.

At dito na nagsimulang humarurot ang timbang ko. Before I knew it, nagka-pisngi na ako. Ang masaya pa, may tiyan na rin ako. Mukha na akong Teletubbies na napariwara. At magugulat na lang tayong lahat, overweight na pala ako.

Sabi ng Body Mass Index ko (25.8), overweight na ako sa timbang na 170 pounds at taas na 5'8". Ayaw ko mang aminin, ayaw ko mang sabihin, ayaw ko mang gawin, kailangan kong mag-diet. At 'wag niyo akong sisimulan sa aking food blog.

Picture Of The Day


'Yun lang. (Source: Monday Thru Friday)

Music: None.
Mood: Horny.
Quote: "What most of us present to the world isn’t necessarily our true self: It’s a combination of years of bad habits and fear-based behavior. Our real self lies buried underneath all the insecurities and inhibitions. So rather than just being yourself, focus on discovering and permanently bringing to the surface your best self." (Neil Strauss)

Thursday, September 23, 2010

Default Answer: Love Is Blind

Nu'ng nasa Elementarya pa ako, sikat na sikat 'yung islambuk (slambook). "Autograph" pa nga 'yung tawag nila diyan. Halos lahat ng mga babae sa section namin nu'ng Grade 6 ako e may slambook, tapos ipapasa-pasa nila sa mga kaibigan nila na malamang e pinipili lang nila (kani-kanyang circle of friends 'yan, 'di ba?).

Dati pa nuon e nagpapa-huli ako sa pagsulat diyan. Gusto ko kasing basahin muna 'yung mga kakesuhan ng mga kaklase ko, mula sa mga nakasulat sa "Who is your crush?" hanggang sa "Dedication." Napansin ko noon na may iba't-ibang paraan ng pagsagot ng "Who is your crush?" 'Yung iba, pinapangalanan. 'Yung iba, initials. 'Yung iba, codename. 'Yung iba, fictional character. 'Yung iba, number.

Dahil wala naman talaga akong mai-blog ngayon, naisip kong magtanung-tanong kung ano ba ang nilalagay nila sa "Motto." 'Eto 'yung mga sagot nila.

Mga beerkada

Jenn: Nothing really matters. -Madonna / Knowledge is power. (Hindi ko na matandaan kung ano tumatakbo sa utak ko nung kino-quote ko na si Madonna.)
Hao: Love is like a rosary that has full of mysteries. / Cleanliness is next to Godliness.
Dan: Time is gold.
Jason: Doctor.
Ejie: It's not you; it's me.
Adz: Time is bronze. (P'wera biro. ang keso kasi ng slambook eh.) / P.E.D.R.O.S. / MOTTOrsiklo
Hito: No ID, No Entry.

Mga bloggermates

Ch. R.: What is beauty if your brain is empty?!
Tina: What you sow, you reap. / The next time the devil reminds you of your past, remind him of his future. (I spent most of my free time in some Born Again Church thus the influence.)

Mga online friends

Noemi: Try and try until you succeed.
AM: Aji no.
Cat Maje: MTM (many to mention). (Pwede ring SINE, Space Is Not Enough.)

Mga kaopisina

Sarah: Love is like a rosary that has full of mysteries. / No retreat, no surrender! / No ID, no entry.
Glaysa: You will never be called a loser unless you've given up. / Never do things half-assed.

Mga kamag-anak

Margie: Pag may ginawa kang kalokohan, sagarin mo na. Para isang galit lang.
Auntie Josie: Love me for what I am, for simply being me.
Ate Carol: Try ang try until you succeed. / Try and try until you die. / Time is gold. / Don't judge the book by its cover.

Sa lahat ng mga nagbahagi, maraming salamat sa inyong lahat. 'Yan siguro ang isa sa mga katunayan na noon pa man, keso na tayo. Medyo expected nga na "Love is blind" ang pinaka-common. Na sa sobrang common, wala nang sumagot niyan ngayon. Bakit nga ba bulag ang pag-ibig? Hindi ba 'to bingi, pipi, pilay, manhid, o kulang sa vitamins?

At kung ako 'yung tatanungin mo?

Jakey Junkie: Love is easy to get but hard to forget.

Keso amputcha.

Parang magandang idea 'tong ginawa ko. Mag-iisip ako ng isang tanong, tapos sagutin niyong lahat. Meron ba kayong naisip kung ano'ng magiging topic natin? Italastas lang sa "Comments" o magpadala ng email!



Picture Of The Day


Let's go, bords! (Source: Monday Thru Friday)

Music: Franz Liszt - Liebestraum No. 3 in A Flat
Mood: Unsure.
Quote: "To win the heart of a woman, you often have to be willing to risk losing her." (Neil Strauss)

Thursday, September 9, 2010

Micro-Kwento #5: Wala Nang Hahadlang Sa Atin

Umakyat si mister sa hagdanan papunta sa kwarto nilang mag-asawa. Anniversary nila ngayon, at kakaibang init ang nararamdaman niya sa katawan ngayong gabi. Sa sobrang init, hindi ito maihahantulad sa mga naramdaman niya sa alinmang gabi ng ilang taon nilang pagsasama.

Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, nakita niya si misis. Nakaharap ito sa malaking salamin, at humahalimuyak ang buong kwarto nila sa pabango nito -- pabangong nanghalina sa kanya nu'ng magkaibigan pa lang sila. Niyakap ni mister si misis mula sa likod, at inamoy at hinalikan ang leeg nito.

"Ambango mo naman. Ano ba'ng meron?" Pabirong tanong ni mister.

"Hmp!" Usal ni misis habang nasasarapan sa mga yapos at hangkan ng kanyang minamahal.

Nakasuot lang ng silk nightdress si misis. Sinusundan nito ang bawat kurba ng kanyang katawan.

"Happy anniversary." Ibinulong ni misis kay mister.

"Gusto mo na bang dalhin kita sa langit?"

Mabilis ang pag-ipon ng init sa katawan ni mister at nararamdaman niya ito sa kabuuan ng kanyang kalamnan. Inilabas na niya ang kanyang sandata.

Tila yata biglang nabalot ng dilim ang buong kapaligiran ni misis. Mabilis ang mga pangyayari. Nakita na lang niya ang salamin sa harapan niya na unti-unting binalot at pinaligo sa dugo niya. Nilaslas pala ni mister ang leeg niya gamit ang kutsilyong kinuha niya sa kusina. Clean cut. Naluhod si misis, sumuray ang katawan, at bumulagta.

Tinalikuran ni mister si misis, dumiretso sa pinto, lumabas ng kwarto, at bumaba sa hagdanan. Sa kalagitnan ng hagdanan, nilabas niya ang cellphone niya sa bulsa at nag-text. Parang walang nangyari.

"Wala nang hahadlang sa atin."

Bago niya mapindot ang "Send," bigla ring nabalot ng dilim ang kanyang paligid. Mabilis din ang mga pangyayari. Sa sobrang bilis, hindi na niya nakita o naramdaman ang mga sumunod na pangyayari. Wala na talaga siyang mararamdaman pa.

Sumabog ang utak niya sa hagdanan. Sumabog ang maraming dugo sa pader. Sa may itaas ng hagdanan, hawak-hawak ni misis ang baril na ipinutok niya sa ulo ng kanyang mister. At nang hindi na kinaya ng katawan niya ang kawalan ng maraming dugo sa katawan niya, nalagutan na rin siya nang tuluyan.



Picture Of The Day


You'll surely get it. (Source: Monday Thru Friday)

Music: None.
Mood: Bored.
Quote: "I Know HTML. How To Make Love."

Monday, August 23, 2010

Micro-Kwento #4: Hindi Inaasahan

Punch out!

Huling araw na ng work week para kay Vince, isang call center agent. Typical sa kanya ang maging excited sa tuwing darating ang weekend, dahil 'yun lang ang mga araw kung kailan pwede siyang matulog nang matagal, makasama ang kanyang pamilya, at gumimik kapiling na naman ang buong tropa. Naglalaro na sa isipan niya ang isang buong araw na tulugan at isang buong gabi ng inuman. At matapos magpaalam sa kanyang mga teammates, lumabas na siya ng opisina upang dumiretso na ng uwi.

Alas-singko ng umaga. Bumubukang-liwayway na nang bumaba siya sa Araneta Center Cubao Station ng LRT 2. Habit na ni Vince ang kumain sa malapit na suking tapsilugan bago siya umuwi. Gawain na niya 'to bawat pagkatapos ng kanyang shift. At dito na mangyayari ang isang bagay na hinding-hindi niya inaasahan.

Bumababa siya sa hagdan ng istasyon nang bigla niyang naramdaman ang pwersadong pag-akbay sa kanyang balikat. Matapos nito ay bigla siyang nakaramdam na may nakatusok na matalim na bagay sa kanyang tagiliran.

"Pare, 'wag na nating patagalin 'to. 'Wag na nating hayaang humantong pa sa bagay na hindi mo magugustuhan. Wallet at cellphone." Bumulong sa kanyang tenga ang isang holdaper.

Hindi niya matingnan ang mukha ng lalaking naka-akbay sa kanya sa likuran niya. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso bagama't pinipilit niyang maging kalmado. Isang maling kilos, babaha ng kanyang dugo sa kinatatayuan niya. Huminga siya ng malalim.

"Pare, kung okay lang sa'yong sayangin ang buhay mo at ang kalayaan mo para sa iilang daang pisong nasa wallet ko, siguro nga'y kailangan mo talaga ng pera. Kunin mo na 'to." Iniabot niya ang kanyang wallet at cellphone.

Kinuha ito ng kanyang holdaper at dali-daling lumakad palayo sa kanya, pero bago siya makalayo nang tuluyan, biglang nagsalita sa kanya si Vince.

"Alam mo pare, maulan ngayon. At alam kong lalarga ka ulet mamayang gabi. Kunin mo na rin pati jacket ko. Para makarami ka naman."

"Ha? Ano? Ano'ng sabi mo?" Lumusob papunta sa harapan ni Vince ang holdaper. "Seryoso ka ba?

"Kaibigan, ang tanging gusto ko lang gawin sa araw na 'to ay ang kumain ng tapsilog bago umuwi. Kung gusto mo, sumama ka sa'kin. Kain tayo."

Isang saglit. Dalawang saglit. Hindi nila alam pareho kung ano'ng gagawin nila.

Kung kanina lang e tinututukan siya ng patalim, ngayon naman ay kasama na ni Vince ang kanyang holdaper sa suking tapsilugan, kumakain.

"Wala akong pambayad sa mga kinain natin." Sinabi ni Vince sa kasama pagkatapos kumain. "Kung gusto mo, ikaw na lang ang magbayad. Tutal e nasa'yo naman ang wallet ko."

Isinauli ng holdaper ang wallet at cellphone ni Vince, tumayo, at umalis.



Picture Of The Day


And that's what happened. (Source: FailBooking)

Music: Some hiphop song here at the internet cafe.
Mood: Unexplained.
Quote: All persons, living or dead, are purely coincidental.

Thursday, August 12, 2010

Time Travelling Sa Kwarto

Bigla na lang akong sinipag na linisin at ayusin ang kwarto kong ilang buwan nang malagubat sa gulo. Sa huling pagkaka-alam ko, meron pang mga tao na hindi natatagpuan sa kwarto ko. Ganu'n siya kagulo. Pero hindi ko maayos ang kabuuan ng kwarto ko dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ko (kaya ako absent sa opisina). Kaya naisipan ko na lang ayusin ang dresser ko. Plano ko itong linisin, hanapin ang mga mahahalagang mga bagay, at itapon ang mga bagay-bagay na hindi na kailangan. At sa pag-aayos ko nito, unti-unting sumambulat sa aking harapan ang mga bagay-bagay na minsang nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ko.

Andyan ang mga notes ko nu'ng college. Nagagandahan talaga ako sa penmanship kong sulat-babae. Nakita at naaalala ko rin ang mga test papers ko - 'yung mga subject na nai-perfect 100% ko, at 'yung mga subject na nai-perfect zero ko. Kasama ito sa mga makakapal na photocopies ng mga notes at mga assessment sheets.

Ang naging highlight ng paglilinis ko e 'yung mga bagay-bagay na nanggaling sa mga naging girlfriend ko. Naitabi ko pa dito ang music CD na binigay sa'kin ni Bebe 1. Nag-burn siya ng mga OPM songs na ni-dedicate niya sa'kin. Pareho kasi kaming mahilig sa OPM band songs.

Andito rin ang box na pinaglagyan ng cake na binigay sa'kin ni Honey nu'ng Balentayms. Kulay pula, at may nakasulat na "Happy Valentines." Sa pagkaka-alala ko e chocolate cake yata 'yun.

Sa likod naman ng isa sa mga luma kong resume ay ang handwritten resume ni Sweetie. Naalala kong sa'kin siya madalas magtanong tungkol sa mga tips sa pagsusulat ng resume. Binasa ko 'yon, at talagang nabilib ako sa mga naging achievements niya.

Mas marami ang mga memento ni Bebe 2 na pawang mga nag-iipon ng makakapal na alikabok sa aking drawer. Nakita ko ang resibo ng unang date namin - McDonald's SM Manila, 15 April 2006. Lagi talagang memorable ang first date, at naalala ko ang mga ginawa namin nu'ng araw na 'yan (kumain sa McDo, sinamahang bumili ng mga gamit niyang pang-Nursing, tumambay sa Baywalk, natulog sa amin). Nandito at surviving din pala ang mga bus tickets namin, bagamat hindi ko alam kung saan kami papunta nu'n o kung siya nga ba ang kasama ko. Andito rin 'yung picture niyang nai-print ko sa picture printer ko. Medyo napagmasdan ko ang picture niya, at talagang hindi ako nagtataka na marami akong pinagseselosan dati.

Kasama ng mga CD na hindi ko na gagamitin, mga hindi na gumagang mga earphones, mga kung anu-anong abubot, at iba pa, idiniretso ko na ang lahat ng ito sa basurahan. Maliban na lang sa picture ni Bebe 2, na itinago kong muli sa drawer ko ng mga brief, medyas, at panyo.

Note: Sina Bebe 1, Honey, Sweetie, at Bebe 2 ay mga ex-girlfriend ko.


Picture Of The Day


Kung tutuusin, lahat tayo'y gustong mapunta sa langit. Pero wala namang gustong mauna. (Source: College Humor)

Music: None.
Mood: Sickly.
Quote: Always smile in the morning. And make it a wide one. It keeps them on wondering what did you do last night. ALAM NA.

P.S.: Meron na po akong pangalawang blog. Isa itong food blog. Siyempre tuluy-tuloy pa rin ang ating kwentuhan dito sa personal blog ko, pero sana'y tangkilikin niyo rin ang food blog ko katulad ng pagtangkilik niyo sa blog na ito. Bunny Belly Food Trips.

Monday, July 5, 2010

Wala Na. Tulog Na.

Labinlimang oras. 'Yan ang normal na tagal ng tulog ko. Kapag nakatulog ako ng labinlimang oras, maganda ang gising ko at nararamdaman kong kumpleto ang tinulog ko. Kung ang karamihan ng mga "mas normal" sa akin e sapat na sapat na ang walong oras, sa akin e hindi pa ako babangon sa kama niyan. Tatlo lang naman ang makakapagpatayo sa akin sa kama: kapag gutom na, kapag late na sa office, at kapag nakisabay sa'kin ng tayo 'yung laging tumatayo sa umaga (ito 'yung pinakamadalas).

Pero siyempre hindi ko pwedeng gawin 'yang 15-hour sleep marathon na 'yan kapag weekdays dahil sa trabaho. Kaya kinailangan kong i-adjust ang sarili ko at nakasanayan ko nang makuntento ng anim na oras na tulog. Actually, limang oras na tulog lang 'yan dahil 'yung isang oras diyan e ang tagal ng pagbangon ko sa kama pagkagising ko (snooze).

Nandahil diyan, isa salita ang sobrang naging associated sa akin. Ito daw ako, sabi ng mga kaibigan ko. Aminado naman ako na ito ako. ANTUKIN. Antukin ang tamang isang salita, maliban sa POGI, na magde-describe ng sakto sa'kin. Madali akong antukin anumang oras, at bilangin mo lang ang ngipin ng katabi mo e makikita mo na akong tutulog-tulog.

Sa opisina, gusto ko sanang gawin ang ilan sa mga techniques na alam ko para maka-simple ako ng tulog habang wala pang lunch break. Nagawa mo na ba ang alinman sa mga ito?

1) Praying Mantis. Clasp your hands and rest your head on them na para bang nagdarasal ng sobrang mataimtim. Kapag tinapik ka ng boss mo, mag-sign of the cross ka at sabihing, "pinakinggan na rin ang aking mga panalangin."

2) Bolpen. Maglagay ng bolpen sa ilalim ng mesa. Sa ibabaw naman ng mesa, gawin mong unan sa ulo ang kanang bisig mo, at ilambitin mo naman ang kaliwang kamay mo sa may tapat lang ng bolpen. Kapag tinapik ka ng boss mo, pulutin mo ang bolpen at sabihing "nahulog po 'yung bolpen, sir."

3) Hard Worker. Kung madalas nasa likod ang boss mo, hawakan mo lang ang keyboard at mouse mo, tapos sumandal ka lang sa office chair mo at simulan ang maitim na balak. 'Wag kalilimutang magbukas ng Microsoft Excel at hayaan na ito ang nakikita sa monitor mo. Kapag tinapik ka ng boss mo, sabihin mong, "sir, ano nga ba 'yung formula nu'n? Kanina ko pa hinuhukay sa utak ko e."

4) Musikero. Okay ito kapag meron kang jacket na may hood. Magsuot ng headset. Italukbong mo sa ulo mo ang hood ng jacket, at matulog. 'Wag sasandal para mas dramatic ang effect, dahil maghi-headbang ka sa pagkakatulog mo. Parang totoo lang. (Natutunan ko ito sa kaopisina ko mula sa dati kong pinagtrabahuan.)

5) Exorcist. 'Eto ang pinaka-hardcore. May isa akong kaklase sa kolehiyo noon na sobrang namangha ako. Sa unang tingin, aakalain mong nakikinig siya ng mabuti sa instructor dahil sa siya ay nakadilat at malalim ang pagkakamasid. Ang masaya pa, kapag lumilingon sa kanya ang instructor, tumutungo pa siya na parang nakikinig nga. Pero ang hindi alam ng instructor, tulog ang kolokoy kong kaklase. Tulog na nakadilat. True story.

Itutuloy ko pa sana ang post na ito, pero inaantok na ako. Kung ikaw ay may nalalamang techniques, i-share niyo naman sa comments.



Picture Of The Day


'Nuff said. (Source: Failbooking)

Music: Ace of Base - It's A Beautiful Life
Mood: Disappointed.
Quote: Everything will be okay in the end. If it's not okay, then it's not the end.

Thursday, June 17, 2010

Sawsawan Tayo

Katatapos ko lang kumain sa paboritong chicken inasal.

Para sa akin, hindi pumapalya ang toyo bilang sawsawan na pansabay sa karamihan ng pagkain. 'Yung tipong kahit wala namang kulang sa lasa ng kinakain ko, basta pwedeng sabayan ng toyo e ayos na ayos. Tapsilog, pritong tilapya, barbecue, at kung anu-ano pa. Masayang pampadagdag-lasa ang sawsawan na 'yan. Pinaka-ayos na toyo sa'kin 'yung kapag may halo siyang kalamansi at sili. Maanghang na toyomansi. Mahilig din kasi ako sa mga maanghang - 'yung anghang na parang nakakapagpaiyak ng kaluluwa. Minsan e napapagalitan na nga ako dahil diyan. 'Eto pa. Sa bahay, kapag gutom ako at may kanin pero wala na o naubusan na ng ulam, inuulam ko ang toyo. Solb na solb na ako diyan. Lalo na kung malalagyan ko ng kamatis 'yung maanghang na toyomansi, okay sa alright na ulam.

Kung usapang sawsawan lang naman, honorary mention para sa akin ang oyster sauce (na masarap ding iulam sa kanin), Maggi Savor (na masarap ding iulam sa kanin), hot sauce (mas hardcore na anghang, mas masaya), at 'yung chicken oil du'n sa paboritong chicken inasal. Nadiskubre ko 'yung chicken oil, salamat sa aking kaibigan. Hindi ko kasi 'yon pinapansin nu'ng una dahil akala ko e patis 'yon dahil sa kulay niya. Nu'ng sinabi sa akin na ihalo ko 'yun sa kanin at nasarapan ako, du'n ko nalaman na chicken oil pala 'yon.

Ang sawsawan naman na sobrang iniiwasan ko 'yung suka. Hinding-hindi ako mapapa-sawsawan ng purong suka. 'Di ko gusto 'yung amoy at 'yung lasa. 'Yan 'yung isa sa medyo nakakapagpalayo sa akin bilang katabi sa hapag-kainan. Nakakayanan ko lang siya kapag nakahalo sa ulam, 'tulad ng adobo.

At 'wag kayong mag-alala, hindi pa malala ang toyo sa utak ko.

Kayo, ano ang paborito niyong sawsawan?



Picture Of The Day


Admittance is the first step. (Source: Failbooking)

Music: None.
Mood: Pissed.
Quote: "Aanuhim mo ang ano, kung hindi mo naman aanuhin? Kaya anuhin mo ng anuhin, bago pa maano ng iba."

Tuesday, April 27, 2010

InsoManiac, New Job, Probably New Phone

It's 3:16am as I write this first sentence. And I've been awake since around 11pm yesterday.

Nitong mga nakaraang araw, palagay ko ay isa na naman akong sufferer ng insomnia. Meron na ako nito simula pa nu'ng High School, pero may mga taon din na nawala na ito halos. Nawala ito nu'ng nakatagal na ako sa previous job ko nu'ng 2008. Nu'ng nakalipat ako sa trabaho ko ngayon nu'ng last month, 'eto at nagbalik na naman siya.

Nightshift ako nu'ng nagsimula ako sa trabaho ko ngayon, kaya siyempre kinakailangan kong mag-adjust ng body clock. Ngunit nang lumipas ang mahigit isang linggo, nilipat kami sa dayshift upang bigyan-daan ang mga bago naming kaopisina at ma-utilize ang opisina namin na sa ngayon ay limitado pa ang mga workstations (halos kasisimula lang kasi ng company). Erratic schedule change. Busted body clock.

Siguro kaya rin ako hindi makatulog lately e dahil sa mataas na intake ko ng kape. May mga pagkakataon noon na nakaka-siyam na instant coffee ako (parang isa bawat oras sa opisina). At dahil nga sa parang tungaw na ang body clock ko at kailangan kong hindi antukin sa trabaho ko ngayon, kape pa rin. Hindi na ako umaabot sa siyam ngayon. Siguro mga tatlo o apat na. Tapos ang kape pa sa opisina e pang-macho sa tapang (French Roast at Italian Roast na parehong Starbucks).

Ang hassle tuloy. Sa oras ng trabaho, inaantok ako. Kulang na lang e mag-prop ako ng tig-isang toothpick sa bawat mata ko para hindi sumara. Nakaka-apekto na ang insomnia ko sa trabaho ko, kaya kailangan ko itong maremedyuhan.

Sige, subukan ko na lang ulet matulog. 4:18am na. May mahigit dalawang oras pa ako para matulog. Game!



Okay naman ako sa bago kong trabaho ko ngayon. Nilalakad ko lang galing bahay. Sa totoo lang, masaya ako ngayon kumpara sa trabaho ko dati, dahil sa napakaraming dahilan. Hindi na ako "overworked, underpaid." Mababait ang mga boss ko ngayon. Expats din sila tulad ng sa dati kong opisina, pero 'di hamak na nakaka-motivate magtrabaho ngayon dahil nirerespeto nila ang gusto ng bawat empleyado. Mababait sila at madaling kausap na parang pwede mong barkadahin. Nakikinig sila sa saloobin ng mga empleyado nila at makikipag-kompromiso kung maari. Siyempre, expected na sa productivity time e inaasahan nilang magtatrabaho kami at makakapag-deliver ng results. Pero hindi katulad nang sa dati kong trabaho, nakakapang-encourage ang mga boss ko ngayon. Kung dati e pang-tatlong tao ang tinatrabaho ko sa kakarampot na sweldo, ngayon e tapat na sa sweldo ko ang mga ginagawa ko ngayon. Well-compensated, 'ika nga.



Plano kong bumili ng bagong mobile phone sa susunod na buwan, pagkabenta ng PC ko. Pinagpipilian ko ngayon e Samsung Omnia Lite at Samsung Jet. Pareho silang cool, parehong pasok sa budget, at kelangan kong mamili sa kanilang dalawa.


Samsung Omnia Lite (Source: Samsung Omnia Facebook Page)


Samsung Jet (Source: Samsung Jet Facebook Page)



Picture Of The Day


Yes, they do. (Source: Failbooking)

Music: None.
Mood: Sleepy and sleepless.
Quote: "If you want to play The Game, you've got to know the rules." (Neil Strauss)

Tuesday, March 2, 2010

Ex Boyfriend added you as a friend on Facebook...

Minsan, hindi ko maipaliwanag 'yung hiwagang nararamdaman ko kapag nakikita ko 'yung mga updates ng ilan sa mga naging ex-girlfriends ko sa News Feed ng Facebook. Pero lilinawin ko lang na wala na akong bakas ng pagkayamot (haha, yamot) na nararamdaman dito. Wala, minsan medyo nagiging interesante lang din kung ano na bang bago sa kanila, given na may isang point sa buhay nila na ako 'yung boyfriend nila. Tapos makikita ko ngayon kung ano na ba sila ngayon, na madalas e makikita sa mga photo albums kapiling ang boyfriend nila ngayon.

Dati-rati, naniniwala ako na kapag tapos na ang isang relationship sa pagitan ng dalawang magka-relasyon, wala na ring saysay kung magkakaroon pa sila ng ugnayan o kahit na anong communication. Ano pa bang silbi at ano pa bang pag-uusapan? Pwedeng sabihin na hindi ako naniniwala sa "friends after lovers," o 'yung tipong pwede kong maging kaibigan ang isang ex-girlfriend matapos ang relationship, lalo na kung medyo hindi naging maganda ang takbo ng hiwalayan. Naalala ko pa no'n na pagkatapos kong palitan ang status kong "In A Relationship" ("Married" pa nga minsan, para pauso lang) sa "Single," dini-delete ko 'yung ex ko sa Friendster, Facebook, Multiply, at pati sa Yahoo! Messenger at maging 'yung number nila sa phonebook ko. Wala, ayoko lang kasi na magkaroon pa ng ugnayan kasi pakiramdam ko e lalo lang kaming magkakasakitan, na baka pare-pareho lang kaming mahirapang mag-move on, na baka hindi na matapos ang pasahan namin ng sisi at guilt.

Pero mukhang hindi naman nangyari 'yung ganu'n. Hindi naman sa dahil naging kaibigan ko 'yung ilan sa kanila taliwas sa paniwala ko, pero parang wala din naman gaanong naging epekto sa buhay ko. Pero bago 'yan, may panahon ding binilang na wala sila sa friends' list ko at wala akong narinig sa kanila, dahilan para maka-move on din naman ako. But the next thing I know, hinahanap ko sila sa Facebook at ina-add ko sila isa-isa. Maliban sa medyo curious ako sa hitsura at katayuan nila ngayon, at maliban na rin sa pamparami lang ng friends' list ko, wala naman akong ibang layunin para dito. Karamihan naman e in-approve, may mangilan na Missing In Action (last log-in: October 2006), at may isa o dalawa na nag-reject (at constant 'yan). At hindi ko man sila in-add ulet sa YM, nakikipag-usap naman ako na parang normal kapag nagmi-message sila at nangagamusta.

At may mga pagkakataon dati na magkakabalikan kami ng ex ko. Nang malaman niyang ina-add ko ulet siya sa mga profiles ko, malamang sa malamang e bagong isyu na naman 'yan.

Kaugnay nito, babanggitin ko na rin 'yung mga tao na pwede kong tawaging "should-have-beens." 'Yung mga tipong "the ones that got away," na kung naging maganda lang ang takbo ng tadhana e naging girlfriend ko na rin. Maraming dahilan - isa sa amin ang hindi naging consistent, tinamad na lang ako, hindi siya nagkaroon ng sapat na interes, hindi namin nai-akyat sa mataas na level ng courtship/friendship, o sadyang hanggang du'n na lang talaga. Same funny feeling din kapag minsan kong nasisilayan 'yung mga updates at recent photos nila. Pero bukod diyan, never heard na rin sila sa'kin. Wala na akong personal na update sa kanila dahil hindi ko na rin naman sila nakakausap. Sa pagtingin sa mga kinalolokohan este kinalulugaran nila ngayon, may kakaunting bakas pa rin ng pagkahinayang akong nararamdaman, pero napaka-minor lang at hindi magdadahilan ng kung anuman.

Nitong mga nagdaang araw, tiningnan ko sa Facebook 'yung karamihan sa mga ex ko nasa friends' list ko. Wala, gusto ko lang makibalita. May kakaunting switch pa rin akong naramdaman nu'ng tiningnan ko 'yung mga photo albums nila. Outing dito, foodtrip diyan. Nakatambay sa isang magandang lugar, magkasamang bagong-gising sa kama. I just had to get this funny unexplainable feeling. But in any case, wala na akong dapat pang isipin sa mga nakaraang nangyari at marapat lamang na maging masaya kami sa kani-kanya naming mga buhay, lalo na ako.

At bago ko tapusin ito at bago rin makarating ang entry na ito sa kanila (kung sakali), ang ilan sa mga ex-girlfriends ko e masasabi at kinikilala ko bilang kaibigan na ngayon, online man o offline. Nagre-reply-an sa Plurk at Twitter, nangangamusta sa YM, kapalitan ng quotes sa text, at manaka-nakang coffee sessions.

(Galing ito sa isang random thought na nai-Plurk ko.)



Picture Of The Day


Masubukan ko nga din 'yan minsan. (Source: Failbooking)

Music: The Killers - Mr. Brightside
Mood: Apathetic

Monday, February 1, 2010

Earn Cold Cash By Being Sleepy

Umuwi ako sa bahay nang bandang alas-dos ng hating-gabi, galing sa coffee session naming magkaka-barkada. Martes nu'n at maaga pa ako sa opisina. Pinaniwala ko ang sarili ko na kayang-kaya kong matulog nang tatlong oras kahit na sobrang antok na ako (nawala na yata 'yung epekto ng kape sa'kin). At dahil hindi ako nakainom ng tubig bago umuwi at tuyo na ang lalamunan ko, halos gumapang na ako para uminom ng tubig na nasa refrigerator bago dumiretso sa kama, dala nga ng sobrang antok. Siguro hindi na tumagal ng ilang sagit at dumiretso na ako sa Dreamland.

Nagising ako nang may alas-sais na ng umaga - medyo sapat pa ang oras para maghandang pumasok sa opisina. Sobrang antok pa rin, gumapang ulet ako na parang bayawak upang maligo at magbihis. Nang aalis na ako, napansin kong nawawala ang wallet at cellphone ko, na totohanan nang gumising sa akin.

Binaliktad ko ang kama, hinalukay ko na ang cabinet ko, hinukay ko na 'yung computer desk ko, hindi ko makita. Umagang-umaga at nagpapa-ulan na ako ng mura sa sobrang pagka-badtrip. Nasayang ang oras ko sa paghahanap, na parang gumising ako sa wala. Frustrated, napagpasyahan kong 'wag nang pumasok at natulog na lang ulet.

Gumising ulet ako nang lagpas-tanghali na. Sabog at hindi pa rin malaman ang gagawin. Tuliro dahil maraming mahalagang bagay ang nasa wallet kong nawala, at dismaya dahil nawala din ang cellphone ko kahit ginagawa ko na lang siyang music player. Matapos magpungas-pungas, bumaba ulet ako sa kusina at uminom ng tubig.

Pagkabukas ko pa lang ng refrigerator, kitang-kita na ang resulta ng sobrang kaantukan at katangahan ko. Nagpapalamig sa isang shelf sa loob ng refrigerator ko ang cellphone, wallet, pati ang company ID kong may mga nakasabit na susi. Sa sobrang kaantukan ko nu'ng bago ako matulog, malamang nailagay ko diyan ang lahat ng mga gamit sa bulsa ko.

Cold cash.



Picture Of The Day



Music: Audioslave - Show Me How To Live
Mood: Horny
Quote: "I'm good in bed. I can sleep for days."

Monday, January 11, 2010

Kung Magmamahal Ka Ng Mahilig Sa Video Games

Kung susukatin ang aking pagka-adik sa video games, pwede kong bigyan ang sarili ko ng 8 out of 10.

Nu'ng bata ako ay nagka-Family Computer ako. Sa pagkaka-alala ko, pagpatak ng alas-kwatro ng hapon at kung natulog ako ng tanghali, pwedeng-pwede akong mag-Family Computer hanggang alas-sais ng gabi (kung hindi ako naka-siyesta, walang Family Computer). Kinarir ko mula Battle City, Goonies, Tetris, Legend of Kage, Ice Climbers, B-Wings, Spartan, at napakarami pang iba na hindi ko na maalala ang karamihan sa mga kinahumalingan ko. Nu'ng Grade 6 ako e nagkaroon naman ako ng personal computer, at nag-adik din ako siyempre sa mga PC games. Medyo sablay nga lang dahil mababa ang specs ng PC ko nuon, pero nakapaglaro naman ako ng StarCraft, Command & Conquer, MechWarrior, Duke Nukem, Doom, Star Wars games, Need for Speed, CounterStrike, Warcraft III, at iba pa. Nu'ng High School naman ako e nagpaka-sasa ako sa PlayStation, lalo na nu'ng nagtayo ang half-brother ko ng arkilahan ng PlayStation. Tatlo ang unit namin, at lagi akong updated sa mga laro nuon. Marami akong PS One games na natapos sa track record ko, na sa sobrang dami e hindi ko na mailista at maalala. Maghapon-magdamag, nasa harap ako ng TV, nagpipindot sa controller at kinakarir ang pagle-level up ni Alucard at Squall, o hinahabol para pasabugin ang sasakyan ni Sweet Tooth, o para makumpleto ko ang lahat-lahat ng lisensya at kotse sa Gran Turismo, o ma-master ko 'yung fatality ni Liu Kang, o para mapalabas ko si Tofu sa Resident Evil 2.

Sa ngayon na nagtatrabaho ako, laging busy at pagod, laging kulang sa oras, antukin, at bagung-bago na ang generation ng gaming, meron akong Nintendo DS Lite at Sony PlayStation Portable Slim & Lite. Siguro kung may sarili akong kwarto at TV sa bahay, Sony PlayStation 3 ang sunod kong gustong bibilhin. Pero kasi may siyam na oras akong nagtatrabaho kada araw kaya halos hindi na talaga ako nakakapagbabad sa paglalaro. Ang dami-dami ko pang mga bagong games na gustong tapusin, kasama na pati ang mga lumang games na gusto ko ding laruin. At para maging updated ako, kinakailangan ko pang magtanong o makita ang trip ng nasa circle of friends ko, hindi katulad noon na automatic ko na lang nalalaman kung ano ang mga cool na games. Hindi na ako gaanong ka-"hardcore gamer" hindi katulad noong panahon ng PS One. Nakakalaro na lang ako ng DS o PSP kapag nasa biyahe o bago matulog.

At dahil frustrated ako sa kawalan ng oras para mag-adik, sinulat ko na lang 'to. Wala lang. Pagbigyan niyo na ako kahit 'yan lang ang kaya kong isulat. (Habang ginagawa ko ito ay nagtatrabaho din ako at nasa tabi lang ng work PC ko ang PSP. Gusto ko nang simulan 'yang God of War: Chains of Olympus na 'yan pagkatapos ng Rock Band Unplugged.)

Kung Magmamahal Ka Ng Mahilig Sa Video Games

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil isu-shoot down niya ang lahat-lahat ng zombies at enemy units para lang sa'yo.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil kung may totoong kotse man siya o wala ay makikipag-unahan siya palagi sa puso mo.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil araw-araw ay nagle-level up ang kanyang pagmamahal sa'yo sa tulong ng experience points.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil marami siyang strategy para sa next move ng pagpapaligaya sa'yo.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil siya na ang sasagot ng mga puzzle na bumabagabag sa buhay mo.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil mas maraming adventure at action ang darating sa buhay mo.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil mahilig man siya sa simulation ay sineseryoso pa rin niya ang nararamdaman at sinasabi niya sa'yo.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil marunong man siyang mag-basketball o hindi ay sisiguraduhin niyang makakarami siya ng points sa buhay mo.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil ipaglalaban ka niya sa kahit na kanino, kahit ten stages pa 'yan o final boss.

Kung magmamahal ka, piliin mo 'yung mahilig sa video games, dahil ikaw lagi ang pipiliin niyang kanta.



Picture Of The Day


Saklap.

Music: Hikari Sentai Maskman Opening Theme
Mood: lazy
Quote: "I did no work today and still got paid!" (Wally)

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails