Tuesday, April 27, 2010

InsoManiac, New Job, Probably New Phone

It's 3:16am as I write this first sentence. And I've been awake since around 11pm yesterday.

Nitong mga nakaraang araw, palagay ko ay isa na naman akong sufferer ng insomnia. Meron na ako nito simula pa nu'ng High School, pero may mga taon din na nawala na ito halos. Nawala ito nu'ng nakatagal na ako sa previous job ko nu'ng 2008. Nu'ng nakalipat ako sa trabaho ko ngayon nu'ng last month, 'eto at nagbalik na naman siya.

Nightshift ako nu'ng nagsimula ako sa trabaho ko ngayon, kaya siyempre kinakailangan kong mag-adjust ng body clock. Ngunit nang lumipas ang mahigit isang linggo, nilipat kami sa dayshift upang bigyan-daan ang mga bago naming kaopisina at ma-utilize ang opisina namin na sa ngayon ay limitado pa ang mga workstations (halos kasisimula lang kasi ng company). Erratic schedule change. Busted body clock.

Siguro kaya rin ako hindi makatulog lately e dahil sa mataas na intake ko ng kape. May mga pagkakataon noon na nakaka-siyam na instant coffee ako (parang isa bawat oras sa opisina). At dahil nga sa parang tungaw na ang body clock ko at kailangan kong hindi antukin sa trabaho ko ngayon, kape pa rin. Hindi na ako umaabot sa siyam ngayon. Siguro mga tatlo o apat na. Tapos ang kape pa sa opisina e pang-macho sa tapang (French Roast at Italian Roast na parehong Starbucks).

Ang hassle tuloy. Sa oras ng trabaho, inaantok ako. Kulang na lang e mag-prop ako ng tig-isang toothpick sa bawat mata ko para hindi sumara. Nakaka-apekto na ang insomnia ko sa trabaho ko, kaya kailangan ko itong maremedyuhan.

Sige, subukan ko na lang ulet matulog. 4:18am na. May mahigit dalawang oras pa ako para matulog. Game!



Okay naman ako sa bago kong trabaho ko ngayon. Nilalakad ko lang galing bahay. Sa totoo lang, masaya ako ngayon kumpara sa trabaho ko dati, dahil sa napakaraming dahilan. Hindi na ako "overworked, underpaid." Mababait ang mga boss ko ngayon. Expats din sila tulad ng sa dati kong opisina, pero 'di hamak na nakaka-motivate magtrabaho ngayon dahil nirerespeto nila ang gusto ng bawat empleyado. Mababait sila at madaling kausap na parang pwede mong barkadahin. Nakikinig sila sa saloobin ng mga empleyado nila at makikipag-kompromiso kung maari. Siyempre, expected na sa productivity time e inaasahan nilang magtatrabaho kami at makakapag-deliver ng results. Pero hindi katulad nang sa dati kong trabaho, nakakapang-encourage ang mga boss ko ngayon. Kung dati e pang-tatlong tao ang tinatrabaho ko sa kakarampot na sweldo, ngayon e tapat na sa sweldo ko ang mga ginagawa ko ngayon. Well-compensated, 'ika nga.



Plano kong bumili ng bagong mobile phone sa susunod na buwan, pagkabenta ng PC ko. Pinagpipilian ko ngayon e Samsung Omnia Lite at Samsung Jet. Pareho silang cool, parehong pasok sa budget, at kelangan kong mamili sa kanilang dalawa.


Samsung Omnia Lite (Source: Samsung Omnia Facebook Page)


Samsung Jet (Source: Samsung Jet Facebook Page)



Picture Of The Day


Yes, they do. (Source: Failbooking)

Music: None.
Mood: Sleepy and sleepless.
Quote: "If you want to play The Game, you've got to know the rules." (Neil Strauss)

4 comments:

  1. Na-try mo na ba mag-sleeping supplements? Sleepasil is an example. Hindi ko pa nattry yun at hindi rin ako mashado naniniwala sa mga supplements na yan pero i-try mo na rin. Baka magka-placebo effect. Hehe. Ako rin may insomnia pero unlike you, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang excess energy ko sa gabi. hindi kasi ako adik sa kape tulad mo. (actually hindi ako nagkakape mantakin mo yun!) ang hirap hirap hirap din tuloy sa umaga. nakakatulog ako habang nag-aassist sa mga operasyon. buti na lang at taga-hawi lang naman ng mga innards ang role ko sa loob ng OR> hehe. hindi pa naman ako napapagalitan. thank god. =D

    ReplyDelete
  2. Gud for you...;) Very well said..

    ReplyDelete
  3. Very well said ung part tungkol sa respeto ng employer sa employees, i certainly agree and sadly even hindi dayuhan dito sa atin kapwa nating pinoy ang walang pagpapahalaga sa kapwa empleyado ;)

    ReplyDelete
  4. i think you found a good company and a good job to boot. :) if well compensated and you are happy... then.. work away! :) hehe.

    try some chamomile tea.. or download some guided meditation.. i have some deep sleep relaxation meditation.. it actually helps. un nga lang.. naka on lagi ung player... until makatulog ka.hehe.

    uhmm... both phones are good.. dahil samsung. hehe. samsung fan ako eh.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails