Thursday, August 12, 2010

Time Travelling Sa Kwarto

Bigla na lang akong sinipag na linisin at ayusin ang kwarto kong ilang buwan nang malagubat sa gulo. Sa huling pagkaka-alam ko, meron pang mga tao na hindi natatagpuan sa kwarto ko. Ganu'n siya kagulo. Pero hindi ko maayos ang kabuuan ng kwarto ko dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam ko (kaya ako absent sa opisina). Kaya naisipan ko na lang ayusin ang dresser ko. Plano ko itong linisin, hanapin ang mga mahahalagang mga bagay, at itapon ang mga bagay-bagay na hindi na kailangan. At sa pag-aayos ko nito, unti-unting sumambulat sa aking harapan ang mga bagay-bagay na minsang nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ko.

Andyan ang mga notes ko nu'ng college. Nagagandahan talaga ako sa penmanship kong sulat-babae. Nakita at naaalala ko rin ang mga test papers ko - 'yung mga subject na nai-perfect 100% ko, at 'yung mga subject na nai-perfect zero ko. Kasama ito sa mga makakapal na photocopies ng mga notes at mga assessment sheets.

Ang naging highlight ng paglilinis ko e 'yung mga bagay-bagay na nanggaling sa mga naging girlfriend ko. Naitabi ko pa dito ang music CD na binigay sa'kin ni Bebe 1. Nag-burn siya ng mga OPM songs na ni-dedicate niya sa'kin. Pareho kasi kaming mahilig sa OPM band songs.

Andito rin ang box na pinaglagyan ng cake na binigay sa'kin ni Honey nu'ng Balentayms. Kulay pula, at may nakasulat na "Happy Valentines." Sa pagkaka-alala ko e chocolate cake yata 'yun.

Sa likod naman ng isa sa mga luma kong resume ay ang handwritten resume ni Sweetie. Naalala kong sa'kin siya madalas magtanong tungkol sa mga tips sa pagsusulat ng resume. Binasa ko 'yon, at talagang nabilib ako sa mga naging achievements niya.

Mas marami ang mga memento ni Bebe 2 na pawang mga nag-iipon ng makakapal na alikabok sa aking drawer. Nakita ko ang resibo ng unang date namin - McDonald's SM Manila, 15 April 2006. Lagi talagang memorable ang first date, at naalala ko ang mga ginawa namin nu'ng araw na 'yan (kumain sa McDo, sinamahang bumili ng mga gamit niyang pang-Nursing, tumambay sa Baywalk, natulog sa amin). Nandito at surviving din pala ang mga bus tickets namin, bagamat hindi ko alam kung saan kami papunta nu'n o kung siya nga ba ang kasama ko. Andito rin 'yung picture niyang nai-print ko sa picture printer ko. Medyo napagmasdan ko ang picture niya, at talagang hindi ako nagtataka na marami akong pinagseselosan dati.

Kasama ng mga CD na hindi ko na gagamitin, mga hindi na gumagang mga earphones, mga kung anu-anong abubot, at iba pa, idiniretso ko na ang lahat ng ito sa basurahan. Maliban na lang sa picture ni Bebe 2, na itinago kong muli sa drawer ko ng mga brief, medyas, at panyo.

Note: Sina Bebe 1, Honey, Sweetie, at Bebe 2 ay mga ex-girlfriend ko.


Picture Of The Day


Kung tutuusin, lahat tayo'y gustong mapunta sa langit. Pero wala namang gustong mauna. (Source: College Humor)

Music: None.
Mood: Sickly.
Quote: Always smile in the morning. And make it a wide one. It keeps them on wondering what did you do last night. ALAM NA.

P.S.: Meron na po akong pangalawang blog. Isa itong food blog. Siyempre tuluy-tuloy pa rin ang ating kwentuhan dito sa personal blog ko, pero sana'y tangkilikin niyo rin ang food blog ko katulad ng pagtangkilik niyo sa blog na ito. Bunny Belly Food Trips.

10 comments:

  1. si bebe 2 ba ang present bebe of yours?

    btw, pag naglilinis din ako ng room nagbabalik sa aking alaala ang mga lumipas. lol. seriously, masyado kong sentimental, kahit basura na hindi ko maitapon. parang memories are all there. masarap talagang alalahanin ang mga dating nagpangiti sa atin :P

    ReplyDelete
  2. true, bukod sa paglilinis, merong magaganap na reminiscin sa mga memorabilias around...
    linis lang, mahirap magtapon kasi. di ba? Ü

    ReplyDelete
  3. pusta ko si jolibee yung isa dyan..wahahahaha!!

    ReplyDelete
  4. dapat may background music ka din..

    "magpapaalam na sayo ang aking kwarto.."

    ReplyDelete
  5. ahaha! this post reminds me na i should start fixing my mala-payatas na room at maybe just maybe me mga nakaraang maalala! hihi

    ReplyDelete
  6. Ehem. Sweetie. :)

    ReplyDelete
  7. ako rin minsan tinotopak.. and i try to clean my room. pero segmental. para kasing trip to memory lane pag nangyayari... kagaya sa yo. :P

    kwento ka naman kay recent girlfriend. :P

    ReplyDelete
  8. in fairness, panalo ang picture.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  9. Hmmm... magawa nga ito sa kwarto minsan at i-blog ko rin ang aking natatanging discoveries sa loob ng aking munting silid. Yikes. Mga multo ng nakaraan LOL

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails