Thursday, September 9, 2010

Micro-Kwento #5: Wala Nang Hahadlang Sa Atin

Umakyat si mister sa hagdanan papunta sa kwarto nilang mag-asawa. Anniversary nila ngayon, at kakaibang init ang nararamdaman niya sa katawan ngayong gabi. Sa sobrang init, hindi ito maihahantulad sa mga naramdaman niya sa alinmang gabi ng ilang taon nilang pagsasama.

Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, nakita niya si misis. Nakaharap ito sa malaking salamin, at humahalimuyak ang buong kwarto nila sa pabango nito -- pabangong nanghalina sa kanya nu'ng magkaibigan pa lang sila. Niyakap ni mister si misis mula sa likod, at inamoy at hinalikan ang leeg nito.

"Ambango mo naman. Ano ba'ng meron?" Pabirong tanong ni mister.

"Hmp!" Usal ni misis habang nasasarapan sa mga yapos at hangkan ng kanyang minamahal.

Nakasuot lang ng silk nightdress si misis. Sinusundan nito ang bawat kurba ng kanyang katawan.

"Happy anniversary." Ibinulong ni misis kay mister.

"Gusto mo na bang dalhin kita sa langit?"

Mabilis ang pag-ipon ng init sa katawan ni mister at nararamdaman niya ito sa kabuuan ng kanyang kalamnan. Inilabas na niya ang kanyang sandata.

Tila yata biglang nabalot ng dilim ang buong kapaligiran ni misis. Mabilis ang mga pangyayari. Nakita na lang niya ang salamin sa harapan niya na unti-unting binalot at pinaligo sa dugo niya. Nilaslas pala ni mister ang leeg niya gamit ang kutsilyong kinuha niya sa kusina. Clean cut. Naluhod si misis, sumuray ang katawan, at bumulagta.

Tinalikuran ni mister si misis, dumiretso sa pinto, lumabas ng kwarto, at bumaba sa hagdanan. Sa kalagitnan ng hagdanan, nilabas niya ang cellphone niya sa bulsa at nag-text. Parang walang nangyari.

"Wala nang hahadlang sa atin."

Bago niya mapindot ang "Send," bigla ring nabalot ng dilim ang kanyang paligid. Mabilis din ang mga pangyayari. Sa sobrang bilis, hindi na niya nakita o naramdaman ang mga sumunod na pangyayari. Wala na talaga siyang mararamdaman pa.

Sumabog ang utak niya sa hagdanan. Sumabog ang maraming dugo sa pader. Sa may itaas ng hagdanan, hawak-hawak ni misis ang baril na ipinutok niya sa ulo ng kanyang mister. At nang hindi na kinaya ng katawan niya ang kawalan ng maraming dugo sa katawan niya, nalagutan na rin siya nang tuluyan.



Picture Of The Day


You'll surely get it. (Source: Monday Thru Friday)

Music: None.
Mood: Bored.
Quote: "I Know HTML. How To Make Love."

7 comments:

  1. ang morbid na anniversary.. ang lalim!

    ReplyDelete
  2. i like the twist. hehehe! ganito gusto kong mga kwento, madugo :) akala ko censored eh. ibang meaning ng sandata ang naisip ko nung una, sori naman hehe

    ReplyDelete
  3. hahaha natawa ako sa picture of the day! ayus! :D

    ReplyDelete
  4. Haha iba palang sandata ang inilabas ni Mister. LOL

    ReplyDelete
  5. Sayang naman ang effort ni misis na magpabango...malagim na anniversary tsk tsk...

    Panalo ang pic hehehe...

    ReplyDelete
  6. wew! morbid nga! akala ko erotic na ehh... dun na yung level ehhh... haha. nice micro kwento. :)

    ReplyDelete
  7. yan ang sapat mangyari sa mga manloloko sa asawa, kya lang sayang namatay si Misis , dapat , hindi,

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails