Tuesday, October 19, 2010

Binibini Sa Jeepney

Lunes

Una kitang napansin nu'ng sumakay ka sa jeep na sinasakyan ko at naupo sa may tapat ko. Nag-aabang nuon ang jeep na mapuno ito. First glance ko pa lang sa'yo, napansin ko na agad-agad ang matamis mong ngiti. Ang iyong kagandahan ay nagliliwanag sa loob ng jeep. Nakalimutan ko ang mga katabi natin. Nakalimutan ko ang mga nagsisibusinang mga sasakyan. Nakalimutan kong malapit na akong ma-late.

Nu'ng umandar na ang jeep, nagpapalit-palit lang ang paningin ko sa'yo at sa mga natatanaw ko sa labas ng bintana. Sa bawat tingin ko sa'yo ay lalong gumaganda ang maganda mong labi kahit na hindi ka naman nakangiti. Naglalaro ang diwa ko: kunwari magkatabi tayo sa jeep, magkahawak-kamay habang dumadampi ang iyong mahalimuyak na buhok sa pisngi ko.

Pero kinakailangan ko nang bumaba ng jeep dahil dumating na ito sa destinasyon ko. Binigyan kita ng huling sulyap bago ako tuluyang bumaba. Simula sa oras na naglakad ako papuntang opisina hanggang sa pag-uwi ko sa bahay, lagi kong pinipilit na ipinta ang mukha mo sa isipan ko.

Martes

Nagmamadali akong makasakay ng jeep kasi baka ma-late ako. Palapit na ako sa jeep nang may napansin akong tila pamilyar na tao na sasakay din sa jeep. Bumuhos sa galak ang puso ko nang malaman kong ikaw 'yon. Sabay tayong sumakay sa jeep, at akalain mo nga naman, magkatabi tayo. Hindi lang dahil sa init ng umaga kaya ako pinagpapawisan, kundi dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko ngayong katabi kita. Bahagya kong naamoy ang iyong pabango, at nagpagaan ito sa kaluluwa ko. Habang umaandar ang jeep, iniipon ko ang aking lakas para makausap kita. Kahit ano na lang ang masabi ko, basta magkaroon lang tayo ng panimulang kuneksyon. Pero bakit hindi ako makapagsalita? Bakit tuyo ang aking lalamunan? Kinakabahan ako dahil hindi ko alam. Nanigas na lang ako sa kaba at sa kawalan ng ideya kung ano'ng gagawin.

Bumaba na ako sa bababaan ko. Masayang malungkot. Wala man lang akong nagawa.


Miyerkules.

Tinantya ko ang oras ng pag-alis ko sa bahay. Inisip kong kung sa parehong oras ako aalis katulad ng kahapon ay paniguradong makakasabay ulet kita sa jeep.

Sumakay ako sa jeep na nag-aabang. Sinabi ko sa sarili kong bahala na. Patibayan na lang ng loob. Pakapalan na lang ng mukha. Hindi ako bababa ng jeep hangga't hindi kita nakakausap o mabati man lang ng magandang umaga.

Ilang minuto na, tila binasag ng pagkakataon ang trip ko. Napuno ang jeep. Hindi kita nakita. Inisa-isa ko ang bawat tao sa loob ng jeep. Walang kagandahang umaaliwalas. Walang magandang mga labi. Walang pabangong nakaka-hypnotize. Wala ka. Dumating na ang jeep sa destinasyon ko. Bumaba akong malungkot. Pinipilit ko pa ring ipinta ang mukha mo sa diwa ko pero kulang-kulang na ang pagkaka-alala ko sa'yo.

Huwebes

Hindi pa rin kita nakita.

Biyernes

:(



Picture Of The Day


Either that, or something extremely cheesy or plain gay. (Source: GraphJam)

Music: Nothing, but LSS'ing the opening song from Family Guy.
Mood: Sleepy and getting sickly.
Quote: "Nakakahiya naman sa mini-skirt mo." (Colleague)

6 comments:

  1. Kala ko suddenly yung i-lss mo
    http://www.youtube.com/watch?v=L8o3D32ECHI

    ReplyDelete
  2. hmmm... parang totoo lang yung kwento ah... XD

    ReplyDelete
  3. naman!
    parang may pinaghugutan

    pero ang cute!

    ang bagay na kanta dito eh yung kay yano ata yun eh


    yung miss miss miss sa loob ng jeepney sana naman ay.... blah basta yun!

    ReplyDelete
  4. ayos! =D kinilig ako, kaso lang sayang walang conversation na naganap.

    napadaan po! =D

    ReplyDelete
  5. may next week pa naman di ba? :P kausapin na kasi... hehe

    ReplyDelete
  6. sad naman.... :( di bale marami pa naman araw na darating :)

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails