Wednesday, October 6, 2010

Bunny Mass Index

Palagay ko, hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa'yong halos iisa lang ang naging timbang ko sa loob ng humigit-kumulang sampung taon. Pero dati pa 'yan. Simula kasi nu'ng 1st Year High School ako hanggang sa pangalawa kong trabaho, naglalaro lamang sa pagitan ng 110 at 120 pounds ang timbang ko. Partida pa 'yon dahil sobrang lakas kong kumain. Ang isang kainan ko dati ay halos katumbas na ng kainan ng dalawa hanggang tatlong tao. 'Yan ay dahil sa, paniwala ko, mabilis na metabolism ko. Madalas ko pa noon ipagmalaki sa mga kaibigan at sa mga naging girlfriend ko, "I can eat, eat, eat without getting fat, fat, fat.

Lalo pa akong naging underweight nu'ng dumaan ang "hari ng mga bitter" times ko na tumagal ng halos isa't kalahating taon. Breakup after 'tanginang breakup, sa pagkakaalala ko e halos isa o dalawang beses lang ako kung kumain sa isang araw. Lahat 'yan, wala sa oras. Pero nagbago ang lahat ng 'yan nang dumating ang dalawang pangyayari sa buhay ko.

Una, dumating sa buhay ko si Love. Bukod sa binusog niya ako sa pagmamahal, binusog din niya ako sa pagkain. Long story short, nanumbalik ang pagkain ko. Alam niyang mahilig ako sa pasta, sinigang, rice bowl, at adobo. Alam niyang hobby ko ang kumain sa labas, hindi ako mareklamo sa pagkain, at hindi ako mahirap pakainin. At oras na malaman niyang hindi ako kumakain sa tamang oras, paniguradong mamalditahin ako nu'n.

Pangalawa ay ang stress sa trabaho. Sa trabaho ko ngayon at sa trabaho ko bago ang ngayon, understatement na ang stress. Kung dati e hindi ako kumakain kapag depressed, ngayon naman e tumitriple ang pagkain ko. Alam mong may problema ako o stressed ako kapag gusto ko pang mag-KFC Fully Loaded Meal pagkatapos kong itaob ang Jollibee Supermeal, o kung dalawang beses akong magmeryenda. Halos hindi rin nawawalan ng instant noodles at sitsirya sa workdesk ko. Kontra-antok, kontra-stress.

At dito na nagsimulang humarurot ang timbang ko. Before I knew it, nagka-pisngi na ako. Ang masaya pa, may tiyan na rin ako. Mukha na akong Teletubbies na napariwara. At magugulat na lang tayong lahat, overweight na pala ako.

Sabi ng Body Mass Index ko (25.8), overweight na ako sa timbang na 170 pounds at taas na 5'8". Ayaw ko mang aminin, ayaw ko mang sabihin, ayaw ko mang gawin, kailangan kong mag-diet. At 'wag niyo akong sisimulan sa aking food blog.

Picture Of The Day


'Yun lang. (Source: Monday Thru Friday)

Music: None.
Mood: Horny.
Quote: "What most of us present to the world isn’t necessarily our true self: It’s a combination of years of bad habits and fear-based behavior. Our real self lies buried underneath all the insecurities and inhibitions. So rather than just being yourself, focus on discovering and permanently bringing to the surface your best self." (Neil Strauss)

7 comments:

  1. seryoso??? ganun ka na kalaki ngayon??? whoah! akala ko ako lang tataba ng bongga! :)) happy for you jake! ;)

    -angelique-

    ReplyDelete
  2. haha. i can relate. remember nagpost pa ko ng entry na halos 10lbs yung binagsak ng weight ko last year. pero nung nagtrabaho na din ako, yun na. hahaha

    ReplyDelete
  3. wagi ang hari ng bitter times! fyi, pumayat din ako ng stages na yan.. (at di na tumaba muli) yey!

    ReplyDelete
  4. sama ko sa teletubbies. hahaha 2 n lang haha

    ReplyDelete
  5. hala ka kuya jake. ang taba mo na.
    parang nung dati lang eh ang payatot mo... mga 2007 ba yun. basta yung picture mo dati sa blog mo...
    oh well ibig sabihin lang niyan hindi ka na nga jake the miserable

    missyou kuya jake!

    ReplyDelete
  6. blakenwayt --->eloiski.com po yun!
    jsyk!
    hakhak!

    ReplyDelete
  7. mataba na ba yun? hmmm..eh anu nlng kaya ako. kelangan ko na din tlga mag-diet, sayang gusto ko din sana mag-food blog. haha

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails