Thursday, December 23, 2010

Panauhing Panghangal

Nitong Sabado (18 Dec), dalawang Christmas Party ang pinuntahan ko. At hindi lang ito basta-basta pupunta lang, tapos kakain, tapos kukuha ng regalo. Ako kasi ang naatasang mag-host ng parehong party na ito. Kumuha kaya ako ng hosting career?

First Party: Barkada


Nu'ng sinuot ko 'yung shades at fake na bigote, bigla kong naging kamukha si Dick Israel.

Naging tradisyon na ng barkada ko mula sa isang online community na ako ang maging "panauhing panghangal" nila sa aming mga party. Mainstay host na kasi nila ako. Bandang hapon nagsimula ang programa. Dapat nga e tulad ng kinagawiang gabi, pero dahil nga meron din akong kelangang party na puntahan kinagabihan, napagbigyan naman ang request ko na gawin sa hapon ang aming programa.

Ang natanggap ko sa aming exchange gift ay isang handmade na Hatsune Miku plush. Ang cute ng pagkakagawa. Gusto ko nga sanang lagyan ng lace para isasabit ko sa leeg ko. Para cool. Bukod dito ay nakatanggap din ako ng KitKat Dark Chocolate na exclusive yata sa Japan. At, nakatanggap din ako ng "Buddha Award" galing sa kanila. 'Wag na kayong magtanong kung ano 'yan.

Nasa kalagitnaan pa lang kami nang party pero kelangan ko nang lumayas para tuparin ang pangako kong pagho-host sa pangalawang Christmas Party.


Siyempre group pic muna bago umalis. Kursunada yata nila 'yung nipples ko.

Second Party: Company


Parang totoo lang.

Kasalanan ko yata kaya na-late ang start nang party. Na-late kasi ako nang mga kalahating oras. Pa'no ba naman, pahirapang sa pagkuha ng taxi. Pero okay na din. Pagdating ko sa venue, wala nang pahi-pahinga. Kuha na agad ng microphone at sinimulan ko na ang aking tungkulin.

Challenging ang pagho-host ko dito. Una, medyo pagod na ako dahil sa malawakang kaguluhan, katatawanan, at katarantaduhan na natamasa ko sa naunang party. Medyo bugbog na ang lalamunan ko, pero kahit papaano e naging klaro pa rin. Pero, para sa pangalawa, medyo fail ang sound system ng venue. Kinakailangan kong lakasan ang boses ko - all the time. Pangatlo, andu'n ang dalawang boss naming expat, kaya dapat diri-diretso ako sa inglisan. Siyempre, disrespectful 'yun kung magta-Tagalog ako tapos wala silang maintindihan. At ang pang-apat, medyo "mainstream" ang mga banat ko dito. Dapat, wholesome. Walang bahid kamanyakan.

Sa loob nang apat na oras, idinaos ko sa pagho-host ang mga party games na inihanda para sa party na 'yon. Sigaw, tawa, bigay-instructions sa mga kasali, speech, introduction. Dapat, malakas ang boses. Dapat, English ang salita. At ang natanggap ko sa exchange gift ay umayon naman sa wishlist ko: 'yung bagong libro ni Bob Ong.


Simply one of the best teams I've ever worked with.

Ang araw na 'yon ang isa sa mga highlights ko para sa Holiday season. 'Tangina, kinabukasan nu'n e parang boses-binata ako. Masakit ang lalamunan - tumoma at nag-Starbucks pa ako pagkatapos ng lahat ng 'yan, kasama ang mga kaopisina - pero ayos lang. Hindi ko kasi maikakailang natutuwa ako kapag may isa o dalawang tao na nagsasabing ayos ang ginawa ko sa mga pagho-host na 'yan.

Mukha pala akong metrosexual nu'ng Sabado: Isang metro na lang, homosexual na.



PS: Kunwari, hindi ko birthday kahapon.



Picture Of The Day


Tenen.

Music: Voltes V Opening Theme
Mood: Neutral
Quote: I am not blocking the view. I am the view.

3 comments:

  1. belated happy bday sayo.. bumili din ako nung bagong book ni bob ong. :) ang saya naman ng party nyo. astig ng bigote with matching shades. parang may kamukha kayo nakalimutan ko lang. haha

    merry christmas!

    ReplyDelete
  2. Naghohost ka pala, pwede mo nang palitan si Willie. LOL!

    ReplyDelete
  3. pareng jake parang ang botchog mo na ngyon ah! dati parang di tayo nagkakalayo ng katawan.

    alam ko na kung bakit buddha award nakuha mo. hehe! nice dick israel look! congrats sa successful hosting job. talent mo pala yan eh!

    merry xmas and happy new year! tuloy tuloy lang ang pagpapaputok next year.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails