Thursday, January 6, 2011

Micro-Kwento #6: Matigas Na Bagay

Mag-isa si Billy sa bahay. Hindi kasi siya sumama sa pamilya niya na magbakasyon sa probinsya. Kunsabagay, gusto munang mapag-isa ni Billy at ma-solo ang buong bahay. Wala siyang kakumpetensyang manood ng TV, hindi siya maiistorbo sa pagtulog dahil walang magpapatugtog ng radyo, at walang sisita sa kung anuman ang balak niyang gawin.

Nang makapagpahinga na siya matapos kumain ng tanghalian, naisipan niyang maligo. Umakyat siya sa itaas kung nasaan ang kanyang kwarto, hinubad ang damit, nagtapis ng twalya, at binitbit ang basket niya kung saan nakalagay ang kanyang mga ginagamit sa pagligo - sabon, shampoo, toothbrush, toothpaste, facial wash.

Bumaba naman siya at dumiretso na sa banyo. Tahimik ang buong bahay, kasi nga e mag-isa siya at hindi niya binuksan ang TV, radyo, o computer. Pagpasok sa banyo, umupo na siya sa trono para mag-number 2.

Itong si Billy ay ang tipo ng tao na sobrang maraming naiisip at nari-realize kapag nakaupo siya sa trono, tulad ng sumulat ng kwentong ito. Sa katunayan, naisip ng sumulat nito ang kwentong ito habang siya ay nakaupo rin sa inidoro. Siyempre hindi na kailangang malaman pa ng mga bumabasa nito.

Nasa kalagitnaan siya ng pagna-number 2 nang bigla may kumalabog sa itaas. Sa kwarto niya siguro 'yon. "Blag!" Inisip niya kung ano 'yon. Baka may hinangin lang at nahulog. Baka may natumba lang. Maya't-maya pa, sumunod ang isa pang kalabog, na sinundan ng ingay na parang may kinakaladkad sa may sahig. Ngunit hindi ito pinansin ni Billy. Hassle kasi kung hindi pa niya inilalabas ang lahat ng sama ng loob niya tapos biglang mauudlot.

Ngunit sa huling kalampag na sinundan pa ng kung anong ingay, dali-daling naghugas si Billy kahit na bitin. Nagtapis ng twalya, lumabas ng banyo, at umakyat sa taas. At nagulat na lang siya pagpasok sa kwarto ng kanyang mga magulang. Isang lalake - magnanakaw - ang sumisira sa isang drawer.

"Hoy! 'Tangina ka!" Naibulalas ito ni Billy na mabilis ang isipan at kumuha ng pinakamalapit na bagay na pwede niyang ipalo sa magnanakaw - walis tambo sa may pinto.

Nagulat ang magnanakaw, at hindi na ito nag-atubiling tumakbo tungo sa butas na kisame kung saan siya nakapasok. Pero nasa tungtungan na siya nang lalo siyang nagulat sa nakita niya.

Sinusugod kasi siya ni Billy, pero sa pagtakbo niya, sumabit ang twalya sa kung saanman. Natanggal ang pagkakatapis ng twalya at nahubad siya nang tuluyan. Nakita ng magnanakaw si chairman sa gitna ng dalawang baranggay tanod.

Sa loob ng three seconds, nag-alangan si Billy kung tatakpan ba niya ang kanyang tutut o susugurin pa rin ang walanghiyang magnanakaw.



Picture Of The Day


Now that is a sign. Lots of them (Failbook)

Music: Noise from internet cafe.
Mood: Demotivated.
Quote: "This fucking sucks! This sucking fucks!" (Angry Video Game Nerd)

4 comments:

  1. parang bitin ang kwento.parang gusto ko ng continuation.hehe..ano kaya ang matigas na bagay na tinutukoy ng may akda? :)

    ReplyDelete
  2. ^ walis tambo pamalo sa magnanakaw! ^_^

    davao? taga davao ka?

    ReplyDelete
  3. May kapitan at baranggay tanod naman pala! HAHA. Hulihin na yan :))

    ReplyDelete
  4. paanong tumitigas si chairman samantalang tumatae lang naman siya?
    ahahahaa

    sorry!
    :P

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails