Tuesday, February 22, 2011

Bits and Pieces #4: Stressed Out, Sickness, Violin Lessons, Out of Town

Kasasabi ko lang na susubukan kong mag-update ng blog ko nang madalas. Pero talagang hindi magagawa dahil bukod sa wala pa rin akong computer sa bahay hanggang ngayon, e higit sa kalahating bahagi ng buhay ko ngayon ay nakasubsob sa opisina. At dahil diyan, kukwentuhan ko na lang kayo ng isang napaka-boring na kwento tungkol sa kung ano na bang nangyayari sa'kin nitong mga nakaraan.

* Sobrang stressed at burned out na ako sa trabaho ko sa opisina. Kung minsan, naisip ko na lang na mag-resign, pero naisip ko rin, ano'ng susunod na mangyayari sa akin? Saan ako susunod na mag-a-apply? Mag-iisang taon na ako sa trabaho ko. Okay naman talaga ako dito, kaya lang kapag natatambakan na kami ng workloads at araw-araw na kaming nag-o-overtime, talagang nakaka-burn out at nakaka-stress. Pero, ganu'n talaga 'yun e. Ang pakiusap ko lang, sana magdagdag sila ng tao sa team namin para hindi laging ganito.

* Dahilan nga sa stress na ito kaya nagkasakit na naman ako. Pangalawang araw ko na itong absent sa office. Alam mo 'yung migraine na sa sobrang sakit e bigla ka na lang nasuka? Ganu'n ang nangyari sa akin. Medyo okay na ako ngayon. At pagbalik ko nito sa trabaho, Hello Stress ulet. Rinse, wash, repeat.

* Du'n na lang tayo sa maganda-gandang balita. Nabanggit ko sa inyo noon na mag-aaral ako ng violin. Nakapag-enroll na ako at ngayon e medyo nakakatugtog na ako. As a matter of fact, alam ko na'ng tugtugin 'yung "Twinkle, Twinkle, Little Star." Malamang, 'yun ang isa sa mga pinaka-una kong matututunan bilang beginner. Pero dahil sa violin lessons na ito kaya hindi ko pa rin nasisimulan ang aking 2011 Book Challenge.


Parang tunay lang, ah. Teka, tunay talaga 'yan.

* 'Pag natapos na ako sa lessons ko, isusunod ko na ang isa pang goal ko this year: magpunta sa Davao. Sasama ka ba, o sasama ka ba? Sana talaga matuloy na ito para masabi ko naman na nakapag-out of town ako on my own. At sa totoo lang, wala ako mayaya sa mga barkada ko ngayon dahil hindi nila trip 'yung mga ganitong lakad. Kung gusto mong sumama, mag-email lang. Apir.



Picture Of The Day

Ngayon, subukan mong man-trip ng kaopisina mo. (Source: Monday Through Friday)

Music: ESTi - Oblivion
Mood: Blank.
Quote: There is no place like 192.168.1.1.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails