Tuesday, February 22, 2011

Bits and Pieces #4: Stressed Out, Sickness, Violin Lessons, Out of Town

Kasasabi ko lang na susubukan kong mag-update ng blog ko nang madalas. Pero talagang hindi magagawa dahil bukod sa wala pa rin akong computer sa bahay hanggang ngayon, e higit sa kalahating bahagi ng buhay ko ngayon ay nakasubsob sa opisina. At dahil diyan, kukwentuhan ko na lang kayo ng isang napaka-boring na kwento tungkol sa kung ano na bang nangyayari sa'kin nitong mga nakaraan.

* Sobrang stressed at burned out na ako sa trabaho ko sa opisina. Kung minsan, naisip ko na lang na mag-resign, pero naisip ko rin, ano'ng susunod na mangyayari sa akin? Saan ako susunod na mag-a-apply? Mag-iisang taon na ako sa trabaho ko. Okay naman talaga ako dito, kaya lang kapag natatambakan na kami ng workloads at araw-araw na kaming nag-o-overtime, talagang nakaka-burn out at nakaka-stress. Pero, ganu'n talaga 'yun e. Ang pakiusap ko lang, sana magdagdag sila ng tao sa team namin para hindi laging ganito.

* Dahilan nga sa stress na ito kaya nagkasakit na naman ako. Pangalawang araw ko na itong absent sa office. Alam mo 'yung migraine na sa sobrang sakit e bigla ka na lang nasuka? Ganu'n ang nangyari sa akin. Medyo okay na ako ngayon. At pagbalik ko nito sa trabaho, Hello Stress ulet. Rinse, wash, repeat.

* Du'n na lang tayo sa maganda-gandang balita. Nabanggit ko sa inyo noon na mag-aaral ako ng violin. Nakapag-enroll na ako at ngayon e medyo nakakatugtog na ako. As a matter of fact, alam ko na'ng tugtugin 'yung "Twinkle, Twinkle, Little Star." Malamang, 'yun ang isa sa mga pinaka-una kong matututunan bilang beginner. Pero dahil sa violin lessons na ito kaya hindi ko pa rin nasisimulan ang aking 2011 Book Challenge.


Parang tunay lang, ah. Teka, tunay talaga 'yan.

* 'Pag natapos na ako sa lessons ko, isusunod ko na ang isa pang goal ko this year: magpunta sa Davao. Sasama ka ba, o sasama ka ba? Sana talaga matuloy na ito para masabi ko naman na nakapag-out of town ako on my own. At sa totoo lang, wala ako mayaya sa mga barkada ko ngayon dahil hindi nila trip 'yung mga ganitong lakad. Kung gusto mong sumama, mag-email lang. Apir.



Picture Of The Day

Ngayon, subukan mong man-trip ng kaopisina mo. (Source: Monday Through Friday)

Music: ESTi - Oblivion
Mood: Blank.
Quote: There is no place like 192.168.1.1.

8 comments:

  1. sama ko sa davao. :))

    gusto ko rin matutong magviolin pero meron pala akong isang tanong, bat pagtumutugtog ng violin, gumagalaw yung ulo ng pasway sway sideways?

    ReplyDelete
  2. stress is just a state of mind, wag masyado magpa- affect...dapat go lang ng go ser jakey! keri yan!

    ReplyDelete
  3. wow. violin. ang astig ng tingin ko sa mga taong magaling magviolin. pangarap ko kasi matutunan yan bukod sa piano. :)

    ReplyDelete
  4. alam mo ba nag-attempt din ako na mag-aral ng violin pero wag muna. sa piano muna ako. hakhak!
    buti ka pa\t unti unit mo ng nakakamit ang mga pangarap o i mean nagagawa ang mga challenges. inggit!

    next time baka maging si ano na ba pangalan nun basta yung lalaki na long hair na magaling magviolin. hakhak

    ReplyDelete
  5. Hope mabuti na pakiramdam mo. Ako naman baliktad, sanay ata katawan ko sa tambak na trabaho. Kaya naman pag biglang gumaan ang trabaho or totally walang trabaho e nagkakasakit ako! :P Ikaw lang magisang pupunta sa Davao? Wow! Gusto ko rin mafeel yun magtravel alone. Good luck sa trip and sa violin lessons :)

    ReplyDelete
  6. hahaha parang maganda mag violin ah. :) ganun din ako hindi makapag update masyado ng blog hahaha.

    parang nakarelate ako sa sinuntok yung lcd. Kasi minsan naiisip ko yan sa opisina eh kapag na drain na talaga ang utak ko at super stress na! :D hahaha!

    Get well! and have a great day!

    ReplyDelete
  7. breathing exercises will do when stressed daw. anyhoo... if alam mo mag play ng "twinkle twinkle" im sure alam mo rin ung "A B C" at "Baa Baa Black Sheep". Hehehehe. ang korny ng joke ko.

    o sya sige antayin kita dito sa Davaaao! hehe. okay yan ah.

    ReplyDelete
  8. pwede pala .gif sa blogspot.. im sooooo noob.

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails