Tuesday, June 14, 2011

Indeception

Nanaginip ako.

Nanonood daw ako ng documentary tungkol sa "almost perfect crimes." Sa isang kaso, pinatay daw ng isang lalaki sa kanyang asawa, at tinulungan ang salarin ng mismong kanilang anak. Parang pinalo yata sa ulo habang nakagapos ang babae. Pagtapos, inilagay ito sa loob ng malaking drum, at pinunuan ang drum na ito ng semento. Nagpunta sila sa isang malalim na karagatan, at itinapon nila ang drum - ang nagsilbing kabaong ng biktima - dito.

Sa sobrang panghihilakbot ko sa pinapanood ko, bigla akong nagising. Nataranta. At tumingin sa aking cellphone para tingnan ang oras. At dito ako napasigaw. "Putangina n'yo! Ba't 'di n'yo ako ginising! Alam n'yong male-late na ako." Malapit nang sumapit ang ika-siyam ng umaga. Bumangon ako sa kama, sobrang nagmamadaling bumaba para maligo.

Sa sobrang panghihilakbot ko sa nangyari, akalain niyo ba namang... bigla akong nagising. Nagising na naman. Nataranta ulet. At tumingin ulet sa aking cellphone para tingnan ang oras. At dito ako napabugtong-hininga. Pasado alas-sais na ng gabi.

Sa pagkakataong 'yon, dito ko nasabi sa sarili ko na, oo, nasa totoong mundo na nga ako. Kasi, nighshift ako sa trabaho ko ngayon kaya imposibleng ma-late ako sa umaga. At dito ko na-realize na, sa panaginip ko, nananaginip daw ako.

Opo, parang... Inception lang.

Picture of the Day



At dahil sa post na 'to. (Memebase)

Music: Johann Sebastian Bach - Minuet and Badinerie
Mood: Hungry. Very hungry.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails