Tuesday, June 14, 2011

Indeception

Nanaginip ako.

Nanonood daw ako ng documentary tungkol sa "almost perfect crimes." Sa isang kaso, pinatay daw ng isang lalaki sa kanyang asawa, at tinulungan ang salarin ng mismong kanilang anak. Parang pinalo yata sa ulo habang nakagapos ang babae. Pagtapos, inilagay ito sa loob ng malaking drum, at pinunuan ang drum na ito ng semento. Nagpunta sila sa isang malalim na karagatan, at itinapon nila ang drum - ang nagsilbing kabaong ng biktima - dito.

Sa sobrang panghihilakbot ko sa pinapanood ko, bigla akong nagising. Nataranta. At tumingin sa aking cellphone para tingnan ang oras. At dito ako napasigaw. "Putangina n'yo! Ba't 'di n'yo ako ginising! Alam n'yong male-late na ako." Malapit nang sumapit ang ika-siyam ng umaga. Bumangon ako sa kama, sobrang nagmamadaling bumaba para maligo.

Sa sobrang panghihilakbot ko sa nangyari, akalain niyo ba namang... bigla akong nagising. Nagising na naman. Nataranta ulet. At tumingin ulet sa aking cellphone para tingnan ang oras. At dito ako napabugtong-hininga. Pasado alas-sais na ng gabi.

Sa pagkakataong 'yon, dito ko nasabi sa sarili ko na, oo, nasa totoong mundo na nga ako. Kasi, nighshift ako sa trabaho ko ngayon kaya imposibleng ma-late ako sa umaga. At dito ko na-realize na, sa panaginip ko, nananaginip daw ako.

Opo, parang... Inception lang.

Picture of the Day



At dahil sa post na 'to. (Memebase)

Music: Johann Sebastian Bach - Minuet and Badinerie
Mood: Hungry. Very hungry.

11 comments:

  1. Can it get any weirder? Hahahaha Sa tunay na buhay, ayokong makawitness ng krimen. Nakakatakot. Nakakatakot para sa katinuan ko. LOL.
    Napadaan lang

    ReplyDelete
  2. Haha ang kulit! Pero alam ko naexperience ko na rin yun nanaginip sa panaginip. Nangyari yun after ko mapanood ang Inception. Palagay ko nangyari yun kasi d ako makaget-over dun sa movie at hanggang sa bago ako matulog yun ang iniisip ko :)

    ReplyDelete
  3. dream within a dream! napakalupit! hahahah. nainggit ako kahit nakakastress yung panaginip mo. wahahaha.

    ReplyDelete
  4. nakakatakot naman ng pinanood mo. di ko yata kaya manood ng ganun. hehe.

    weird ng dream. lagi ka yata nananaginip ng weird. :D anyways, tagal ng hiatus mo. akala ko tuluyan mo nang iiwan ang pink at cute na blog na ito. hehe! welcome backkkk!

    ReplyDelete
  5. grabe ung dream mo man! haha!
    pero astig pag ganyan... a dream within a dream na puro nightmare

    sarap ng feeling pag nagising ka e hindi ka pa pala talaga late haha pero dahil sa dream mo, marami nang nabigyan ng ideya :P lagooot

    ReplyDelete
  6. scary naman ung dream within a dream mo Jakey!


    yes i was in Manila... in and out for the past 3 months. I just came back from Manila today.. I graduated from our coaching program. Bagyo pa graduation namin... buti natuloyyyy!!!! umulan bumagyo lahat POSIBLE + :)

    ReplyDelete
  7. Jake, matagal ko din hinintay yung pagpost mo dito ulit. Naalala ko yung isa mong macro-kwento dun sa first part, yung may krimen atbp. All in all, good read talaga. Every time.

    Ilang taon na din akong sumusubaybay sa mga post mo. Galing talaga, walang kupas. More power!

    ReplyDelete
  8. Hahahhaha! Kakatuwa naman yan! Nangyari na rin sa akin yan. Na-late na raw ako dun sa pupuntahan ko dahil tulog ako at nananaginip. Yun pala panaginip din yung pagka-late. Haha.. Kakatuwa kung pano mag-isip yung brain natin. Napaka-komplikado nagkakaroon ng levels.

    Super ganda ng Inception. One of my favorites talaga!

    ReplyDelete
  9. parang nanaginip din ako ng ganito. wahh katakot kaya yun! worse parang bangungot na.. ang ginagawa ko is magpray at matulog uli.. tsktsk one of the best movies tlga ang inception

    ReplyDelete
  10. yung tipong paggising mo e disoriented ka pa rin... hahaha!

    dati madalas akong managinip ng namumulot ng pera sa daan paggising ko di ko maiwasang kapain ang laman ng aking bulsa! hahaha!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails