Friday, July 15, 2011

Magandang Lalake is Beautiful Man

Sa huling pagkaka-alam ko, isa akong ganap at tunay na lalake. Malaki ang tiyan, laging may extra rice, magandang lalake at makisig, hindi pahuhuli ng buhay, at tigasin kapag nalalamigan.

Ngunit bagama't nalalaman ko ang aking kakisigan at machismo, marami-rami pa rin kasing nagko-"compliment" sa aking mga "lady features." May mga bagay-bagay daw kasi sa akin na parang babae daw. Eh pucha, color scheme pa lang ng blog e.

Pinakamadalas diyan e, lagi daw nilang sinasabi na ang mga daliri ko ay parang mga daliri ng babae. Mahahaba daw kasi. Madalas 'yan. 'Yung mga naging girlfriend ko, 'yan ang isa sa mga pinakauna nilang sinasabi sa akin. Sa tuwing ipapakita ko sa mga kababaihan 'yung mga daliri ko, ewan ko ba kumbakit ang una agad nilang sinasabi, "Jake, pambabae naman 'tong mga daliri mo." Minsan nga naisip ko, magpa-manicure na rin kaya ako, tapos gagawin kong baby pink 'yung mga kuko ko. Lagyan ko na rin ng flowers, para idol.

May isa naman akong kaopisina na nagsabing mala-babae din daw ang mga paa ko. Teka, ano ba'ng meron sa mga paa ko? 'Yung isa ko namang kaopisina din, sabi niya, ang liit daw ng mga paa ko. Ano ba 'tong mga 'to, sadyang may mga fetish sa paa? 'Yung barkada kong kaopisina ko, malupit. Nu'ng nakita niya kasi na bagong pedicure ang mga kuko ko, "ano ba 'yang mga paa mo Jake, baklang bakla."

Hindi rin nakaligtas pati 'yung likuran ko, 'yung lower back ko. Hugis babae daw kasi. Alam mo 'yun, 'yung may pa-curve pa talaga at may shape talaga. Habang bumababa papunta sa sexy butt ko, may kurba talaga. Malalim. Kapag nakahiga ako nang padapa, mukha daw akong model ng likod. Hindi ko alam kung ma-o-offend ako.

Kunsabagay, mahilig ako sa pink. Gusto ko, lahat ng gamit ko pink. Pink na blog, pink na unan, pink na polo t-shirt, pink na DS Lite, pero wala pa akong pink na brief (wala naman yata kasing ganu'n.) 'Yung ID strap ko, pink na Hello Kitty. Sabi ng isa pang kaopisinang babae, "Ang ganda ng ID strap mo. Hello Kitty. Like, it's panalo!" Sinagot ko siya, "tough guys wear pink." Minsan, "pink" din 'yung pabango ko. 'Yung Bench Bratsplash na Strawberry.

Sabihin na lang natin na masyado akong in-touch sa aking "feminine side." Lahat naman daw yata ng mga kalalakihan ay may ganu'n.

I guess that makes me a ridiculously sexy man.

Picture Of The Day


Intiendes? (Monday Thru Friday)

Music: Traffic noises on the street.
Mood: Blank.
Quote: Once you go black, you can never go back.

7 comments:

  1. Ui, may isa pang pink.. yung hand sanitizer mo XD

    Pero seryoso, mukhang babae yung kamay at paa mo..


    Saka "Habang bumababa papunta sa sexy butt ko, may kurba talaga. Malalim." <-- ano yan, dimple? XD

    ReplyDelete
  2. Momo, hindi yun dimple....scar un...hehehe!

    @Jake:
    May pink na brief. May bulaklakin pa nga eh. Sabi yun ni Micah. Tanungin mo na lang sya kung saan makakabili. Hehe!

    ReplyDelete
  3. Tarantado Jake! Malakas lang talaga sex appeal mo kasi mukha kang sex organ!!

    Generic Viagra

    ReplyDelete
  4. kuya gusto kong magconfirm. hahahahahaha! :p

    ReplyDelete
  5. Inggit naman ako at "pambabae" ang mga daliri mo. Yun sa akin kasi hindi. Lagi ko tuloy naiisip na dapat ata e lalaki ako. Yung boyfriend ko din ganyan ang daliri kaya dalawa na kayong kinaiinggitan ko. At ngayon ko lang nalaman na pink ang favorite color mo :)

    ReplyDelete
  6. Haha Jake, napanood ko din yan sa documentary sa tv. May mga guys talaga na in sa pink. Hindi naman ibig sabihin na pag gusto mo yung pink, alangan na sa gender. Stereotyping na lang kung ganun.

    Wala talagang masabi sa writing style mo. Idol!

    Isa ang pagsusulat mo sa mga bagay na nakakaalis sa ng stress sa nakakapagod na araw. More power pre.

    ReplyDelete
  7. ridiculously sexy! lavet! hahahaha. absurdly entertaining post you've got! ;-) and may winning signage pa sa ilalim!

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails