Wednesday, October 26, 2011

Gising Ako Dahil Gutom Ako

Ilang gabi ko na itong pinagdadaanan. Minsan, hindi niya ako pinapatulog. Minsan, ginigising naman niya ako sa gitna ng aking pagkakatulog. Pasulpot-sulpot siya at pilit niyang ginigising ang diwa ko. Hindi niya alintana na may pasok ako sa opisina bukas. Wala siyang pakialam na mahalaga sa akin ang kumpletong tulog. Pinagpupuyatan ko siya ngayon kahit hindi naman kailangan.

At heto na naman ako. Badtrip talaga 'yun kapag bigla kang magigising sa gutom. O hindi ka makatulog sa gabi na alanganin ang oras dahil nagugutom ka (at ayaw mong bumangon).

Nakaka-inis lang kasi, 'di ba, imbes na natutulog ako, namumrublema ako dahil nagugutom ako. Mas nakakabadtrip 'yung gutom na nakakapag-pagising.

Minsan, talagang pinababayaan ko na lang siya. Pinipilit ko pa ring matulog. Ayoko na kasing bumangon. Nakakatamad. Makakatulugan ko rin ito. Babawi na lang ako sa almusal. Basta makuha ko lang ang tama kong posisyon sa pagtulog, magagapi ko ang gutom na ito na gumagambala sa akin.

Eh pa'no 'pag hinde?

Kapag napapa-bangon ako dahil sa gutom na 'to, wala akong choice. Kung sinipag-sipag, magluluto ako ng pancit canton. Titiyagain ko ang pagbili sa tindahan, pagluto, at paghugas ng pinggan. O kaya, lalakarin ko hanggang duon sa may kanto ng Chino Roses Avenue at Gil Puyat Avenue at kumain sa kahit ano'ng fastfood duon. Kung walang-wala na talaga, pasalamat na lang ako at may convenience store sa may katapat na condo.

Ikaw, ano'ng ginagawa mo kapag nagugutom ka sa alanganing oras ng gabi?

Picture Of The Day


LOL. (Monday Thru Friday)

Music: Johann Sebastian Bach - Minuet No. 3
Mood: Blank.
Quote: People often wish to be innocent again. But there is no such thing as innocence. Only ignorance. And the ignorant are not blissful; they're the butt of a joke they're not even aware of. (Neil Strauss)

6 comments:

  1. Idol, parang hindi ka na masyadong nagba-blog ngayon. Once a month na lang. Hehe! Kapag nagugutom ako eh tinutulog ko na lang o kaya iinom na lang ng juice.

    ReplyDelete
  2. Kung ako tatanugin mo di ako bumabagon para kalkalin ang ref bubuksan aabutin ko lang ang DS sa tabi ko at maglalaro ng cooking mama :))

    ReplyDelete
  3. Haha... parang tanong ko lang dati, "Anong uunahin mo, gutom o antok." More often than not, una talaga ang antok..

    Peste lang kung masyado ng malakas ang kulo ng tyan mo.. kaya natutunan kong bumili ng mga "quick fix" tuwing namimili ako.. biscuits or candies... para kung gutom talaga, isang subo, nguya, lunok, ok na ulit. :D

    ReplyDelete
  4. Mag wi-wish na lang ako na sana managinip ako na kumakain ako. Haha. Una talaga ang tulog. ;)

    ReplyDelete
  5. Kahit minsan ka na lang mag-post dahil sa dami na din ng ginagawa, ganun pa din. Galing pa din ng pagkakagawa.

    Well, pagtinamaan ako ng gutom sa gitna ng pagtulog ko maghahanap na ako ng makakain sa ref. Pag wala, idadaan na lang sa tubig.

    ReplyDelete
  6. Ginigising ko kasama ko para mag-drive thru sa Mcdo! Hahaha

    ReplyDelete

Comments are moderated. Credit is good but we need cash.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails