Sunday, August 26, 2012

While I Was Out

It was only after around six month that I decided to do something with this blog again. Take note of the word "only." Sa totoo lang, naka-usap ko kasi sa Facebook ang isa kong kasabayan sa pagba-blog dati kaya naisip ko, "tangina, ano na nga ba nangyari sa blog ko?"

At 'eto na nga, wala namang nangyari sa blog ko dahil, malamang, hindi naman ako nag-post nitong mga nakaraang buwan. Tinanong niya ako kung bakit nga ba hindi na ako nag-blog. Palagay ko, may mangilan na rin siguro ang gusto ring magtanong sa akin nang ganyan. At sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit. Para bang, natatakot ako sa isasagot ko.

Pero kahit walang nangyari sa blog ko, marami namang nangyari sa buhay ko. Pero hindi ko na ilalahad lahat at hindi ko na kayo ibo-bore. Kaya kung ikaw ay isa sa mga ito:

1) Nagbabasa ng blog ko dati,
2) Kilala ako dati,
3) Isa sa mga nagsabing na-inspire daw sa akin kaya nag-blog na din,
4) Hindi ako kilala, hindi alam ang blog na ito, wala lang talagang magawa sa buhay,

...para sa inyo ang post na ito. Siguro kung bago ka lang rito, baka hindi ka maka-relate. Pero okay lang. Siguro, punta ka na lang sa aking Features section.

1) Bahay-trabaho-bahay pa rin sa totoo lang ang karaniwang buhay ko. May mga magaganda at hindi gaanong magagandang nangyari sa akin sa pananatili ko sa opisina ko ngayon. Mahigit dalawang taon na ako duo ngayon. Akalain mo 'yun, two years and some months? Staying and working at the same office?

2) Hindi ko man nagawa at hindi ko rin nakuha ang marami sa gusto ko, may mga kaunting nagawa at nakuha rin ako.

3) Nakabili ako ng sarili kong TV. Namputsa, matagal ko nang gustong magkaroon ng TV kasi disconnected din yata ako dito nang mahigit sa isang taon. At dahil may TV na ako, makaka-relate na ulet ako sa mga usap-usapan sa paligid. Hindi na akong mukhang tanga sa mga balita, at napapanood ko pa ang paborito kong football team: FC Barcelona.

4) SA WAKAS, nakalayas din ako mag-isa! Bumisita ako sa Cebu nitong July para mag-solo vacation sa Bantayan Island. Tama, mga kaibigan! Mag-isa! Sa beach! At dito ko naisip na, mag-a-out of town ako once in a while. May mga lugar akong gustong puntahan at siyempre, sana hindi ito pangarap lang.


Paano po ba mag-soul searching sa maka-lalakeng paraan?

5) Bukod sa blog ko, medyo naging disconnected na din ako sa mga close friends ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit e. Siguro kasi masyado akong naging abala at pagod sa trabaho. Kung aalis ako sa bahay, hindi na lang ako aalis at magpapahinga na lang ako sa bahay. May ilang buwan ko ring hindi nakita ang kahit isa sa mga kaibigan ko. At nitong nakaraang mga linggo lang, nagpasya ako na makipagkita ulit sa kanila. At sa totoo lang, medyo hindi ko nagustuhan ang binalikan ko. Sabihin na lang natin na: may pag-asa ba na magsama-sama ulit kaming lahat, ngayon at may problema sila sa isa't-sa? Totoo nga na ang lahat ng tao ay nagbabago habang panahon.

6) At dahil sa nasabi ko sa huli ng #5, gusto ko na ring magbago - ng lugar, environment, at iba pa. Eh kung... mag-relocate ako sa probinsya?

'Yun na lang muna siguro. At manalig tayo na ang susunod na update ko ay hindi aabot ng anim na buwan. Apir!



Picture Of The Day


TANGINA THIS! (Failbook)

Music: None.
Mood: Unsure.
Quote: None.

Tuesday, February 28, 2012

There Are Places I Remember

Alam mo ba 'yung kakaibang pakiramdam na hatid sa'yo ng isang lugar kapag napupuntahan mo ito? Madalas, ito 'yung mga lugar na masasabi mong memorable, na kapag napupuntahan mo ito, maia-associate mo siya sa isang tao, bagay, o pangyayari na may significance sa iyo, positive man ito o negative.

Ganito kasi 'yung nararamdaman ko everytime na mapapadpad ako sa isang lugar, o kahit 'yung mapapadaan lang. Ang mga lugar na ito kasi ay nagpapa-alala sa akin ng mga bagay-bagay na masasabi kong memorable. Napapangiti na nga lang ako madalas kapag nararamdaman ko na ang aura ng kapaligiran, tapos maiisip ko, "Ah, eto 'yung ano...." o kaya, "dito ako madalas...." Lalo na 'yung mga lugar na madalas kong puntahan dati, halos araw-araw, tapos abrupt na nahinto na ang pagpunta ko rito. "I remember this place."

'Yung Paz Street at ang buong stretch ng Paco Market ang nagpapa-alala sa akin ng buhay ko nu'ng High School. Medyo bagong transplant pa lang ako sa Maynila galing Cavite at talagang tinangay ako sa bilis ng buhay. Naalala ko 'yung mga barkada ko nu'ng 3rd Year. Naalala ko kung saan ako naglalaro ng PlayStation at CounterStrike. Naalala ko 'yung mga bahay ng mga kaklase ko na napupuntahan ko. Naalala ko nu'ng namamalengke pa ako. P2.50 pa ang pamasahe nu'ng 1st Year ako. Dati, kapag bored o inis ako sa bahay, gumagala-gala lang ako sa mga kalsada ng Paco.

At dahil malapit, malaking papel ang ginampanan sa akin ng Robinson's Place Manila. Naabutan ko pa nu'ng may katabi pa siyang malaking hotel. Mula High School hanggang sa mag-dropout ako nu'ng college, halos araw-araw akong laman ng mall na 'yon. Andami kong nakilalang mga tao diyan nu'ng 2002. Nakakatuwa na ang ilan sa kanila ay barkada ko pa hanggang ngayon. It always gives me the chills kapag napupunta ako sa mall na 'yan some years later. Kahit wala akong pera, magpupunta lang ako sa mall at makakasama ko lang sila, lipas na ang problema ko. Pakalat-kalat lang ako diyan at sa paligid. Mula sa mall, tumatambay kasi sa kung saan-saan malapit diyan kapag hindi pa tapos ang araw. Kapag nagpupunta ako diyan ngayon, naalala ko kung saan kami nakatambay, kung anu-ano ang mga ginagawa namin, at kung paano kami nagsasayang ng oras diyan. At pagdating ng gabi, madalas e naka-kalat kami sa Ermita o Malate. Nami-miss ko na ang lahat ng mga naging kabarkada ko.

Nu'ng mag-college na ako, medyo madalas naman ako noon sa SM Manila. Napaka-memorable sa akin ng lugar na ito pagdating sa usapang lovelife. Well, hindi buong lovelife, kundi sa naging lovelife ko with a specific girl. Dito kasi kami unang nagkita, dito kami madalas tumambay, dito kami nakipaghiwalay sa isa't-isa. Iyak-tawa ako kapag naalala ko ang chapter na 'yon ng lovelife ko kapag napupunta ako ngayon diyan. Siya kasi ang naging dahilan noon kaya ako nag-blog. Bukod sa kanya, dito rin ang default choice ko kung makikipag-"eyeball" ako dati nu'ng kausuhan pa ng mIRC. May ilang dati kong naging girlfriend ang nai-date ko sa mall na ito, bago ko siya nakilala. So kapag napapadaan ako du'n sa park ni Bonifacio du'n sa harap ng mall, naalala ko 'yung mga times na nakatambay lang kami duon. Meron pa akong naalala na isa pang babae bukod sa kanya - 'yun ay 'yung pinaka-una kong "the one that got away."

Kung iisipin ko tuloy ngayon, andami kong memorable places sa Manila at iba pang mga lugar mula 1998 hanggang 2003 - 'yung mga lugar na marami akong nakasalamuhang tao, 'yung mga lugar na pinangyarihan ng mga memorable events sa buhay ko. LRT, Intramuros, Cubao, SM Megamall, Caloocan, Libertad, Rajah Sulayman Park (Baywalk!), at kung anu-ano pa. Kaya every time na magagawi ako sa Manila mula Makati kung saan ako nakatira ngayon, parang tumawid ako sa oras gamit ang time machine. O kaya parang nanonood ako ng sarili kong biopic.

Sabi ko na nga ba, medyo matagal na pala akong deprived sa lakwatsa. Iba na talaga ang "busy sa work."



Picture Of The Day


You can't get a job because you don't have any job experience. You can't get job experience because you never had a job. (Mondays Thru Fridays)


Music: Jackson 5 - ABC
Mood: Mixed

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails